Chapter 6
Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)
Aya's POV
"Sige ba, Jade. Sabihan mo na lang ako kung kailan! I'm willing to help. Ikaw ha, gusto mo pala bestfriend ko ah." panunukso ko rito. Agad naman niya akong binatukan, aray ha.
"Ay sorry sa batok. Ikaw kasi eh. 'Wag kang mang-aasar sa room ah, ayokong malaman ng iba." pakiki-usap nito sa 'kin. So ako lang may alam na gusto niya si Sophie?
"Oo, ikaw lang kasi may alam. Maski sila Miles, Camryn, at Gaia hindi alam yung tungkol diyan kaya 'wag kang maingay kahit sa mga kaibigan niyo ni Sophie ha!?" dagdag pa nito na akala mo'y nababasa ang nasa utak ko at nasagot niya bigla ang mga katanungan ng isip ko kanina. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon at sumenyas na sinarado at zipper ko na ang bibig ko.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin ang order namin at nagpaalam na ulit si Jade na mauuna na siya. Lumabas na rin naman ako at saktong may taxi na kaya sumakay agad ako.
"Sa may Sandford Mansion lang po, Manong." tila ba nagulat si Manong sa sinabi kong lugar kung saan niya ako ibababa at para bang nagtataka na hindi makapaniwala. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya. Mahirap na, baka mairapan ko pa si Manong sa panghuhusga niya sa 'kin, eme.
Habang nasa byahe ay kinakain ko lamang yung fries na nilibre kanina ni Jade sa 'kin sa Potato Corner. Wala namang traffic kaya naging mabilis lang din ang byahe.\
Pagkauwi ko sa mansion ay agad akong umakyat para puntahan ang halimaw kong amo at binuksan agad ang pinto sabay dire-diretsong pumasok sa loob. "Hey, don't you know how to knock?" mataray na saad naman nito.
"Excuse me, ang bigat-bigat ng dala ko tapos for sure namang hindi ka gentlewoman kahit na kumatok ako."Â pabalik na pagtataray ko naman dito.
Binaksan ko naman agad ang mga gamit niya sa harapan niya. "Hoy ikaw halimaw ka, ang lakas mong mag-utos at magpabili pero wala ka manlang inabot na pera? Kapal ah." seryoso kong saad dito habang nanonood ito ng tv. Humarang naman ako kaya napatingin ito sa akin.
"You didn't even ask me to give you." ay wow, so kasalanan ko pang hindi ako nanghingi ng pangbayad kahit na siya yung nag-utos? Wow ha.
"Ay ikaw ho kasi yung nag-utos so dapat siguro ikaw ho yung magkusa 'no?" inirapan lang ako nito sa sinabi ko at kinuha agad yung wallet sabay kuha ng pera at inabot sa 'kin. Akma namang aabutin ko na ay bigla nitong binitawan ang pera kaya nahulog pa sa sahig. Pinagpulot pa nga, angas. Bait mo pre.
"Kulang pa ng 50 pesos 'tong binigay mo." sinamaan lang ulit ako ng tingin sabay kuha ng 50 sa wallet niya at gaya kanina, binitawan ulit nito nung akmang kukunin ko na. Napaka-galing talaga.
Pagkatapos ay nanood na ulit siya ng tv na para bang wala ako sa harap niya. Padabog ko tuloy siyang nilayasan at pumunta na sa kwarto ko.
Nakita ko namang tumatawag sila Maeve sa group chat namin kaya agad akong sumali sa kanila.
"Oh hello sissy girly!!" bati ni Maeve sa 'kin.
"Uy anteh, ang tagal mag-join ah. Bakit mukhang iritado ka HAHAHAHAHA!" pang-aasar naman sa 'kin ni Shaina. "Alam niyo na kung bakit." saad ko naman at na-gets naman nila agad 'yon.
"Aya, we were talking about my birthday kasi. It's already near na and I want to invite the three of you. Actually kasama rin sila Miles so I hope it's fine with you, Aya." nagulat naman ako dahil ako yung tinanong eh hindi naman ako yung may birthday, huhu nakakahiya.
"Uy hala oo naman. Birthday mo 'yon eh, kaya kung sino gusto mong imbitahin eh go lang, Sophie. Oo nga pala, nakakahiya. Wala akong matinong damit at hindi rin naman ako marunong mag-ayos." ngiti ko rito sabay thumbs up sa kaniya. Nginitian din naman niya ako pabalik.
Si Shaina naman ay nakangiti ng nakakaloko kaya agad ko itong tinanong kung anong meron.
"Hoy ang creepy mo naman, ba't nakangiti ka." tanong ko rito. Ngumiti rin naman yung dalawa at sinakyan ang trip ni Shaina.
"Kami na ang bahala sa 'yo, basta sumama ka sa 'min ni Maeve bago ang party ni Sophie." saad naman ni Maeve sa 'kin. Sabi na may balak kaya nakangiti ng ganon eh.
"Luh, ayoko. Ano na namang trip niyo sa 'kin." tanong ko sa mga ito. Mahirap na, wala akong tiwala sa mga kaibigan ko. Charot!
"Basta, magtiwala ka sa 'min." pangiti-ngiting nakakaloko naman na sabi ni Shaina. Hays, fine.
Miles' POV
I was watching a movie on my phone when I heard a notification sound. It was Sophie sending a text message.
"Hi, Miles! It's my birthday on saturday, gusto ko lang sana kayong iinvite ng friends mo to come at my party. I'll be expecting you guys there!"Â oh, it's her birthday.
I just forwarded the text message to my buddies on our group chat, and they naturally asked if I was coming. Obviously, I will. It would be impolite to turn down such an invitation. That's not my type of personality.
Aya's POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin sa call ay agad din namang tumunog ulit ang aking phone at nakita kong may message na galing kay Jade. Sabi nito ay tumawag daw ako. Ay ang galing, ako pa talaga ang tatawag eh nakapag-text na nga siya.
Tinawagan ko rin naman agad siya at makalipas lang ang ilang segundo ay may sumagot na rito.
"AYAAAAA!" sigaw nito pagkasagot sa tawag ko. Ang ingay amp.
"Aray ang sakit sa tenga! Ang ingay mo!!!" sigaw ko pabalik dito. Narinig ko namang tumawa siya ng malakas.
"Ay sorry HAHAHAHAHA!" paumanhin nito sa 'kin. "So bakit nga?" pagtatanong ko naman sa kaniya na tila ba nakalimutan atang may sasabihin siya dahil puro na siya tawa. Agad naman din siyang tumahimik pagkatapos kong magtanong.
"Kasi ano... Pwede mo ba 'kong samahan bukas? Diba birthday ni Sophie sa sabado? Eh gusto ko sanang mamili bukas ng ibibigay ko sa kaniya. Free ka ba?" medyo pabebe nitong tanong sa 'kin. Ang corny naman talaga oh. Eme, inggit lang ako.
"Oo naman, sabihan mo lang ako kung anong oras." agad naman akong pumayag sa sinabi niya.
"Ayun oh! Salamat, Aya!!! Mga hapon pa naman pero sasabihan na lang ulit kita bukas. Thank you talagaaa!!" excited na saad nito at agad ding binaba ang tawag. Sana all na lang talaga sa mga ganyang bagay.
--------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
- expect for grammatical & typographical errors
- separate story from reality
- feel free to give feedback
- the author is not a professional writer so don't expect too much