Tahimik lamang akong nanonood kay Hendrix na ngayon ay sinusubukang practice-in ang kaniyang kakantahin. Maingay nga lang ang mga kaklase namin kaya hindi rin siya gaanong makapag-focus.
Bakit kasi hindi siya sa loob mag-practice, 'di ba?
Napaawang naman bigla ang labi ko nang maramdamang may tumulak sa ulo ko.
"Problema mo?" naiinis na tanong ko kay Daryl. Minsan talaga tamang-tama ang timing niyang mang-inis.
Kumunot ang noo ko nang makitang hindi naman siya nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya habang pinapanood ang kaniyang kaibigan.
Umirap ako. Bahala nga siya!
Bumuntonghininga ako bago muling binalingan ng atensyon ang mga kumag na nagsasayaw. May sari-sarili silang mundo nang tahimik akong maglakad palapit sa kanila. Hindi naman ako gumawa ng ingay pero mabilis ko pa ring nakuha ang atensyon nila.
"Siguro mag-focus kayo sa unang part ng kanta. Iyon kasi ang hindi makuha noong iba... mali sa timing."
Kinuha ko ang cellphone ko para ipakita sa kanila kung saang parte sila madalas na magkamali. They were attentive, though. Wala naman akong naririnig na reklamo.
"Hanggang doon ang practice-in niyo. Pwedeng magsama-sama na kayo para mapansin ng isa't isa ang pagkakamali nila. Just leave a space for Hendrix," mahinahong utos ko.
Pagkatapos ko roon ay bumalik na ako kung nasaan si Hendrix. Nakaupo na ngayon sa tabi niya si Daryl na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya. Para kasing ayaw niyang binabalik-balikan ko si Hendrix, e.
"Doon kayo sa loob," utos ko at itinuro ang mga kaklase naming nagtitiis sa mahinang sound ng kanta dahil ayaw maistorbo si Hendrix.
Mabilis namang sumunod ang dalawa kaya bumalik na ulit ako sa mga nagsasayaw. Umupo ako sa harap nila. Inulit agad nila ang ginagawa para mapanood ko mula sa umpisa.
Ayaw ko silang paulit-ulitin dahil alam kong napapagod na sila pero iyon ang kailangan para ma-perfect talaga ang sayaw. "Ulit!" Ilang beses ko ring nabanggit ang salitang iyon sa loob lang ng isang oras kaya hindi na ako nagtaka noong magmura na si JM.
"Tangina naman!" inis niyang sigaw at tumigil na sa pagsasayaw. "Ilang beses mo na kaming pinapaulit-ulit!"
"Ilang beses na rin kasi kayong nagkakamali." Tumayo ako para makausap siya ng ayos.
"Nakakapagod na!" sigaw niya pa sa akin.
Humalukipkip naman ako. "Sa tingin mo ba hindi ako napapagod?"
"Wow... Nakaupo ka nga lang d'yan at pinahihirapan kami!" Mabilis siyang kinapitan ng mga katabi dahil akmang lalapit sa akin. Pinigilan na rin siyang magsalita nina Austin pero masama pa rin ang tingin niya sa akin.
Lumapit ako sa kaniya, nakakunot ang noo. "Nanonood lang? Pinapaulit-ulit ko kayo kasi nagkakamali kayo! Bakit? Ano bang gusto mo? Hayaan ko lang kayo sa ginagawa niyo? E' para saan pa 'tong practice na 'to?"
Naglakad palapit sa akin si Shawn. I didn't back down. Hinintay ko siyang lumapit sa akin, handa na kung aawayin man niya pero hindi niya ginawa. Dire-diretso ang lakad niya at nilingon lang ng isang beses si JM.
"Tama na, JM," seryosong sabi niya kaya wala nang nagawa ang isa.
"Kumain muna siguro tayo?" si Kian. Tumango ako at nauna nang maglakad sa kanila.
"Oh. Tatawagin ko na sana kayo." Nakangiti ang mommy ni Daryl nang makasalubong namin. Ngumiti rin ako bago naghila ng upuan para makaupo na.
"Kumusta ang practice niyo?" tanong niya sa amin habang nakain na kami.
Sa akin siya nakatingin pero wala akong balak na sumagot dahil baka ang nangyari kanina ang masabi ko. Sasabihin kong nagkakagulo at nagsisigawan kami? Siniko ako ni Daryl pero hindi pa rin ako kumibo.
"Okay naman po." Si Alexis na ang sumagot. Silang dalawa ni Daryl ang katabi ko kaya pansin nila na ang pagiging tahimik ko.
"Mommy?" I stopped moving when I heard a kid's voice.
Kumunot ang noo ko. Wala naman akong maalala na may bata sa bahay na 'to. Nilingon ko si Daryl.
"Sino 'yon?" tanong ko agad. Baka kasi ako lang pala ang nakakarinig no'n!
"Kapatid ko," sagot niya habang nilalagyan ng tubig ang baso ko.
Ako naman ay nakaramdam ng ginhawa nang malamang kapatid niya pala iyon. Pero may kapatid pala siya?
Hinanap ko kung nasaan ang bata pero wala akong nakita. Kahit sa tabi ng mommy ni Daryl. Nakaramdam naman ako ng galaw sa tabi ko kaya nilingon ko iyon.
"Fuck!" gulat na sigaw ko nang makita ang bata roon.
Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang ma-realize na nagmura ako at sa harap pa ng bata at ng mommy ni Daryl! Nakarinig ako ng mahihinang tawanan na hindi ko masita-sita dahil nasa tabi ko pa rin ang kapatid ni Daryl.
"What's your name po?" he asked politely.
Nawala naman na ang gulat na naramdaman ko. "Emerald Jade," I answered while smiling.
He's cute, huh?
"What's your name?" I asked him.
He smiled widely. "Darius po." Tumakbo na siya palapit sa mommy.
After eating, we took a rest for at least 10 minutes before continuing their practice. I told Hendrix and Daryl to stay inside the house so they can practice their song without distractions.
Nagsimula naman agad sina Austin. Sabi ko ay huwag munang bigyan ng mataas na energy dahil nga kakakain lang.
Nakuha ko na ang gusto kong makitang sayaw nila sa simula kaya nagtuloy-tuloy na hanggang chorus. Medyo hindi lang sila sabay-sabay roon pero hindi ko na pinansin dahil sila na mismo ang nagtatama sa sarili nila.
Sa padulong parte naman sila nagkagulo. Kusa silang napatigil lahat dahil alam nilang naging magulo ang sayaw nila. Akala ko ay katulad kanina ang mangyayari, akala ko magiging kalmado lang ang lahat pero hindi. Nagsimula na silang magbangayan!
"Dito ka dapat sa gilid ko, 'di ba?"
"Huwag kang masyadong humakbang pauna dahil nagkakabungguan tayo!"
"Pagkatapos nga kasi 'non, pupunta na tayo sa gilid!"
"Bilis-bilisan mo naman kasi ng kaunti ang galaw mo. Kaya ka nahuhuli, e!"
Sabay-sabay silang nagsasalita kaya hindi ko na makuha kung sino-sino ang mga nagsasalitang 'yon.
Kumikirot na rin ang ulo ko dahil sa ingay nila. Bumuntonghininga ako at naghintay ng ilan pang segundo pero ayaw talagang humupa ng ingay nila.
"Tumigil nga kayo!" malakas at galit na sigaw ko.
Agad nanahimik ang iba pero ang iba ay nagbubulungan pa rin.
"Panoorin niyo ulit ang ginagayahan niyo saka kayo magsimula ulit!" Umirap ako at ang isang kamay ay napapahilot na sa sentido.
Lumapit naman sa akin si Austin. "Jade, meron kasing part na hindi kita sa video na ginagayahan ko," nahihiyang sabi niya.
Kinuha ko ang cellphone niya at nag-search ng naka-focus lang doon sa in-assign ko sa kaniyang gayahin.
Umalis din naman siya agad sa tabi ko nang makuha ang gusto. Naupo muna ako at pumikit. Feeling ko ay magkakasakit ako.
Naramdaman kong may gumalaw sa gilid ko. Naamoy ko ang pamilyar na scent noon kaya nakilala ko agad.
"Stress?" he asked.
"Obviously." I opened my eyes but I didn't look at him.
"I'm done practicing my part. Kabisado ko na rin," ani niya. Ramdam ko ang titig niya sa akin kaya hindi ko magawa-gawang lumingon.
"Look at her, ang gulo niyo kasi."
"Kami lang ba? Si JM ang sisihin niyo, inaway niya, e."
"At bakit ako?"
Umirap ako at umayos ng tayo nang marinig ang bulungan nila. Rinig ko naman bumulong-bulong pa!
We started all over again. They managed to be patient with me while I am still trying my best to prolong my patience.
Kapag nagkakamali sila ay agad na nilang inaamin iyon kaya natuturuan agad sila ng katabi. At kapag may nagkakamali naman sa timing, kusa na silang titigil at uulitin ang music para ulitin muli sa umpisa.
Gabi na rin sila natapos. Ako naman ay umuwi ng tama sa oras para hindi magalit sa akin si Kuya Anthony. Baka kasi hindi na ako payagan sa susunod kapag sumuway ako sa rules niya!
Ganoon ulit ang oras ng practice namin kinabukasan. Nalaman kong hindi na pala umuwi ang mga kaklase ko. Dito na sila natulog kina Daryl.
Tapos naman na raw practice-in ni Hendrix ang kanta niya kaya sasabay na raw siya sa kanila ngayon. Nag-practice naman daw siya kagabi at naturuan din ni Ivan kaya makakasunod siya sa steps.
Nagsimula na sila agad. Mukhang mga atat na rin matapos ang paghihirap nila. Okay naman na ngayon. Si Hendrix ay nangangapa pa sa galaw ng mga kasama niya kaya hinayaan ko muna siya at hindi na muna pinansin. Hindi naman sumasablay ang iba kaya alam kong malapit na nilang ma-perfect.
Okay. It was fine, yes. But not until they reached the middle part of the song. It was a mess! I immediately stopped the song.
"Hindi na kayo sabay-sabay," mahinahong sabi ko.
"Sorry..." mahaba nilang sabi. Sina JM lang ang nakita kong hindi umimik.
"Okay na iyong sa simula niyo. Sa gitna na lang tayo magsimula," sabi ko para hindi na sila mahirapan pa ng husto. Saka na lang ulit uulit-ulitin kapag nakuha na nila ng maayos ang lahat.
Hindi naman maiiwasang magkaroon ng kaunting pagkakamali kaya hindi ko na lang pinapansin kapag maliit lang naman. Alam naman nila na nagkamali sila dahil nakikita ko 'yon sa expression ng mukha nila kaya alam kong aayusin din nila iyon sa sunod. Pinapansin at pinapatigil ko lang sila kapag apektado ang buong sayaw sa pagkakamali ng isa.
Dumating ang mommy ni Daryl, may dalang mga pagkain. Sa likod ni Tita ay naroon ang dalawang katulong, may dalang juice at mga baso.
Dito na kami kumain. Malapit na ring mag-lunch. Mataas na rin ang araw. Pabilog ang upo namin kaya kitang-kita ang mukha ng bawat isa. Halata sa mga mukha nila ang pagod pero mga nakangiti pa rin. Nagpupunas ng pawis si Ivan habang nagsasalita at nagkukuwento ng kung ano-ano. Babarahin siya ni Neil kung minsan at magtatawanan naman agad ang iba.
Si Austin naman ang nagsasalita ngayon. Puro kalokohan lang naman ang kinukuwento kaya napapailing na lang ako. I ate my sandwich silently. Nakikinig lang ako sa mga kalokohang kinukuwento ng bawat isa. Maiingay sila at nagtatawanan. Buti na lang at wala pang nagrereklamong kapitbahay.
"Did you guys sleep?" I asked out of nowhere.
Napayuko at natigilan agad ang iba. Umawang naman ang labi ko. Mahirap din mag-practice ng walang tulog! Baka mag-faint na lang sila bigla rito!
"Kaunti lang ang naitulog ko pero ayos lang naman 'yon! Ayaw ko na magkamali, 'no! Para rin hindi ka na mahirapan sa amin," pabulong na ang huling sinabi ni Austin.
"Dapat nga ay nagpa-practice ka na ngayon kasama 'yang si Daryl pero nandito ka at itinatama kami," si Ezekiel.
Nagulat ako sa kaniya at sa sinabi niya pero ngumiti rin agad ako. Baka bawiin niya pa ang pagiging sincere niya, e!
Buti na lang pala at hindi ko na itinuloy ang plano kong pahirapan sila ng husto! Iyon pa naman ang balak ko kahapon.
Bumuntonghininga ako. Puyat din ako katulad nila dahil nag-practice rin ako kagabi ng kanta namin ni Daryl at p-in-ractice ko na rin iyong sa sayaw namin nina Dianne.
"Okay ka na ba Hendrix?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Napatigil siya sa pagkain at muntik pang masamid.
"Huh? Oo. Okay na ako. Madali lang naman 'yung akin, alam ko naman kasi 'yung kanta." Ngumiti siya pagkatapos.
"Ikaw ba, Daryl?" mataray na tanong ko naman sa katabi ko. Hindi ko kasi alam kung nag-practice ba kasi talaga 'to kahapon! Baka natulog lang at sa panaginip nagsaulo ng lyrics.
He scoffed. "Okay na. Salamat sa concern."
Ngumiti ako ng palihim nang magsimula na ulit sila at wala na akong nakikitang nagkakamali sa steps. Kahit si Hendrix ay nakakahabol na rin kaya hindi nagkaproblema sa kaniya. Ang pagkakasabay-sabay na lang nila ang kailangan linisin at okay na.
Akala ko pa naman ay mahihirapan sila sa pagsaulo ng sayaw at kukulangin sila sa araw ng practice pero mukhang mape-perfect na agad nila ng dalawang araw lang.