Chapter 30: Kabanata 28

The Only GirlWords: 13577

Simula na ang School Festival. At dahil walang uwian, kaniya-kaniya kami ng dalang mga higaan at pagkain. Inayos namin ang mga upuan at inilagay lahat sa tabi para ang space sa gitna ang lugar kung saan kami matutulog.

Pina-practice ulit ni Hendrix ang kanta niya dahil ngayon siya magpe-perform. Malakas ang bangayan ni Austin at ni Ivan kaya hindi ko sigurado kung nakakapag-practice ba ng maayos 'tong si Hendrix.

"Anong oras daw ba ang simula?" tanong ni Alexis kay Daryl at nilapitan ang isa pang kaibigan. "Okay na 'yan, p're. Kaya mo 'yan!" Halatang kinakabahan para kay Hendrix.

"Nine pa raw," maikling sagot ni Daryl habang nakasandal sa hamba ng pinto.

"Alam mo? Hindi ka makakapag-perform ng maayos kapag kinakabahan ka," sabi ko at lumapit na rin kay Hendrix.

"Baka kasi matalo ang section natin dahil sa akin. Nakakahiya naman kung ganoon," kinakabahan niyang sabi at ibinaba saglit ang gitara.

"Manalo o matalo... okay lang naman. Mag-enjoy ka lang." Ngumiti ako ng pilit. Hindi ako sanay na natatalo ako pero ayos lang naman kung matalo ang section namin. Hindi naman sa lahat ng oras panalo ka. Kailangan din nating matutong tumanggap ng pagkatalo.

"Oo nga naman," si Austin. "Pero sure naman akong panalo ka, 'no! Ikaw pa! Kapag sumasali ka kaya sa mga ganito ay palagi kang nananalo."

Inaayos na namin ang mga gamit namin ngayon. Mamaya kasi ay manonood kaming lahat, walang maiiwan dito sa room kaya syempre nag-aalala ang mga kaklase ko sa mga pagkaing maiiwan nila. At oo, sa pagkain lang sila nag-aalala!

I blew a loud breath while eyeing the stage. Maganda naman ang mga disenyo ng stage. Hindi nakaka-disappoint. Nasa backstage na ang mga magpe-perform.

Pagkatapos ng dasal at kung anu-ano pa. Umakyat na ang host sa stage. Nakasuot siya ng makulay na suit kaya medyo napangiwi ako. Natawa naman ang mga katabi ko.

"Ready na ba kayo?!" malakas na sabi ng bakla.

Napatakip ako sa tainga dahil sa lakas ng boses nito. Kahit yata hindi siya naka-microphone ay maririnig namin siya.

Naghiyawan naman ang mga tao at ganoon din ang mga katabi ko. Napailing na lamang ako habang nakikinig sa host. Madami pa siyang sinabi na halos hindi ko na maintindihan dahil ang iingay ng mga tao. Halatang excited na sa mga magpe-peform.

"Okay!" He shushed them. "To begin our School Festival... We will be having a Solo Singing Contest!"

Lintik na boses 'yan!

Lalo namang lumakas ang ingay dahil nalaman na magsisimula na. They were chanting their sections. Hindi naman nagpapatalo ang mga kaklase ko! Hindi kasali ang ibang grade levels kaya nanonood lang sila.

Tinawag na ang unang magpe-perform. Malakas na hiyawan galing sa mga kaklase niya ang bumungad sa kaniya. Hindi ko kilala ang lalaki pero base pa lamang sa choice of music niya ay alam ko na agad na hindi ito mananalo. Tinatamad na pumalakpak ako nang matapos ang kanta niya.

"Let's give a round of applause. He still did well, though his choice of music doesn't fit well on his voice," the host commented.

Hindi niya naman kailangang sabihin 'yon. Tss. Umirap ako at hinintay siyang umalis na muli sa stage dahil susunod na ang section nina Andrei.

Si Rio ang magpe-perform sa kanila. May dala itong gitara kaya umayos ako ng upo para mapanood siya ng maayos. She fixed herself first before smiling at the crowd. I saw Ezekiel shifted on his seat uncomfortably. Nasa unahan ko siya kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya. Nakita ko rin na siniko siya ni Ivan, inaasar.

Kumunot naman ang noo ko. Anong meron?

Rio started playing Cornelia Street by Taylor Swift. Everyone yelled in excitement.

"We were in the backseat

Drunk on something stronger

Than the drinks in the bar"

Ngumiti siya. Nahawi ang kaniyang buhok dahil sa hangin. Kumunot ang noo ko at agad na napatingin kay Ezekiel nang makita ang initial na nasa necklace ni Rio. Maliit lang 'yon at hindi pansin kanina dahil natatakpan ng buhok.

Now, I'm curious about the two!

Tumingin ako sa katabi ko para sana magtanong pero nahuli kong masama ang titig nito sa akin. Umirap ako at hindi na itinuloy ang balak. Akala mo kasi pinaglihi sa sama ng loob 'tong si Daryl, e. Palaging galit!

May mga nagvi-video kay Rio habang nakanta ito. Mukhang sanay rin naman siya sa crowd dahil hindi ako nakakakita ng kaba sa mukha niya.

"And I hope I never lose you

Hope it never ends

I'd never walk Cornelia Street again

That's the kind of heartbreak time could never mend

I'd never walk Cornelia Street again"

Tumingin akong muli kay Ezekiel. Ang katabi niya ay tuwang-tuwa dahil inaasar siya pero mukhang hindi siya masaya. His eyes were filled with longing and... regrets.

Her performance ended with a big round of applause and cheering. Napunta nang muli sa kaniya ang atensyon kaya napapalakpak na lang din ako.

Muling lumabas ang host sa stage at pinakilala ang sunod na kakanta. Napataas ang isang kilay ko nang marinig ang kakantahin niya. When I Look At You by Miley Cyrus. That's a nice song but I doubt that she's confident to sing it. Mukha kasi siyang kinakabahan!

"Iyak siya'y," natatawang sabi ni Austin nang tumakbo na sa backstage ang babae.

Umiyak ito dahil siguro ay napahiya. Pumiyok kasi siya nang isang beses pero tinapos niya pa rin naman ang kanta niya.

The host tried to lighten up the mood of the audience. Na-disappoint kasi ang iba. "And for our next performer... Section E!"

What the... si Hendrix na.

"Hala! Hala! Ayan na siya!" kinakabahang sigaw ni Austin.

"Hendrix namin 'yan! Go, bebe ko!" sigaw ni Alexis. Napailing na lamang ako habang nakangiti. Nakita ko namang nabawasan ang kaba ni Hendrix dahil sa suporta ng mga kaibigan.

He set up his guitar first before looking directly at the crowd.

"Closed off from love, I didn't need the pain

Once or twice was enough and it was all in vain

Time starts to pass, before you know it you're frozen, mmm"

Mas lumakas ang tilian ng mga babae nang marinig ang boses niya. Ngumiti ako nang mapunta sa akin ang tingin niya.

"But something happened for the very first time with you

My heart melts into the ground, found something true

And everyone's looking 'round, thinking I'm going crazy, ay-yea"

What a nice voice he has.

"But I don't care what they say

I'm in love with you"

I stilled while watching him sing that line. His eyes were fixed on me as if I'm the only one that is watching. I suddenly feel awkward.

"They try to pull me away

But they don't know the truth

My heart's crippled by the vein

That I keep on closing

You cut me open and I"

This time, his eyes are now looking around. Baka nag-assume lang ako kanina na nakatingin siya sa akin habang kumakanta. Napadaan lang naman siguro ang tingin niya sa akin katulad noong una.

He knows how to control his voice kaya kahit mataas na ay hindi masakit sa tainga pakinggan. Pakiramdam mo ay ikaw ang kinakantahan kapag kumakanta siya. Ngayon sigurado akong sino man sa kanilang dalawa ni Rio ang mananalo.

Agad nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos niyang kumanta. Maraming kinilig na babae sa boses niya! He bowed while smiling before leaving the stage.

"Ang galing niya, puta!" sabi ni Alexis at nagkunwaring naiiyak. Mukha tuloy siyang proud na tatay ni Hendrix.

Gago talaga.

"Galing mo, Papa Hendrix!" sigaw pa ni Austin.

Tinapos namin ang kanta ng huling performer bago bumalik sa classroom. May mga palaro pa ang host pero hindi na namin inisip na sumali dahil nagugutom na kami. Nasa amin na rin naman si Hendrix.

"Ang ganda pala talaga ng boses mo," sabi ko kay Hendrix habang magkatabi kami.

Napangiti naman siya dahil doon. "Salamat."

I bit my lower lip before looking away. I'm trying my best not to laugh because I saw how his ears turned red when I complimented him!

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Austin sa harap namin. Hinihingal pa at mukhang galing sa pagtakbo.

"Lahat daw tutulong sa paglilinis," hinihingal niyang sabi.

"Paglilinis?" naninigurong tanong ko. Wala ba silang janitor dito?

"Oo," si Neil. May dala-dala na siyang panglinis. "Gano'n talaga ang School Festival dito, Jade. Makulit kasi ang mga estudyante, tapon nang tapon ng basura kung saan," dagdag niya pang sabi.

Umirap ako at bumuntonghininga bago sumunod sa kanila. Sa bahay nga ay hindi ako naglilinis tapos paglilinisin nila ako rito? Where's the justice?

"Ba't nakasimangot ka na d'yan?" Mahinang dinali ni Daryl ang balikat ko para makuha niya ang atensyon ko.

Ngumuso ako at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. "Ayaw kong maglinis."

Napansin kong saglit siyang natigilan at pagkatapos no'n ay walang lingon-likod siyang umalis.

"Hindi ka naglilinis sa inyo, 'no?" nang-aasar na tanong sa akin ni Harry. Hindi ako sumagot dahil alam kong aasarin lang nila ako lalo.

"Tamad ka pala," ani ni Calyx na nakapagpairap muli sa akin.

Sasagot sana ako nang pabalang pero hindi ko na ginawa. Being lazy isn't something to be proud of, 'no.

Nagpunta na kami sa lugar kung saan kami maglilinis. Akala ko ay kami lang inutusan ng gano'n pero hindi pala dahil meron kaming kasama. Kumuha sila ng kani-kanilang panglinis kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.

Nakasalubong ko si Harry at wala siyang dala kaya sa kaniya ko na lang ibinigay iyong outdoor broom at dustpan na hawak ko.

Nagpulot na lamang ako ng mga kalat na hindi ganoon kadumi at itinapon sa basurahan na hawak ni Ivan.

Naabutan ko si Daryl na nakatayo lamang at itinuturo lang kay Austin kung saan makalat. Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Alexis.

"Kung tumutulong ka kaya!" inis na sabi ni Alexis sa kaniya.

Binato ni Hendrix kay Daryl ang isang broom na hawak. Umirap si Daryl pero tumulong din naman. Si Alexis ay umalis na dahil nagpapatulong si Ezekiel na magtapon ng basura.

Bakit sila pumapayag na maglinis dito? Ang mahal-mahal ng bayad sa tuition, bakit hindi sila mag-hire ng maraming janitor?

"Bakit ba tayo ang pinaglilinis dito?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"Kasi nga makulit ang mga estudyante, kalat nang kalat kung saan-saan," si Calyx.

"Oo nga. Pero bakit tayo nga ang pinaglilinis?" ulit ko pa.

"Parusa na rin dahil mga hindi marunong makinig," si Austin naman ang sumagot.

"Puta naman! Hindi kasi gan'yan! Ano ba naman 'tong mga 'to," stressed na sabi ni James kaya natawa na lang ako habang pinapanood siyang turuan si Daryl kung paano gamitin 'yon.

Nauna na silang bumalik sa classroom pagkatapos. Ako kasi ay pinatawag pa ni Sir Jayson. Sinabihan ko na rin naman sila na mag-practice muna ng sayaw bago maglaro.

"May plano na ba kayo tungkol sa gagawin niyong sayaw?" tanong ni Mrs. Santos.

"Meron na po, saulo naman po namin 'yung sayaw. Kailangan na lang po linisin," sagot ni Dianne.

"Kaya niyo bang mag-practice ngayon?" tanong ni Sir Jayson. "Titingnan kasi sana namin."

"Uh, opo," si Dianne ulit ang sumagot.

Ngumuso ako at tumabi na sa kanila para masimulan na ang practice. Wala namang mga tao ngayon kaya walang ibang manonood sa amin bukod sa mga teachers.

We decided not to sing muna para maipakita namin ng maayos 'yung sayaw sa mga teachers.

Napapakagat na lamang ako sa labi ko sa tuwing nakikita kong may nagkakamali sa amin.

I stopped dancing. Tumigil din sila dahil napansin ako.

"You keep on messing up, Lei," medyo iritadong sabi ko. "And stop stepping on my foot intentionally, will you?"

Akala niya siguro ay hindi ko napapansin na sinasadya niyang bungguin ako at apakan ang paa ko sa tuwing magkakalapit kami.

"Calm down, everyone. Stop fighting, you two. Hanggang dito ba naman? If you want your performance to be perfect, isantabi niyo muna ang galit niyo sa isa't isa." Lumapit sa amin si Sir Jayson.

We practiced two more times before we decided to continue it tomorrow. Maayos naman na dahil hindi na ako ginugulo ni Lei Anne. Kailangan na lang linisin iyong paglipat-lipat namin ng positions.

"Tapos na kayo?" Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang makasalubong si Daryl sa daan.

Napatingin ako sa hawak niya. May dala siyang tubig.

"Tubig." Inabot niya sa akin ang hawak at tinanggap ko naman 'yon agad.

"Napagod ka?" tanong niya at inabutan din ako ng panyo.

I bit my lower lip before accepting his handkerchief. Cream ang color at may initial niya pa 'yon.

Nakakapagod pala talaga magpaulit-ulit ng sayaw! Gets ko na ang nararamdaman ni JM!

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Ako naman ang nagtanong dahil nacu-curious. "Saan ka dapat pupunta? Papunta ka sa akin?"

Umiwas siya ng tingin bago tumango. Ako naman ay ngumuso, pinipigilan ang ngiti sa labi dahil sadya pala na papunta siya sa akin. Akala ko ay nagkataon lang na nagkasalubong kami.

"Bakit naman?" halata sa boses ko ang pang-aasar kaya napatingin siya sa akin.

"Masamang dalhan ka ng tubig?" masungit niyang tanong.

"E' bakit mo ako dadalhan ng tubig?" tanong ko pa.

"Because you're my friend?" hindi siguradong sabi niya. "Ayaw mo ba?"

Napawi ang ngiti ko. Tangina. Friends nga pala kami. Umirap ako. Ano bang ine-expect kong dahilan niya?

Bumuntonghininga ako nang makasalubong si Lawrence. Tumingin ito sa akin at halatang gusto akong kausapin. Umirap ako at hinila na si Daryl para makaakyat na agad kami ng hagdan.

"Kinakausap ka pa rin ba no'n?" tanong niya nang makalayo kami sa lalaki.

Tumingin ako sa kaniya at umiling. "Hindi na."

Lagi pa rin akong tinatawagan ng Lawrence na 'yon pero s'yempre hindi ko sinasagot! Kahit i-block ko nga ang number niya ay wala ring kwenta dahil mayaman siya, kaya niyang magpalit ng sim kahit ilang beses niya gusto. Sinusubukan niya ring kausapin ako rito sa school pero mabilis akong umiiwas kaya wala rin siyang nagagawa. At isa pa, madalas kasi ay kasama ko si Austin kaya hindi rin siya nagkakaroon ng chance na makausap ako.

Natigilan ako nang marinig ang bulong ni Daryl.

"Buti naman," bulong niya.