Chapter 31: Kabanata 29

The Only GirlWords: 10880

Gabi na kaya patay na ang mga ilaw. Sarado na rin ang mga pinto ng bawat classroom. Bawal na raw lumabas ng ganitong oras pero sigurado naman akong walang susunod sa rule na 'yon dahil pasaway ang mga estudyante rito.

Wala sa sariling inabot ko kay Daryl ang balat ng kinain ko para itapon niya. Walang reklamong tinanggap niya naman iyon kaya hindi ko na binawi. Ibinaling ko na lang ang tingin sa cellphone para tingnan ang text messages ng kapatid ko.

From: kapatid kong pangit

sure kang okay ka lang d'yan?

From: kapatid kong pangit

you can sleep here with us jade

Bumuntonghininga ako. Ilang beses siyang tumawag sa akin ngayon. Marami rin siyang text sa akin. Dinaig pa si Kuya Anthony!

To: kapatid kong pangit

okay nga lang ako rito🙄

Nagulat ako nang biglang tumayo si Austin. Kumunot ang noo ko. "Nood tayo ng horror movie," excited na sabi ni Austin at mabilis na kinuha ang bag niyang nasa isang tabi.

"G!" sabay-sabay na sagot nila at sabay-sabay ring tumayo para kumuha ng pagkain sa kaniya-kaniyang bag.

Ang Kettle Corn na inilabas ni Ezekiel lang ang napansin ko. Napatitig ako roon. Iyon ang paborito kong popcorn!

Napaangat ang tingin ko kay Ezekiel nang makitang inabot niya sa akin ang hawak. "Gusto mo ba? Marami naman akong dala."

Ngumuso ako at umiling. Hindi naman kami close para humingi ako ng pagkain sa kaniya, 'no. Baka mamaya biglang isumbat.

Habol ang tingin ko sa popcorn nang hablutin iyon ni Daryl sa kamay ni Ezekiel. Kita ko ang lihim na pagngiti ng dalawa na para bang natutuwa sila na natatakam ako sa pagkain na 'yon!

Nawala lamang ang atensyon ko sa popcorn nang marinig na tumili si Austin. May hawak-hawak siya ngayong USB at tinititigan niya ito habang nakangiti.

"Nakita ko na!" natutuwang sigaw niya at pumalakpak pa bago lumapit sa TV.

Bakit ba isip-bata masyado ang tao 'to?

"Ready talaga ang kumag," sabi ni Ezekiel, natatawa.

Napatitig ako sa kaniya dahil naninibago. Hindi na kasi siya umiiwas sa amin. O sa akin. Hindi na niya ako sinasamaan ng tingin kapag nagtatama ang mata namin. Normal na rin siyang nakikipag-usap sa iba at ganoon din sa akin kaya medyo nagtataka at naninibago ako.

"Tss," si Daryl. Alam kong siya ang bumulong na 'yon dahil nasa tabi ko lang naman siya.

Sumulyap ako sa kaniya para tingnan ang ginagawa pero nakatingin lang naman siya sa sahig. Kumunot ang noo ko. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na ang pagiging weird niya. Hindi ko naman makuha kung bakit parang iba ang inaakto niya ngayon.

Itinulak kami ni Austin papunta sa likod para makita raw namin ng maayos ang papanoorin.

"Doon kayo!" parang batang utos niya habang pilit kaming tinutulak lahat papunta sa likod.

Medyo mataas kasi ang pwesto ng TV kaya magandang idea nga na nasa likod kami. Pero hindi naman maganda na itulak niya kami, 'no! Ang harsh pa tumulak.

"Ano bang papanoorin natin?" tanong ni Kian nang makaupo na.

Inagaw ko ang hawak na Kettle Corn ni Daryl at kinain 'yon. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagreklamo.

"Marami ako rito," sabi ni Austin habang hawak-hawak ang remote.

There. Ang dami nga! Pero bakit puro horror? Umirap ako at nag-focus na lang sa kinakain. I'm not really a fan of horror movies kaya hindi ko alam kung manonood pa ba ako o kakain na lang.

Nakapili na sila ng movie na papanoorin.

"'Yan na lang. I haven't watched that yet," si Calyx.

Bumuntonghininga ako at tiningnan na lang sila. Ayaw ko namang maging kill joy kaya kahit na hindi ko naman gusto ang papanoorin ay nakisama na lang ako.

"You don't like horror movies, right? You should've told Austin. He'll be willing to adjust for you, for sure," Daryl whispered. And he was so close to me that I can already feel his breath in between my neck and ear!

I gulped. "How... How did you know?" Gusto ko siyang lingunin pero hindi magandang ideya na gawin ko 'yon dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin!

Nakita ko ang paglingon ni Alexis at Hendrix sa amin kaya itinulak ko agad si Daryl palayo. Baka mamaya kung ano pang isipin ng mga 'yon.

"May gusto ka ba kay Hendrix?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Daryl. Muntik pa akong mabulunan dahil kumakain ako ng popcorn!

"Huh?" naguguluhang tanong ko at dahan-dahang umiling.

Tumango siya pero mukhang hindi naniniwala. Umirap ako at umiwas ng tingin. Baka magulat ka kapag sinabi ko kung sinong gusto ko.

Kahit naman anong gawin kong pag-deny at pag-ignore sa nararamdaman ko ay alam ko namang wala na akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng utusan ang sarili ko na h'wag siyang gustuhin. Ang hirap no'n lalo pa't lagi siyang nasa tabi ko. Parang kahit anong gawin ko... wala akong takas sa nararamdaman kong 'to. Kailangan ko na lang talagang tanggpin.

"What are you thinking?" he asked. Alam kong kinukuha niya lang ang atensyon ko para hindi ako matakot sa pinapanood ng mga kumag.

Umiling ako. "Wala naman."

Nanahimik na siya pagkatapos. Mukhang nanonood din. Ngumuso ako at sinubukang manood.

"Ah!" Napahawak ako sa hita ni Daryl at maliit na napaatras dahil sa gulat. Saktong pagtingin ko kasi sa TV ay lumabas ang madre roon sa palabas.

Rinig ko ang pagtawa ng mga kumag kaya napairap ako. Itinuloy ko na lang ang pagkain ng popcorn at hindi na nag-abala pang manood. Mabilis kasi akong magulat kaya hindi ako nanonood ng mga ganoong horror.

Tapos na ang pinapanood nila kaya naisipan ko na lang na matulog na. Tuwing pipikit ako ay iyong mukha nung madre sa palabas ang nakikita ko. Madilim pa naman! Bakit kasi nauso pa ang mga gano'ng movie, e!

Nakapikit na ako at sinusubukan nang matulog noong nakarinig ako ng nagkalabog. I groaned before opening my eyes.

"Ang gulo niyo. Ano ba— Ahhhh!" Tinakpan ko ang mga mata ko habang patuloy pa rin sa pagtili nang makakita ng madreng nakatayo sa harapan ko. Muntik nang hindi tumibok ang puso ko dahil sa gulat.

Someone covered my mouth. "Calm down, Jade." It was Daryl.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga tumatawang kaklase ko. Napabuntonghininga ako sa inis. I closed my eyes firmly while I'm trying to calm myself down.

"Na-vid— Na-video-han ko!" I rolled my eyes. Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil hindi mapigilan ang tawa.

It wasn't funny! I almost had a heart attack!

Alexis is taking off the mask that he used to scare me. He even covered his body using a black blanket to make it look more scarier! Kuhang-kuha niya 'yong nasa palabas!

"Oh, God. That wasn't funny," I whispered. Tumayo ako at diretsong lumabas ng classroom.

Naglakad-lakad na lang ako habang nag-aalis ng init ng ulo. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Dala ko naman ang cellphone ko para in case na maligaw ay matatawagan ko agad si Daryl.

I stilled when I heard scratches around the area. My eyes widen. Mabilis na rin ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan. Lumingon ako sa likod at nakakita ako ng lalaking naka-hoodie.

"Ah—" Tinakpan niya agad ang bibig ko kaya hindi na ako nakasigaw. Hindi rin nakapalag noong dalhin niya ako sa likod ng building.

Fuck! Fuck! Fuck! Who the hell is this? Natatakpan ng hood ang mata niya at madilim din kaya lalong hindi ko siya makita!

Jesus Christ! Ayaw ko pong ma-rape, please!

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Pakiramdam ko ay alam niyang ididiin ko ang mahaba kong kuko sa balat niya kaya nagsuot siya ng hoodie! I tried to remove his hand but I couldn't! He rested my back on the wall kaya lalong tumaas ang kabang nararamdaman ko.

Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay hindi ako makaalis sa hawak niya. Unti-unting nawala ang paggalaw ko nang maamoy ang pamilyar na pabango na 'yon. Nang maramdamang hindi na ako nagpupumiglas ay lumawag na rin ang kapit niya sa akin. He slowly leaned over kaya napaatras ako pero mabilis niyang nahila ang kamay ko at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Calm down. It's me..." he whispered weakly.

Nang makumpirma na siya nga 'yon ay natawa ako.

"You should stop following me around like a dog, Lawrence." I pushed him. At dahil parang nanghina siya kanina ay naging madali lang sa akin ang itulak siya.

"Gagawin ko naman... Gusto lang kitang makausap," bulong niya. He removed his hood.

"Ano pa bang gusto mong marinig sa akin? Sinabi ko naman na ang lahat noong nakipaghiwalay ako sa 'yo, 'di ba? It was a fucking dare, Lawrence. Uulit-ulitin ko pa ba? I didn't loved you!" I said frustratedly.

Why does it feel so wrong to say that I didn't love him? Iyon naman ang totoo, ah?

"Lawrence... please, stop this na," nanghihinang sabi ko. "Nagmumukha ka nang tanga."

He licked his lower lip. "You didn't love me? Kahit kaunti? Sa ilang buwan na 'yon... wala talaga?"

Sinubukan niyang lumapit sa akin kaya umatras ako agad. Nahagip niya pa rin ang kamay ko at nahawakan iyon. "Let me go—" My words were interrupted by someone.

"What the hell is this?!" It was Lei Anne.

My lips parted. Binitawan ako ni Lawrence nang makita ang girlfriend niya. He sighed frustratedly.

"Lei—" Sinubukan niyang lumapit kay Lei Anne pero huli na dahil nakalapit na sa akin ang babae.

Naramdaman ko ang pagkamanhid ng pisngi ko. She slapped me... fucking hard. Galit na galit ang mukha niya.

"Hanggang ngayon ba mang-aagaw ka pa rin?" galit niyang tanong sa akin.

I rolled my eyes as I faced her while holding my numb cheek.

Damn you, Lawrence! This is your fault!

"It's not what—" Sasampalin niya sana ako ulit ako pero nahawakan ko ang braso niya. Agad ko rin namang binitawan iyon para sampalin siya ng malakas. "It's not what you think, Lei Anne."

Inunahan ko na siya dahil alam kong hindi siya makikinig sa akin.

"Siya ang lumapit at humila sa akin dito. Let your boyfriend explain all this shit. You should break up with him. Think about it."

Iniwanan ko na sila sa lugar na 'yon. Narinig ko pa ang pag-aaway ng dalawa bago ako makalayo. Wala akong choice kundi bumalik sa classroom kung nasaan ang mga gunggong.

I fixed myself first before holding the doorknob. Nagulat ako nang makitang gising pa silang lahat at mukhang may pinag-uusapan. Mukha rin silang pinagsakluban ng langit at lupa.

Sunod ang tingin nila sa akin nang pumasok at dumiretso ako sa higaan ko. Pinilit ko nang matulog dahil kanina pa ako inaantok.

Naramdaman ko ang pagkulbit sa akin ng katabi ko. Si Austin. Hindi ko siya pinansin pero patuloy pa rin siya sa pangkukulbit sa akin. Inis ko siyang binalingan.

"Bakit ba—" Nawala ang inis ko nang makita kong malungkot ang mukha niya at mukhang natatakot din.

"Sorry..." bulong niya.

Kumunot ang noo ko. Dahil ba 'to sa nangyari kanina? Umirap ako. Gagawa-gawa ng kasalanan tapos kapag na-guilty ay saka lamang magso-sorry?

"It's fine. Stop bothering me na. Gusto ko nang matulog," inis na sabi ko.

Pipikit na sana ako pero napansin kong hindi siya umaalis sa pwesto niya. Bumuntonghininga ako at hinawakan ang kamay niya.

"It's fine na nga," mahinahong sabi ko na.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Nagulat ako nang abutan niya ako ng chocolates. "Sorry talaga, Jade."