Chapter 40: Kabanata 38

The Only GirlWords: 10313

Kahit inaantok pa ay bumangon na ako para makapag-ayos na. Gusto kasi akong bumisita ni Darius ngayon sa bahay nila. Ayaw ko namang humindi roon sa bata at baka magtampo pa ito sa akin.

Saglit lang akong naligo dahil malapit na ring mag-tanghali. Hindi ko na maalala kung anong oras ang sinabi ni Daryl na susunduin niya ako dahil nakainom na rin ako kagabi.

Pagkatapos ko namang mag-ayos ay kinuha ko na ang cellphone ko para tingnan kung may messages ba mula kay Daryl. At meron nga. I received a lot of missed calls and a lot of messages from him!

From: Babe

Hi, love! What time should I pick you up?

From: Babe

Are you still asleep?

From: Babe

Okay, you're still sleeping. Good morning and I love you! :)

Lihim na napangiti ako. Babe, huh? Kaya niya pala hiniram ang cellphone ko kagabi! May picture na rin siya sa contacts ko ngayon na dati naman ay wala dahil wala naman akong picture niya sa cellphone ko.

Lumabas na ako ng kwarto habang tinatawagan ang number niya. Our maids greeted me good morning kaya ganoon din ang ginawa ko. Nagulat pa ang iba na binati ko sila pabalik.

"Hey," I said when he answered the call.

[My baby is finally awake! Good morning, love. I'm sorry, hindi ko agad nasagot ang tawag mo dahil nagwawala si Darius.] I can hear Darius crying from the other line. Natawa na lang ako. [Anong oras kita pwedeng sunduin?]

"You can pick me up now. I'm ready naman na," I answered while walking down the stairs.

Jake saw me and he looked at me as if I am doing something ridiculous!

Inilayo ko ang cellphone sa tainga at mataray na tiningnan siya. "What?" masungit na tanong ko.

"Ang weird mo palang ma-in love," nakangiwi niyang sabi sa akin.

Umismid ako at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan.

[Is that Andrei? Pupunta na ako d'yan bago pa magbasag ng gamit 'tong batang 'to. Bye, love.]

"Bye, love," I whispered softly.

Natahimik na ang kabilang linya kaya akala ko ay pinatay na niya ang tawag ngunit nang tingnan ko ang cellphone ko ay on-going pa naman ang call namin.

"Are... you still there?" Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng aking tainga at leeg para maghanda ng breakfast ko.

[Can you say it again?] I rolled my eyes. I could hear his smile from the other line.

"I'll end the call na. I'm going to eat breakfast while waiting for you. Bye, drive safely."

I finished making my coffee. Napansin ko namang parang wala na ata sina Kuya Anthony. Sina Mommy ang alam ko ay babalik agad ng New Zealand kaya hindi ko na sila hinahanap.

"Sina Kuya?" tanong ko sa isa naming kasambahay na nandito sa kusina.

"Nasa trabaho na po si Sir Anthony. Gano'n din po ang Tito at Tita niyo," sagot naman agad nito sa akin.

I took a bite on my sandwich. Tumitig ako sa kabuuan ng kusina namin. Ang tahimik dito kapag wala sina Kuya. Si Jake naman kasi ay maagang nagigising kaya hindi rin kami laging nagkakasabay mag-breakfast.

Sakto namang tapos na akong kumain nang mag-text sa akin si Daryl. Hindi na ako nagpaalam ng personal kay Jake. Magte-text na lang ako sa kaniya.

Mabilis akong tumakbo palapit sa lalaking naghihintay sa akin. Yakap naman ang sinalubong nito sa akin.

"I missed you," bulong niya sa tainga ko.

Mahina ko namang hinampas ang likod niya dahil natawa. "Ilang oras ka lang talagang nawalay sa 'kin."

"Kahit na," ungot niya at humalik sa noo ko bago humiwalay sa akin.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto at kumaway kay Jake na nakatingin pala sa may pinto. Tinanguan lamang siya ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung bakit ba ako gustong-gusto ni Darius. Siguro gusto niyang magkaroon ng kapatid na babae kaya ganoon.

Napatingin naman ako kay Daryl dahil may naisip.

"What is it?" tanong niya agad sa akin.

Ngumuso ako at nagdalawang-isip muna bago nagtanong. "Ganito rin ba si Darius sa mga naging ex mo?"

Mabilis siyang umiling. Saglit lang siyang tumingin sa akin dahil nagmamaneho."Wala akong ibang ipinakilalang babae sa kanila bukod sa 'yo."

Umawang ang labi ko. Ibig sabihin ay ako pa lang ang nakikilalang babae ni Darius bilang girlfriend ng kapatid niya? Ganoon din kina Tita Jacky? So, si Mia hindi ipinakilala, gano'n? Pero bakit? Mukha namang seryoso ang relasyon nila noon, ah?

"Is there something bothering you? You can tell me, pag-usapan natin." Inabot niya ang kamay kong nasa ibabaw ng hita ko.

Umiling ako at ngumiti. Curious lang naman ako kung bakit hindi ipinakilala si Mia. Hindi naman na siguro dapat pag-usapan 'yon.

Nakarating na kami sa bahay nila kaya umayos na ako ng upo, handa nang bumaba. Inilabas ko ang cellphone ko para roon magsalamin habang naglalagay ng lip balm.

Si Daryl ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nagsuklay muna ako para siguradong maayos ang itsura ko. May dala-dala kasi akong makeup pouch na balak ko sanang iwan na lang dito sa kotse ni Daryl kung papayag siya! He waited patiently until I became satisfied on my look.

"Maganda ka naman na. Hindi mo na kailangan ng ganiyan," bulong niya habang bumababa ako ng kotse.

"Can I leave this here? Lagi naman akong nasa kotse mo, e," paalam ko muna. Pink kasi ang lagayan ng makeup ko, nakakahiya naman sa itim niyang kotse.

Tumango siya. "Leave it there, it's fine."

Ngumiti ako bago iwan ang makeup pouch sa kotse niya. Siya na rin ang nagsara ng pinto para sa akin. Sa kotse ko kasi ay may mga makeup din ako roon. Minsan kasi ay sa kotse na ako nag-aayos ng mukha kapag nale-late ako. Kaya ko namang lumabas ng walang makeup pero gusto ko meron ako kahit light lang.

"Mom and Dad aren't here. They went to New Zealand with your parents," he informed me while we were heading inside their house.

"Ate Jade!" Naalarma agad ako nang makitang tumatakbo si Austin pababa ng hagdan. Nag-abang din agad si Daryl sa tabi ko.

"Darius, baby, slow down!" utos ko. Mabilis naman siyang tumigil at nag-ayos ng lakad. Ngumiti ako.

Nang makababa na siya nang tuluyan ay yumakap agad siya sa akin kaya umupo ako para mayakap din siya

"Hello," I greeted with my low voice. Tumayo ako para mabuhat siya.

"May gusto ka bang gawin kaya mo 'ko pinapunta?" tanong ko at mabilis naman siyang umiling.

Nagulat ako at napatingin kay Daryl. Nagtataka rin ang isa at nagkibit-balikat lang sa akin.

"Wala?" ulit ko para masigurado.

Tumingin siya sa taas at inilagay ang daliri sa baba at umaktong nag-iisip. Hinintay ko naman siya.

"Let's watch a movie in my room na lang po," he said while smiling widely. I pinched his cheeks using my right hand. Ang cute niya talaga!

Ibinaba ko na siya at hinawakan ko na lamang ang kamay habang paakyat kami ng hagdan. Tahimik lang na nakasunod sa amin si Daryl.

Pumasok kami sa kwarto ni Darius, Cars ang theme. Mahilig siguro siya kay Lightning McQueen. Puro red din kasi ang mga gamit dito. Marami rin siyang collections. Ang bata-bata pa pero puro mamahalin na agad ang mga laruan at gamit.

Umupo kami sa sahig. Nakita ko namang inaayos na ni Darius ang papanoorin namin. Tutulungan ko sana kaya lang ay hinawakan ni Daryl ang kamay ko at hinila kaya napabalik ako sa pagkakaupo.

Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo. "Why?"

"Kaya niya na 'yan," aniya habang nakakunot ang noo, nakatingin sa ginagawa ni Darius.

Nagtataka man sa inaasta niya ay tahimik na lamang akong nanatili sa tabi niya habang hinihintay na makapili si Darius ng papanoorin.

I smiled when he picked the movie Cars. Hindi naman na ako nagtaka na iyon ang pinili niya. Tumakbo agad siya palapit sa amin habang malawak ang ngiti.

"Ate Jade, have you watched this movie na ba?" Darius asked me curiously.

Tumango ako. "I've watched it once."

"Maganda po, 'di ba?" tanong niya pa. Tumango naman ako habang nakangiti.

Nagulat ako nang biglang yumakap sa gilid ko si Daryl. He put his chin on my shoulder. Ngumiti ako at pinaglaruan ang buhok niya.

"Why?" I asked, not looking at him. Natutuwa kasi ako sa pinapanood namin.

"Nothing," he whispered as he hugged me tighter.

I let him cling to me while I am watching the movie with Darius.

After a couple or minutes, I decided to ask him what's bothering me. I sighed. Hindi ko alam bakit curious pa ako rito e' tapos naman na ang relasyon nila.

"Daryl," I whispered his name so he would look at me.

"Hmm?" he hummed as he buried his face on my neck.

I almost laughed because of his clinginess.

"I was just curious," I started. He nodded, waiting for me to continue. "Sabi mo kasi ako pa lang ang pinapakilala mo sa family mo, totoo ba 'yon?"

Tumango siya at sinilip ang mukha ko habang nakayakap pa rin sa akin. "Why?"

Umiling ako. "Wala naman. Naisip ko lang kasi... mukha namang seryoso ang naging relasyon niyo ni Mia tapos hindi mo ipinakilala?"

Umiling siya at isiniksik muli ang sarili sa akin.

"Bakit?" curious na tanong ko at pilit na pinatingin ang mukha niya sa akin.

"Hindi ko rin alam," sagot niya at mukhang seryoso siya roon.

"Hindi mo alam?" kunot-noong tanong ko.

Umiling siya. "Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ipakilala."

"Bakit?" tanong ko pa.

"Kasi gusto ko ikaw lang talaga," sagot niya at sumiksik muli sa leeg ko.

Naiwan akong nakaawang ang labi. Napakurap-kurap ako bago nakapagsalita. "Huh?"

"Hinahanap pa rin kita noon. Ikaw pa rin ang nasa isip ko. Akala ko nalimutan na kita pero habang tumatagal... na-realize ko na ikaw pa rin," bulong niya.

"Eh? E' parang nung nakaraan lang galit na galit ka kasi natapunan ko ng paint si Mia—"

"I loved her, Jade. But, I think my love for her wasn't that deep. Oo, apektado pa ako noong mga araw na 'yon dahil sa kaniya ko ibinigay lahat ng atensyon ko tapos biglang wala na. Nakipaghiwalay siya. She chose your brother over me."

My lips parted. She chose my brother over him? Pero bakit? Ano bang nangyari?

"Buhatin mo na si Darius," utos ko nang mapansing tulog na ang bata sa tabi ko.

Ang bilis pala niyang makatulog kapag nanonood. Akala ko pa naman ay balak pa siyang makipaglaro sa akin pero tinulugan na niya ako.

Sinunod naman agad ako ni Daryl. Maingat niyang binuhat si Darius at inilagay sa kama nito. Ako naman ang nag-ayos ng kumot nung bata. I turned off the television before we went out.

I stilled when Daryl held my hand tightly. Napatingin ako sa kamay namin bago umangat ang tingin ko sa kaniya.

He smiled while staring at me with his eyes full of adoration. His eyes feel like telling me that he's the happiest man in the world. It feels like he wanted to tell me how happy he is right now but he couldn't put it into words.

"I love you, Jade."