Chapter 41: Kabanata 39

The Only GirlWords: 11831

Malawak ang ngiti kong tinititigan ang sarili sa salamin. Graduation na namin. Ang bilis, 'no? Hindi rin ako makapaniwala noong una. Kasi parang kahapon ang lahat.

Hanggang ngayon ay kami pa rin ni Daryl. Nagkakaroon ng away, oo, pero hindi naman ganoon kalala dahil naaayos naman agad. Nakaalalay pa sa amin ang buong Section E kaya bihira rin kaming magkaroon ng problema. Minsan nga kapag nag-aaway kami ay ang mga kaibigan pa namin ang gumagawa ng paraan para lang makapag-ayos kami.

I can say that Daryl is a man full of surprises. Talagang magugulat ka na lang sa mga ginagawa niya. Iyong tipong palaging may bagong pakulo. Walang dull moments kapag si Daryl ang boyfriend mo. Araw-araw, hindi lang niya sinasabi kung gaano niya ako kamahal, pinaparamdam niya rin.

Dumadami rin ang mga damit ko kahit na hindi ako bumibili simula noong naging kami ni Daryl. Paano ba naman, sa tuwing nakakakita raw siya ng damit at alam niyang bagay sa akin ay binibili niya agad! Kahit makeups ko ay puro sa kaniya na galing. Masyado na nga raw akong spoiled sabi ng kapatid ko. Nagtataka na raw siya kung bakit ganoon.

Wala namang nakakapagtaka, 'di ba?

"Anak!" Mabilis na sumalubong sa akin si Mommy nang makita niya akong pababa na ng hagdan. "Ang ganda naman ng anak ko." She kissed me on my forehead before hugging me.

"Hindi na ako kinakabahan dahil alam ko namang magaling ang anak ko," proud na sabi ni Mommy.

Nawala naman bigla ang ngiti sa labi ko. Expectations. I'm studying to fulfill their expectations. Muntik ko nang makalimutan. Pilit akong ngumiti at tumango kay Mommy.

Papunta pa lang kami sa school pero grabe na agad ang kabang nararamdaman ko. Hindi pa alam nina Mommy na Valedictorian ako. Sinadya kong hindi ipasabi sa kanila para sana ma-surprise sila kahit papaano.

I bitterly laughed in my mind when I remembered the last time na bumaba ang grade ko. Nasampal ako no'n ni Mommy. Iyon 'yung mga panahon na kaibigan ko pa sina Dianne. Pinalayo niya ako sa kanila dahil sila raw ang sumisira sa akin. E' ako naman ang may kasalanan kung bakit ako bumaba noon. Hindi naman ako nahirapang layuan ang mga kaibigan ko noon dahil sila na mismo ang lumayo sa akin. Iyon din kasi 'yung panahon na nasira kami dahil kay Lawrence.

Ang galing, 'no? Sabay-sabay.

Pinunasan ko naman agad ang luha ko nang maramdaman kong tumulo iyon. Baka makita pa ni Mommy. Sakto namang nag-vibrate ang cellphone na hawak ko hudyat na may nag-message rito.

From: Babe

papunta na kayo?

From: Babe

are you with your family or should i pick you up?

From: Babe

I'm waiting, love. Just message me if you need anything. I love you!

Napailing na lamang ako sa boyfriend kong nakabase sa mood niya ang endearment na gagamitin.

"We're here," Dad announced when we reached the parking of the school.

Bumaba na ako. Ch-in-eck ko pa muna ang sarili sa salamin ng kotse bago dumiretso.

"You look tensed," my brother said when he went to me. Nasa unahan naman namin sina Daddy kaya malaya kaming nakakapag-usap ng kapatid ko.

"I'm nervous, Kuya. Bakit kasi kailangan ko pang mag-speech?" kinakabahang bulong ko. Tumawa siya kaya napasimangot ako.

"Isipin mo na lang na kami lang ang nanonood sa 'yo," sagot niya. "O kaya naman ay tingnan mo na lang ang taong nagbibigay sa 'yo ng comfort. Baka gumana." Nagkibit-balikat siya.

Nabawasan naman ang kabang nararamdaman ko. May oras palang matino kong makakausap ang kapatid kong 'to, 'no? Akala ko kasi ay puro pang-aasar lang sa akin ang alam niyang sabihin at gawin.

Dumiretso agad ako sa mga kaklase ko. Kumaway agad sila nang makita ako. Halata mong masaya at excited din sila kaya lumawak muli ang ngiti ko. Hindi ko naman ide-deny na isa sila sa dahilan kung bakit nakaraos ako ngayong school year. Kung bakit kinaya ko.

Masaya silang kasama. May mga kakulitan pero kayang isabay sa pag-aaral ng mabuti. Madalas kaming mag-group study at halos buong section namin ay kasali sa List of Honors. Maraming teacher ang nagulat dahil biglang naging seryoso sila sa pag-aaral. Kung dati ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang Section E, ngayon ay halos nasa amin na ang mga mata nila.

"Hey," Daryl greeted me with his sweet smile.

I kissed his cheeks. "Hi," I whispered.

Sa tabi niya muna ako pumwesto. Nasa kabilang side ko naman si Austin. Itong batang 'to, parang buntot ko na! Laging nakadikit at nakasunod sa akin. Madalas din siyang pumunta sa bahay nang walang paalam! Hinahayaan lang nina Kuya Anthony kaya ayon, noong tumagal pumapasok na ng diretso sa bahay, wala nang katok-katok.

I played with my fingers while wandering my eyes around. I felt my boyfriend's arm encircling my waist.

"Kinakabahan ka?" bulong niya sa tainga ko.

Ngumuso ako. Ganoon ba talaga kahalata na kinakabahan ako?

Saglit lang akong tumingin sa kaniya. "Don't mind me, I'm okay," I whispered.

Lalo namang humigpit ang hawak niya sa baywang ko. He's squeezing my waist kaya hinampas ko siya sa hita. Tinawanan niya lang naman ako.

Tinuon ko na lamang ang atensyon sa unahan. May nagsasalita na kasi roon. Pumila na kami. Si Daddy ang kasama kong maglalakad dahil na kay Jake ngayon si Mommy.

We sat on our designated seats. Si Daryl pa rin ang katabi ko. Nilingon ko sa likod si Mommy at Daddy. Mukhang napansin naman nila ako kaya ngumiti ang dalawa at kumaway sa akin.

"Ang lamig mo, Jade. H'wag kang kabahan," ani ni Daryl at kinuha ang kamay ko.

He massaged my hand as he whispered nonsense things so he could make me smile.

Marami pang ginawa at sinabi bago pumunta sa awarding.

"And our batch Valedictorian is... Fernandez, Emerald Jade." Marami pang sinabi ang speaker na hindi ko na inintindi dahil mas gusto kong makita ang reaksyon ng mga magulang ko.

Everyone clapped their hands for me. Umakyat ako ng stage kasama ang dalawang mahalagang tao sa buhay ko. Si Mommy at si Daddy. Their smiles shows how proud they are to me. Pakiramdam ko tuloy ay naluluha na ako.

Ibinigay ang diploma at medals ko. Mom smiled at me proudly. Si Daddy naman ay maliit lang ang ngiti pero halata sa mga mata niya ang sayang nararamdaman para sa akin. I looked at Jake while showing him my medals. He smiled proudly while giving me a thumbs up.

Before the ceremony ends, my name was once called again to the stage. I was about to deliver my speech when I saw Daryl walk outside the venue. Napalingon din sa kaniya ang mga kaklase namin. I remained smiling. Baka may emergency lang.

Nakita kong naka-video ang kapatid ko kaya ngumiti ako sa kaniya habang nagsasalita. Bumalik agad si Daryl. He smiled at me apologetically. Ngumiti lang ako sa kaniya saglit.

My speech ended positively. I heard their loud claps and cheers.

"I'm so proud of you, anak!" my mother proudly said. Sa kanila kasi ako dumiretso.

Unti-unti nang lumuluha ang mata ko kaya inagapan agad 'yon ni Mommy.

"Masisira ang makeup mo, anak," natatawa niyang sabi. "Mamaya ka na umiyak."

"Don't cry, Emerald Jade," natatawa ring sabi ni Daddy at kinuha ang tissue kay Mommy para punasan ang luha ko. Maingat niyang ginawa iyon para hindi masira ang makeup ko.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay pumunta na ako sa mga kaibigan ko. Proud silang lahat na nakatingin sa akin. Umirap ako at inagapang muli ang luhang tutulo sa mga mata ko.

Daryl immediately hugged me. "Congrats, baby. I'm so proud of you," he whispered in my ears while still hugging me tightly.

Nag-congrats ang lahat sa isa't isa. Ang iba ay naluluha katulad ni Austin dahil nga mayroong lalayo para sa gusto nilang university at mayroon ding sa ibang bansa magpapatuloy ng pag-aaral.

May celebration kami mamayang gabi sa bahay nina Alexis. Ipinagpaalam naman na raw ako ni Daryl kaya wala na akong problema. Pagkatapos ng celebration namin kasama ang kani-kaniyang pamilya namin ay saka kami pupunta kina Alexis. Susunduin naman ako ni Daryl mamaya.

"Saan mo balak mag-aral, anak?" tanong ni Mommy habang kumakain kami. Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon kasama sina Kuya Anthony.

"Pinag-iisipan ko pa po," sagot ko.

"Ayaw mo ba sa New Zealand? Maraming magagandang university roon," subok niya. Nagpilit ako ng ngiti.

"Ikaw ba, Andrei?" si Daddy.

"I'm still having some second thoughts, Dad. May oras pa naman po kami para mag-isip," sagot ni Jake. Pero alam ko namang hindi siya papayag sa New Zealand dahil nabanggit niya sa akin noon na sa parehong university sila mag-a-apply ni Mia.

We talked more about our future and our plans. Kami raw ang susunod kina Mommy at kina Kuya Anthony kaya ang dami nilang pangaral na sinabi.

Kinuwento ko kay Daryl ang mga pinag-usapan namin kanina at kung anong plano kong gawin sa college. Siya naman sana ang tatanungin ko pero napansin kong parang hindi siya nakikinig sa akin at mukhang... balisa.

I gently touched his hand. Napatingin siya sa akin.

"Are you okay?" I asked worriedly.

Ngumiti siya... pero alam kong pilit na ngiti lang 'yon. "I'm fine, don't worry." Hinawakan niya rin ang kamay ko.

May problema ba siya? Kung meron, ano naman kaya iyon? Alam ko namang wala siyang problema sa family niya. Wala rin sa mga kaibigan. Kaya anong problema?

Malaki ang tiwala ko kay Daryl pero hindi sa lahat ng oras ay kaya niyang mag-isa. Hindi sa lahat ng oras ay malakas siya. Pwede naman siyang magsabi sa akin pero bakit parang ayaw niya? Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan?

I sighed. I really hate overthinking things.

Nakarating kami sa bahay nina Alexis pero hindi pa rin umiimik si Daryl. Para pa rin siyang balisa. Kung normal siya ngayon ay siguradong gagawa siya ng paraan para hindi ako mainip habang nasa biyahe pero dahil nga mukhang may iniisip siya ay parang hindi niya ako napapansin.

Panay pa ang tingin niya sa cellphone na para bang may hinihintay roon. Seriously? What's his problem? Bumaba na agad ako ng kotse. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso na ako sa loob, medyo nagtatampo sa kaniya.

"Jade, dito!"

Pool party pala ang hinanda nila. Hindi man lang ako na-inform. Nakahanda na agad ang lahat. May mga pagkain at alak na. Nag-iihaw na rin si Alexis at Harry.

Napansin kong hindi pala sumunod sa akin si Daryl. Kunot-noong tumingin ako sa may gate, nagbabaka-sakaling nandoon siya pero wala akong nakita kahit anino man lang niya. My heart pounded against my chest. May nangyari kaya?

I bit my lower lip. I stayed with Austin for a few minutes. Nang mapansing wala talagang Daryl ang naglalakad papasok ay tumayo na ako.

May kaba sa dibdib ko habang naglalakad palabas. May mga tumingin sa akin pero sinenyasan ko silang ayos lang. Feeling ko may hindi magandang nangyayari. Hinanap ko ang kotse ni Daryl. I was about to turn around when I saw in the dark... with another girl.

My lips parted as pain struck my chest. Wow. Kakasabi ko pa lang na malaki ang tiwala ko kay Daryl tapos ganito? Kinakain ko na ang sinabi ko.

I forced myself not to cry as I walk towards them. Paunti-unti ring lumilinaw sa paningin ko ang ginagawa nila. I covered my mouth as I gasped for air. Narinig ata ako ni Daryl dahil dali-dali niyang tinulak ang babaeng... kahalikan niya.

Gulat at takot siyang napatingin sa akin. Tumingin ang babae sa akin. She's not familiar to me. Ngayon ko lang siya nakita. Ngumisi siya at humawak sa kamay ng boyfriend ko na agad namang iniwas nung isa dahil dahan-dahan na itong naglalakad palapit sa akin.

I smirked at him disappointedly. Dahan-dahan din akong lumalayo. Umiling siya na para bang sinasabing mali ang iniisip ko.

Patuloy sa pag-agos ang luha ko habang umiiling sa kaniya. "How... How can you do this to me, Daryl?" We were happy just a while ago. He was proud of me... just a while ago. We were... happy.

"Jade," he whispered my name pleadingly. Sinubukan pa niyang lumapit sa akin pero tumakbo na ako at tumawag ng taxi.

I never thought that my first love would be my first heartbreak too. I never saw this coming. Karma ko na siguro?