Back
/ 38
Chapter 31

chapter 30:Hurt

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised

Skyler's POV

Dumating kaming dalawa ni miss ginger sa isang resto ng mayayamanat pumasok sa loob at napatingin ako sa gilid ko tsaka nakatayo ako sa harap ng salamin sa may gilid, suot ang dark blue suit na pinili ni Ma'am Genevieve. Gwapo ako—oo, aminado ako. Pero kasabay ng ganda ng suot ko ay ang matinding kaba na parang may final exam akong hindi napaghandaan.

"Okay, Skyler. Chill lang. Dinner lang 'to," bulong ko sa sarili ko. Pero deep inside nahihiya ako.

"ano bang tingin tingin mo jan!halika ka na!"

iritadong tignan ko itong babaeng luya na to.

nanalamin pa nga yung tao e!

"what's that look?" pagtataray niya.

"hindi.. naiingit kasi ako..kasi ang ganda mo ngayon.."

ew!

"I know duh kaya Halika ka na nga!" nauna naman na siyang lumakad kaya sumunod na rin ako sakanya

Pagdating namin sa venue, si Sir Ezekiel ay naroon na, nakatayo sa gilid at tahimik na naghihintay. Nang makita niya ako, bahagya siyang napangiti.

ang pogi niya ngayon

"Ayos," sabi niya. "Mukha kang tao ngayon."

"Wow, Sir, muka ba akong basahan sa panginin mo?," sagot ko, sabay roll ng mata.

pisteng to akala ko ba naman may matinong sasabihin sakin..

"pero...cute ka jan sa damit mo.."ngumiti siya.." halika ka na.." nauna na siya lumakad pero napagtanto ko wala na pala si babaeng luya, baka nauna na talaga siya.

pake ko dun!

"Sir... buong resto ba pinaupa niyo?"sabi ko sakanya habang naglalakad kami sa hall.

"Family gathering namin 'to," sagot niya. "Lahat ng bigating tao sa business world, nandoon. Kaya... behave ka."

"Sir naman, lagi akong behaved," sagot ko, pero sa loob-loob ko: 'Luh, di ko ata kaya 'to!'

Pagpasok namin sa malaking hall, bumungad agad ang chandelier na parang brilyante ng mga artista. Ang mga bisita? Puro mukhang stockholder ng sibilisasyon.

"Ezekiel!" boses ng isang matandang lalaki. Napalingon kami. Isang lalaking matangkad, puting buhok pero gwapo parin kahit may kaedaran na at di matatago ang masungit niyang mukha tsaka matalim ang tingin niya ng lumapit samin kasama ang ilang naka busines suit.

"Dad," malamig na bati ni Sir.

luh! tatay niya to?!

Napansin niya ang presensya ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na parang X-ray scanner.

"At sino naman 'to?" tanong niya, matigas ang boses.

shuta! nakakatakot siya! para siyang panel sa thesis!

"Skyler po," sagot ko, pilit ang ngiti. "Ah... empleyado po ako ni Sir Ezekiel."

Tumaas ang kilay niya. "Empleyado? ah oo nga pala.. ako ang nag invite sayo.."ngumiti siya pero bat parang plastik.

"thank you po sa paginvite."ngumiti rin ako sakanya.

dapat smile lang at chill hehe

"tss" napatingin ako kay genevieve na naka taas kilay habang natangin sakin sabay irap

problemang babaeng to!

"Hmm," si ezekiel..," baling niya kay sir. "Mukha namang hindi siya sanay sa ganitong klaseng okasyon." Tiningnan niya ang suot kong suit. "Ang suot... pilit. Ang postura... hilaw. At mukhang hindi alam kung saan ilalagay ang mga kamay."

Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Tangina. Hindi ko alam kung lulubog ako sa sahig o tatakbo palabas,nanghihiya ba siya?!

"I'm gonna guide him para sure..Hindi naman siya sanay...diba sky?" sabi ni genieve na naka ngisi.

narinig kong tumatawa ang mga kasama niya, napatingin ako kay sir na naka kunot noo mukang galit.

"ah o-po hehe-he" pikit kong tawa.

tangina! gusto ko ng umuwi..

"Skyler," bulong ni Sir Ezekiel sa tabi ko. "Huwag mong pansinin."

Nginitian ko siya ng pilit, pero nag-aapoy na ang tenga ko. Pagkatapos noon, biglang sumenyas si Mr. Roswell. "Tara na, diretso na tayo sa VIP table," utos niya, at naglakad kami papunta roon kasabay ng bigat ng tensyon sa paligid.

"Ah," patuloy ni Mr. Roswell. "Ikaw pala yung probinsyanong napabalitang tumambay sa penthouse ng anak ko."

Narinig kong may mga bisitang lumingon at nagbulungan. May isa pa ngang bumulong ng "Ah, siya pala 'yon."

"Mukhang magaling kang dumiskarte, iho," patuloy ng matanda. "Ano nga ulit ang posisyon mo sa work? janitor? O kape boy?"

inano niyo!!!

Tumawa ang ilang bisita sa paligid. Ramdam kong namumula na ang mukha ko sa hiya.

"Dad," babala ni Sir Ezekiel. "Enough."

Pero nagpatuloy si Mr. Roswell. "Ezekiel, anak, seryoso ka ba dito? Ang hamak na probinsyano na mismong inanyayahan ni Arthur Roswell para sa business dinner na ito? Alam mo namang ang reputasyon natin ay hindi basta-basta." Tumingin siya sa akin. "Ikaw, bata, baka akala mo pag pinakain ka sa hotel eh parte ka na ng pamilya namin. Huwag kang umasa."

pakshit kayo!hindi ko rin kailanman papangarapin na  maging  parte ng pamilya niyo!

Tangina. Nakangiti pa rin ako pero parang sasabog na ako.

"Excuse me po cr lang muna ako kanina pa ako naiihi hehehe," sabi ko sakanila at mabilis na naglakad papunta sa restroom.

mga piste!

Pagpasok ko, sumandal ako sa pinto at pilit na pinakalma ang sarili.

"Tangina, Skyler," bulong ko. "Pumunta ka lang kasi invited ka, hindi para pahiyain."

Habang nakatayo ako sa restroom, pilit kong pinipigilan ang panginginig ng kamay ko.

kalmahan mo sky.. kalmahan mo

napatingin ako sa salamin.

hindi naman masama maging galing sa probinsiya ah..mas masarap nga mamuhay dun at tahimik kaysa dito sa manila.

mga judgemental sila purkit poorito ako gaganun ganun lang nila ako!

umalis na akong restroom at nag tanong tanong sa dumaaraan ng mga naka suit,crew,at iba pa kung saan ang mga vip floor.

nasa third floor pala,sumakay na akong elevator patungo sa third floor at naglakad lakad.

jusq naman.. andaming kwarto! hindi ko alam kung saan! may mga vip 1,2,3,so on

takte hindi ko alam kung anong room ng vip!

sa inis ko agad ko tinatawagan ang number ni sir pero tangina out of coverage!

naglakad lakad nalang ako pero narinig ko ang mga tawanan at bulong-bulungan mula sa isang VIP room.

agad ko ito nilapitan at dinukduk ang tenga sa may pinto.

"Probinsyano? Ano bang nakita ni Ezekiel diyan Mukhang kawawa nga.

"Parang napulot lang kung saan."

"Hindi siya bagay sa ganitong klaseng okasyon."

tangina! nasa vip 5 sila.

ang lakas ng mga boses nila, hindi ba to sound proof? bulok naman nitong resto na ito e!

Pumikit ako at huminga nang malalim. Pero ramdam kong namumuo ang luha sa gilid ng mata ko.

tangina! uuwi na ako!

"sky?" napalingon ako sa likuran ko

.Si Zachary. Tahimik siyang nakatayo sa likuran ko, nakakunot ang noo.

"Skyler," tawag niya, mahinang boses. "Ayos ka lang?"

Napangiti ako ng pilit. "Oo naman hehe"

Umiling siya. "actually..Narinig ko rin sila. Nakakainis, 'no? Minsan gusto kong batuhin ng coffee machine 'yang mga yan."

Napahagikgik ako kahit namumuo pa rin ang luha ko. "Coffee machine talaga? Baka masira 'yung machine kaysa sa ulo nila."

Ngumiti siya at lumapit. "Halika na. Samahan kita pabalik."

"Huwag na, Zach. "uuwi nalang ako..tsaka nakakahiya kasi na ang baba nilang tingin sakin.."

"Hindi ka dapat mahiya. Hindi ikaw ang may problema, sila ang makikitid ang utak." Hinawakan niya ang braso ko tinignan ako. "gusto mo.. Sa iba nalang tayo pumunta..yung walang magjujuge sayo.. at tahimik na lugar.." sabi niya at ngumiti sakin

since puro pang mamahiya naman ang maririnig ko sakanila..sumama nalang ako kay zach kahit may ginawa siyang hindi katangap tangap at alam kong hindi niya gagawin yun.. may tiwala ako sakanya

"sige" tanging yun nalang nasabi ko kaya ngumiti siya,hinawakan niya ang kamay ko at umalis sa third floor at dinala niya ako sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

pero may tampo ako kay sir..akala ko ba naman ipagtangol ako sakakanila pero nagkamali pala ako..

Share This Chapter