Chapter 31:Night Piece
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.
Skyler's POV
Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang umaandar ang kotse niya sa madilim na kalsada. Tanging mahina at malumanay na tunog ng jazz music mula sa radio ang bumabasag sa katahimikan.
"Sky," basag ni Zach sa katahimikan. "Okay ka lang ba talaga?"
hindi!isang sapak lang sa tatay ni sir maligaya na ako!
Napangiti ako ng pilit, kahit ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. "Oo naman. Sanay na ako sa ganun."
"Sanay ka na?" Napangiwi siya. "Hindi normal ang sanayin ang sarili sa ganung klaseng trato. Hindi nila dapat ginawa 'yun sa'yo."
Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, tama siya. Pero anong magagawa ko? Probinsyano ako, simpleng empleyado sa isang corporate world na puro pormalidad at pa-sosyal. Ako na lang ang nag-adjust, pero parang kulang pa rin.
Napansin kong lumiko siya sa isang pamilyar na kalye. "Saan ba tayo pupunta, Zach?"
"Sa paborito kong lugar," sagot niya, sabay kindat. "Isang tahimik na spot na hindi ka huhusgahan."
Ilang minuto pa, huminto kami sa harap ng isang maliit pero eleganteng resto na may pangalang SkyBean Cafe. Napatitig ako sa signage. "Wow... sa'yo 'to?"
"Oo," sagot niya, proud na proud. "Business ko noong pandemic. Nag-click. Kaya ngayon, isa na sa mga go-to spots ng mga gusto ng tahimik na kwentuhan."
nuks!yayamanin!
Pagpasok namin, sinalubong kami ng aroma ng kape at tsokolate. Cozy ang lugarâwooden interiors, warm lighting, at jazz music na parang yakap ng mainit na kumot.
"Dito, walang FerCorps na mahilig manghusga," bulong ni Zach habang inaakay ako papunta sa isang sofa sa dulo.
Naupo kami at biglang bumuhos ang lahat ng emosyon na pinipigil ko kanina.
"Tangina, Zach," mahina kong sabi. "Ang sakit pala." Ramdam kong nanginginig ang boses ko.
"Ano namang hindi masasaktan doon?" sagot niya, hinayaan akong sumandal sa balikat niya. "Hinusgahan ka nila nang hindi ka pa man kilala. At yung tatay ni Ezekiel? Akala mo may-ari ng mundo."
Napangiti ako kahit pa namumuo pa rin ang luha sa mata ko. "Kasi nga mayaman sila, diba? Eh ako, hamak na taga-Mindoro lang na laking mangga at kanal."
"Hoy," sabat niya, at pinisil ang ilong ko. "Ang probinsyano raw. Alam mo bang ang Mindoro mangoes ang isa sa pinakamasarap sa mundo? So technically, world-class ka."
Napatawa ako. "Ang corny mo talaga."
"Eh 'di natawa ka, so effective," sagot niya.
Dumating ang waiter at nag-order siya ng hot choco para sa amin pareho. Habang hinihintay namin ang inumin, napansin kong tila may bumabagabag kay Zach.
"Zach," mahina kong sabi. "Kanina... ba't mo ako sinamahan? I mean, bakit ka nag-abala?"
Napakagat siya ng labi at sandaling napayuko. "Kasi... nakikita ko sa'yo ang dati kong sarili."
"Ha?"
"Noong bata pa ako, bago pa ako naging parte ng Roswell Corps," tumikhim siya. "Isang insecure na binata rin ako. Binababa rin ako dahil sa pagkatao ko. Ang kaibahan lang... wala akong sumama sa akin noon."
Napatitig ako sa kanya. "Kaya mo ako sinamahan?"
Tumango siya. "Ayoko kasing maranasan mo 'yung lungkot na naranasan ko dati. Ayoko na may isang taong mapahiya at iwanan na lang sa sulok."
ay puta!mga abnormal pala yang nasa ferscop lalo na yung tatay ni sir!
Hindi ko napigilang mapangiti. "Salamat, Zach."
Dumating ang inumin namin at natahimik kami habang humihigop ng matamis at mainit na tsokolate. Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang tumunog ang phone ko.
Boss Sir Ezekiel
Napatitig ako sa screen. Nagdalawang-isip akong sagutin.
"Hindi ko na siya sasagutin," bulong ko kay Zach habang pinindot ang reject call button. "Tinatamad akong kausapin siya."
bahala ka jan sir! kahit boss kita at nahalika-help! basta bwisit siya!
"Nagtatampo ka, no?" tanong niya, nakangiti.
"Siguro," sagot ko, sabay tungga ng hot choco.
After namin kumain sa resto niya dinala ako sa may park pero ni ilan ilan ang mga tao, may mag couple, may nagaaral,at iba pa na busy sa ginagawa niya at meron pang naghahalikan sa gilid kaya napa iwas agad ako dahil naalala ko yung kiss namin ni sir.
ackkkkk!!!!!!!jusmeyo
Tahimik lang kami ni Zachary habang naglalakad sa park. Ang lamig ng hangin, pero parang ang dibdib ko, nag-aapoy sa halo-halong emosyon. Sama ng loob. Pagkalito. At itong nakakairitang kirot na hindi ko maipaliwanag.
baka.. magkakalbm ako..
"Sky," basag ni Zachary sa katahimikan. "Okay ka na ba?"
Napatingin ako sa kanya. Si Zach, na laging may nakapaskil na mapaglarong ngiti, ay seryoso ngayon. May bahagyang kunot sa noo niya, at ang mga mata niya, parang nangungusap ng alalay.
"Hindi ko alam," sagot ko, pilit na tumatawa. "Baka epekto ng free insult buffet kanina."
Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Pasensya ka na sa kanila. Minsan kasi kapag nasanay ka sa taas, nagiging makitid ang tingin sa mga nasa baba."
Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa dinner na 'to. Siguro para lang mapahiya nang libre."
"Hindi ka nagkamali, Sky," sagot niya, sabay tapik sa balikat ko. "Tandaan mo, hindi mo kasalanan na galing ka sa probinsya. Kasalanan nila na makitid ang utak nila."
Nginitian ko siya nang bahagya. "Salamat, Zach."
Tahimik kaming naupo sa isang bench. Nagkalat ang mga dahon sa paligid. Sa malayo, maririnig ang huni ng kuliglig. Napatingala ako sa langit na puno ng mga bituin.
uy may mga stars
"Sky," muling sabi ni Zach. "Bakit ka talaga sumama sa dinner na 'to?"
Napangiti ako ng mapait. "Kasi... gusto kong maramdaman kung anong pakiramdam na tanggapin bilang bahagi ng mundo ni Sir Ezekiel. Pero mali pala ako."
"Mahalaga ba sa'yo ang opinyon ng mga Roswell?" tanong niya, bahagyang nakayuko.
Hindi ako sumagot agad. Pinaglaruan ko ang isang tuyong dahon sa kamay ko. "Hindi ko alam, Zach. Pero... mahalaga sa akin si Sir Ezekiel."
Hindi ko namalayan na bumibigat na pala ang dibdib ko. Tangina. Ang drama ko naman bigla.
"Mahalaga pala siya sa'yo, ha?" mahina niyang sabi.
Tumango ako. "Oo. Pero... ngayon ko lang napansin... bakit parang ako lang ang nag-effort na mahalaga siya ?"
Tahimik si Zach. Sa gilid ng mata ko, nakita kong napayuko siya.
"Alam mo, Sky," mahina niyang sabi. "Minsan masakit umasa sa mga taong hindi sigurado sa nararamdaman nila."
Hindi ako nakapagsalita. Maya-maya, nagdahan-dahan siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako pero hindi ako umiwas.
"Zach," bulong ko. "Ano 'to?"
"Huwag kang magalit, Sky," sagot niya. "Pero... gusto kong sabihin 'to."
haluh no yarn?!
Lumunok siya. Nag-aalangan, pero hindi binitiwan ang kamay ko.
"Matagal na kitang gusto."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"
putek!
"Alam ko, ang gulo ng sitwasyon. Pero gusto kita, Skyler. Mula nang una kitang makasama sa opisina. Hindi mo lang napansin kasi masyado kang nakatingin kay Ezekiel."
oh my gulay! si zachary may gusto sakin?! aaminin ko naging crush ko rin siya pero hanngang dun lang yun!
Hindi ko alam kung paano ako hihinga. Parang sumikip bigla ang mundo ko. "Zach..."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at bahagyang yumuko. "Wala akong hinihinging sagot ngayon. Pero gusto ko lang malaman mo."
Napatitig ako sa kanya. Sa pagitan ng lamig ng hangin at ng mabilis na tibok ng puso ko, hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga.
"Sky," bulong niya. "Pwede ba kitang halikan?"
Hindi ako nakasagot.
Hanggang sa maramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko.
Banayad. Mainit. At higit sa lahat... nakakagulat.
tangina!!!!!!!!!!
Napatigil ako. Pero hindi ako lumayo.
Nang matapos ang halik, tumingin siya sa akin, naghihintay ng reaksyon.
"Zach," bulong ko. "Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko."
Tumango siya. "Naiintindihan ko."
"Skyler," maingat niyang simula. "Pwede ba kitang ligawan?"
Nanigas ako sa kinauupuan ko. "Ha?!"
"Pwede ba kitang ligawan?" ulit niya, bahagyang namumula ang mga pisngi.
Hindi ako agad nakasagot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa gulat.
"Ah... Zach..." bulong ko, hindi alam kung ano ang isasagot.
Tahimik kaming muling naupo sa bench. Pero sa kabila ng lamig ng gabi, parang may kung anong init ang bumalot sa paligid namin.
At sa isip ko, isang pangalan ang paulit-ulit na bumabalik:
Eziekel