Back
/ 38
Chapter 33

Chapter 32: Zach Vs Ezekiel

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

Nakahinga ako nang malalim habang nakaupo kami ni Zachary sa park. Ang tanong niyang "Pwede ba kitang ligawan?" ay parang bomrang paulit-ulit na tumatama sa utak ko.

Ay jusmeyo!

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot. At sa loob ng ilang segundo, tila tumigil ang mundo.

"Zach," mahina kong tawag. "Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin pero..."

pero si sir ezekiel ang nasa isip ko e.. puta!

Kumunot ang noo niya. "Pero?"

bahala na!

Napayuko ako at napakagat sa labi. "Hindi pa ako handa."

sorry zach.....

Tahimik siyang tumango. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit pilit niyang tinatago sa ngiti. "Okay lang, Sky. Naiintindihan ko."

"Sorry," mahina kong sabi.

"You don't have to say sorry, okay?," sagot niya. "At least ngayon, alam ko na ang sagot."

Naupo kaming dalawa nang tahimik, habang pinagmamasdan ang mga dahon na nahuhulog mula sa puno. Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin.

ang akward..

"Halika na," aya niya. "Hatid na kita."

Tumango ako at sumakay kami sa kotse niya a walang kibuan. Habang binabagtas namin ang daan pabalik sa apartment ko, pilit kong iniisip kung bakit parang may kirot din sa dibdib ko. Hindi dahil kay Zachary, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na koneksyon na nararamdaman ko kay Sir Ezekiel.

may gusto na ba ako sa taong yun...

Pagdating namin sa apartment kong bulok, bumaba ako ng kotse at lumapit sa pinto.

wala akong balak magpa alam sakanya dahil sa nangyare kanina,hindi ko gusto yung halikan niya ako..

"Sky," tawag ni Zachary bago ako makapasok.

Lumingon ako. "Hmm?"

"Wala lang... ingat ka, ha? At tandaan mo, nandito lang ako kahit ano pa ang mangyari."

napangiwi ako.

Nginitian ko siya pilit. "Salamat, Zach. Good night."

"Good night, Sky."

Papasok na sana ako ng biglang may narinig akong tawag mula sa gilid.

"Skyler."

Napalingon ako. At doon, sa ilalim ng ilaw ng poste, nakita ko si Sir Ezekiel na nakatayo, seryoso ang mukha.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at kinakabahan,

putek! bat ba ako kinakabahan sakanya!

"Sir...?"

Nanatili siyang nakatitig sa akin, ang mga mata niya ay tila naghahanap ng kasagutan.

muka siyang pagod pero gwapo parin..

"Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" tanong niya, malamig pero may bahagyang halong emosyon sa boses.

nga pala tig off ko yung phone ko dahil sa inis sakanya.

"Ah... busy lang, Sir," sagot ko, pilit na umiiwas ng tingin. "Nasa park kami ni Zachary."

ay gago! bat ko nasabi yun!kingina..

Napatingin siya sa kotse ni Zachary na hindi pa umaalis. Nakita kong nagkatinginan sila ni Zach. Tahimik pero puno ng tensyon.

"You have so much time for others," mahina niyang bulong, pero narinig ko. "Pero sa akin... wala?"

luh?!

Nanlaki ang mga mata ko. "Sir, ano pong ibig niyong sabihin?"

Humakbang siya palapit. Napatras ako, sumandal sa pinto.

"Alam mo ba kung anong naramdaman ko nang makita kitang kasama siya?" tanong niya, bahagyang nagngangalit ang panga.

puteks pinagsasabi nito!

umayos ako at tinignan siya

"Sir... si Zachary po ang tumulong sa akin kanina," paliwanag ko. "Hindi niyo kasi ako--"

"Hindi kita ano, Skyler?" singit niya. "Hindi kita pinagtanggol?"

wews galing maghula mo sir ah!

Pero napayuko ako. "Oo, Sir. Akala ko... ipagtatanggol niyo ako sa pamilya niyo. Pero... wala kayong ginawa."

Tahimik siya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsikip ng kanyang panga.

"Sa corporate world, Skyler, hindi laging kayang labanan ang mga tulad nila," bulong niya. "Pero... mali ako. Dapat... pinrotektahan kita."

Nag-angat ako ng tingin. "Sir..."

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Skyler, gusto kitang protektahan. Pero hindi ko alam kung paano." Nag-iba ang timbre ng boses niya, parang nahihirapan.

Bago pa ako makasagot, biglang bumaba si Zachary sa kotse.

"Sky, okay ka lang?" tanong niya, lumalapit sa amin.

Binitiwan ako ni Sir Ezekiel at inis niyang tinignan si zachary

"Oo, ayos lang ako, Zach," sagot ko.

Pero sa loob ko, gulo-gulo na ang lahat.

"Ano bang problema mo, Ezekiel?" biglang tanong ni Zachary, halatang naiinis. "Ba't parang ikaw pa ang galit?"

Tumingin si Sir Ezekiel kay Zach, naningkit ang mga mata. "Problema ko? Ikaw ang problema, Zachary."

haluh?!

"Talaga? Dahil lang sinamahan ko si Sky? Ikaw ang nagkulang, Ezekiel. Hindi ako."

"Wala kang alam sa amin," madiing sagot ni Sir.

"Alam kong nasaktan siya dahil hindi mo siya pinagtanggol," balik ni Zach. "At alam ko ring selos ka ngayon."

eh? hindi ko alam kong anong isasagot ko..litong lito ako kung gagawin ko dito sa dalawa

Napatigil si Sir Ezekiel. Napalunok ako at napatingin sa kanilang dalawa. Para silang mga asong nagbabantaan.

"Selos?" malamig na natawa si Sir Ezekiel. "Seriously, Zach? You're delusional."

"Oh really? Kasi parang hindi mo matanggap na ako ang nandito ngayon with Skyler," sagot ni Zach, bahagyang ngumiti. "At ikaw? You're just here to clean up your mess."

Hindi sumagot si Sir Ezekiel. Tumingin siya sa akin, pero bago pa siya makapagsalita, nagsalita na ako.

"Tama na," mahina kong sabi. "umuwi nalang kayo..."

pero hindi nila ako pinakingan halos ang sama ng titig nila sa isa't isa,kulang nalang magsuntukan sila.

"Do you like him?" sigaw ni Zach kay Ezekiel.

puteks..ewan ko bat biglang bumilis ng tibok ng mga puso ko.

Napatitig si Sir Ezekiel kay Zach at parang nakikipaglaban sa sarili.

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

dug

tama na..

dug

dug.

"Yes!" sagot niya, pasigaw. "Yes, I like him!"

ay shutangina!!!!!!!!!!!!!holy kamote! !!!!!

Napanganga ako sa gulat. Parang huminto ang mundo ko.

Si Zachary ay napatigil, habang si Sir Ezekiel ay nanatiling nakatingin sa akin.

Nakatayo lang ako sa harap ng pintuan ng apartment ko, natutuliro pa rin sa narinig ko.

"Yes! I like him!"

Paulit-ulit na umuugong sa isip ko ang sigaw ni Sir Ezekiel. Tangina. Totoo ba 'yon? Gising ba ako? O nagkaroon lang ng glitch ang utak ko?

hindi ko alam kong magiging masaya ako sa narinig ko o hindi!

Nagkatinginan kami ni Zachary, parehong nagtataka. Si Sir Ezekiel naman, parang natauhan sa sinabi niya at napahawak sa batok niya at iwas ng tingin sakin.

"Wait, what?" bulong ko, nag-blink ng ilang beses. "Sir... totoo ba..? Or lasing ka ba ngayon?"

kumunot ang noo niya at hindi nagsalita

"Narinig mo naman, Skyler," sagot ni Zach, naka ngisi . "Ezekiel just admitted he likes you. I mean...wow. History repeats itself, huh?"

"Zach," malamig na boses ni Sir Ezekiel. "Don't start."

"Start? I'm just stating facts," sagot ni Zach, tinaas ang dalawang kamay na parang inosente. "First Andrea, now Skyler? What is it with you and always wanting what I have?"

nga pala nakalimutan kong naging magkaribal din sila dahil dun sa babaeng yun!

tumikhim ako, puteks hindi ko kinaya ang eksena ko ngayon!

"Excuse me?!" napaangat kilay ko. "Wait lang. Ano 'ko, bagay? Trophy? Parang cellphone na pinag-aagawan niyo?"

"Hindi, Sky," sagot ni Zachary, agad na bumaling sa akin. "Hindi ka trophy. Pero... history has a funny way of repeating itself."

"History?" singit ni Sir Ezekiel, tumawa nang mapakla. "Dude, really? Ikaw ang naghabol kay Andrea noon, tapos nung na-turn down ka, sinira mo ang buhay niya."

"Whoa, whoa! Timeout!" Nagtaas ako ng kamay. "Ano 'to, teleserye? Naguguluhan ako, please lang."

"Sky," lumapit si Zachary at hinawakan ang braso ko. "I'm here because I care about you. I told you what happened before. Hindi ko gustong maulit ang sakit na nangyari noon."

"Sakit mo o sakit ni Andrea?" sabat ni Sir Ezekiel, mas lumapit at halos dikit na sa amin. "You're not here for Skyler, Zach. You're here to win. Just like before."

ay puteks! kailangan ko pigilan tong dalawa baka magsuntukan sila!

"Grabe kayo!" bulalas ko, napalayo sa kanilang dalawa. "Wala kayong pinagkaiba sa mga magkaagaw sa love triangle sa pelikula! Bakit ako?! Pwede bang huminga muna ako?"

Nanahimik sila pareho. Parang mga batang pinagalitan ng nanay.

"Alam mo," tumawa ako ng pilit. "Ang saya-saya ng gabi ko sanakaso  Napahiya ako sa family dinner ng fercops ,Tinawag akong kanal boy! ,tsaka isa pa si babaeng luya! si genevieve! lakas magasar sakin at lait laitin ako !Tapos ngayon woahhhh" sabay paypay sa dalawa kong kamay sa mukha at tignan ko silang dalawang masama "dito pa ako pinag-aawayan niyong dalawa? Jusmeyo!"

i kennat!

"Skyler," sabay nilang sabi.

"Hindi!" Sumenyas ako ng stop sign gamit ang kamay. "Kahit nagustuhan ko kayong dalawa dati, nawawala na yung charm niyo ngayon. Alam niyo kung ano kayo? Toxic!"

oo nagustuhan ko si zachary pero hangang kaibigan lang siya sakin.

Napatigil sila.

"Ako? Toxic?" sabay nilang tanong.

"Oo! Ikaw, Zach!" sabay turo ko sa kanya. "Masyado kang charming. Yung tipong kaya mong bilugin ang ulo ng kahit sino. Pero pag hindi mo nakuha, nagiging manipulative ka."

Napanganga si Zach. "Manipulative? Skyler, that's unfair."

"Unfair din yung halikan mo ako at ligawan ako nang alam mong may nararamdaman akong hindi ko maintindihan para kay Sir Ezekiel!"

"Damn," bulong ni Zach, napalayo ng bahagya.

Huminga ako ng malalim at hinarap si Sir Ezekiel. "At ikaw, Sir."

Napasinghap siya. "me?"

"Oo, kayo!" turo ko sa dibdib niya. "Bigla na lang kayong magpapakita dito at aamin na gusto niyo ako? E kanina lang sa dinner, halos wala kayong ginawa nung pinahiya ako ng tatay mong kampon ni satanas. Ang sakit nun, Sir."

Napahawak siya sa batok niya. "Skyler... hindi ko inisip na ganun ang magiging epekto nun sa'yo."

"Hindi niyo inisip kasi hindi niyo talaga ako inisip." Napalunok ako habang ramdam kong umiinit ang mata ko. "Ngayon ko lang napagtanto... siguro nga, hindi ko dapat ginustong mapabilang sa mundo niyo."

"Sky," mahinang sabi ni Zachary.

Tinalikuran ko sila at binuksan ang pinto ng apartment ko.

"Sorry, pagod na ako. Good night na sa inyong dalawa."

Pumasok ako at isinara ang pinto. Sumandal ako sa likod ng pinto, humihingal sa halo-halong emosyon.

Mula sa labas, narinig ko ang tinig ni Sir Ezekiel.

"Sky... I'm sorry."

Kasunod niyon ay yabag ng papalayong mga paa.

At sa gitna ng katahimikan ng apartment ko, isa lang ang pumasok sa isip ko:

Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Share This Chapter