Back
/ 38
Chapter 5

CHAPTER 4: Jamming plus may pogi !

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Skyler’s POV

Gabi na.

Habang naglalakad pauwi, ramdam ko ang pagod na bumalot sa katawan ko. Parang gusto ko na lang mahimatay sa pagod at kahihiyan. First day ko sa office, at kung may isang bagay akong sigurado, ‘yun ay… wala akong ginawa kundi magmukhang tanga.

Pero double pay?! Nuksss! kailangan ko na talaga mabago.

Mula sa pagkaka-spill ng kape sa CEO namin (patay na!), hanggang sa mga awkward na moments kung saan parang gusto kong matunaw—lahat ‘yun, signature Skyler moments.

Kailangan ko ng emotional support. ASAP.

Kaya kahit hindi pa ako nakakapagpalit ng damit o nakakaupo man lang, kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan ang tropa ko. Tulad ko, mga bago rin silang salta sa Maynila, at lahat kami nagsisimula pa lang sa trabaho. Alam kong sila lang ang makakaintindi sa pinagdadaanan kong crisis.

Pagpasok ko sa apartment…

At deretso umupo,minuto minuto Meron kumatok sa pinto ko kaya't agad ko naman ito binuksan.

"SKYLER!"

Sabay-sabay silang sumigaw na parang nanalo ako ng Miss Universe. Si Bea, Chara, at Mads—ang tatlong gaga kong kaibigan,may mga dala Silang plastic halata namang pagkain ito dahil sa amoy.

Napahawak ako sa sentido ko. "Mga bruha, anong balak niyo ngayong gabi?"

"Walang balak-balak! Celebration ‘to!" sigaw ni Bea, sabay pose na parang nasa concert.

"Teka lang, magpapalit lang ako ng damit!" sabi ko, habang nagmamadali papunta sa kwarto.

Pero bago pa ako makapasok, narinig ko nang nagsimula na silang magchismisan tungkol sa akin.

"Grabe, Skyler, amoy corporate ka na!" sabi ni Bea, nakatawa.

Napataas ako ng kilay. "Ano raw?"

"Huwag mo siyang pansinin!" sabat ni Chara, umiikot ang mata. "Ang importante, may trabaho ka na at hindi ka natanggal agad dahil sa kapalpakan. Praise the Lord!"

Ouch.

Sumabay si Mads, laging may pahabol na hirit. "Kung natanggal ka agad, for sure uwi ka na kay Mother Dear!"

At doon ko narealize… Oo nga, namimiss ko na si Mama.

Pero bago pa ako mag-senti, biglang lumapit si Bea. "Skyler, spill na! Ano nangyari sa first day mo? Baka may epic fail moment ka na naman?"

Napabuntong-hininga ako at bumagsak sa sofa. "Besh… ang pangit ng araw ko. Kung may award ang ‘Most Epic Fail First Day,’ panalo na ako."

"HA?!" sabay-sabay silang lumapit, parang may exclusive chika silang inaabangan.

"Wait, baka nag-drop ka na naman ng kape or something!" Chara guessed, tumatawa na. "O baka naman may power move ka na agad kay Mr. CEO? Alam mo ‘yung mga bossy vibes na parang sa K-drama?"

Bossy vibes?

Natahimik ako. Well… medyo may point siya.

Kahit na mukhang gusto akong patayin ni Sir Ezekiel sa loob-loob niya, siya pa mismo ‘yung nagbigay sa akin ng extra responsibility. Parang promotion agad—pero high-key threat din.

"Si Ezekiel lang naman ang dahilan ng stress ko, mga besh," sagot ko, humihilot sa noo ko. "Siya rin ‘yung nagbigay ng extra task sa akin. Kung nag-no ako, baka wala na akong trabaho ngayon."

Biglang lumapit si Mads, parang may maitim na balak. "Pero besh… opportunity ‘yan! Laban lang! Hindi mo alam, baka ikaw na ang next na office star!"

"Starla?!"

Natawa silang tatlo.

"Hindi kasi!" I groaned. "Imagine this—first meeting namin, tapos nag-spill pa ako ng kape sa kanya! Hindi ko kinaya, parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng desk!"

Silence.

Tapos biglang—

"OH MY GOD!!!" sigaw ni Bea, habang tinatakpan ang bibig niya. "Skyler, ganyan nangyayari sa mga K-drama bago magkadevelopan!"

Pinalakihan ko siya ng mata. "Ano ka ba! Tumigil ka diyan! Gwapo nga siya, pero mukhang masungit! At tsaka, baka into girls lang siya, noh!"

Chara smirked. "Pero bakit hindi?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang mag-BL fanfiction diyan, Chara!"

"Malay mo, bi siya!" dagdag pa niya, nakatawa. "Andiyan na lahat—drama, coffee spills, high-stakes responsibility… next chapter, romantic tension na!"

"Jusko, kaka-BL niyo ‘yan, sis!"

Tumawa lang sila nang tumawa, habang ako, pilit na nilalabanan ang kahihiyan.

Biglang tumayo si Mads, full of energy. "Alam ko na! LET'S CELEBRATE!"

Kinuha niya ang isang bucket ng fried chicken at bags of chips sa kitchen. "Kahit clumsy ka, hindi tayo papayag na hindi mag-party! Celebration ‘to, Skyler!"

"Correct!" sabat ni Bea, sabay kuha ng isang piraso ng chicken. "First day mo pa lang, pero parang season finale agad ang drama mo!"

"Kaya cheers!" sigaw ni Chara, sabay taas ng soda. "Para sa unang araw mo… at sa first big mistake mo—FOR THE LOVE OF COFFEE!"

Nagtawanan kami lahat.

Sa sobrang daming naganap ngayong araw, kahit pagod ako, alam kong hindi ako nag-iisa. Kahit anong mangyari bukas, handa akong harapin ‘yon…

…basta may fried chicken at tropa sa tabi ko.

__kinabukasan....____________

Maaga pa pero mukhang epic fail na agad ang araw ko.

Pagdating ko sa office, sinabihan ko na talaga ang sarili ko: "Skyler, wag ka nang magloko ngayon. First day was enough embarrassment. Behave ka lang, okay?" Pero bakit parang pag ako ang nagsasalita ng positive affirmations, walang effect? Pati universe, ayaw akong patahimikin.

Shuta!

Habang naglalakad ako papunta sa cubicle ko, napansin ko si kuya sa kabilang area, hinahatak yung water bottle niya. Pero teka, bakit parang masyado siyang inspired mag-hatak?

Bago pa ako makareact, biglang nahulog yung bottle sa sahig. Tapos ayun na nga, may free-flowing water system na sa gitna ng floor.

At dahil sa talento kong makita ang mga kalokohan huli na, ang ending:

DAPA!

Yup. Ako 'to, literal na nakaluhod sa sahig na parang nangangailangan ng dasal. Skyler, ano ba tong eksena mo sa buhay?! Wala na, 'tol. Isa na akong live-action version ng palpak na teleserye character.

"Ay, put-" Buti na lang napigilan ko yung mura ko.

"Skyler, tumayo ka d'yan baka abutan ka ng tidal wave!" narinig ko si ate sa kabilang cubicle habang tumatawa.

Korni ng biro mo sis!

Habang nakaluhod pa rin ako sa tubig-tubig na yan, biglang may lumapit sa akin na mala-slow motion ang dating. Isang kamay ang dumampi sa braso ko, at paglingon ko...

OH MY GOD!!!!

Si Zachary. Ang gwapo! Ganito ba ang mga anghel na bumababa mula sa langit?! Para siyang naka-filter ng Snapchat kahit IRL. Yung jawline niya pang-punit ng papel, tapos yung buhok niyang messy pero hot? Ay, Lord. Isama mo na ako sa paraiso.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya, sabay abot ng kamay niya para tulungan akong tumayo.

"Ah, e-oo naman! Ayos lang po ako!" Pucha, bakit parang ang shaky ng boses ko?

Hinawakan ko yung kamay niya, and let me tell you, para akong nakuryente. Tapos, nung hinihila niya na ako pataas, parang na-feel ko yung muscles niya.

SHET!. ANG TIBAY. SINONG GYM TRAINER MO KUYA, PA-REFER NAMAN!

Nakatayo na ako, pero hala, bakit parang bumagal yung oras? Nakatingin siya sa akin, medyo naka-smile.

Smile lang ha? Pero bakit ang impact, pang kilig to the bones?

"Next time, ingat ka, ha?" sabi niya habang kinukuha yung tissue sa bulsa niya at inabot sa akin.

"Ah, oo! Sige po! Salamat!" Pucha, pati salamat ko parang script ng awkward na commercial.

Bigla na lang siyang umalis. Ganun lang? Ganun lang, kuya? Magpapakilig ka lang tapos lalakad ka na parang may ganap kang superhero?! Walang follow-up message? Walang cell number? Walang FB friend request?! Char!

Habang nakatulala ako, narinig ko si Miss HR na sumigaw mula sa kabilang cubicle. "Hoy, Skyler, mukhang tinubigan ka na naman, ah!"

"Oo nga, te. Pero teka, sinong tumulong sa kanya?" tanong ni karen. "Tapos bakit parang namumula ka, Skyler?"

Namumula ba ako?!!!

"Hala, Hindi ah!" sagot ko habang kinikilig nang slight kaya napanod nalang Sila parang ah ok...

Shuta!

---

Pagkatapos ng epic embarrassment ko, akala ko tapos na ang kalbaryo ko. Pero siyempre, hindi pa. Habang nililigpit ko na yung kalat ko, biglang dumaan si Ezekiel.

"Skyler," sabi niya in his usual low, stern voice. "Ano na naman 'to? Kung dapa ka nang dapa, baka gusto mo nang ilipat sa housekeeping ang trabaho mo."

Pucha, ayaw!!!.

"Sorry, Sir!" sagot ko habang naglilinis pa rin ng tubig. "Promise, last na 'to!"

"Last?" He raised an eyebrow. "Hindi pa nga natatapos ang araw, Skyler. Be careful, okay?"

Yass! Becareful!sky! Para sa extra pay!!!

"Noted po, Sir!" sabi ko habang parang naiihi na ako sa kaba. Tapos naglakad siya palayo, leaving me with mixed emotions.

Okay, Skyler. Kalma. First day pa lang 'to-ay hindi pala, second day na. hehehe

charrrrrrrrrr!

Share This Chapter