Back
/ 38
Chapter 6

Chapter 5: New friend

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Skyler's POV

Ang aga-aga pa lang, pero feeling ko naka-sampung cardio na ako. Bakit kamo? Eh kasi late na naman ako!bwisit kasi itong tubig na to sa gripo e! walang water! kaya nagigib pa ako wala sa Oras.

Nakakainis!

"Tangina, Skyler! First week mo pa lang, gago ka na agad sa oras!" sigaw ko sa salamin habang nagmamadali sa paglagay ng gel sa buhok ko. Sabay hinatak ko yung bag ko, sinampay sa balikat, at tumakbo palabas ng apartment.

Habang naglalakad papuntang bus stop, nagdasal ako sa lahat ng santo, "Lord, sana naman hindi ako makita ni Sir Ezekiel pagpasok ko sa office. Amen!" Pero knowing my luck? Malabo parang sa Japan lang....char!!

Pagdating ko sa building, mabilis akong sumimple papasok. Pero bakit ganun? Yung feeling na parang nakatingin lahat ng tao sa'yo?

Malamang kasi late ka, gago!

Huminto ako sa elevator lobby, at sa wakas, may bukas na elevator. Pero nung papasok na ako, napako yung paa ko.

Shit.

Si Sir Ezekiel.

Tumingin siya sa relo niya at saka sa akin. Yung tingin na parang sinasabi, You're late, Skyler. Again. Wewss

"Good morning, Sir!" sabi ko, pilit ang ngiti, kahit ramdam ko na parang hinihigop ng sahig ang kaluluwa ko.

"You have two minutes left before you're officially late," sabi niya, sabay tingin ulit sa relo. "Are you planning to stand there all day, or will you make it on time?"

Napakainit naman ng ulo nito. "Sorry, Sir!" sagot ko sabay pasok ng elevator. Eh ang mali ko, sa sobrang kaba, naipit yung dulo ng bag ko sa pintuan.

Tangina, ang bobo mo talaga, Skyler!

Narinig ko siyang huminga nang malalim habang pinindot yung open button. "Fix yourself. You look like you've run a marathon."

E do wow sir!

"Sorry po, Sir!" sagot ko, pilit pa ring ngumingiti kahit gusto ko nang maglaho.

First week mo pa lang, sinasabi ko sa'yo Skyler, hindi ka na magkaka-permanent contract at walang double payment!

Pagdating namin sa floor namin, nauna akong bumaba. Pero bago ako makalayo, narinig ko siyang magsalita.

"Skyler," sabi niya, malamig pero diretso. "Coffee. Black. On my desk in five minutes." Sabay alis

Nag-freeze ako sa kinatatayuan ko. Coffee ulit? Paano kung matapon ko na naman sa kanya?

Sheesh sana hindi!! na trauma na Ako Jan sa kape kape na yan!

Bakit ako pa? Wala ba siyang secretary?! Nyeta!

Napanguso ako at bumalik sa elevator kasi nasa ground floor pa yung cafeteria.

Pagdating ko dun dumeretso ako sa table coffee machine, andaming nakahilerang ng kape, iba't ibang brand.

Pakshit! Dapat pala tinanong ko muna kung anong flavor gusto niya!bahala na!

Kumuha akong isang stick na kape Hindi ko alam Kong Anong tatak Yun at nilagay dun sa coffee machine sabay kuha ng mug at sinalang dun.

Five minutes later, hawak-hawak ko na yung kape, kinakabahan habang papunta sa opisina niya. Nagdasal ulit ako,

"Lord, this time, sana walang disaster. Amen."

Pagtapak ko sa loob ng office niya, tahimik lang siya, busy sa laptop. Nilapag ko yung kape sa desk niya nang dahan-dahan. As in, parang slow motion para walang kahit isang patak ang matapon.

Success!

"Skyler."

"Yes, Sir?"gulat ko siyang tinignan

"You've been here less than a week, and yet, you've managed to attract every possible form of trouble."

"Ah... sorry po, Sir?"

He looked up from his laptop, straight into my eyes. PUTA ANG GWAPO.

Teka, focus, Skyler!

"Are you really this clumsy? Or is it just part of your... charm?"

Hindi ko alam kung anong klaseng tanong yun. Charm? Ako? Napangiwi tuloy ako kahit medyo sarcastic yung tono niya.

"Ah... Sir, hindi naman po ako ganito sa probinsya. Siguro naninibago lang ako sa city life."

He sighed, shaking his head. "I hired you because I thought you had potential. But if you keep this up, I might reconsider."

Ha?!

Kinabahan ako bigla. "Sir, promise, magbabago po ako! Hindi na ako magiging late. At promise, hindi na po ako matutumba kahit may tubig sa sahig!pramis!!! po sir pramis!"sunod sunod kong sabi sakanya.

Napangiti siya nang konti. Pero yung tipong smirk lang. Parang hindi talaga siya sanay ngumiti. Pero kahit ganun, ang gwapo talaga niya, gago!

"You better keep that promise, Skyler. Because if you don't..." Tumayo siya, at lumapit nang konti. "Let's just say, I'm not very forgiving."

Amoy ko ang mint ng hininga niya.

"Yes, Sir!" sagot ko agad, nag-straight body posture pa para magmukhang professional,Pero deep inside muka akong tanga sa posture ko

"Good..now go back to work" Sabi niya sabay talikod sakin habang ini inom yung pinagtimplahan kong kape sakanya.

Pero ngayon ko lang napansin na malakas ang appeal niya at mas lalong gwapo siya sa malapitan,napaka manly ng tindig at posture niya

Napangiti ako bigla, yan yung mga tipong lalaki na ideal type ko pero malabo naman kung magkakagusto siya Sakin.

Agad na ako umalis sa office niya at bumalik ako sa desk ko. Pero hindi ako mapakali. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Oo, suplado siya, pero parang ang sarap niyang ayusin. Alam mo yun? Yung tipong 'I can fix him, bes.'

Pero wag ka magpakadelulu! Skyler straight siya bes! Straight siya!

Pero teka, hindi pa tapos ang araw ko. Mamaya-maya, napansin ko si Zachary, yung team lead sa kabilang department, papalapit sa desk ko.

Uyy may another pogi!!!

"Skyler, kamusta?" tanong niya, friendly yung tono

Hala kinamusta niya ako?! Sabagay sabi kasi nila friendly daw tong si Zachary e...Lalo na sa mga bagohan..

"Ah, okay lang naman, Zach! Kayo po?" Sabay ngiti sakanya

"Okay din. By the way, wag ka mahiya Sakin..just free to approach me kapag may kailangan ka hehe"sabi niya sabay ngiti

Napakamot ako sa ulo, sabay tawa. "Sige bah..kaso mahiyain ako tsaka wala naman ako masiyado kakilala

Dito e.."

"Wag ka magalala..Kakaibiganin kita para hindi ka ma ackward dito hahaha" Sabay lahad ng kamay niya Sakin "so friends na tayo?"

Hala! Owemjiiii!

Pero sabagay para hindi ako loner dito, siguro ito na ang time para alisin ang hiya ko sakanya.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya sabay shakes hand " yes of course para hindi ako magmumukang out of place dito kasi parang magkakilala na kayo lahat dito e Hahaha" pilit kong tawa.

"haha yes we're know each other here.. by the way.. You're cute" sabay pisil sa kamay ko at agad ko naman ito binawi ng mabilis.

Puteks!

"Hindi naman Hehehe"sabay kamot sa batok ko.

Ehe aminin! Kinikilig ako!

"Cute ka nga...Pero sabog ka nga lang minsan.. hahahaha"

Ay puta!

Agad ko naman siya hinampas sa braso pero mahina lang.

"Uy Grabe ka naman Zach!kahit mukang sabog ako! Cute parin ako blee"sabay dila ko sakanya.

Tumawa siya, at my God, ang ganda ng ngiti niya. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, biglang dumaan si Sir Ezekiel sa harap namin.

"Skyler, focus on your work. This isn't a social club."

Ay puteks! Minsan na nga lng makahanap kaibigan tas ganito pa bungad sakin nito.

"Yes po, Sir!" Pilit ngiti ko pero parang ngiwi

"Tsk.." sabay alis at pumunta sa head namin dito,Nakita ko parang kinakabahan si sir denli.

Natakot siguro siya Kay sir Ezekiel

Lumapit si Zach at ginulo niya ang buhok ko, nag-smile siya at pabulong na sinabi, "Don't worry, you're doing fine."..

teka parang kinikilig ako sa sinabi niya hihhihihihihih

Share This Chapter