Back
Chapter 16

Chapter Fourteen

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

Sa buong biyahe pauwi, pinipilit kong manatiling gising. Sinampal ko pa kanina ang pisngi ko nang ilang beses, na halos maging sanhi ng disgrasya namin dahil nagulat si Ian sa ginawa ko.

Kaya ang ginawa ko nalang ay palihin na kinurot ang hita para mawala ang antok.

Galing pa ako sa pakikipaglaban doon sa hotel, wala man lang pahinga. Sobrang napagod talaga ako sa kakatakbo at pag-iwas sa mga bala kanina. But it's okay dahil pauwi na kami at makakapagpahinga na rin ako sa wakas!

I should be celebrating today because it's the first day I'm finally free from that frustrating probation. Pero dahil sa dami kong pending na gawain, hindi ko man lang magawang bumesita sa mga bars dito.

Ian parked the car and handed me a water bottle. Naguguluhan ko itong tiningnan matapos kong tanggapin ang bottle, pero nakalabas na ito ng kotse at umikot para pagbuksan naman ako ng pinto.

Bumaba ang tingin ko sa water bottle and check kung may mali ba. Trust issues striking.

Nang walang mapansin na kakaiba, I just shrugged and got out of the car when Ian opened the door for me. While walking, ininom ko ng dahan-dahan ang tubig. Mahirap na baka may biglang sumulpot na nakakagulat at baka mabulunan--.

"Milady, good evening! Hurry up, milady. Young Master Killian was waiting for you in the living room!"

(O_O)⁠!

WHAT?!

Mabilis ang pangyayari. Nakita ko nalang na nakapikit na si Phobi, her lips were tightly pressed together, and water streamed down her face.

Napatulala ako sa mukha nitong basa. Tsaka ko lang na-realize ang nangyari. Natatawa akong naghanap ng panyo at tinulungan siyang punasan ang kaniyang mukha na nabugahan ko ng tubig.

Fudge. Her face is funny, but not the news.

"I'm sorry Phobi, but who's waiting for me in the living room again?" tanong ko. Alam ko namang narinig ko siya ng maayos, but I need to hear it again. Ayaw kasing tanggapin ng pandinig ko ang pangalan na 'yon!

"It's the Young Master Elliot, milady. He has been waiting for almost an hour now."

Oh gosh! Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito? At bakit daw niya ako hinihintay? Kakakita at kausap ko lang ng isang animal kanina, hindi ba puwedeng magpahinga muna ako?!

Time-out muna, please, have mercy on me!

Bumaba ang tingin ko sa sarili. Mariin akong napapikit nang maalala ang suot ko. Nakakahiya naman kung magbibihis pa ako kung halos isang oras na pala itong naghihintay sa akin.

"This will do. He won't see it anyway," bulong ko sa sarili bago binigyan nang nagtatanong na tingin si Ian. Hindi niya kasi sinabi sa akin na may bisita pala.

He gave me his serious gaze and shrugged his shoulder. "I told you earlier, miss. You probably just didn't listen," seryoso nitong sabi sa akin.

I ignored his comment at naglakad nalang ng diretso papasok ng regencia. The Cromwell guards greeted me, pero hindi ko man lang sila mabigyan ng ngiti. Baka kapag ipilit ko'y ngiwi pa ang kalalabasan.

Nagmamadali akong naglakad papasok ng regencia, paying no mind to the stares from the maids.

Fuck this! Bakit sa lahat ng oras ay ngayon pa ito bibisita kung kailan stress ang mukha ko't wala akong ayos?

'Talagang iyan pa ang iniisip mo ngayon, Alora? Isipin mong isang animal ang naghihintay ngayon sa 'yo sa living room!'

Lahat na yata ng kamalasan nasalo ko na sa gabing 'to. Nauna na akong inambunan ng kamalasan ni Ysa-boy kanina sa kalandian niya, tapos another animal naman ngayon? Buwesit!

I swallowed hard as I saw the man sitting on the sofa. I couldn't see his face as he had his back turned towards the entrance of the living room.

But his broad shoulders and jet-black hair were enough to make me gulp down gallons of saliva.

"Oh, there she is. Come here and greet the visitor, darling," tawag pansin ni Olivia sa akin, wearing her ever-fake smile. She was using that sickly sweet tone of voice again that made me cringe to my core.

Taas noo akong naglakad palapit. I gave my dad a peck on the cheek but ignored Olivia, na mukhang naghintay yata na magpanggap akong mabuting anak sa kaniya.

Why would I do that when she's not even my mother? Hindi ako kagaya ni Cosette na magpapanggap na ayos lamang ang lahat kahit naririnig niya ang masasamang salita na binabato nito sa kaniya.

I am no saint. Malayo ako sa salitang iyon.

I focused my gaze on the Young Master na nakaupo sa single sofa. Muntik pa akong mapanganga nang makita ng malapitan ang mukha nito.

'Shit! Ang guwapo naman ng animal na 'to. Kahit saang anggulo ako tumingin, sobrang perpek talaga!'

He is sitting cross-legged on the single sofa, his elbows resting on each side, while his hands are clasped together.

He is wearing a formal black suit with a white shirt underneath. The two buttons of his shirt are undone, revealing a glimpse of his broad chest.

I also noticed a tattoo peeking out slightly from his chest. Naalala kong sa nobela ay namention din ang tungkol sa bagay na ito dahil sa female lead. He has a gun tattoo on his chest.

'Otomatik ka talagang nagkakaroon ng twenty-twenty vision kapag guwapo nasa harap mong bruha ka!'

Well, sinong mata ba naman ang lalabo kung ganito kaguwapo ang kaharap, 'di ba? Kahit paulit-ulit pa akong paalalahanan ng utak ko na isa itong animal, dedma na muna sa ngayon.

Nang mapansin kong nakasunod ang tingin nito sa akin, bigla akong naging conscious sa hitsura ko't napaayos pa ng buhok. Yikes!

The way his serious eyes scrutinize me from head to toe... It just doesn't feel right.

Napatikhim ako. Hindi ko naman expected na totoong may ipanglalaban pagdating sa mukha ang mga animal! Even Ysa-boy has the looks. Pero mas lamang talaga ang kaharap ko ngayon kesa kay Ysa-boy.

Well, I've always been attracted to doctors, nurses, and such. Kaya siguro bias ang mga mata ko ngayon.

Muli akong napatikhim. Kalmahan mo lang, Alora. Maangas ka! Bakit ka nagpapatalo sa mga animal sa paligid? Astig ka dapat!

"Good evening, Miss Cromwell," nakangiting bati nito sa akin. Shucks! Pati boses guwapo din.

Ngumiti ako pabalik. "Good evening, Dr. Elliot. I'm sorry for making you wait for almost an hour. I... I just had an emergency that I needed to attend to," paliwanag ko sa mahinhin na paraan.

'Basta guwapo talaga ang kaharap ay nag-iibang anyo ka, Alora! Bakit ka biglang naging prim and proper?! Pull yourself together!'

Heh! Set aside ko muna pagiging gaga ko for now. Nakakahiya naman sa guwapong nilalang na sobrang noble ang galawan na nakaupo sa harap ko.

"It's fine. I'm glad you recognize me," he replied, adjusting his glasses. Ngayon ko lang napansin ang suot nitong salamin, and it suited him.

Tsaka paano ko siya hindi makikilala kung ang isang ito ay kilala bilang magaling na doktor? Kalat na kalat kaya ang mga kabutihan kuno nitong ginawa sa mga pasyente niya.

Heh! If only they knew that the man they're praising as a good doctor is a literal demon.

"Let me introduce myself properly, Miss Cromwell. My name is Dr. Killian Hunter Elliot, and from now on, I will be your personal psychiatrist."

.....

Loading...

Napatulala ako sa guwapo nitong mukha habang pilit pinoproseso sa utak ko ang sinabi nito ngayon lang. Tama naman ako ng mga narinig, hindi ba? Imposible naman na hallucinations lang ang lahat.

"Are you alright, Miss Cromwell?" tanong nito with a smile, habang titig na titig sa akin ang kaniyang mga mata. It felt like he found my reaction amusing.

Napakurap ako. Kasi sa totoo lang ang tanong niya ay gusto ko din itanong sa sarili ko. Am I alright?

"I'm sorry for my daughter's silliness, Dr. Elliot," polite na sabi ni Olivia.

Anong silliness?! Mukha ba akong sili? Maybe. I'm hot as a chili, so that's acceptable.

'Grabe, bilib talaga ako sa pagiging positibo mo sa lahat ng insultong binabato sa 'yo, bruha! Ang amazing mo sobra!'

"Maybe she was just shocked about it. She hasn't fully accepted that there is indeed a problem. But as a mother, I know that there is something wrong with her mental state. That's why I asked my husband to do everything, including getting the best psychiatrist to help her recover quickly," pagdadrama ni Olivia na nagpabalik sa katinuan ko.

Napangiwi ako nang maintindihan ko ang pinagsasabi nito. May crocodile tears pa talaga siya ngayon. Yah! Akala ko nakakatakot na sa aktingan si Magdalena, matatalo din pala siya ng nanay niya!

Anong pinagsasabi nitong may mali sa takbo ng utak ko?! Nasobrahan lang sa talino, may problema na kaagad sa pag-iisip?!

Though medyo may tama naman na baliw ako mag-isip, pero ang pagkakasabi niya kasi ay parang may mali talaga sa akin! Palagi nga akong tama sabi ng mga juniors sa military, tapos ngayon sasabihin niyang may mali ako? That's unacceptable!

Tumikhim si Prensley. Napansin niya din siguro ang pasimpleng insulto ni Olivia sa akin, as I saw him giving her a warning look.

"To be honest, I haven't really noticed any problem with my daughter, Dr. Elliot. But the people around her seem to notice something that I don't, and that's why it frustrates me as well. I hope you understand," Prensley said sadly bago ko naramdaman ang mahigpit na pagkapit nito sa kamay ko.

Hayss. Oh, to have a father like this man. Despite sa cold treatment na binibigay ni Cosette sa kaniya, he still continues to shower her with his love and care as a father.

I badly want to give OG Cosette a freaking slap on her face right now. How dare she treat her father poorly when all he wants is to be loved by her? Puro kagagahan lang kasi ang laman ng utak, eh. Heh!

Bumaling ang tingin ko sa lalaking kaharap. And here we have this animal pretending to be a good psychiatrist, nodding as if he truly understands the frustration that Prensley is feeling right now.

Isa din itong mapagpanggap, eh!

Bakit ba kasi sa lahat ng puwede nilang kunin na psychiatrist ay itong animal na ito pa? Hindi nga talaga yata alam ng mga ito na binibigay nila ako kay kamatayan sa ginagawa nila.

Nakalimutan kong hindi lamang ito isang simpleng doktor, marami pa itong kayang gawin na revolving sa medical field. And mayroon siyang licenses sa lahat ng iyon! He treats both humans and animals, providing whatever treatment is needed.

Siya lang yata ang kilala kong psychiatrist na mukhang kailangan din ng treatment dahil sa pagiging psycho niya. Geez.

Pero ang alam ko'y mahal ang personal sessions sa lalaking ito. It costs millions of dollars for a single session. So, Prensley really went to great lengths just to ensure his daughter's well-being, huh.

I blinked a few times again, attempting to regain my composure. "I...I'm sorry, it's just...this is all a bit unexpected," nauutal ko pang sabi dahil talagang hindi ako makapaniwala!

Killian's smile widened slightly. "I understand. Meeting a psychiatrist can be overwhelming. But rest assured, Miss Cromwell, I am here to help you on whatever challenges you may be facing."

Although his words were reassuring, I can't help but freak out. Killian Hunter Elliot, the tormentor of the Donnovans, ba naman ang sinasabing psychiatrist ko?!

Paano ba sabihin sakaniyang wala naman talaga akong problema at gawa-gawa lamang ng mga delusion ni Olivia ang lahat?

Hayst. Ang hirap talaga kapag mabuting anak, hindi ka maka-hindi sa magulang.

'Luh, Alora, isa ka din palang delusional! Gumising ka hoy, masama ka. Masama!'

"Anyway, here's the schedule for your sessions with me, Miss Cromwell. Please check and let me know the days you're not available, so I can make changes accordingly. Also, you can read and sign the contract inside," he said, handing me a schedule and a document to review and sign.

Wala sa sariling tinanggap ko ang folder na mukhang naglalaman ng schedules ko ayon narin sa sinabi nito. Bakit parang ang bilis?

Tiningnan ko si Prensley na nginitian lamang ako. Tinapunan ko din ng tingin si Olivia na umaarte parin sa gilid.

Damn, this woman. I will surely make her pay sa dami niyang atraso kay OG Cosette sa nobela. She better be prepared!

Binuksan ko ang folder tsaka binasa ang nakasulat. Nandito din pala sa loob ang agreement na pinirmahan ni Prensley as my guardian at ni Killian mismo as my psychiatrist.

Nang mabasa ko lahat ng conditions and schedules, nanginginig kong kinuha ang ballpen tsaka pinirmahan ang contract.

Sinong hindi manginginig kung ramdam mo ang titig ng guwapong nilalang sa harapan mo? His gaze is fucking pressuring my poor soul. Huhu!

The contract stated na may anim na sessions kami every Saturday. However, there were a few sessions scheduled on Sundays as well, mukhang may importante siyang gagawin sa ibang Saturdays, kaya nag-move sa Sunday ang iba.

May nakasaad pa nga na do's and don'ts na hindi ko alam kung kailangan ba talaga. May nakasulat din na the psychiatrist, Killian himself, would not meddle in my personal affairs and business basta hindi lamang makakaapekto sa sessions namin.

Alam ko ang ibig sabihin nito sa "affairs." Siguradong ka-relasyon ang ibig nitong sabihin doon. Akala mo naman talaga may personal affairs ako!

I bit my lower lip when I noticed him attempting to suppress a smirk.

Matapos makita ang pinirmahan kong kontrata, Killian eventually stood up, and we all followed suit. Binigay nito sa akin ang isang copy ng schedule bago nagpaalam kay Prensley at sa lumuluha paring Olivia.

"Why don't you escort Young Master Killian outside the regencia, Dulcinea?" Prensley said, catching me off guard.

Napaturo ako sa sarili ko nang marinig ang sinabi ni Prensley. Nang makita ko ang pagtango ni Killian at ang masaya ngiti sa labi ni Prensley, wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

Napipilitan na ngumiti ako kay Killian tsaka minuwestra ang kamay ko palabas ng living room before going out first. Naramdaman ko naman na tahimik itong sumunod sa akin.

"Do you want me to escort you to your car, sir?" tanong ko dito, na kunyari isang mabait na nilalang dito sa mundo.

Aba'y dapat lang magpaka-anghel ako ngayon. Baka biglang kumidlat dito kapag pinakita ko ang kademonyohan ko habang kasama ko pa ang isang demonyo sa nobelang 'to.

Nakakasama 'yon sa kalikasan. Hindi maaaring makisabay ako sa kasamaan ng mga nakapaligid sa akin. I should stay as kind as possible because that's how I was raised.

'Hahahahahahha patawa ka, Alora!'

"No, I'm good," he replied in a serious tone, but with a hint of a smile on his lips.

With a faint smile, I bid him farewell. "Thank you for tonight, Dr. Elliot. And please be careful when you're driving."

Kunyari nga ay concerned ako kahit ang totoo'y hindi naman na kailangan. Isa 'to sa kumpare ni kamatayan kaya matagal-tagal pa bago mamatay ang lalaking 'to.

Killian's smile brightened, and he extended a hand towards me. "Please, call me Killian. We will work together from now on, so I'm fine with you calling me by my name."

I reached out to shake his hand, and, my oh my, mga dzai, ang lambot ng kamay! Sigurado na ba na killer 'to? I can fix him!

Inayos nito ang kaniyang salamin matapos ang pakikipagkamay. "Before I go, I have a question, Miss Cromwell."

"Shoot lang beh!" malawak ang ngiting sabi ko. Pero nang mapansin ko ang bahagyang pag-tilt ng ulo nito na tila ba naguguluhan, tsaka ko pa napansin na katangahan pala ang sinagot ko.

Hay! Ang hirap talaga kapag aircon humor ang kausap, 'di niya maintindihan ang kanal humor ko.

"Ah, what I mean is, go ahead and ask me anything, Young Master," tanong ko nalang, may awkward na ngiti sa labi.

Shit. Minsan talaga nakakalabas ang humor kong hindi dapat lumalabas kapag kasama ko ang mga animal.

"Do you have a secret hunch about how you’ll die?"

......

Processing...

Haaaaa?!

***

Hinintay ko lamang na makalabas ng gate ang kotse ni Killian bago ako naglakad papasok sa regencia at senenyasan si Ian. Bumalik sa seryoso ang mukha ko nang papaakyat na ako sa hagdanan. Naramdaman ko din ang pagsunod sa akin ni Phobi.

It was normal for individuals belonging to high-ranking families to have personal maids and butlers. It was a way to show power without stating it into the world.

"I already gave the money to Phobi, miss," seryosong imporma sa akin ni Ian bago ako pagbuksan ng pinto sa aking kuwarto.

"What do you want me to do with the money, milady?" Phobi asked.

"Donate it to charities in need," I replied before facing them, remembering something. "By the way, both of you should be ready for tomorrow, as I will surely need your help."

That's all I said before closing the door, not giving them a chance to respond.

Nang mapag-isa ako sa loob ng kuwarto, pabagsak akong humiga sa malaking kama ni Cosette habang binabalikan ang pangyayari kanina.

Matapos niya akong tanungin nang tanong niyang nakakapigil hininga, natulala nalang ako sa gilid. I even heard him chuckle before informing me that he was leaving because it was getting late.

Mukhang natuwa pa yata siyang hindi ko masagot ang tanong niya! Nagkaroon yata ng character defect ang animal na 'yon. Paanong tumatawa iyon kanina?! Apakawerdo!

Umikot ako para titigan ang ceiling. Hindi yata ako makakatulog dahil sa tanong na iyon ng animal. Damn that tricky question!

"Do you have a secret hunch about how you’ll die?"

Paanong hindi ako maloloka kung ganoon ang tanungan niya, sige nga?! Pero seryoso, bakit niya ako biglang tinanong ng gano'n? May hunch na ba siya kung paano niya ako papatayin?

Napangiwi ako. Sheez, sana naman wala siyang balak. After all, we have six sessions lined up!

Mariin akong pumikit, sinisigaw sa isip ang, "What the hell did I get myself into?!"

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter