Chapter Fifteen
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
Pupungas-pungas ako nang magising mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Tsaka ko pa lamang na-realize na nasobrahan na naman ako sa tulog at late na namang nagising.
Malalim akong napahinga dahil sa frustration. Kailangan kong ayusin ang habit kong ganito kung gusto ko pang pigilan ang katamaran sa katawan.
"In my defense, I overslept because of everything that happened last night," depensa ko sa sarili na para bang may umaaway sa akin kahit wala naman.
Umagang-umaga ay kabaliwan na kaagad ang tumatakbo sa utak ko.
Napangiwi ako, then went through my daily routine of working out and meditating. Habang ginagawa ko ang aking daily routine, bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang encounter ko sa dalawang animal.
Dalawa pa nga lang ang nakilala ko kagabi, tapos hindi pa gaanong mahaba ang encounter namin pero sumasakit na ang ulo ko... I wonder kung ano ang mangyayari if I were to encounter more? Yikes! Siguradong mauubos ang energy ko!
Mabuti nalang nakatulog parin ako nang maayos matapos ang malalim na pag-iisip kung ano ang sagot sa tanong ni Killian. Yah! Nababaliw ako sa mga animal na 'yon!
Though, alam ko naman talaga ang sagot sa tanong niya. Gusto ko lang talagang pasabugin ang utak ko sa kaka-brainstorm ng possible answers kahit may sagot naman na talaga.
Baliw nga kasi ako, ayon sa pagdadrama ni Olivia! Heh! Utak niya pasabugin ko, eh.
Napailing na lamang ako tsaka nabalik ang alaala sa totoong agenda ko kagabi kung bakit nasa loob ako ng hotel room at hinihintay ang pagdating ng mga lalaking iyon.
Yes, that was planned. Paano ako makaka-survive kung hindi naman iyon planado, right? Though I know my capabilities, tao parin naman ako na namamatay din kapag bala na ang pinag-uusapan!
Alam ko namang kaya ko ang mga iyon, pero dapat talaga may plano. And since everything was planned, I simply told Ian to wait outside the hotel room for backup. In case of emergency.
I actually stole their money without them knowing. Pero dahil matino ang pag-iisip ko, siyempre sinadya ko talagang mag-iwan ng kaunting traces sakanila para naman masaya ang buhay ko sa nobelang 'to.
The men who entered the hotel room without permission were part of the Flauntleroy Mafia Organization.
And yes, ninakaw ko ang perang ninakaw lang din ng matandang manyak na iyon sa mafia organization funds nila. Pretty clever, right? Sabihin niyong hindi, kamao ko kakausap sa inyo!
Mabagal kong sinusuklay ngayon ang mahaba at basang buhok ni Cosette na kulay dark brown, habang iniisip ang mga plano ko ngayong araw.
Honestly speaking, gusto ko lang talagang isipin ang mga ito at hindi na gawin. Tinatamad na naman kasi. Pero wala akong magagawa dahil sa araw na ito na magsisimula ang birthday banquet kung saan unang magtatagpo ang landas ni Sabrina at ni Cosette sa nobela.
Napatitig ako sa salamin at natigilan. Shit. Ang ganda talaga ng mukha ni Cosette. Hindi ko talaga pagsasawaan ang mukha niya. Gandang hindi nakakaumay!
Idagdag pa ang hugis ng katawan niya na hourglass. Her body looks so delicate na para bang kaunting maling galaw lamang ay mababasag siya.
Mataray ang facial features nito kaya kahit kalmado siya, she still has an intimidating aura.
Her sharp cat eyes, colored black irises, were often misunderstood by many people. Akala nila tinatarayan sila ni Cosette without knowing na 'yon na talaga ang resting face ng bruha.
Akala ko noon kung saan nagmana itong mataray na tingin at mata ni Cosette, only to discover that it came from her mother.
Her mom is also a beauty, at nagmana si Cosette dito. Nakita ko ang picture nito sa isang picture frame na nakatago sa kabinet ni Cosette. She must have treasured it kasi wala akong makitang crack sa frame o kaya kaunting sira man lang.
She truly loved her mother kahit hindi niya naman ito nakita o nakilala.
Poor girl.
Bumaba ako mula sa kuwarto, ang mga hakbang ay hindi nagmamadali. Baka matapilok ako! Tumingin ako sa ornate na orasan na makikita sa hallway pababa ng hagdanan. It's already late morning.
Napagpasyahan kong ipagsama ulit ang breakfast at lunch ko tutal late na, kaya't nagtungo ako sa main kitchen.
"Brunch it is. Let's see kung ano ang pwede kong lutuin ngayon," bulong ko sa sarili.
Don't mind me. Ganito talaga ako kapag naiiwan mag-isa, nagsasalita nalang bigla kahit wala namang kausap. Alam kong kabaliwan, pero wala namang nakakaalam na may ganito akong tinatagong other side kaya ayos lang. Hahahahaha!
Napansin ko ang kakaibang katahimikan habang naglalakad sa malawak na hallway ng regencia.
Siguradong nauna na sa hotel ang mga pisteng iyon, naghahanda para sa birthday banquet mamaya. Napangisi ako. Bihira lamang ang mga pagkakataon na naiiwan akong mag-isa. Ito na ang pagkakataon na makakapagluto ako nang walang istorbo.
Muntikan nang malaglag ang panga ko nang tuluyan na akong makapasok sa main kitchen. Tahimik din ngayon dito sa loob, kaya napaisip tuloy ako kung sinama din ba nila ang mga cook ng regencia sa party. Yah, kay bubuting nilalang!
Ang malawak na kusina ay pangarap ng sinumang mahilig sa pagluluto dahil kompleto ang lahat ng mga kagamitan at sobrang daming stocks na pagpipilian. The main kitchen clearly shows the immense wealth of the Cromwell family.
And I will make sure na mapapakinabangan ko ang wealth nila. Nyahahahahaha!
Napaubo ako nang lumabas ang tawa ko sa bibig na dapat ay iniisip ko lang naman talaga. Geez. Napapansin ko talaga na habang tumatagal, mas lalong lumuluwag ang mga turnilyo ko sa utak. So skeri!
Nagsuot ako ng apron at nagsimulang magtipon ng mga ingredient habang malalim na nag-iisip kung ano ang lulutuin ko. Sa sobrang daming sangkap ay nahihirapan na akong mamili!
Nakapamewang na tinitigan ko ang mga ingredients na nakikita ng mga mata ko.
"Perhaps an omelet with some fresh herbs and a side of avocado toast... at siyempre, kape," pagkausap ko na naman sa sarili ko, may pagtango pa talaga.
Hindi dapat mawala ang kape sa breakfast uy! Pambasang inumin ba naman 'yan. Kahit nga sobrang init ng panahon noon sa Earth at tagaktak na ang pawis ng lahat ay umiinom parin ng kape ang mga tao.
Mabilis akong kumilos dahil sa totoo lang ay kumukulo na talaga ang tiyan ko. Nagrereklamo na ang mga alaga kong angry birds sa tiyan na pakainin ko na daw sila.
Nag-whisk ako ng mga itlog, nagtadtad ng mga gulay, at nag-toast ng tinapay. Ang bango ng niluluto ko ay bumabalot ngayon sa hangin na mas lalo lamang nagpapagutom sa akin.
I finish my omelet and toast, plating them neatly before moving on to the coffee machine. Oo, may coffee machine sila pero walang CCTV! Sino ba kasing mga inventor sa nobelang 'to, tulungan ko lang sa mga formulas. Hehe!
While waiting for my coffee to brew, I hummed a soft tune, enjoying the peacefulness of the moment.
Magtanim ay di biro lang talaga ang kanta na hina-hum ko ngayon. Sa sobrang gutom ko kasi ay wala na akong maalala na kahit anong kanta!
Nang matapos ako sa pag-brew ng kape, I poured myself a steaming cup, inaamoy ang bango ng dark brewed coffee.
Napangiti ako. Ewan ko ba. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko habang inaamoy ang kape na nabibili ko sa coffee shop o kaya iyong mga gawa ko mismo noon, naaalala ko bigla sina mom and dad. They used to love a type of coffee na kaka-brew lang.
Tinaas ko ang tasa malapit sa labi at handa na sanang humigop nang magulat ako dahil sa isang malamig at baritonong boses na nagsalita mula sa likuran, na sumira sa katahimikan ng kitchen.
"Enjoying your coffee?"
"Ayy coffee!"
'I~ never believe in love~ Shit! Tumigil ka muna sa kalokohan mo, self!'
Napasinghap ako sa gulat at agad na lumingon, my coffee cup is slipping from my grasp. Ang mainit na likido ay tumapon sa puting shirt ng lalaking nakatayo sa likuran ko.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa biglaang pangyayari. Lalo na nang makita na ang lalaki ay walang iba kundi si Silas, ang malamig ang puso at walang emosyon na male lead, na ngayon ay nakatingin na sa akin gamit ang kaniyang malamig na titig!
Tangina.
Napalunok ako habang pinag-aaralan ang mukha nito. His skin is fair, almost pale, and he has a well-defined jawline. His hair is jet black, and his eyes... ang mga mata niya na sobrang intense kung makatingin!
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi naman ganito ang kaba ko noong kaharap ko ang poging doktor, ah. Yikes. This must be the so-called main male lead witchcraft.
P--pfft hahahahaha! Totoo talaga! Sinabi talaga ito ng female lead sa nobela! May parang something daw talaga kay Silas na humihila sakaniya palapit dito. Sinabi pa nga niyang, "If this is witchcraft, then I'm willing to be the subject of your sorcery."
Sobrang kinilig ang mga readers nang mabasa nila ang sinabing iyon ni Sabrina. Pero naki-cringe talaga ako. Siguro kasi single ako nang binasa ko ang nobela kaya 'di ako maka-relate sa romantic kinimi nila.
'Hindi maka-relate pero parang baliw na kinikilig pagdating sa scenes ni Quinnoa. Heh! Iba naman kasi 'yon!'
Ang ekspresyon ni Silas ay nanatiling walang pagbabago habang tinitingnan niya ang kaniyang basa na shirt, pagkatapos ibabalik ulit ang tingin sa akin.
"Quite the greeting," kalmado ngunit malamig nitong sabi na nagpakaba ng husto sa puso kong fragile. P--pfft ahem! Ahem! Be serious!
Natataranta at kunyaring nahihiya naman akong naghanap nang puwedeng ipamunas sa kape na natapon ko sa puti nitong shirt. Nang makakita nang malinis na towel sa counter, kaagad kong pinunasan ang parte kung saan nabasa ng kapeâ sa kaniyang dibdib.
Hindi ko siya minamanyak, okay?! 'Wag ninyo akong husgahan! Sadyang mabuting nilalang lang talaga ako na tumatanggap ng kasalanan, kaya nagmamagandang loob ako.
Pinigilan ko ang sariling kamay na manginig habang nagpupunas. Bukod sa nanginginig ako dahil sa kaniyang malapad na dibdibâ ahem!â nanginginig din talaga ako dahil kilala ko ang animal na ito. Sobrang kilala!
Ang kaniyang reputasyon ay sobrang sama. Kilala ito bilang walang emosyon, robot, malamig makitungo, reserve-type of guy, at higit sa lahat pili lamang ang mga salita kaya napakahirapâ AS IN SOBRANG HIRAPâ makipag-usap sa lalaking bato na ito.
"I--I'm so sorry, Young Master! I didn't hear anyone come in. Are you alright?" kunyaring kinakabahan at nag-aalala ko pa na tanong dito.
Muntikan ko pa siyang matawag sa pangalan niya, mabuti nalang nakagat ko ang dila ko. Aish! Baka malasin ako nang ilang years kapag natuloy ang pagsabi ko sa pangalan niya nang walang kasamang tabi tabi po.
'Tarantado ka talaga, Alora! Ginawa mo namang nuno sa punso ang male lead!'
Naalis sa mga kalokohan ang isip ko at bumalik sa guwapong lalaki na kanina pa tahimik. Naging nuno sa punso na siya't lahat sa utak ko pero tahimik parin siya.
Akala ko si Mark ang tahimik lang, si Silas din pala.
Maingat na kinuha ni Silas ang maliit na tuwalya mula sa mga kamay ko. His touch surprisingly gentle despite his stern demeanor. In fairness, gentle si Daddy. Light cough.
Pinunasan niya ang coffee stain, hindi inaalis ang titig sa akin.
Alam niyo 'yong feeling na sinabi ng teacher niyong magtatawag siya ng random name para sa recitation nang walang mag-angat ng kamay? Iyong feeling na sobrang kabado ka kasi baka pangalan mo ang mabunot tapos hindi ka prepared. Iyong kaba sa mga ganoong moment... Gano'n! Gano'n mismo ang nararamdaman ko ngayon.
Baka natatae lang ako.
"Hmm. No harm done."
Muli akong napatitig sa mukha nito. Aiyoo~ Why is this man so handsome? And what is he doing here, anyway?
"By the way, what are you doing here, Young Master?" naisipan ko nalang itanong kesa naman tanungin ko ang sarili ko, eh, hindi ko nga alam.
Nakakapagtaka talaga kung anong ginagawa ng lalaking ito dito sa regencia. Wala naman akong nabasa na may koneksiyon ang lalaking ito sa Cromwell, bukod sa partnership ng mga mafia nila.
Kung 'yon naman ang pinunta nito dito ay nagsasayang lamang siya ng oras dahil nasa hotel na ang mga alipunga! Alangan namang ako ang kausapin niya tungkol sa mafia echos nila, eh, wala akong pakialam?
Nawala sa malalim na pag-iisip ang atensyon ko nang marinig ko ang malamig nitong boses na surprisingly sinagot ang tanong ko sa kaniya.
"Visit."
Nangunot ang noo ko. "Visit? Visit who, Young Master?"
"Who else?"
"Huh? Sino si who else?"
Nang mapansin ko ang paglamig lalo ng tingin nito sa akin na pawang hindi natutuwa sa biro ko ay kaagad akong nagpakawala ng awkward na tawa bago nag-peace sign.
Sabi ko nga, shut up nalang ako.
"It's you, stupid."
Ahhhh....
Oâ _â o
Ha? Ano daw? Sino daw binibisita niya?
Wait... AKO ANG BINIBISITA NIYA?!
Nang mag-sink in sa akin ang sinabi nito, nanghihina na lamang akong napasandal sa kitchen counter habang nasa harap ko siya na may curious na mga mata. The way na tingnan ako nito ay para bang isa akong unidentified creature sa paningin niya.
Yah! What the fuck is going on?
Why would he visit me? May kailangan ba siya sa akin? It must be important, para personal pa talaga niya akong puntahan dito. Or what he said is just an excuse para hindi ko isipin ang mga masasamang bagay tungkol sa kaniya?
Naningkit ang mga mata ko, watching him watching me. Anong motibo nito sa pagbisita sa akin? Hindi naman kami close. At sa pagkakaalala ko, hindi din sila magkakilala noon ni Cosette.
Iba ang nararamdaman ko sa hangin ngayon. Parang bumubulong na sa akin ang mga demonyo sa paligid na magpaalam na daw ako. G--geez!
Kinalma ko ang sarili ko't pinatahimik na muna si fear sa utak ko. Think of positive things, Alora!
What if nandito siya para bisitahan talaga ako, without any particular reason? Or kaya nandito siya para kamustahin ako? O baka gusto niyang makipagkaibigan sa akin? Tama, that's right!
Lumawak ang ngiti ko nang pumalit si joy kay fear. Aish! Nagtatalo pa ang mga emotions ko kanina, wala din namang mananalo dahil mas mangingibabaw talaga ang kalandian ko sa huli. Bwahahaha!
"Ahem! So, what's the visit all about, sir?" tanong ko na siyempre hindi nakakuha ng sagot.
Hayss. Pasalamat talaga ang animal na 'to dahil pogi siya. Is he even aware kung gaano kasarap-- I mean, kung gaano kaganda ang katawan at kalakas ang kaniyang appeal? Siguradong walang alam ang lalaking ito!
Sa nobela kasi ay kilalang inosente ang animal. He knows how to be a demon, but he has no clue about flirting. Kaya nga nauunahan pa siya ng ibang male leads. Naka-score na ang iba sa female lead, siya ay nanatiling zero parin.
Umabot pa nga sa point na naisip kong baka ang kapatid nitong si Hezekiah talaga ang main male lead at hindi siya. Wala kasi silang landian scenes ng female lead! Ang boring niya, for real! The slow burn romance is so frustrating.
"Hello! Gaia to the Young Master!" sabi ko nang may ngiti sa labi bago kinaway ang kamay malapit sa mukha niya.
"Three meters."
"Huh?" Napakurap ako. Anong three meters pinagsasabi ng ulaga na 'to?
"Away from me."
Siraulo yata 'to eh.
Sinong may sabi na gusto kong lumapit sa kaniya! Kulang nalang yata may lumabas na usok sa dalawang butas ng ilong ko dahil sa pinagsasabi nitong mml.
Kinalma ko ang sarili ko at binalik ang matamis na ngiti sa labi. "Hehe, alright, Young Master, copy!" pabiro kong sabi, sumaludo pa talaga ako sakaniya.
"I'll make us both a fresh cup of coffee, just in case you want some," sabi ko nalang bago ito tinalikuran tsaka muling inasikaso ang coffee machine.
Lumamig na kasi ang kape na ginawa ko kanina, ganoon narin ang mga niluto kong pagkain. Hindi pa naman ako sanay sa malalamig na pagkain. But it's fine, masarap naman ang luto ko. Kasing sarap ko.
'Naku, 'wag kang magsasabi ng ganiyan bruha, baka ikaw ang tikman ni Silas. P--pffft hahahahaha!'
Nang matapos ako sa pagtimpla ng kape naming dalawa, nilapag ko ito sa mesa. Naupo ako kaharap ng pagkain na niluto ko kanina at ang mainit na kape. Hindi ko na siya pinansin pa at kumain na ako.
Nagugutom na talaga ako! Baka kapag hindi pa ako kumain, siya ang makain ko. Heh, pervert!
Bahala na siya sa sarili niya kung iinumin ba niya ang kape na ginawa ko o hindi. He's a grown man!
Nang mapansin kong nanatili lamang itong nakatayo, malamig parin ang titig at walang reaksiyon sa mukha, napabuga nalang ako ng mabigat na hangin.
I gave a fake smile, then scooped some of his hot coffee with a clean spoon and transferred it to the spoon I had already used. Pinakita ko sa kaniya ang paghigop ko dito at nakipagtitigan pa talaga ng isang minuto sa mga mata niya.
When he saw that nothing strange happened to me, he took the cup of coffee and sipped from it, so I looked away and continued eating.
Yah! That fucking one minute almost took my breath away!
Kaya ko ginawa iyon ay dahil alam kong may trust issues sa lahat ng bagay ang lalaking 'to. Kahit nga secretary niya ay pahirapan siyang pakainin sa mga restaurants. Ang ending ay palagi itong nalilipasan ng gutom o kaya ay hindi na talaga kumakain.
He always cooks for himself. He doesn't even trust his secretary, even though that man has proven his loyalty for years.
Minsan na kasing muntik mamatay si Silas dahil sa poisoning. Though his body seems immune to poisons and drugs now, na-trauma na talaga siya noong unang beses na nilason siya dahil ang mismong nanay niya pa ang gumawa non sa kaniya.
It was his traumatic past na dahilan kung bakit mailap siya sa lahat. Dahilan upang wala siyang ibang pinagkakatiwalaang tao bukod sa kaniyang sarili.
Natigilan ako sa pagsubo nang omelet as a realization struck me.
Yah! So hindi ako tao sa paningin niya?!
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â â Ëâ â ³â Ëâ )â â¥