Chapter Eighteen
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
Kanina pa frustrated si Magdalena dahil sa naging resulta ng kaniyang attempt na pahiyain si Cosette. Palpak! Palagi nalang palpak! Magdalena wanted to humiliate her so badly. Kung hindi niya magagawa sa gabing ito, sisiguraduhin niyang mangyayari iyon!
Nangunot ang noo ni Magdalena. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang may maramdaman na kakaibang pag-ikot dito. Para bang hangin na hindi niya maintindihan.
"W--What the fuck?" nahihirapan na bulong niya, habang nararamdaman niya ang pagtindi ng kaniyang sakit sa tiyan. Bumibilis narin ang kaniyang paghinga.
Bawat minutong lumilipas, lalo lamang lumalala ang nararamdaman ni Magdalena. Pawis na pawis na siya at namumutla na ang kaniyang mukha.
"A--Ahh!" nahihirapan na mahinang reklamo ni Magdalena, iniinda ang tiyan niya na lalong sumasakit. Halos humiga na siya sa sahig para lamang mawala ang pananakit nito.
Habang nasa gitna ng paghihirap, napatingin siya sa direksiyon ni Cosette. Nagulat siya nang makita itong nakamasid sa nangyayari sa kaniya na para bang isa itong spectator that's expecting a good show.
Binuksan ni Cosette ang dalang sling bag at palihim na pinakita kay Magdalena ang vial na wala ng laman na nagpalaki sa mga mata nito. Mas lalo din siyang namutla nang maalala na imbentor nga pala ng mga lason si Cosette.
Nilason ba siya nito? Anong ginawa nito sakaniya? Mamamatay na ba siya? Nasusunog na ba ang organs niya sa tiyan kaya sobra itong sumasakit?
"Y--You... you can't do this to me!" galit na bulong ni Magdalena ngunit hindi na siya pinansin pa ni Cosette na pasimple lamang na kumakain ulit sa dessert nito.
Hindi na niya kayang magpanggap na maayos, kaya't mabilis siyang tumayo't maglalakad na sana patungo sa restroom. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na niya kayang makalayo pa dahil mas lalo lamang itong sumakit, para bang pinipiga ang kaniyang mga bituka na hindi niya maintindihan.
Napaupo siya sa sahig, hawak ang kaniyang tiyan at napapahiyaw sa sakit. Agad-agad siyang nilapitan ng kaniyang ina at ni Aino, nagtataka at nag-aalala sa kung anong nangyari.
May mga bisita narin na unti-unting lumalapit sa kanilang puwesto. Napatayo naman sa upuan si Prensley, nag-aalala din para sa anak. Siyempre, dahil ginagawa ng lahat ang kanilang best sa show na ito, tumayo din si Cosette and acted as a caring sister.
"Magdalena, are you okay?" tanong ni Olivia habang tinutulungan siyang tumayo.
"Magda, what's wrong?" nag-aalala na tanong naman ni Aino.
Groaning, Magdalena tried to speak to her mother and brother. "M--Mom, B--brother, I... I need to..."
Hindi pa man natatapos ni Magdalena ang sasabihin sana sa dalawa, nanlaki na ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang paglabas ng hindi mapigilang utot.
Malakas ang tunog nito at malinaw kaya narinig iyon ng lahat ng naroroon. Ang mga mata ng mga tao ay napatingin sa kaniya, ang ilan ay nagulat, ang iba'y napahagikhik.
"Oh my, looks like Young Miss Magdalena is having an uncomfortable moment of her life hahaha!"
"This will surely be a trend hahaha!"
"It's so funny that her sister, who always creates funny trends, will now be replaced by her."
"Eww, what's that smell?!"
Dahil sa kahihiyan, napatayo si Magdalena, pilit na tinatago ang kaniyang mukha sa mga palad. "E--Excuse me," sabi niya, nagmamadaling tumakbo patungo sa restroom.
Ngunit hindi niya naiwasang marinig ang bulungan at pagtawa ng mga tao habang siya'y umaalis. Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang restroom.
She locked herself in one of the restroom cubicles at tahimik na umiyak dito. Hindi lamang ang sakit ng kaniyang tiyan ang iniiyakan niya ngayon, kundi pati narin ang matinding kahihiyan na kaniyang naranasan kanina.
Magdalena took an hour to recover, though not fully. Nang makalabas siya ng restroom, agad siyang sinalubong ni Cosette na mabilis niyang binigyan ng masamang tingin.
"Sis, are you alright?" tanong ni Cosette na may halong pag-aalala at pagkataranta ang boses.
"I'm fine," napipilitan na sagot ni Magdalena, may plastik na ngiti sa labi. Kung wala lamang sila sa harap ng maraming tao ngayon, siguradong kanina niya pa sinabutan si Cosette.
How dare she humiliate her like that?! Magdalena hated Cosette even more. Wala ng makakapantay pa sa galit na nararamdaman niya para sa babae.
Lumapit si Cosette tsaka niyakap si Magdalena, bago mahinang bumulong dito. "Guess what, Magdalena? I played my part in your game earlier, so it's only fair to get a payback, right? Thank you for playing my game as well as I did. You didn't disappoint me tonightâ you never disappoint, really."
Cosette stepped back, ngayon ay may pag-aalala ng nakapaskil sa kaniyang mukha. "I'm glad you're okay now, ate! Maybe you ate or drank something that upset your stomach, so better be careful next time," puno ng sarkasmo na sabi ni Cosette, may diin ang huling mga salita.
Sa paningin ng mga bisita, larawan nang mapagmahal at maalalahanin na kapatid si Cosette. Hindi nila alam na tinatago lamang ni Cosette ang tawa sa loob-loob niya.
"Lord Cromwell did raise his children well. Look at them being so sweet with each other."
"Right? Young Miss Cosette is really kind and loving towards her siblings."
"She's not only a beauty, but also has a kind heart. Maybe people just don't know her well because of what's spreading on social media."
"I guess I am starting to like her."
"Me too! I'm a fan! I really liked her voice earlier!"
Nahihintakutan na napatitig si Magdalena sa mukha ni Cosette na may inosenteng ngiti sa labi. Ibang-iba ito sa Cosette na kilala niya noon. Mabilis iyong magalit at palagi niyang natatalo.
Ngunit sa gabing ito, nalaman ni Magdalena na hindi lamang maganda si Cosette, matalino rin ito at nagbago bilang isang palaban na babae.
"She's a psycho, and I hate her for that! UGH!"
***
Cosette POV
Napanguso na lamang ako ng palihim nang mawala sa tabi ko si Prensley. Sabi niya ay ikukuha lang daw niya ako ng maiinom pero ayon siya't may kausap na grupo ng mga kalalakihan, maybe talking about business.
Nabuburyo na ako. Pansin ko parin ang panaka-naka na tingin sa akin ng mga bisita. Kanina pa sila ganiyan, magnanakaw ng tingin tapos magsisimulang mag-usap. Hindi ko man naririnig ang mga sinasabi ng mga ito, halata namang ako ang topic nila.
Tapos kanina ko lamang din nararamdaman na may nakasunod sa bawat galaw ko, pilit ko lamang binabalewala iyon. Damn. Nakakakilabot. Lalo na't kilala ko ang mga nagmamay-ari ng tingin na iyon na halos tumagos na sa bungo ko. Geez.
Ganda mo, eh, Cosette.
Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ng female lead, pero wala pa ito. Siyempre importante na karakter siya, may grand entrance talaga iyon. Dapat late siya para makuha talaga niya ang atensyon ng lahat. Ganoon naman talaga.
Ang birthday banquet na ito ang official start ng nobela. Halos lahat ng karakter sa nobela'y dumalo sa gabing ito. Mamaya lang ay papasok sa eksena ang female lead, wearing a dazzling night gown.
She will be the talk of the people on this event, and the attention of almost all the Young Master will be on her.
It was already written in the novel. The spotlight will be hers, no one else.
Sa gabing 'to, she'll gain a lot of power without her knowing. Well, I am anticipating that scene to happen. Gusto ko lang tingnan kung tama parin ba ang mga nakasulat o may nagbago na.
Napangisi ako. I am excited. Bukod sa excited akong makita kung gaano kaganda ang female lead sa unang pagkakataon na makikita ko ito sa personal, excited din akong malaman kung tagumpay ba ang plano ko o hindi.
I made myself busy from eating the bowl of fruits in front of me. Binigay ulit ito ni Prensley sa akin. Kanina pa talaga ito bigay nang bigay sa akin ng mga pagkain. Do I look like I'm starving?
Isang oras at kalahating minuto yata magmula nang matapos ako sa pagkanta, nagsimula ang totoong kasiyahan.
Kagaya ng dati, may performers na namang inarkila sa kung saan ang mga Locke. Pero this time, mukhang matitino na ang mga ito. The performers were dancing gracefully wearing their colorful costumes.
"Isn't that Young Master Rocco? So it's true he's with someone else tonight?"
"He already made it clear that he has no intention of liking Young Miss Cosette, so why are people bashing him?"
"Right? Besides, the engagement is already canceled, so why would he force himself to be nice to a girl he doesn't like?"
"Tsk. Lady Cosette is much prettier. Look at that woman, so plain! And nothing impactful about her appearance!"
"True! She looks good on social media, but in person, she doesn't compare to the beauty of Young Miss Cosette!"
"She probably stole Young Master Rocco, that's why. Such a flirt!"
Tahimik akong naubo dahil sa mga narinig na usapan sa paligid ko. Damn. Akala ko talaga si Cosette parin ang kawawa sa mga usapan, but it turns out dahil sa kaunting pagpapanggap kong mabait kay Magdalena ay nakuha ko na pala ang puso ng ilan dito.
Nobles are ruthless, yet so foolish. Ang bilis mauto.
Napansin kong napatingin sa direksiyon ko si Glenn girl nang marinig nito ang usapan sa paligid. Nang mapansin nitong nakatingin ako sakanila, tinaasan niya ako ng kilay pero halatang bad mood na si ate niyo. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya, eh.
Or natural na talagang ganiyan kaasim ang mukha niya? Bwahahahahaha!
Tinaasan ko din ito ng kilay nang mapansin na tiningnan ako nito, head to toe. Inirapan lang naman ako ng impakta. Insecure na naman 'yan sa ganda ni Cosette.
Kahit anong puti niya, pangit parin siya. Period.
Nabaling ang tingin naming lahat mula sa pagtitig kina Glenn girl at Rocco papunta sa grand staircase kung saan din kami bumaba ni Prensley kanina nang magbukas ito.
Doon ay makikitang bumababa si Lord Ferdinand Alejandro, nakaangkla ang braso ng anak na si Lady Sabrina Rose Alejandro sa kaniya na may seryosong ekspresyon sa angelic nitong mukha.
Everyone went silent. Even the performers, stayed still, watching the new visitors that have arrived. I watched how graceful the female lead walked with her light blue spaghetti strap mermaid night gown. She is stunning, no one can deny that.
Dumako ang tingin ko sa mesa kung nasaan ang mga magkakaibigan na Young Masters. As written in the novel, they were amused and astounded by her natural beauty. May paghanga sa way ng pagtitig ng mga ito sa babae.
Sinundan ko ang pigura ng babae. Maganda din ang hubog ng katawan nito. She walks with elegance and her moves are full of gentleness. She is like a fragile vase na dapat ingatan dahil mabilis mabasag. She has a cute face, no wonder maraming nagkagusto sa kaniya.
I looked around the place, but never saw the figure of Silas. Wala pa siya. Hindi tuloy mapigilan ng labi ko ang umangat.
When Cosette's phone vibrated, I stared at it for a couple of minutes first. Kinuha ko ito at binuksan. I just received a text from Ian that made me smile.
--------
Kyotie Ian:
Miss, mission successful.
---------
Napangiti ako. Bumalik sa alaala ko ang sinabi kong plano ni Ian bago pa man ang event na ito.
â¢â¢â¢â¢â¢
"Miss, do you need anything?" tanong ni Ian nang makalapit ito sa akin.
Kanina pa itong wala sa tabi ko dahil sa training niya. Kahit matagal na siyang personal butler ni Cosette, required parin siyang sumali sa mga daily trainings kapag ang mismong patriarch ng pamilya ang nagsasagawa nito.
"Do you know what the event is tomorrow?" tanong ko dito, sipping on the tea.
Nasa library ako ngayon. Wala naman akong balak magbasa. Nandito lang talaga ako dahil may gusto akong ipagawa kay Ian na bawal marinig at malaman ng iba. This library is safe for secrets.
"Yes, Miss. Isn't tomorrow the birthday banquet of Young Miss Locke?"
I nodded, placing my teacup back on its saucer. "You're right. And you probably heard that some Young Masters were invited, am I correct?"
Napansin kong natigilan ito. Kalaunan ay kumunot ang kaniyang noo, finding it weird na tinanong ko ang bagay na 'yon.
"Yes, Miss. What about it?" tanong nito habang naguguluhan akong tinitingnan.
Ngumisi ako sa kaniya na tinago ko sa pag-inom ng tsaa. "And you probably noticed that I donât like Young Master Rocco anymore."
Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. "So I was right?"
I nodded. "Yes. I've liked someone else since last week. I became fascinated and interested in this Young Master, and I heard he was invited."
"Did you call for me to give me a mission, Miss?"
Nanlaki ang mga mata ko, impressed dahil ang talino niya! "Tumpak! I mean, yes, you are correct," sabi ko sabay tikhim.
"Then tell this butler of yours what you want, Miss, I will do it to your satisfaction," seryoso nitong sabi. Para bang pinapakita nito sa 'kin na handa niyang gawin ang kahit na ano para lamang sa ikasasaya ko.
Ngumiti ako bago sinabi dito ang plano na gusto kong gawin nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata, hindi inaasahan kung sino at kung ano ang plano ko.
"You better complete your mission correctly, Ian."
â¢â¢â¢â¢â¢
Another vibration caught my attention. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ito.
--------
Kyotie Ian:
Miss, nakapasok na po siya sa hotel.
--------
Kasabay nang pagbasa ko sa mensahe galing kay Ian ay ang pagbukas ng malaking double door. Hindi ito dumaan sa pinto at hagdan kung saan kami dumaan. Halatang iniwasan nito ang mga reporters sa labas.
Ang bilis naman yata niyang makaakyat dito sa taas? Baka delayed ang message ni Ian since mahina talaga ang signal dito.
Lahat ng mga babae dito sa loob, nakasunod ang bawat mata sa kaniya. He walked like he owns the place, like a King, a warrior, a God, giving blessings to his people. Ang tindig at paglalakad nito ay iba sa mga kalalakihan na nandito sa loob.
His aura screams authority, dominance, and danger. Para bang kapag sinubukan mong lumapit sa kaniya, mapuputulan ka kaagad ng ulo. Kahit nga pagtingin sa malamig nitong mata ay hindi magawa ng mga tao dito sa loob ng venue. Napangisi nalang ako.
That is what you call male lead's power.
Everyone, everything was under his grace. Walang makakatalo. Walang makakalampas, ni wala ngang makakapantay. He is THAT deadly. Subukan lang nilang lapitan ang lalaking 'yan, paalam buhay na sila. Lalo pa't mukhang wala ito sa mood ngayon.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Is it my fault? Of course, Alora!
Kinuha ko ang phone ko't naisipan na tanungin si Ian. Ano nga kayang ginawa ng kolokoy na 'yon at mukhang nagalit pa yata ang animal?
---------
Kyotie Ian:
Ian, what did you do?
Ilang gulong ba ang binaril mo?
Firing a tire is boring, Miss.
We ambushed the Young Master.
---------
Literal na napanganga ako sa nabasa na text mula kay Ian. AMBUSH?! Is he joking?
Bakit naman ambush? Sinabi kong barilin lang ang gulong para kahit papaano ma-delay ang pagdating nito sa venue.
What the hell?! Paano nalang kung nahuli siya ng male lead? Hindi lamang siya ang mananagot, pati narin ako!
Tsaka anong we? Don't tell me may kasama siyang mga assassins? Yahhh. Hindi ko alam na ang inutusan ko pala para isagawa ang mission ay suicidal.
Magtitipa palang sana ako ng reply nang mapatigil ako dahil kinausap ako ni Prensley tungkol sa event, ano daw ba ang nararamdaman ko so far. Palihim ko namang tinago muna ang phone ko, bago pa man nila mapansin na may kausap ako dito.
"I'm sleepy po," sagot ko sa kaniya. Napatango naman ito, and told me to just eat para mabawasan daw ang boredom ko.
Tumango lamang ako pero hindi naman talaga ako nakikinig sa mga sinasabi ni Prensley. Kinakabahan na kasi ako.
Ako ang kinakabahan para sa buhay naming dalawa ni Ian. Kapag talaga nabisto ng male lead na ako ang dahilan ng ambush na ginawa niya, kakalbuhin ko talaga siya!
Hay naku, na-stress ako bigla.
Inabutan ako ng blueberry cake ni Prensley, Cosette's favorite. Ngumiti lang naman ako tsaka nagpasalamat. Nilabas ko ang frustration ko sa pagkain ng cake. Ian, lagot ka talaga sa 'kin!
Bumaling ang tingin ko sa stage when I heard na may bagong performer. The two ladies started dancing while the three boys were playing the instruments to the side. Kagaya ng nga naunang performers, their moves are graceful as well.
Nakangiti kong pinagmasdan ang mga ito. Nilibot ko ang paningin. It seems like kakaunti lamang ang nagbibigay ng atensyon sa kanila dahil may kaniya-kaniyang pinag-uusapan ang mga bisita.
My smile froze when I felt some piercing gaze towards me. Sanay naman na akong nakakaramdam na may nakatingin sa akin ng masama. But this hits differently.
Kagat labi kong hinanap ang nagmamay-ari ng titig na iyon. Halos tumakas ang kaluluwa ko sa katawan ni Cosette nang mag-abot ang mga mata ko sa isang abuhin na mga mata. The eyes were intensely staring at me that made me gulp.
Ito na naman siya sa masamang titig! What the hell is wrong with him?
Without a choice, I smiled at him. Hindi ko alam kung maganda ba talaga ang kinalabasan ng ngiting 'yon o baka ngiwi na. Bigla kasi akong kinabahan. Ayon sa nobela, the male lead never batted an eye on Cosette, kahit pa noong sunod nang sunod si Cosette sa kaniya.
As much as I wanted to feel kilig para kay Cosette, iba naman ang nararamdaman ko as Alora. I smell danger. Naaamoy ko na ang katapusan ko.
Anong amoy? Kasing baho ng utot ni Magdalena kanina. Pfft hahahahahaha!
Mukhang may alam na ito sa totoong nangyari sa kaniya kanina. Ambush ba naman iyon, siguradong hindi matatahimik si Silas hangga't hindi niya nalalaman kung sino ang may pakana.
Napatulala ako sa mga mukha nito. Look at that dangerous face! His eyebrows were thick and sobrang pantay na para bang isa siyang sculpture na ginawa ng isang professional craftsman. His nose is pointed na puwede ng sabitan. He has a red sinner lips that all I want to do is to kiss them all day!
'Yucks! Kamanyakan mo, gaga, tumigil ka! Bakit ko ba palaging napapansin at dini-describe ang mukha ng animal na 'to? Yikes!'
And his eyes... it just feels different. The way his cold dagger stare made me feel... Damn. Looks like we are in danger, Cosette.
Hindi ako makapaniwala. The face of the man I am staring at right now is the face of a real person. Mas perfect pa ang mukha nito kesa sa mga anime characters o iyong mga images sa mangga at manhwas na binabasa ko noon!
My stare looked down and saw that he was wearing gloves. Hindi na iyon nakakapagtaka pa dahil ayon sa nobela, he always wears customized gloves with his initials on them.
D.D. Weird siya basahin pero 'yon talaga ang initials na nakalagay sa mga customized niyang gamit.
Kaya siya nagsusuot ng ganiyan dahil ayaw niyang may humahawak sa kaniya. Though wala naman talagang may kayang gawin ang bagay na 'yon bukod sa female lead.
Ang ayaw niya talaga may mahawakan siyang kahit ano with his barehands because for him everything that surrounds him is a germ.
Mas malaking germs naman siya 'no! Germs na pumapatay! Kung ang joy ay kayang pumatay ng 99.9999999 percent ng germs, puwes si Silas iyong 1 percent na hindi nila kayang puksain! P--pfft hahahaha!
Iniwas ko ang tingin ko when I realized that I am shamelessly checking him out for almost an hour. Binaba ko na lamang sa mga paubos ng prutas na laman ng isang bowl ang tingin ko. Kinalma ko ang sarili ko, bago patagong napangisi.
Mission successful.
I should give Ian a raise sa suweldo niya. Pero tsaka na kapag may pera na ako. Sa ngayon thumbs up na muna para sa 'yo, Ian. Hahahahaha! Light cough.
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â â Ëâ â ³â Ëâ )â â¥