Back
Chapter 21

Chapter Nineteen

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

Nang umalis upang sumayaw si Aino at Magdalena, nakipagplastikan sa ibang noblewoman si Olivia, at naiwan akong mag-isa, napansin kong may paparating na waiter na may bitbit na tray ng mga inumin.

Hmm, perfect timing. I need a drink to celebrate my little victory tonight. Nang maabot ko ang isang baso ng champagne, napangiti ako.

"Cheers," bulong ko sa sarili ko, bago uminom. This is just the beginning, and I won't stop until I get everything I want. Bwahahahahahahah!

Kasalukuyan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang mga bagong performers sa stage. Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa plano na pinagawa ko kay Ian kanina.

Ian had been diligent and precise in his execution, just as I expected him to be. Alam kong may mga kahihinatnan ang pakikialam ko sa takbo ng nobela, pero sa gabing ito, hindi ko maaaring hayaang mangyari ang orihinal na plot sa nobela.

Inutusan ko si Ian na barilin ang mga gulong ng kotse na sasakyan ni Silas. It was a risky move, but one that had to be done.

Simple lamang ang plano: barilin ang mga gulong ng kotse ni Silas upang maantala ang kaniyang pagdating, sapat lamang upang hindi sila magkasabay na pumasok ng female lead sa venue.

Sa nobela kasi, ang kanilang sabay na pagdating sa venue ay naging sanhi ng iskandalo, may mga usap-usapan na escort daw ng female lead si Silas.

And as a certified bitter person, I couldn't let that happen tonight.

Pero ang nakakagago lang talaga sa nangyari, hindi lamang simpleng pagbaril ang ginawa ng suicidal na si Ian, ambush talaga! He even sent me a picture sa kotse ni Silas na naglalagablab na sa apoy. Napa-facepalm nalang tuloy ako.

Grabe si Ian, bai. Mamatay man kog sayo ato niya!

[Grabe si Ian, bai. Mamamatay ako ng maaga dahil sakaniya!]

Anyway, since nagtagumpay si Ian sa plano na ginawa ko, the outcome of tonight's events would determine so much. I knew I was playing a dangerous game, but I was prepared to face the consequences.

After all, I had nothing to lose and everything to gain.

Napangisi ako bago sumimsim sa hawak na champagne glass. I love games, anyway.

Makalipas ang ilang minuto, nagpalit ng tugtog ang banda sa harap. Ang kaninang rock tone at napalitan ng soft melody. Napansin ko kaagad ang paglapit ng mga kalalakihan sa mga babaeng natitipuhan nila, sa kanilang girlfriend, at asawa upang yayain ito sa isang sayaw.

Pero ang ikinagulat ng lahat— except me— ay nang marinig namin ang sabay na paglapit at pag-invite ng dalawang Young Master na sina Kai at Ysabeaue sa female lead na gulat na gulat din ang ekspresyon ngayon.

Nawala bigla ang kalmado nitong expression sa mukha na kanina pa niya suot, eh. Pfft, this girl is really cute.

"Can I have this first dance with you, Lady Sabrina?" sabi ni Kai, nakangiti ng abot hanggang tenga.

"No! Lady Sabrina will dance with me first!" sabat ni Ysa-boy, tinutulak si Kai na parang bata.

"Shut up, Beaue! Do you want me to punch you in the face right here and now?!" galit na sabi ni Kai, ang mga mata ay nanlilisik.

"Are you threatening me, asshole?!" sagot ni Ysa-boy, hindi rin nagpapatalo.

Napabuntong hininga na lamang ako while staring at the scene happening. Yah! Wala ba talagang pakialam sa Young Master image ang dalawang 'to? Tsaka mahiya naman sila sa female lead na halos napapangiwi na ngayon sa harapan nilang dalawa!

Natahimik lamang ang dalawa nang tumikhim ang tatay ni Sabrina na si Lord Alejandro at ito ang kumuha sa kamay ng anak para dalhin sa dance floor.

Pero bago iyon ginawa ni Lord Alejandro, siyempre nanghingi muna siya ng paumanhin sa dalawang Young Master at pinaliwanag sa mga ito na gusto niyang siya ang maging unang sayaw ng anak sa gabing ito.

Dapat talaga magpaliwanag siya ano! Dalawang animal ba naman ang pinagkakaguluhan ang anak niya. What if ma-offend ang mga 'yan, edi tapos ang buong angkan ng Alejandro? Yikes!

"This is all your fault, Beaue!" Narinig ko pang paninisi ni Kai kay Ysabeaue na tinaasan lamang siya ng gitnang daliri na kita naming lahat.

Yah! These animals are really uncaring! I can't believe they are ruining their reputation over a girl.

Habang pinapanood ang pagsasayaw ni female lead at ng kaniyang ama, patuloy lamang ako sa pagkain. The female lead is really glowing tonight, hindi nagsisinungaling ang deskripsyon ng siraulong author sa nobela niya.

Ito na ba ang tinatawag nilang female lead halo? P--pftt hahahaha female lead halo, mah arse!

"Anak, would you like to have a dance with me?" Hindi na ako nagulat nang makita kong nakatayo sa gilid ko si Prensley, offering me his hand with a wide smile on his lips.

"Of course, Dad!" kunyaring excited at masaya kong sagot tsaka pinatong ang kamay ko sa palad nito.

Bago pa ako nahila ni Prensley palayo sa table namin, nilingon ko muna si Magdalena. Kung nakakamatay lamang ang tingin niya, of course buhay parin ako hanggang ngayon because I am skilled in dodging daggers, yah know!

Sobrang sama ng tingin nito sa akin, lalo na nang mapansin niya ang pag-angat ng labi ko sa isang ngisi. Hehe, mainggit ka sana! Bleh!

Prensley and I went to the dancefloor. Sa center pa talaga pumuwesto, puwede naman sa gilid para hindi agaw atensyon!

Katabi lamang namin ang mag-amang Alejandro na mahinang nag-uusap. Sheez, I never imagined this to happen, but yeah, here's to nothing!

"Dad, I want to give you a disclaimer," bulong ko bago pinatong sa balikat nito ang dalawa kong kamay habang ang kaniyang kamay naman ay nakahawak sa bewang ko.

"Disclaimer?" naguguluhan nitong tanong.

"Yup! Uhm... I don't know how to dance," nahihiya kong sabi na dahilan kung bakit natulala ito ng isang minuto bago mahinang natawa.

"Then let this father of yours guide you, okay? You don't need to worry, anak."

Napangiti ako, now my smile is genuine. Ah, I miss my father sa Earth. Ganito kasi iyon, kilalang strikto sa kaniyang mga nasasakupan pero isang mabuting asawa at ama sa pamilya.

Habang sumasayaw kami ni Prensley, napansin kong marami ang nakatingin sa amin. Oo, sa amin at hindi sakanila ni Sabrina!

Who wouldn't? It's not everyday you see the famous Prensley dancing with his daughter. Sa sobrang gago nito ay mapapaisip ka nalang talaga kung mabuting ama ba talaga ito sa kaniyang mga anak.

Well, newsflash! He is a great Dad, everyone!

Nang matapos ang sayaw namin ni Prensley, bumalik na ako sa table namin. Si Prensley naman ay naiwan sa mga kakilala nitong kinausap siya. Sobrang busy talaga ng person na 'yon. Walang oras na hindi ito nakikipag-usap sa mga negosyante!

I puffed my cheeks as I stretched my now aching legs and feet. Yah! Anong oras ba matatapos ang event na ito? I want to rest na!

Ramdam ko parin ang masamang titig ni Magdalena na halos sakalin na ako dahil sa sobrang galit nito. Napailing nalang ako. Hanapin niya ang pakialam ko sa nararamdaman niya.

Nagbuntong hininga ako tsaka inalala ang mga mangyayari dapat sa gabing ito na nakasaad sa nobela.

Dapat ang mag-aagawan para makuha ang atensyon ng female lead ay ang apat na Young Master mismo na present sa gabing ito. Si Silas naman ay mananatili sa kaniyang puwesto, nakatitig lamang ng mariin sa female lead.

But what happened earlier is already a big change. Dalawa lamang sa apat na Young Master ang lumapit sa female lead. Kung ganoon, anong nangyari sa dalawa—

"Good evening, milady. I saw that you're already done dancing with your father, then, will you dance with me?"

"I told you, I will dance with her first, Conrad!"

"But I approached her first, don't you think I am the one who has the right to dance with her first between the two of us?"

"Here, sister-in-law. Take my hand and dance with me. Don't mind this insect blabbering!" sabi ni Hezekiah na halatang iniinis lamang si Conrad.

"What insect? Well, I'm the handsome insect then. Take my hand, Lady Cosette, let's dance and discuss your beautiful voice and the song you've composed just now. I'm interested."

Napakurap ako. Hindi lamang ang presensya nilang dalawa ang gumulat sa pagkatao ko, pati narin ang sinabi ni Conrad sa huli.

Composed? Hindi naman ako ang nagsulat non! Oh well, let's not focus on that and deal with the bigger problem.

Peke akong ngumiti sa dalawa. "I'm sorry, if you don't mind me rejecting you, Young Masters. You see, I am not really into dancing, and just dancing once already hurts my feet."

"It's nothing for me, sister-in-law. You don't even have to use your feet, you can just step on me and I'll do the dancing."

Muntik na akong mapanganga nang marinig ang sinabing iyon ni Hezekiah. Nakangiti pa talaga ito na para bang sincere talaga sa sinabi niya. Dahil sa sinabi nito, nakarinig tuloy ako ng bulungan sa paligid namin.

"Isn't that sweet? Kyahh, how I wish I was the Young Miss!"

"If I were her, I'd dance with the two Young Masters. She's so lucky!"

Anong sweet?! Anong lucky?! Oo, mas mabuti pa nga sigurong magpalit tayo ng posisyon para sa ating dalawa, ikaw ang mamatay! Yah! Getting the attention of these animals has never been lucky, you dummies!

I forced a polite smile and shook my head. "I appreciate the offer, but I really need to rest my feet. Maybe some other time, Young Masters."

Conrad sighed, nagtunog disappointed, while Hezekiah just chuckled. "Very well, sister-in-law. We'll let you off the hook this time. But next time, no excuses."

"Ahem! I'm sorry to interrupt your conversation with my lady, Young Masters. But I'm pretty sure Cosette would love to dance with me, since you know, all of us here know that she likes me. So, excuse me," biglang pagsingit ng pangit na si Rocco bago nakangiting bumaling sa akin at inabot ang kaniyang kamay. "Let's go."

Tumaas ang isa kong kilay sa mga sinabi nito. At talagang may mga echosera pa talaga sa paligid na nagsasabing ang bait daw ni Rocco. Saan banda ang mabait sa sinabi ng pangit na 'to, aber?!

Argh! Akala ko pa naman happy happy na ako dahil nagtagumpay ang plano ko, mayroon naman palang sisira!

Nagpigil ako ng inis at tiningnan si Rocco mula ulo hanggang paa na para bang isa siyang malaking joke sa akin. Yah! How come na nakakaya parin niyang humarap sa akin despite nang mga pangpapahiya niya kay Cosette? This man has guts!

"You must be delusional, Young Master Rocco," malambing kong sabi, making sure na kami lamang ang makakarinig. "Sorry to burst your bubbles, darling, but just because you think you have a chance with me doesn't mean it's true. Honestly, I'd rather dance with a lamppost than with you."

Natahimik ito sa sinabi ko. May hindi makapaniwalang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro akalain na ang babaeng patay na patay sa kaniya noon ay ganoon na lamang siya kung i-reject ngayon.

Kitang-kita ko ang gulat at bahagyang galit na umusbong sa kaniyang mukha. But before he could retort, Conrad and Hezekiah burst into laughter, making the situation even more humiliating for him.

"Did you hear that, Hezekiah? A lamppost! I think that's a new low for you, boy," pang-aasar ni Conrad habang pinupunasan ang luha sa gilid ng kaniyang mata dahil sa sobrang pagtawa.

"Indeed, I never thought I'd witness someone being compared to a lamppost tonight. This is gold!" dagdag pa ni Hezekiah, natatawa rin. At talagang nag-appear pa ang dalawa!

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Rocco sa kahihiyan at galit. Humakbang siya palapit sa akin, ngunit hindi nito natuloy ang paglapit sa akin nang mapansin niyang tinago ako ni Hezekiah sa kaniyang likuran.

"Why don't you go back to wherever you came from and save yourself the embarrassment?" seryosong sabi ni Hezekiah.

Sumang-ayon naman ang isa pang animal na si Conrad na may malawak na ngisi sa labi. "He's right, boy. You're nothing but a nuisance. Now, leave before you humiliate yourself even further."

Napansin ko namang tinago ni Rocco ang kaniyang nakakuyom na kamao sa kaniyang likod. Yah! Ipakita niya kaya nang may aksyon naman na mangyari sa gabing 'to. Tapos bukas ay paglalamayan na siya ng pamilya niya. Hahahaha!

Napangisi ako habang nakikita kong napapahiya si Rocco. Pero nang sumilip ako mula sa likod ni Hezekiah, binalik ko ang matamis at apologetic na ngiti sa aking labi.

"Sorry, Young Master Rocco, but I don't want to waste my time on some... trash."

He glared at me, then turned to Hezekiah and Conrad. "You're all just jealous because the woman you want to dance with likes me. But fine, if she doesn't want to dance with me, that's her loss."

Naglakad palayo si Rocco, mukhang masama ang loob. Mahina akong napatawa nang mag-sink in sa akin ang ginawa at sinabi nito. Yah~. Mukhang hindi ko na kailangan pa kumilos para bumagsak ang Flauntleroy family. That bastard created trouble for their family already.

"Well, now that we've dealt with that little poor lamppost, care to dance with me, sister-in-law?" Hezekiah asked again, his hand still extended. Nakalimutan yata nitong pumayag na siya kaninang hindi ako makikipagsayaw sakanila.

Huminga ako ng malalim, nagpapanggap na pinag-iisipan ang offer nito. "I already told you, my feet hurt. But maybe next time, Young Master."

Ngumisi naman si Conrad, parang may naiisip na namang kalokohan. "You heard her, Hezekiah. Maybe next time. Now, if you'll excuse us, I'd like to have a private conversation with Cosette."

Bago pa makapagsalita si Hezekiah, hinila na ako ni Conrad palayo. Nilingon ko siya, trying to read his expression. Nakangisi parin ito, kaya alam kong niloloko na naman nito si Hezekiah. And what's worse? Ginagamit ako nito para asarin si Hezekiah!

What if bigla iyong dumukot ng baril tapos ratratan kami dito?! Dinadamay talaga ako ng animal na 'to sa pakikipaglaro niya kay kamatayan!

''Wag kang matakot, bruha, matagal pa bago ka ulit sunduin ni kamatayan kasi siguradong ayaw pa muna non na makita ang pagmumukha mo ulit!'

Nakangisi ako nitong hinarap nang huminto kami sa tahimik na corner ng event hall, tapos hindi pa abot ng ilaw. Kanina habang hila ako nito sa pulso, sinusundan naman kami ng tingin ng mga bisita na nadadaanan namin.

Kagaya ko ay nagtatanong din ang kanilang mga tingin. For sure pagkatapos ng event na ito ay trending na naman ang mukha ni Cosette sa social media platforms at sa balita!

"Young Master Conrad, what is this all about?" tanong ko, curious kung anong pinaplano niya.

"I just wanted to talk to you without any interruptions," sagot nito sa mahinang boses. Bakit ba siya bumubulong?!

I raised an eyebrow, not buying his sudden seriousness. "And what is it that you wanted to talk about?"

Napanguso ito, parang bata na nahuling kinain ang pagkain na hindi dapat para sa kaniya. "Why are you raising your eyebrow? You're hurting my feelings and scaring my heart," he said dramatically.

Sunod-sunod akong napakurap, nakatitig sa kaniyang may pahawak pa talaga sa kaniyang dibdib. Akala ko ba si Ysa-boy ang actor sa mga Young Masters, bakit nagdadrama ang isang ito sa harap ko ngayon?

Y--Yah! Seeing this man acting in front of me is kinda weird. I mean... Ang pangit niya kasing umarte.

"Young Master, did you bring me here just to see and hear your acting?"

Nanlaki ang mga mata nito tsaka lumawak ang ngiti. "You got it right! Whoa! I can't believe you're this smart, Lady Cosette," papuri nito, may kasama pang pagpalakpak na kamuntikan ko ng ika-facepalm. "I've been planning to be an actor since then. Anyway, how's my acting? Is it good?"

"To be honest, Young Master... You look awful," nakangiwi kong kumento na dahilan ng pagbagsak ng dalawa nitong balikat.

Magsasalita pa sana ito— probably magrarant na maganda ang acting niya— nang matigilan kaming pareho dahil sa pagtawa ng lalaking naglalakad palapit sa amin.

"Wow, Conrad, I didn't know you had such a hidden talent for comedy," sabat ni Hezekiah, nakangisi habang lumalapit.

"Shut up, Hezekiah!"

Napailing ako. "Seriously, you two. Can you act normal for once?" pasimpleng insulto ko sakanilang dalawa kasi alam kong hindi naman nila mapapansin iyon.

Hezekiah shrugged, isang kamay ang nasa bulsa. "Normal is boring, sister-in-law. Besides, isn't it more fun this way?" See?

"Fun?" ulit ko, napataas ang kilay. "Para sa akin o para sa inyo?"

"Both, I hope," sagot ni Conrad, bumalik na naman ang ngisi sa mukha.

Wait...

Am I really having a normal conversation with these not-so normal people? Hold on! Shit. 'Wag mong sabihing naa-adapt ko na ang kagaguhan nila kaya nagkakaintindihan na kami ngayon?!

"Lady Cosette, are you okay?"

"Y--yes. I guess," bulong ko sa huling salita.

Mahinang natawa si Hezekiah, napansin siguro na natigilan akong bigla. "Don't worry, sister-in-law. Being around us can be quite overwhelming. You'll get used to it."

Anong used to it pinagsasabi ng mokong na 'to? Ayoko nga! Bahala silang mag-usap pero 'wag nila akong dinadamay!

"Oh, come on. You love it. Admit it. There's never a dull moment with us around," sabi pa ni Conrad na pinapamalas na naman ang kaniyang pagiging makapal ang mukha. Heh!

Nagkibit-balikat ako, trying to act cool kahit ang totoo ay nababahala na ako dahil nagiging normal na ang takbo ng usapan namin. Buwesit! Mukhang nag-click pa yata ang mga personality namin, ah.

NO!! I can't accept it!

"I suppose there's some truth to that. But sometimes, a bit of peace and quiet wouldn't hurt," sabi ko nalang.

"Boring!" sabay na sabi nina Conrad at Hezekiah, na parang mga batang nagbibiro.

Pasimple nalang akong napangiwi. Para akong yaya na may inaalagaan na dalawang makulit na bata sa katauhan ng dalawang 'to. Aish, sumasakit ang ulo ko!

Maglalakad na sana kami pabalik sa venue nang biglang nakarinig kami nang mahinang boses na nagsabi ng "Ouch!" na galing sa di-kalayuan. Agad akong bumaling sa pinanggalingan ng ingay at nakitang may babaeng nadapa.

Napangiwi ako. Ang tanga-tanga naman ng taong 'yon. Pero siyempre dahil nagpapanggap akong mabuting nilalang sa mundong ito, bumaling kaagad ako sa dalawang Young Master na mukhang walang pakialam at walang balak na tumulong.

"Wait here," sabi ko kina Conrad at Hezekiah bago ako tumakbo papunta sa babaeng nadapa.

Pagdating ko, agad kong inalalayan ang babae. "Are you okay?" malamyos ang boses na tanong ko dito.

"Thank you. Nadulas lang ako," mahina niyang sagot, hawak-hawak ang kaniyang tuhod na mukhang nasugatan pa yata.

Napailing na lamang ako. Hinawakan ko ang baba nito tsaka maingat na inangat ang kaniyang ulo para tingnan kung may sugat ba siya dito since nadapa nga siya. Kaso napahinto ako at natulala nang makita ko nang tuluyan ang buong mukha nito.

Maganda siya. She has sharp features just like Cosette, but her eyes looks so innocent. And her smile looks so genuine as well. Pero hindi ako maaring magkamali.

I--Isn't this... the villainess?!

Hindi ko inasahan na makikita ko siya dito. Ang babaeng nasa harap ko, na ngayon ay mukhang nagpipilit ngumiti kahit halatang nasasaktan sa sugat na natamo ay ang villainess ng nobela— Lady Mallory Ivey Buenaventura.

Bakit siya nandito ngayon? I mean... Hindi naman siya invited. Gatecrasher ba ang isa sa mga role ng villainess na ito? Wow, napaka-hardworking naman niya kung gano'n.

"T--Thank you for helping me," sabi ni Ivey na nagpabalik sa akin sa katinuan.

Hindi ako agad nakapagsalita, naguguluhan pa rin sa biglaang pagtatagpo namin. "It's nothing, actually. But are you sure you're okay?"

Ngumiti si Ivey. "Yes, I'll be fine."

Alam kong kailangan kong maging maingat. Kahit mukhang mabait siya ngayon, hindi ko makakalimutan ang papel niya sa nobela. Kailangan kong bantayan ang bawat kilos niya, lalo na kung anong plano ang pinaplano niya sa likod ng mga ngiti niya.

"What's happening here?" tanong ni Hezekiah nang makalapit ito sa puwesto namin, nasa gilid niya si Conrad. Seryoso na sila pareho ngayon na para bang hindi sila nakikipagbiruan sa akin kanina.

"Nothing, Young Masters. This lady just slipped and needed help," paliwanag ko.

"Tss. Better be careful next time," malamig na sabi ni Hezekiah. I felt Ivey stiffen since hawak ko parin siya ngayon para alalayan. "Leave her, sister-in-law, your dad might be looking for you."

"Yes, yes! Let's go, Lady Cosette."

Ang mga animal na 'to talaga! Wala man lang soft spot para sa mga babaeng nangangailangan ng tulong! Hindi man lang nag-offer na tulungan itong makabalik sa kung saan man ito galing.

Well, mga animal, eh. Ano pa bang aasahan ko?

Bumaling ako sa babaeng hawak ko bago medyo lumayo sa kaniya. Ngumiti ako nang mag-angat ito ng tingin.

"Make sure to be careful next time, okay? I need to leave. Bye!"

Habang naglalakad kami pabalik sa event hall, hindi ko mapigilang isipin kung anong susunod na hakbang ni Ivey. Alam kong hindi pa ito ang huli naming pagkikita.

And for that, I need to prepare.

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter