Back
Chapter 22

Chapter Twenty

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

"Dad, can I go first? I'm sleepy."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Prensley bago tumango. "You're not sleepy, you just drank too much champagne, that's why. But yeah, you can go. Your room is on 2354. Take care, hija."

Tumango ako then gave him a peck on his cheek. Well, he is right naman na tipsy ako. Damn it! Mahina pala sa inuman itong katawan ni Cosette.

Nagsimula akong maglakad palabas ng venue tsaka papunta sa elevator, trying to keep my balance. The hall was dimly lit, and the soft music in the background made everything feel a bit surreal.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lamig. Kapag talagang magpatay-sindi ang ilaw ngayon dito sa hallway, tatakbo talaga ako at hindi na iisipin pa kung may makakita man sa akin. Geez, tinatakot ko lang ang sarili ko.

Finally, I reached the elevator and pressed the button for the 23rd floor. Nandoon kasi ang mga rooms para sa mga bisita na ang Locke family din ang nagbayad. Ang laki talaga ng nagastos nila sa gabing 'to.

As I waited, I leaned against the wall, closing my eyes for a moment to steady myself. Dahil sa champagne, medyo malabo ang lahat sa paligid, at nais ko na lang humiga at matulog.

The elevator doors opened with a soft ding, and I stepped inside, pressing the button for my floor. The ride up was smooth and silent, and I leaned against the wall, feeling the gentle hum of the elevator calming my nerves.

Sumasakit talaga ang ulo ko. Siguro dahil din sa alcohol sa katawan ni Cosette kaya napapa-english ako ngayon sa isip ko. Aish! Kung alam ko lang na hindi pala kasing galing ko sa inuman ang babaeng 'to, sana hindi nalang ako nag-celebrate!

Pagdating ko sa 23rd floor, lumabas ako at naglakad sa hallway, hinanap ang kuwarto na may numerong 2354. Nanliit ang mga mata ko para maging malinaw sa blurred kong vision ang mga numero sa rooms na nadadaanan ko.

Nang matagpuan ko ang tamang pinto, kinuha ko ang keycard tsaka ini-swipe ito ng ilang ulit. Nagsimula na akong mainis nang hindi parin ito nagliliwanag ng kulay green, which means na successful kong nabuksan ang pinto.

Sa sobrang inis ko ay mahina kong sinipa ang ilalim ng pinto bago tinulak ang pinto pabukas. Nanlaki ang mga mata ko when the door clicked open and I was able to open it wide.

Namamangha ko munang tinitigan ang pinto bago ko naisipan na pumasok na sa loob, closing the door behind me. Otomatik pala ang mga pinto sa kuwarto nila dito? Amazing!

Madilim ang loob ng kuwarto, mayroon lamang nag-iisang liwanag mula sa lampshade na nasa gilid ng malaking kama. I kicked off my shoes and made my way to the bed, but as I got closer, I realized something was off.

The room felt different, and there was a faint, unfamiliar scent in the air. Was it sandalwood?

Naguguluhan kong hinanap ang main switch ng ilaw. Hinahanap ko pa ang switch ng ilaw nang bigla ko na lamang maramdaman ang malamig ngunit matulis na bagay sa aking leeg. It was a dagger, ready to slit my throat.

"Who are you, and what are you doing here?" I heard a deep voice from behind me.

Nakaramdam ako ng panic nang ma-realized kong I must have entered the wrong room! Kaya ba hindi gumagana ang keycard kanina? Akala ko talaga automatic! Yawa.

Dahan-dahan akong umikot paharap, making sure na hindi ako masusugatan ng dagger nitong nakatutok parin sa leeg ko.

"Name." Mas lalo nitong diniin sa leeg ko ang matulis na parte ng dagger.

"I should be the one to ask you that. Who are you?" kalmado kong tanong, calculating kung ano ang susunod kong galaw.

Naipikit ko ang mga mata ko nang bigla nalang bumukas ang ilaw malapit sa puwesto namin. He switched on the light. Kumurap ako ng paulit-ulit para mag-adjust sa liwanag ang paningin ko.

Hindi pa man nagiging maayos ang vision ko ay napadaing na ako nang bigla niya akong itulak sa pader, sa gilid lamang ng pinto.

Pinigilan ko ang sarili kong mapamura ng malakas. Damn it! Sana binigyan pa muna niya ako ng warning bago pa man niya ako itulak ng ganito! 'Di ba niya alam na I am fragile and he needs to touch me with gentleness?

'Pfft hahahaha! Mga kalokohan mo talaga, gaga, wala ng pinipiling oras! Malapit ka na ngang mamatay nagagawa mo pang magbiro, aish!'

(⁠〒⁠﹏⁠〒⁠) My reaction right now.

Gosh! Kung hindi ka ba naman kalahating malas, Alora! May balat ba sa puwet itong si Cosette nang hindi ko alam at parang nilalapitan siya ng mga animal sa gabing 'to? Yah! I can hear "DANGER!" in the background!

Nasa harap ko lang naman ngayon ang nag-iisang tagapagmana ng trono ni Lucifer, si Silas. At ano ang mas nakakakaba? Iyong dagger niyang sigurado akong handa ng tumusok sa leeg ko!

Napalunok ako. Kaunting maling galaw ko lang, siguradong hiwa na ang leeg ko. Kailangan kong mag-ingat. Kilala pa naman ang lalaking ito na walang pinipiling tao, kung galit siya o kaya ayaw niya sa isang tao ay kaagad niyang itong babawian ng buhay.

"It's you," nakakatakot nitong sabi. Ang braso nito ay dinidiin ako sa pader, nakatutok parin sa 'kin ang hawak niyang dagger. Sa gitna ng kamatayan ko, nakita ko pa talaga ang mga letrang nakaukit sa gitna ng dagger. Demitri.

Sanaol may customize daggers.

Pinakita ko dito na naguguluhan din ako kung bakit siya nandito sa kuwartong 'to. Kailangan kong galingan ang acting ko para naman hindi ako magmukhang tanga sa harapan ng guwapong nilalang na 'to.

Maluwag akong napahinga ng malalim nang lumayo ito sa akin. Pero kaagad din naman akong napangiwi nang makita kong naglagay ito ng alcohol sa kamay at braso na dumikit sa katawan ko. Mukha ba akong virus sa paningin niya?!

Nakakainsulto ha.

Mabuti nalang handa na ako sa mga ganiyang galawan niya. Maarte talaga ang animal na 'to. Ayaw nitong nadidikitan ng kahit na sino bukod sa female lead. He dislikes having physical contact with an object or to other human entities. Para sa kaniya ay mga mabaho kaming lahat na nakapaligid sa kaniya.

That is the reason why he always wears his gloves, which are customized as well. Kanina ko pa napansing 'di niya ito suot. Hindi siguro niya naisip na may babaeng baliw na papasok nalang basta sa kuwarto na okupado niya.

"I--I'm sorry," nauutal kong sabi, my mind scrambling for an explanation. "I must have made a mistake. I thought this was my room."

Maniwala ka naman kahit ngayon lang, Silas! I wasn't lying. Tabangi!

Silas narrowed his eyes, studying me intently. "You're clearly in the wrong place. Are you drunk?"

Muli akong napalunok, trying to steady myself. "A little, yes. I'm really sorry. I'll leave right away."

Pero nang humakbang ako paharap ulit sa pinto, biglang nanghina ang tuhod ko at kamuntikan na akong mapaupo. Nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na kaagad si Silas, his strong arms catching me before I hit the floor.

Habang nakahawak ito sa bewang ko at tinutulungan akong makalakad palapit sa sofa, hindi ko maiwasan na titigan ito at mapansin ang kaguwapuhan nito lalo na sa malapitan. Nakikita ko din ang bawat galaw ng kaniyang adams apple na nakakawala sa focus. Y--yikes!

The alcohol in my system was making me bolder than usual, and before I knew it, I found myself speaking without thinking.

"You're really good-looking, you know that?" sabi ko sa mahinang boses, halos bumubulong na sa kaniya.

Silas paused, raising an eyebrow. "Is that the champagne talking?"

I giggled. Paano nito nalaman na champagne ang ininom ko? Suspicious ah. "Maybe. But it's true. You're like... a prince or something."

Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lamang ang paglalakad habang akay ako. Ang bango niya talaga! His scent was intoxicating, a mix of sandalwood and something else that I couldn't quite place but found incredibly alluring.

"Thank you," mahina kong sabi nang paupuin ako nito sa sofa na nandito sa loob ng kuwarto. "Is this really your room, Young Master? I didn't mean to intrude, really."

Walang sinabi si Silas, basta na lamang ako nitong iniwan at lumapit sa refrigerator na nasa gilid. Pagbalik nito sa harap ko, may binibigay na itong isang basong tubig sa akin. Naguguluhan man ay tinanggap ko parin ang baso tsaka uminom.

Silas is only wearing a white shirt, the one that is underneath his suit earlier. Kahit sa simpleng kasuotan nito ngayon, angat parin ang angkin nitong kaguwapuhan. Kakaiba talaga basta male lead, favorite ni author kaya angat talaga sa lahat ng bagay. Pati tindig at aura nito hindi nakalimutan ng author na mas iangat sa iba!

Silas is tall, about six feet above. Kaya nahihirapan ako ngayong titigan ito pabalik sa kaniyang mga mata. Hindi puwedeng hindi ako makipagtitigan, kailangan kong ipakita dito na sincere ako sa mga pinagsasabi kong kalokohan sa kaniya.

Hmm. Isn't this the perfect time to gain his trust? I mean, ang tadhana na mismo ang gumawa para magkamali ako ng kuwarto na papasukan at makita si Silas dito sa loob.

I need to get an alliance with him. Mahirap itong kalaban sa future, kaya kakaibiganin ko nalang. Ika nga sa kasabihan, ‘if you can't fight them, join them.’

Alam ko namang kaya kong makipagsabayan sa patayan na nangyayari dito sa loob ng mundo nila, ang hindi ko lang kaya ay kapag pinagtulungan na ako ng mga animal. Kapag nagkataon ay baka wala ng babalikan pa ang kaluluwa ni Cosette na mukhang gumagala pa yata sa kung saan.

Ito na ang oras na kaibiganin ko ang male lead para sa magandang kinabukasan! Mas maiging maaga palang ay ipaalam ko na dito na sakaniya ako kakampi, no matter what happens in the future.

Inosente kong tinitingnan ngayon si Silas na naka-cross ang mga braso habang nakasandal sa pader na malapit sa pinto. Mukhang hindi magiging magandang idea kung tatakbo ako palabas. Heh!

Nakatitig ito sa akin ngayon na para bang tinubuan ako ng additional na tatlong ulo. Sa totoo lang nakakainsulto na talaga ang way ng pagtitig nito, pinipigilan ko lang talaga ang sarili kong murahin siya hanggang sa magdugo ang ilong niya.

"Are you always this serious?" tanong ko, sinisikap na hindi mapalunok habang nakatitig sa kaniya. His eyes were sharp, almost like they could see right through me, and yet, there was gentleness in the way he handled me earlier.

'Ihh, ano ba? What if umasa ako? Hahahahahaha kalokohan mo talaga, bruha, shut up ka nalang!'

"You should smile more often, you know. You're even more handsome when you smile," pang-uuto ko pero ang ending ay ako lang din ang ngumiti. Ako ang nauto sa sarili kong pang-uuto. Shit, ang galing!

Wala paring reaksyon mula kay Silas. Nanatiling walamg emosyon ang mukha nito, his eyes steady on me. Parang hindi ito naaapektuhan sa mga sinasabi ko. But I was determined.

Ngayon lang ako naging ganito ka-bold, kaya mas mabuting gamitin ko na sa male lead dahil siguradong bukas ay pagsisisihan ko ang lahat ng gagawin ko ngayon. Hahahahaha!

"I'm serious, Young Master. You're like this mysterious, brooding hero from a novel," I said, letting my eyes roam over his features. May gesture pa ako sa kamay na para bang pinapa-imagine ko talaga sa kaniya iyong mga hero sa nobela.

"Girls love that. I love that." Mahina akong napatawa dahil sa kalokohan na ginagawa ko sa harap ng main male lead.

I was really talking to the male lead like this. Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob ko. Maybe it was the alcohol or maybe, just maybe, it was the thrill of flirting with someone so out of my league.

Masaya now, hiya tomorrow.

Lumapit ako sa kaniya na nakasandal parin sa pader, halos hindi ko na nararamdaman ang tipsy feeling. All I could focus on was Silas's presence, his aura that seemed to draw me in more and more.

'Hoy, kumalma ka! Alam kong hot iyang animal na nilalandi mong gaga ka, pero don't ever cross the bridge! Nakuuuu, sinasabi ko talaga sa 'yo, astig ka!'

"I think you're amazing, Young Master," sabi ko, my voice low and soft. "You're strong, intelligent, and incredibly handsome. Parang ang hirap mong abutin, pero ang sarap paghirapan."

Still, no response. Hindi talaga ito naaapektuhan sa mga sinasabi ko, mga pre. Pero hindi ako magpapatalo. Para saan pa na pinanganak akong walang sinusukuan na laban. Ahem!

"Don't you ever get tired of being so serious?" tanong ko, hoping na may makita akong kahit kaunting reaction. "Life is too short to be so stoic all the time. You should try having fun once in a while, Young Master."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniyang mukha, hinahanap ang kahit anong senyales ng emosyon. Pero wala talaga. Wala paring emosyon ang mga mata niya and his lips set in a firm line.

Literal na (⁠-⁠_⁠-) ganito ang reaction niya. Blanko talaga.

Yah! 'Yong totoo author, tao pa ba itong male lead? Baka kasi nakalimutan mong tao siya tapos nagawa mong estatuwa. Aish, nakakagigil ah!

Napabuntong-hininga ako. "You know, if you keep being this serious, people might think you're a robot," pang-aasar ko nalang, trying to lighten the mood. "A very handsome robot, but still a robot."

(⁠-⁠_⁠-)....

Malalim akong huminga, pilit pinapahaba ang pasensya ko. Para siyang isang pader na hindi ko kayang basagin. Kahit siguro gamitin ko iyong Mjölnir na hammer ni Thor ay hindi parin ito matitibag sa pagiging stoic niya.

Pero sa isang banda, iyon din ang nagpapa-challenge sa akin. It made me want to try harder, to see if I could get a reaction from him. Hehe! Let's see, let's see.

"So, Young Master," I said, shifting a bit more closer. "Tell me something about yourself that no one else knows. Something... unexpected."

For a moment, I thought I saw a flicker of something in his eyes, but it was gone before I could be sure. Instead, he just looked at me with that same unreadable expression.

Napalunok ako. This man is really impossible. Para bang kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang paamuhin. Sabagay, kahit nga ang female lead na supposedly magpapaamo dapat sakaniya dahil partners sila for life, hindi nga iyon magawa. Ako pa kaya na extra at naligaw lamang sa nobelang 'to?

"Okay, fine," I said, raising my hands in mock surrender. "I give up, Young Master. You're impossible."

But deep down, I knew I wasn't really giving up. Hello? Paano kami magiging close together, friends forever kung hindi ako kikilos?

Tss, hindi maaaring umasa ako sa animal na ito dahil hindi naman ito mauunang mag-approach. Baka nga mas posible pa na makakita ako ng pader na may mukha, eh.

Mas lumapit ako sa kaniya, tiptoed until our faces were just inches apart. I could see every detail of his face, every fleck of color in his eyes. He was truly mesmerizing.

Ang mas nakakatuwa pa dito, hinahayaan niya lamang akong lumapit. Hindi kagaya kanina na grabehan ito sa paglagay ng alcohol sa kaniyang mga kamay.

"You're a mystery, Young Master," I whispered, my voice barely audible. "And I want to solve you."

Still, he remained silent, pero hindi inaalis ang titig sa akin. Naningkit ang mga mata ko dahil nagsisimula ng maubos ang pasensya ko.

'Oh, kalmahan mo lang, Alora. Intindihin mong ganiyan talaga si mml, parang librong walang nakasulat kaya mahihirapan ka talagang intindihin!'

Ipagpapatuloy ko ang pagdikit sa lalaking ito. Kahit pa ibig sabihin nito na kailangan ko pang maglasing ulit para lang magkaroon ulit ako ng lakas ng loob makipag-usap sa kaniya ng ganito. Even if it means stepping out of my comfort zone and daring to flirt with someone so out of reach.

Ang layo namin sa isa't isa, out of reach talaga. Literal na langit ako, tapos sa lupa siya. Pffft hahahahaha! Hindi talaga kayang abutin ng anghel ang demonyo, unless magiging fallen angel ako, eh kaso malabo iyon. Ahem!

Heh! Demonyo talaga ang lalaking ito, delikado hindi lamang para sa puso ko kundi sa buhay mismo. Kung ang iba'y kumpare lamang ang hari doon sa baba, siya ay tagapagmana na.

I leaned back a bit, studying his face. "You know, Young Master," I started, my voice is a bit louder now, "I have this song in mind that perfectly describes you."

Pinagmasdan kong maigi ang mukha nitong nanatiling unbothered sa gitna ng kadaldalan ko. His long manly lashes are really beautiful to look at. Sana lahat may mataas na lashes.

I cleared my throat and began to sing softly.

🎶 "Oh my pretty pretty boy I love you

Like I never ever loved no one before you"

Napansin kong tumigil sa paggalaw si Silas at tiningnan ako ng mas malalim. Nakikinig siya. Napangiti ako at nagpatuloy sa pagkanta.

Dapat masaya siya dahil exclusive akong kumakanta ngayon na siya lamang ang nakakarinig! Pinikit ko ang mga mata ko, gustong damdamin ang lyrics ng kanta kahit hindi naman talaga ako nakaka-relate.

🎶 "Pretty pretty boy of mine

Just tell me you love me too

Oh my pretty pretty boy"

Sa pagbukas ng aking mga mata, my eyes and his met, and for some reason I felt electrified. The grey color of his eyes... were very pretty, even though there's no emotion written on it.

🎶 "I need you

Oh my pretty pretty boy I do

Let me inside

Make me stay right beside you"

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kaniya, napapansin ko nalang na I am stopping myself from breathing. He was breathtakingly handsome. His clean and organized hair earlier was now in a mess. His sharp eyes have now become sleepy. And I can see his biceps at ang maugat niyang kamay.

Napalunok ako, hindi dahil sa kaba kundi dahil bigla nalang nag-init ang pakiramdam at mukha ko. I am embarrassed because I am drooling over a man na hindi naman nangyari dati!

Kinurot ko ang hita ko para mabaling sa sakit ang paghanga na nararamdaman ko. Shit, shit! Hold yourself together, Alora!

'Tumigil ka nga sa kalokohan mo, hibang ka talaga! 'Wag kang magpapaakit sa animal na 'yan, tandaan mong astig ka at hindi mabilis naaakit!'

Huminto ako sa pagkanta, tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon niya. Nakita kong nakatitig parin siya sa akin, mas matindi kaysa kanina.

Baka nagugustuhan niya ang kanta? I hope so!

"Do you like it?" tanong ko, nakangiti at tila batang excited na malaman ang sagot. "I can sing more, but..." I let my voice trail off, teasing him a bit. "There's a catch. A payment."

Nagtaas ito ng kilay, tila nagtatanong kung ano ang kapalit. Napakagat-labi ako, nag-iisip kung dapat ko bang ituloy ang kapilyahan ko. Pero in the end, tinuloy ko parin. Damn alcohol!

"Think of my singing as a premium that you need to pay first before you could hear it again, and since you are someone special to me, I can give you a discount or another way to pay me instead of cash."

He tilted his head in the side, maybe trying to figure out what was running on my mind. Hehe, sorry, Silas. You can't ever read my mind!

"I'll continue singing if..." I paused, letting the suspense build, "you give me a kiss."

For a moment, I thought he would just walk away or ignore me. After all, he was always so serious, so distant.

Pinigilan ko ang sariling matawa habang nakatitig sa walang emosyon nitong mukha. Medyo malakas ang loob ko na mag-request ng kiss sa kaniya kasi alam ko naman at sigurado akong hindi niya naman papatulan ang pagbibiro ko.

Pero laking gulat ko nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at nagsalita.

"Where do you want it?"

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter