Chapter Twenty-One
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
"Where do you want it?"
(O_O)
GULAT. 'Yan ang reaksiyon ko nang magsalita ito. Bigla akong nag-transform into kuwago nang marinig ko ang sinabi ni Silas.
Biglang tumigil ang oras at nag-replay sa utak ko ang sagot niya. WHAT?! Akala ko ay wala itong pakialam sa mga pang-aakit ko, so bakit?! Napalunok ako at tumingin sa kaniyang mukha, hinahanap ang kahit anong senyales na nagbibiro lamang siya.
Pero wala. He was dead serious.
Kahit pa nga tipsy ako, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. I didn't expect him to actually respond. I was just teasing him, trying to get a reaction.
Paanong hindi ako magugulat kung imbis na sabihin niyang nagsasabi ako ng kalokohan ay talagang sinakyan pa niya ang kalokohan ko?! This is not the main male lead! I am telling you, walang ganito sa nobela!
Palaging ang female lead ang try hard sa panglalandi sa piste na 'to, pero palagi siyang walang nakukuha na reaksiyon mula sa male lead. Tatango lamang ito, at hindi magre-respond. Kaya anong nakain nito ngayon gabi?
Tinitigan kong maigi si Silas mula ulo hanggang paa, may kasama pang side to side. Chinecheck ko lang kung si Silas ba talaga itong kasama ko ngayon o baka ibang tao lang. Baka nagha-hallucinate na ako dito dahil sa champagne.
O baka naman may kambal siyang hindi naisulat sa nobela?
"Do you want it on the cheek?" tanong niya, getting closer to me. "Or on the lips?"
ââ (â ââ â ââ â¢â ââ -â ââ â¢â ââ â ââ )â â
"Bullshit," bulong ko nang marinig na naman ang boses nito. Sa pandinig ko ay para itong nanghahamon sa akin ng away. Para bang gusto niya talagang subukan kung mapapanindigan ko ba ang kalandian ko.
Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. My heart was racing, and I could feel my face heating up. Ngayon, hindi ko na alam kung alin ang dahilan- ang champagne o ang presensya ni Silas.
S--Shit! I am in freaking danger! Someone help! Someone call 911, I can't breath!
"Uhm..." Heh! Malandi ka sa gabing 'to, Alora. Laban lang. "Here," sabi ko, tinuturo ang labi ko, challenging him. "If you're really serious."
Walang emosyon ang mga mata nitong sinundan ang galaw ng daliri kong pumatong sa aking labi. Mapapangisi na sana ako sa pag-aakalang magba-back out siya kaso nagulat na lamang ako sa sunod nitong ginawa.
ââ ï¹â â
Walang pag-aalinlangan itong lumapit lalo sa akin, hanggang sa halos magdikit na ang mga labi naming dalawa. His breath was warm, and I could smell that intoxicating scent of his again.
Parang nag-slow motion ang bawat galaw namin, kung totoo man 'yon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, para bang sasabog ito anumang sandali. It sounds like... lub-dub... lub-dub... lub-dub.
My heart sounded like a drum beating so loudly in my ears, blocking out everything else. Ang lakas ng tibok ng puso ko, halos marinig ko na rin ang bawat paghinga ko.
'Gago, anong nangyayari sa puso mo, bruha ka?! Patigilan mo 'to, bago pa tayo makagawa ng hindi dapat dito!'
Mas lalong lumapit si Silas, at ngayon ay ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi niya sa akin. Napatigil ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napalunok ako ng mariin, ramdam ang kaba at excitement na halo-halo na sa sistema ko.
Ang lakas ng amoy ng champagne sa hininga ko, at siguradong naririnig din niya ang tibok ng puso ko. His eyes were focused on mine, never wavering, never blinking.
Tiningnan ko ang mga mata niya, hoping to see some hesitation, some doubt. Pero wala. He was completely serious, and it terrified and thrilled me at the same time.
"U--Uhm, Young Master," mahina kong tawag, pilit na nagkukunwaring kalmado. "Are you really going to do it?" malambing kong tanong dito.
Nakakahiya kasi. Alam kong kada salita ko'y naaamoy nito ang alak sa hininga ko. Ayaw ko sana na iyon ang malasahan niya sa first kiss niya, naming dalawa. Pero wala na akong magagawa. Hindi ako puwedeng umatras, lalo pa at ako ang nag-insist!
Wala kayang inaatrasan ang isang Alora! Kahit nga apoy ay sinusuong ko, ito pa kayang halik lang. Isa pa, ako ang unang nagsabi na gusto ko ng halik, kaya no matter what happen itutuloy ko 'to. Nyahahahaha!
"Hmm." Natigilan ako nang marinig ko ang mahina nitong sagot sa akin.
Napapikit ako ng bahagya, pilit na pinapakalma ang sarili ko. "If you're not going to back out, neither will I," sabi ko, trying to sound brave kahit na pakiramdam ko ay magko-collapse na ako anumang sandali.
His presence alone can easily weakin me! Matagal na akong mahina sa guwapo. Hindi ako marunong lumandi dati, pero dahil sa mga binabasa't pinapanood ko noon, masasabi ko naman na I've known everything even without experiencing them.
Naramdaman ko ang dulo ng mga daliri niya sa pisngi ko na marahan itong hinahawakan. Shucks! Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko ngayon, nararamdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko.
My eyes fluttered shut, anticipating the kiss that was about to happen.
And there... naramdaman kong nag-init lalo ang pisngi ko nang dumikit na ang mga labi niya sa gilid ng labi ko. Napanganga nang kaunti ang labi ko dahil doon.
Tinuloy nga niya. Yawa na animal 'to! Akala ko nagbibiruan lang kami dito. Holy mother...
It was soft, gentle, and completely unexpected. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Ang palad ko ay naging kamao, pilit pinipigilan ang sarili ko na mapahawak sa kaniya. Baka kasi bigla ko siyang hilahin to deepen the kiss, nakakahiya naman. Hahahahaha!
Hindi nagtagal ang halik nito kasi kaagad siyang umatras. Iniwan niya akong nakatunganga, naguguluhan at bitin. Para lamang lumapat sa pisngi ko ang labi niya ng isang segundo. Parang wala man lang akong naramdaman!
"What? 'Yon na yun? I--I mean... bakit sa pisngi lang, Young Master? It should be here!" sabi ko habang nakaturo sa labi kong nakanguso.
Napapikit ako nang mariin, halos magwala ako dahil sa frustration. Bakit ko naman siya tinatanong ng gano'n? Nakakahiya! Parang ang labas ay nagustuhan ko ang halik niya. Though, yes, pero... Aish!
He just looked at me, his expression still unreadable. "You should rest now."
Napatulala ako doon. W--what...
"You're just drunk," sabi pa niya, malambing ngunit may halong pilyong ngiti. Naka-tilt na naman ang ulo nito, para bang pinag-aaralan ako kahit hindi naman ako unidentified specie.
I felt my face flush even more, not from embarrassment but from sheer frustration.
Napaatras ako at lumayo ng ilang pulgada sakaniya. Baka kapag hindi ako lumayo, lumapat ang palad ko sa likod ng kaniyang leeg tapos mamalayan ko nalang nilalafang--
'What the hell, Alora?! Stop. Stop your dirty thoughts right there! Ang male lead 'yan, pinakadelikadong tao, at pinakauna sa death flags list mo!'
Hindi lamang paghihinayang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, pati narin gulat. Imagination ko lang ba o talagang ngumiti at kinausap ako ni Silas gamit ang kaniyang malambing na boses?
Imposible naman kasi! Si Silas, ang main male lead na kilala bilang walang pakiramdam, kinausap ako gamit ang soft voice at ngumiti? Nah, maybe epekto narin ng alak kaya kung ano-ano nalang ang nakikita at naririnig ko.
He stood up, still with that nakakainis niyang calm demeanor, and walked over to the door. Binuksan niya ito, tumingin sa akin na para bang sinasabi nitong lumayas na ako without saying a word.
"I think it's best if you go to your room now," sabi niya, halos kalmado ang boses na tila walang nangyari.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. 'Yon na 'yon? Gano'n nalang? Matapos niyang nakawin ang first kiss ni Cosette sa pisngi malapit sa labi, papalayasin na niya ako? Ang unfair! It's so unjustice!
"That's it? Young Master, that's my first kiss!" frustrated ko kunyaring sabi habang nakanguso.
Yah! Idadaan ko nalang sa pagpapa-cute ang kahihiyan na nangyari ngayon lang. Pumikit ba talaga ako kanina? Aahhh, nakakahiya!
Parang biglang nawala ang epekto ng alak sa sistema ko matapos ang nangyari at lahat ng confidence ko ay naglaho nalang na parang bula.
Silas just looked at me, his expression still unreadable. "It's not even a kiss."
Napasinghap ako dahil sa narinig, hindi makapaniwala. Kita niyo na. Tingnan niyo kung gaano kagago ang animal na 'to! Kahit sa pisngi lamang 'yon, ang halik ay halik parin at kailangan niya akong panindigan!
'*Light cough... Shit hahahahaha! Kung may nakakarinig at nakakabasa lamang sa mga pinag-iisip ko ngayon ay siguradong masusuka nalang sila. Yah, nakakadiri ka, Alora!'
Gusto ko sanang magreklamo, pero alam kong wala rin namang mangyayari. Tinanggap ko na lang ang pagkatalo ko. Ang unfair! Bakit parang ako lang ang apektado sa halik niya? Tsk.
Mas lalong humaba ang nguso ko. Minsan na nga lang magkaroon ng boldness para landiin ang male lead, pero ilang segundong halik lang ang ayuda. Oh well, maybe next time. Iyong sober ako para wala na siyang masabi. Hehe!
"What if I don't want to?"
Tumitig siya sa akin, pero walang kahit anong bakas ng amusement o reaksyon sa mukha niya. Ang seryoso talaga nitong si Silas. Basi din sa mukha niya ay parang naiinis na ito sa pagiging persistent ko.
Kakausapin ko sana ulit siya para pilitin siyang dito nalang patulugin ang kawawang lasing na dyosa, pero kaagad din naman akong natigilan nang marinig ko ang sumunod nitong sinabi.
"Then I'll carry you there myself," sabi niya, walang emosyon na mababakas sa boses.
Gusto ko sanang tawanan siya, pero alam kong seryoso siya. Kaya nagpasya akong pigilan ang tawa ko. Baka mamaya niyan mamalayan ko nalang na lumilipad na ang ulo ko habang tumatawa ako. Geez.
"Fine." Tinitigan ko ito ng ilang minuto bago nagsalita ulit. "Pero ayaw mo talaga? You're not even a little bit tempted, Young Master?"
Tumaas ang isang kilay niya, pero hindi pa rin siya nagsalita. Ang hirap talaga kausapin ang lalaking 'to. Mabuti nalang humahaba ang pasensya ko kapag guwapo. Nyahahahaha!
Naglakad ako palapit sa pinto. Nagulat pa ako nang iabot nito sa aking ang bitbit na sandal. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siya. Sinipa ko nga pala ito kanina kaya hindi ko na naalala.
"Thanks, Young Master."
Kinuha ko ito mula sa kaniya. Wala ba siyang balak na isuot sa akin? Hay, ang sama talaga ng ugali ng animal na ito. Wala ba siyang sweetness na tinatago sa katawan? Yah, nakakasakit na siya sa puso!
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Young Master? Hindi ka ba naaawa sa akin? Hmm," mahina kong sabi, pilit ginagawang malambot ang boses habang ginagawa ang beautiful eyes sa harap niya.
Pinagdadasal ko nalang na sana hindi ako mukhang tanga sa harap ng animal na 'to. Nakakahiya na pagtawanan ako, baka mainsulto lang ako lalo. Mas nakakainsulto pa naman ang tingin nito kesa sa mga tawa ng ibang tao.
Ngayo'y mas malapit na ako sa kaniya't handa nang lumabas, mas naaninag ko ang pagdaan ng disgust sa kaniyang mga mata bago bumalik ang walang emosyon nitong reaksiyon.
Y--yah! That hurts ah! Tsk. This man... Dapat ba talagang ipakita sa akin ang disgust sa reaksiyon niya? Puwede niya namang itago nalang sa sarili niya.
Nang makitang wala na itong balak pang magsalita, palihim ko na lamang itong inirapan bago lumapit ng tuluyan sa nakabukas na pinto. Lalabas na sana ako pero napahinto nang marinig ko ulit ang boses ni Silas.
"Wait."
Umangat ang isa kong kilay at biglang napalingon sa kaniya. "Yes?"
Tumitig lang siya sa akin ng ilang sandali bago nagsalita muli. "Stay here," sabi niya, malamig pa rin ang boses at diretsong nakatitig sa mga mata kong unti-unti nang nanlalaki ngayon. Pero mas lalo itong nanlaki nang dugtungan niya ang sinabi niya.
"With me."
ââ (â ââ â ââ â¢â ââ -â ââ â¢â ââ â ââ )â â
K--KYAHHH!
Ano ba talaga ang nakain ng taong 'to? Nakainom din ba? Imposible! Immune nga siya sa mga lason, alak pa kaya. Isa pa, this man hated the smell of alcoholic beverages.
Mapapa-sana all mabait ka nalang talaga. Siya lang ang nag-iisang demonyo sa nobelang 'to na never uminom ng alak. Healthy living kasi ang buang.
Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba? Don't tell me nadala siya sa cuteness at beautiful eyes ko? Hahahahahaha walang hiya! Ang kapal ng mukha ko.
"Are you sure, Young Master?" paninigurado ko. What if pala ang demonyo sa paligid ko lang ang nagsabi non, mas mabuti ng sigurado para hindi magkaroon ng label na "assuming."
"Hmm," ang malamig niyang tugon. "Why? Backing out?" he seriously asked, tilting his head to the side and raising one of his eyebrows.
Awkward akong natawa. Hindi ako puwedeng magtagal na kasama sa iisang kuwarto ang animal na 'to, lalo pa na unti-unti ng nawawala ang epekto ng alak sa sistema ko.
Baka kung ano ang gawin ko- niya! Baka kung ano ang gawin niya! P--pffft! Even I, don't trust myself.
"Ha--Hahahaha, I'm just teasing you, sir. Ito na nga, lalabas na ako."
Pero bago pa man ako tuluyang makalabas, mabilis na niyang naitulak ang pinto at isinara. Narinig ko itong nag-lock automatically.
Napapikit ako ng mariin. I almost forgot na otomatik nga pala ang lock system ng mga pinto nila dito. Sabi ay ginawa ito ng may-ari ng hotel to avoid accident daw. Every after alas dose ng gabi ay nagsasara ito ng sarili niya. It means alas dose na ng hatinggabi ngayon.
I remembered reading about the hotel's security measures sa nobela. Ang automatic lock system ay isa sa mga features na proudly advertised sa hotel na ito. Naniniwala kasi ang hotel management that by locking the doors at midnight, they could prevent any unwanted incidents during the late hours.
Bukod sa safety reasons, it was also a way to maintain a sense of peace within the hotel premises. By locking the doors, nasisigurado ng hotel na any disturbances galing sa labas were minimized.
Sa tuwing sasapit ang hatinggabi, ang mga pinto ay awtomatikong nagla-lock, pinipilit ang lahat ng bisita na manatili sa kanilang mga silid o bumalik agad kung sakaling nasa labas pa sila. Para itong curfew, isang paalala na dapat na magpahinga na ang lahat.
Now, here I am, stuck inside the room with Silas because of this stringent rule.
Hindi ko tuloy malaman kung dapat ko bang murahin ang may-ari ng hotel na ito dahil sa ginawa nitong strict policy o dapat ba akong magpasalamat dahil sa binigay nitong unexpected opportunity sa akin para makasama pa ng mas matagal si Silas.
Napahinga ako ng malalim, sinubukang kalmahin ang sarili. "Uh... Well, it seems like I'm stuck here for the night," sabi ko, pilit na ngumingiti kahit na ramdam ko ang tensyon sa hangin.
Silas just stood there, parang display na statue sa gilid. Ang malamig na aura niya ay tila pinapalibutan ang buong silid. Saan ba pinaglihi ang lalaking 'to, sa mga statues ba, robot, o sa aircon?
O baka naman talagang may sira lang talaga sa utak ang animal na 'to?
"So, you're staying," he stated, not even a hint of question in his voice.
Lihim akong napangisi. Heh! Kung makapagsalita akala mo hindi siya ang may gusto na manatili ako dito kasama siya. Nyahahahaha! Kung alam ko lang sana nirecord ko ang sinabi niya, pang-inggit lang sana sa mga bayawak sa paligid.
"Yes, I guess," sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata na masyado akong natutuwa. Ngumiti ako at umupo sa kama. "It seems like I don't have a choice, Young Master," dugtong ko pa, kunyari hindi ko talaga alam na magsasara ang pinto sa oras na 'to.
Heh! Lasing lang ako, but I still know what I'm doing. Medyo bold lang talaga dahil sa champagne, pero overall alam ko ang ginagawa ko.
Kunyari nalang hindi ko din alam na kaya naman niyang utusan ang security ng hotel para buksan ang pinto. Hehe, may kaunting kapilyuhan din palang tinatago ang animal na 'to sa katawan.
Naramdaman ko ang presensya ni Silas na naglalakad papalapit sa puwesto ko. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niyang seryoso.
"Saan ako matutulog, Young Master? I am fine na sa sofa ako, malaki din naman 'yon," suggest ko. Nilipat ko ang tingin papunta sa sofa. Malapad ang sofa na 'yon, kasya ang isang tao.
Binalik ko ang tingin sakaniya na nakatingin na ngayon sa 'kin, his expression still as cold as ever. "Beside me, where else?"
(â ââ _â _â ââ )??
A--ano daw? Beside him?! At bakit naman ako tatabi sakaniya, aber? That's... That's not right.
'Ahem! Kunyari ka pa, Alora. Pumayag ka na, minsan lang ang pagkakataong makasama mo sa iisang kama ang demonyong 'yan, grab the opportunity!'
Tumikhim ako. "Pero hindi dapat nagtatabi ang babae't lalaki kapag hindi naman sila magkasintahan o kaya kasal, Young Master," sabi ko, akala mo talaga kung sinong matino.
Para lang akong teacher na tinuturuan ang estudyante ko tungkol sa GMRC or Good Manners and Right Conduct. P--pfft hahahaha ahem!
Tinaasan lang niya ako ng kilay. "You're my fiancée." Napakurap ako. Yah. Sa way ng pagkakasabi niya ay parang sinasabi narin niyang ang bobo ko sa sinabi ko.
Nakakabigla na alam pala nito ang tungkol sa engagement namin. Akala ko kasi talaga na wala itong alam kasi wala siyang pakialam. Iyon kasi ang nangyari sa nobela. Nang malaman nito ang engagement, kaagad niya itong pinawalang-bisa dahil kay Sabrina.
"O--okay," sabi ko, nagkukunwaring cool lang kahit na ramdam ko ang excitement sa dibdib ko. "If you say so, Young Master."
Umupo siya sa upuan malapit sa kama, tinititigan ako ng diretsahan. Hindi tuloy ako mapakali sa puwesto ko. Yah! Paano ba kasi nila ginagawa iyang titig nilang nakaka-conscious? Makapag-practice nga para may pang-counter ako sakanila next time. Hahahahaha!
Slowly, nahiga ako sa kama, dala ang isang unan na inilagay ko sa gitna para kahit papaano may border sa pagitan namin. As if talaga mapipigilan ng isang unan ang kalandian ko. A--ahem ahem!
Nang makita iyon ni Silas, nangunot ang kaniyang noo. "What are you doing?"
Natigilan ako at natawa ng mahina. "To protect both of us from each other, Young Master." Hindi ako sigurado kung sino ang pinoprotektahan ko, ang sarili ba mula kay Silas o si Silas mula sa akin.
Tinap ko ang kabilang gilid ng unan. "Mahiga ka na, Young Master. You also need some rest, you know," malambing kong tawag dito.
Ilang minuto muna itong nakipagtitigan sa akin bago dahan-dahang tumayo at naglakad palapit sa kabilang side. Nahiga ito ng tahimik, at tumitig sa kisame kagaya ko.
Nakahiga na kami sa kama, tahimik at magkalayo dahil sa unan sa pagitan namin. Ramdam ko ang tensyon sa hangin, pero pinipilit ko ang sarili na maging kalmado.
Habang nakahiga, naramdaman kong bumibigat ang mga talukap ng mata ko. Pero bago pa ako tuluyang makatulog, napaisip ako kung ano ba ang itatawag ko kay Silas.
Hindi naman puwedeng Young Master lamang ang itatawag ko sakaniya, lalo pa na alam kong may alam pala ito sa engagement naming dalawa. Hello? Siyempre as his fiancee, dapat naiiba ako sa lahat. Hahahahaha! Feel na feel mo na talagang, bruha ka!
"Young Master," mahina kong sabi, pero wala siyang tugon. Kaya naman nagpatuloy nalang ako sa pagdaldal. "Alam mo ba, dapat may endearment tayo para sa isa't isa."
Bahagya akong umikot, tumagilid ng higa para pagmasdan ang side view profile nitong sobrang perfect. Ano kaya ang magandang itawag sa animal na 'to?
"Hmm... Honey? No, too sweet. Darling? Ugh, too old-fashioned. Sweetie? Nah, too cutesy."
Natahimik ako, malalim na nag-iisip hanggang sa may alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Mahina akong naubo bago umayos ng higa.
"May naisip na ako! I will call you Papi!" nagkukunyaring excited kong sabi habang pinipigilan ang matawa.
Naalala ko kasi iyong mga nababasa ko dati sa social media. Chupapi yata 'yon. Hahahahahaha! Ang pangit naman kung 'yon ang itatawag ko kaya Papi nalang. May daddy na kasi ako, kaya siya ang Papi ko.
'Ang landi mo, Alora! May endearment ka pang nalalaman, mabuti pang matulog ka na'
"Papi huh."
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â â Ëâ â ³â Ëâ )â â¥