Back
Chapter 24

Chapter Twenty-Two

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

Hello, everyone‼️Insert lang ako kaunti. Sorry for the late update, medyo busy talaga sa school stuffs. Mahaba ito at feeling ko boring kaya sana bare with me huhu! I love you and take good care din sana sa health ninyo since paiba-iba talaga ang panahon ngayon, parang ugali ni Alora HAHAHAHA! Anyway, this is the update that y'all are waiting for. See you next year HAHAHAHAHA!

Enjoy reading, mwaps! (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

- Author

FTMBD

Nagising ako dahil sa naririnig kong kaluskos sa paligid. Mababaw lang talaga ang tulog ko, kaya kahit konting galaw ay naririnig ko.

Slowly, binuksan ko ang mga mata at kaagad na bumagsak ang paningin ko sa lalaking nakaupo ngayon sa sofa.

Si main male lead-Silas, na nakasuot ng business suit.

Napatingin ako sa paligid at tsaka ako may naalala. Right... I ended up staying in his room last night. Naabutan nga pala ako ng automatic lock system nila dito.

Hinawakan ko ang ulo ko. Mabuti nalang 'di siya masakit. Nakatulong yata iyong binigay niyang tubig kagabi. Pinigilan kong mapangiti nang maalalang may naamoy akong gamot doon.

I glanced back at Silas, tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya iyong tipong sobrang laki ng katawan, but damn-his biceps and his overall build were perfect enough for someone like me to-ano nga ba ang term?-pagnasaan... hindi. Paglawayan... hindi, erase...

Ahem! Ibig kong sabihin ay ang kaniyang katawan ay parte na gustong masilayan ng mga kababaihan na kagaya ko.

"Pfft hahahaha! Very maria clara naman ang atake ko sa umagang ito"

"You're up earlier than the tiktilaok, Young Master," I greeted, trying to sound casual kahit medyo naiilang ako. Ganito pala ang pakiramdam basta first night ninyo together. Pfft, first night pa nga. Hahahahahaha!

Mabilis kong iniling ang ulo ko para pigilan ang anumang imagination na namumuo sa utak ko. Kung ano-ano na naman ang sinasabi. Kakasabi lang na maria clara kaya dapat demure tapos biglang bumalik na naman sa pagiging delusional.

He looked at me, as if sensing na tinititigan ko siya ng matagal. Napakurap ako. May mali yata sa sinabi ko kaya ganiyan siya kung makatingin.

Ano nga ulit ang sinabi ko? Tiktilaok? Bakit tiktilaok?

Aish! 'Di ko alam kung kulang ba ako sa tulog at inaantok pa o nasobrahan lang sa alak kagabi kaya ito ang naging resulta. Umakyat yata ang alak sa utak ko't nag-stay na dito.

Handa na sana akong bumalik sa pagkakahiga at takpan ang sarili gamit ang kumot dahil sa hiya, when Silas spoke, his voice cold and enough to get me back to reality.

"It's 11:00 AM."

11 what?! Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala. Hinanap ng mga mata ko ang orasan dito sa loob. Nang makita ko itong nakasabit sa wall, tsaka ko lamang nalaman na nagsasabi nga ng totoo si Silas.

Hindi naman siguro ako hinahanap ni Phobi ng ganito kaaga, 'di ba? Pero what if pumasok siya sa room na nakalaan para sa akin at hindi ako nakita? Tapos magpapa-guard hunt siya kasi akala niya may nangyari sa akin? Minsan ay praning pa naman ang babaeng iyon.

"Young Master, I need to go!" hysterical kong sinabi, as I scrambled out of bed, looking for my heels. Ano ba 'tong heels na 'to, ba't nawawala pa?! Kagabi pa 'to ah!

Natigil lamang ako sa pagkilos at paghahanap nang mapansin ang heels kong nasa harap ko na. Akala ko lumulutang, hawak pala ni Silas. Silas was already handing them to me. Oh?

I gave him a smile. "Thank you, Young Master."

Nakahinga ako ng maluwag dahil makakaalis narin ako sa wakas. Nakakahiya naman kung mananatili pa ako dito. Hindi naman siguro ganoon kakapal ang mukha ko?

"May dumi ba ako sa mukha, Young Master?" tanong ko nang mapansin ang titig nito sa akin.

Ang mga mata niya ay parang laser na tumatagos sa bungo ko. Geez. Iba talaga ang mga titigan ng animal na 'to, nakakapanghina sa tuhod. Kahit gaano pa kalakas ang mga joints mo sa tuhod, isang titig lang ng lalaking 'to ay siguradong bibigay 'yan.

Parang automatic na magiging jelly ace ang mga tuhod kapag nakatitig ang animal. Iba talaga ang lalim ng titig niya. Hindi iyong tipo na creepy. Ang titig niya ay parang pinag-aaralan talaga ang buong pagkatago mo, ganoong klase.

He didn't respond, instead handing me a paper bag. Ang dami naman niyang binibigay! Sana next pera naman.

"Ahem! Huwag papahalatang mukha kang pera masyado, self"

Binaba ko ang tingin sa paper bag bago binalik ang tingin sa mukha niya. Ang seryoso ng mukha, nakakatakot na nakaka-inlove. Pfft. Tinikom ko nang mariin ang bibig ko. Baka kasi bigla na namang lumabas ang tawa nang 'di sinasadya.

Parang hindi ko kayang tanggapin itong inaabot niya. Paano kung droga pala 'to? Nagmumukhang secret transaction ang nangyayari ngayon dahil sa seryoso nitong mukha.

Napakunot ang noo ko pero tinanggap ang bag dahil wala akong choice at sinilip ang laman.

New dress. A really expensive-looking one.

Napaisip ako, do I stink that much na kailangan niya akong regaluhan ng damit? I subtly sniffed myself. Mabango pa naman ako, ah. Ba't kaya niya ako niregaluhan ng damit?

"Ah, thank you for this, Young Master," naisipan ko nalang na sabihin kasi parang naghihintay talaga ito sa sasabihin ko. O baka akala ko lang talaga.

Tumango lamang siya and went back to sit on the sofa, naging busy na naman sa laptop niya. Para bang hindi siya bothered sa lahat ng nangyayari sa paligid niya. Walang pakialam talaga.

Habang ako dito nag-iisip na kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon para bigyan ako ng dress. Sabagay, sobrang hygienic ng animal na 'to kaya baka gusto niya akong maligo muna bago umalis.

Pinagmasdan ko ang dress na nasa loob. Halatang mamahalin talaga. Pero kasya ba ito sa 'kin?

Seryoso na ngayon siyang nakatutok sa screen ng laptop niya. Basi sa naririnig ko doon, mukhang may visual meeting siya kasama ang mga executives niya. Halata sa mukhang ayaw niyang makinig pero kailangan dahil siya ang owner ng kompanya.

So kanina nang lumapit siya sa akin para ibigay ang mga bagay na hawak ko na ngayon, may visual meeting na siya? Ibig bang sabihin narinig nila ang usapan namin?! O baka naka-off ang mic? Oo nga naman.

Aish! Ang dami kong iniisip. Makaligo na nga.

...

After I showered, I wore the burgundy color dress na bigay ni Silas. The tag said it was called the "Scarlet Silk Shift Dress." Ang taray ng pangalan, ano? Ang social.

And the fabric-wala akong ibang masabi-screamed luxury. Bagay na bagay ang kulay sa balat ko-parang sosyal na socialite ang aura ko. Hapit na hapit ito sa waist ko, ang haba ay umaabot lamang sa kalahati ng aking hita, at kitang-kita din ang collarbone ko dahil spaghetti straps ito.

(Credits to the rightful owner)

Sakto sa akin ang sukat ng damit. Napapaisip tuloy ako kung paano nalaman ni Silas ang tamang size ng damit ko? Ang galing mag-estimate ng animal. May fashion sense din sa damit. Very impressive.

Paglabas ko, basa pa ang buhok ko, so I grabbed a small towel and wrapped it around my head like a turban. I looked around the room, hinahanap 'yong purse ko from last night. Kailangan ko na talagang i-check ang phone ko.

For sure, paranoid na si Phobi kakahanap sa akin kung sakaling pumasok nga iyon sa room. Baka mamaya niyan nag-report na iyon kay Prensley. Isa pa naman iyon na praning pagdating dito sa anak niya.

If ever tatanungin ako ni Prensley kung saan ako galing, anong isasagot ko aber? Na natulog ako sa room ng fiancee ko? That sounds so scandalous.

Tsaka wala namang makakaalam na ako ang pumasok sa kuwarto ng animal. Hindi pa uso ang cctv dito sa nobela. At wala din naman akong napansing tao noong mga oras na iyon.

I was so engrossed sa paghahanap ng purse, I didn't notice Silas approaching me. The next thing I knew, he was already standing beside me, handing me my purse like he did earlier with my heels.

Napatitig ako dito. Saan niya ba tinago ang mga gamit ko huh? Medyo natutuwa na ako sa animal na 'to ah. Hindi na 'to maganda.

"Hala! Thank you, Young Master," I smiled sheepishly, taking the purse from him. Ang dami kong thank you sa umagang 'to ah. Kulang nalang pati ang paghinga ko ay ipagpapasalamat ko pa sakaniya.

Napailing ako and I noticed na ang tingin niya... nasa ulo ko. Specifically, sa tuwalya na nakatali sa buhok ko. Napakunot ako ng noo. "Young Master? Do you need this small towel or something? Kanina ka pa nakatitig dito."

Nanatiling walang binibigay na ekspresyon ang mukha niya, but then spoke, mababa ang tono ng boses tapos parang tunog nang-uutos pa. "Blow."

Blow?

(O_⁠_O) loading....

BLOW?!

Anong blow?! S--Shit.

My thoughts are running wild again. Umagang-umaga may gano'n agad! Ba't naman kasi may blow pang sinasabi? Siyempre mag-iiba talaga ang takbo ng utak ko. Tapos idagdag pa ang boses niya nang sabihin niya 'yon.

Napaubo ako dahil sa maduming hangin na pumasok sa isip ko nang marinig ang word. Umiling ako't napahawak sa aking ulo. Pakiramdam ko inaatake ako ng migraine kahit wala naman akong ganoon.

Ano ba kasing blow ang tinutukoy niya? Imposible namang gusto niyang hipan ko ang...

"*Light cough... Shit naman talaga! Sobrang aga pa para sa kadumihan ng utak mo, gaga! Mahiya ka naman sa kakaligo lang na katawan ni Cosette!"

"I'm sorry for coughing, Young Master," kunyari seryoso kong sabi, pagkatapos ay umubo ulit. "What was that again?" I tried to act innocent, as if wala akong maling iniisip.

He raised an eyebrow, clearly unamused. At malinaw na pinag-iisipan na naman ako nito ng masama. "Blow dry your hair. Stop thinking lewd, stupid."

OH. Napatango ako. That kind of blow.

Ahem, kaya naman pala nakatingin siya sa ulo ko. Paki-excuse, ang wild ng imagination ko. Pero kasalanan din naman niya. Grabeng choice of words naman kasi 'yan, nakakapigil hininga! Natawag pa akong stupid. So harsh!

Naging kasalanan ko pa talaga na iba talaga ang dating ng pagkakasabi niya. Tsaka pwede niya naman kasing sabihin ang word na "blow-dry" ng diretso, ba't binitin pa?

Nag-iisip daw ako ng kabastusan. Heh! Sino kaya sa tingin niya ang may kasalanan?

"Ahh hehe. Wala naman akong ibang iniisip, grabe ka. Nagulat lang ako. Pero okay, Young Master. I'll do it later, no worries!" I gave him a big smile, waving it off.

Wala na kasi akong time. Nagmamadali ako dahil baka atakehin na talaga si Phobi sa puso. Kung magtutuyo pa ako ng buhok ko, baka mas matagalan pa ako. Mabagal matuyo itong buhok ni Cosette dahil bukod sa mahaba, makapal din.

Tinatamad din ako. Balak kong hayaan na lamang itong nakalugay nang basa para matuyo siya sa sarili niya. Nakakapagod kayang gumalaw ngayon, lalo pa't marami pa akong planong gawin sa araw na ito. Nire-reserve ko ang energy sa mga gawain ko.

He narrowed his eyes at me. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko? Pakialam niya kung mamaya ko na gustong patuyuin ang buhok ko?

Nangialam ba akong 'di man lang niya naisipang yayain akong kumain ng umagahan? Hindi, 'di ba?

"Let me."

(⁠●⁠_⁠_⁠●⁠)?

"H--Ha?" Tama ba ang dinig ko? He wants to blow-dry my hair?! Iyong totoo, binibiro lang ba ako ng lalaking ito o epekto na ito ng kape na nakita kong iniinom niya kanina.

"Let me dry your hair." At inulit pa talaga! Ang kaso lang, wala talagang makikitang expression sa mukha niya. Walang kahit konting paggalaw sa mukha niya or willingness man lang dito.

Wala. As in zero. Itlog.

Hindi ko tuloy mawari kung napipilitan lang ba siya o talagang wala siyang magawa sa buhay kaya naisipan niyang mukhang masayang tuyuin ang buhok ko ngayon.

I mean, sa lahat ng taong kakilala ko, itong si Silas ang pinaka-least expected kong magsasabi na gusto niyang mag-blow dry ng buhok. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na may ganoon pala siyang nalalaman, 'di ba?

Sa nobela kasi, kung hindi pa sasabihin o kaya magbibigay ng signs ang female lead sa kailangan gawin ni Silas, wala talagang mangyayari sakanila. Sa sobrang boring ni Silas sa nobela, minsan nakakalimutan ko pa na siya nga pala ang main male lead.

Mas marami pa kasing nagawa ang ibang animal sa farm ng female lead na sweet and matatawag talaga ng mga readers na "couple things," kesa kay Silas na malimit lamang galawin ang baso. Pumuti na nga ang balahibo ng uwak at lahat-lahat, wala parin talagang character development.

"Okay... but why? I mean, you really don't have to, Young Master!" sabi ko nang maalala kong may nagsasalitang pader nga pala akong kaharap ngayon.

Kunyari ayaw ko sa idea na siya ang magtutuyo ng buhok ko sa umagang ito, pero ang totoo ay nagkakagulo na ang mga anay sa loob ng puso ko. Pfft! Hahahaha!

Siyempre kasi nakakapanibago talaga na siya pa talaga ang nag-insist na magtuyo sa buhok ko. Kapag kinuwento ko ito, walang maniniwala sa 'kin. Kasi kahit ako'y hindi parin talaga makapaniwala sa takbo ng pangyayari ngayong umaga.

"Because you look like you need it," he said flatly na nagpabalik sa katinuan ko.

Biglang nahinto ang lahat ng kaguluhan sa mga organs ko. Natameme silang lahat. Grabe, ang harsh ng hayop na 'to! Kinikilig na ako eh. Minsan lang ako kiligin pero grabe din ang sakit kalaunan. Yikes, ang corny.

"Y--Yah, Young Master. You're hurting my feelings! I don't need blow-drying because my hair is always beautiful, even when it's wet," offended kong sabi, nakapatong pa ang dalawang palad sa dibdib ko.

"Stop whining and just sit down."

Ang sama talaga ng ugali! Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit itong animal na ito ang nakatuluyan ng female lead. Iba talaga ang natitipuhan ng ilang mga babae, ano? Gusto nila iyong masama ang ugali at walang pakialam sakanila. Tsk, tsk.

Nang tumalikod na ito sa akin, inirapan ko nalang ito. Minabuti ko nalang na sundin ang sinabi niya para makauwi pa itong katawan ng bruha kay Prensley na kompleto parin ang body parts. Mahirap na.

Tahimik akong naupo sa sofa kung saan siya nakaupo kanina. Hinintay ko siyang makuha ang blow dryer. Straight ang likod, dikit ang dalawang hita, at nakapatong ang dalawang kamay dito.

Kung titingnan tuloy ay para akong isang mabuting nilalang na humihinga ng kabutihan dito sa mundong ibabaw. Heh!

Kaharap ko ngayon ang mini table kung saan nakapatong ang laptop niyang may anim na mukha, ito yata ang mga executives niya. Tama nga ako na may on-going meeting siya. Nakapatay ang camera at mic niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ko kilala ang apat, pero pamilyar sa akin ang dalawa. Ang isa ay ang secretary ni Silas at ang isa nama'y ang kapatid niyang nakangiti lang.

Nakakatakot. Para siyang iyong kriminal or iyong sa mga horror films na mamamalayan mo nalang na biglang mawawala sa visual meeting ta's bigla mong mararamdaman na nasa likod mo na pala. Geez.

Pero in fairness naman, guwapo talaga ang animal kahit pa nakasuot lamang ng pambahay na damit. Nakasando lang siya kaya nasisilip ko tuloy ang biceps niya. Medyo magulo din ang buhok, mukhang kakagising lang.

Mapapasabi ka nalang talaga ng "oh lala" kung siya ang bubungad sa visual meeting niyo. Kahit wala ng breakfast, nakakabusog na siyang titigan at panoorin. Hahahahaha, ang landi mo, Alora!

Bumalik ang atensyon ko kay Silas nang makita ko itong papalapit na sa likod ko. He turned the dryer on and started working through my hair, and I let him dry my hair as if this was a normal thing.

Pumikit pa ako, feel na feel eh.

Sobrang gentle ng pagkakahawak niya sa strands ng buhok ko. Wala akong maramdaman na force mula sa kamay niya. Parang hindi marunong bumali ng mga buto ah. Sa sobrang gentle nga'y parang gusto ko tuloy ulit matulog.

"Young Master, do you do this often?" tanong ko nang maalala na first time kong malaman na marunong pala siyang gumamit ng ganito. Hindi ito nasulat sa nobela. "I mean, drying someone's hair?"

Wala akong narinig na sagot mula sakaniya. Napahinga nalang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nang mapakalma si self, nagpatuloy ako sa pagsasalita. Ang awkward kaya kapag tahimik lang kaming dalawa. Mas okay na 'yong siya lang.

"Wow, Young Master! Ang galing mo!" plastik kong sabi kasi wala na akong maisip.

"Shut up."

Mahina akong natawa. Mali siya ng pinapatahimik.

"Grabe, ayan na! I can already feel the magic!" I exclaimed, tilting my head to the side while he maneuvered the dryer skillfully. Gusto ko pa siyang inisin, iyong tipong susunugin na niya ang buhok ko sa sobrang inis.

"Hahahahaha! Anong kalokohan na naman iyan, Alora? Kapag 'yan talaga mangyari, ewan ko nalang!"

Iniisip ko palang ang hitsura ni Cosette na walang buhok, kalbo, ay natatawa na ako. Though, I think babagay naman sa kaniya kasi maganda naman siya.

No response parin ang natanggap ko mula sa robot. Deadma. Busy talaga siya at concentrate sa buhok ko.

Hindi kaya nagpa-practice lamang siya ngayon para kapag nagkita sila ng female lead, alam na niya ang gagawin? Che! Ano naman? At least may maipagmamayabang ako na nauna niya akong gawan ng serbisyo.

"Pfft ahem! Talagang makikipag-agawan ako sa mga first ng male lead ah. Well, hindi na masama. Kung hindi siya mapupunta kay Cosette, at least maranasan man lang ng bruha na siya ang nauna. Nyahahahaha!"

"Young Master, what hairstyle do you think would suit me? Short hair? Or should I go bald?" random kong tanong nang mabalik sa alaala ko ang imahe ni Cosette na kalbo.

Again, wala na naman akong natanggap na sagot. He just kept drying my hair like I didn't say something outrageous. Napanguso ako't nagmulat nang mga mata. Nakakasakit talaga sa damdamin na binabalewala niya ang mga tanong ko. Sobrang seryoso pa naman ng mga 'yon!

Mabuti nalang sanay na ako sa ugali niya. Kahit noong isang normal at mabuting reader pa lamang ako ng nobelang 'to, sanay na ako sa ugali niya. Medyo nagiging maayos na nga ito ngayon kumpara sa nobela. Wala kasi talaga siyang pakialam noon.

"Okay, sige, maybe hindi naman kalbo. But what about bangs? That would suit me, right, Young Master?"

Wala parin. Nganga.

Ang cold talaga ng taong 'to. Grabe, balak yatang palitan ang iceberg na nakasira sa Titanic. Dahil sa pagiging tahimik niya tuloy, para lamang akong nakikipag-usap sa pader. Mas mabuti na siguro ang pader kasi mararamdaman mo kaunti na nandyan, si Silas ay parang non-existent talaga!

"Young Master, you're too serious and quiet. You know, you should try smiling once in a while-who knows, you might even look more handsome!" pangungulit ko.

"Hmm." Kita mo 'tong hayop na 'to. Nakarinig lang ng word na handsome, bigla nalang nagkaroon ng boses. Iba din.

He finally turned off the blow dryer, putting it down with precision. Inangat ko ang tingin ko, halos nakapatong na ang ulo sa sandalan ng sofa para lang matingnan siya. Napalunok ako nang matagpuan kong nakatitig din pala sa akin ang abo niyang mga mata.

"Done."

Napangiwi ako. Ayun lang ang sinabi niya "Done" na parang wala siyang ginawang bago sa aming dalawa. May mali talaga sa takbo ng utak niya. Akala ko kagabi lang eh, aabot pala ngayong umaga ang other personality niya.

I stared at him as he walked back to his work-business suit on point, walang buhok na out of place-like drying my hair was just another task on his to-do list.

Para bang isa iyon sa mga trabaho niya na dapat niyang magawa ng maayos at pagkatapos iiwan nalang basta sa secretary niya.

Wala nga man lang siyang reaksiyon sa mga hirit ko kanina. Deadma. Nada. Ginawa niyang hangin ang mga sinabi ko.

God, this guy is hopeless.

"I'll go now, Young Master. Thank you for-"

Hindi ko pa natatapos ang dapat kong sasabihin nang makarinig kami pareho ng tatlong sunod-sunod na katok sa pinto niya. Nanlaki ang mga mata ko. May bisita ba siya?

Nakita niya yata ang naguguluhan kong reaksiyon kaya kung makatitig ay parang may nakakatawa sa sitwasyon namin ngayon. Tumayo siya at maglalakad na sana papunta sa pinto para buksan ito nang hawakan ko siya sa braso niya.

Mag-isip nga siya. Paano kung may makaalam na magkasama kaming natulog kahit hindi pa kasal? Malaking eskandalo iyon sa image niya at sa image ng pamilya nila Cosette.

Idagdag pa na baka mawalan din siya ng chance sa female lead kapag umabot sa tenga nito ang chismis. Ang chismis pa naman, may pakpak. Naku, hindi pwede! Kailangan matuloy ang lovestory nila para malayo na sa kapahamakan ang buhay ni Cosette-ang buhay namin!

Nabalik lamang ako sa ulirat nang mapansin kong kanina pa siya nakatitig sa braso niyang hawak ko. Pero unlike sa inaasahan ko, hinayaan niya lamang akong humawak doon. Hindi kagaya dati na kung makalagay siya ng alcohol ay parang nakadepende doon ang buhay niya.

Umangat tuloy ang sulok ng labi ko. Bakit ba? Minsan lang na magpahawak sa biceps niya ang animal, lubusin ko na!

"Akala ko ba lalayo sa kapahamakan at eskandalo, bruha? Heh! Wala namang nakakakita kaya dapat grab the opportunity! Nyahahahahaha!"

"It's room service."

"Huh?" tanga-tangahan kong tanong, unti-unting binibitawan ang braso niya. Kunyari walang mali sa paghawak ko kahit ang totoo ay nasukat ko na talaga ang laki ng biceps niya sa kamay ko. Hehe!

"Breakfast."

Iyon lang ang sinabi niya at naglakad na uli siya palapit sa pinto para buksan ito. Bumalik naman ako sa pagkakaupo, tinitigan ang laptop niyang may meeting parin ngayon.

Mahina akong natawa dahil sa naging reaksiyon ko kanina. Yah! Ngayon ko lang napagtanto na nagmukha akong kriminal na mahuhuli sa akto once na mabuksan ang pinto dahil sa reaksiyon ko.

Pero sino ba naman kasi ang hindi kakabahan?

Isipin mo, paano nga naman kung may nakakita sa akin dito sa room niya nang ganito kaaga? Aba, malamang headline agad bukas! "Young Master caught with his fiance inside one room, a new scandal," tapos mukha ko pa ang naka-flash sa mga news articles!

Kasi siyempre, matatakot ang mga 'yan na ipaskil ang mukha ng animal sa harap ng news articles nila. Kaya ang ending, ako ang magiging alay para lamang makapag-release sila ng bagong mainit na balita.

As much as possible pa naman ay iyon ang gusto kong iwasan ngayon. Lie-low na muna ang mukha ni Cosette sa social media. Baka sa susunod niyan matagpuan ko nalang ang sarili ko sa sitwasyon ni Cosette na nakasulat sa nobela. Geez, ang scary!

"Here. Eat this."

Umangat ang tingin ko kay Silas nang maglapag ito ng pagkain sa harap ko. May hawak siyang tray kung saan may natira pa doon na dalawang baso ng inumin.

Nangunot ang noo ko. Balak ko pa sanang tanungin kung hindi ba siya kakain nang maalala kong 'di nga pala siya basta-basta kumakain nang pagkain na luto ng iba.

Sunod niyang nilapag ang dalawang baso, tubig tsaka juice. Nilagay nito sa gilid ang tray tsaka naupo sa tabi ko. Malaki naman ang space ng sofa, pero nang umupo siya dito ay bigla na lamang sumikip. Nakabukaka pa talaga ang hita, 'di na naawa sa akin.

Tumikhim ako at pinilit ang sariling mag-focus sa pagkain kesa sa ano-sa mukha niya. Ahem! Bakat kasi... I mean, bakas sa mukha niyang bored na siya.

Bahagya kong naipikit ang mga mata ko, trying not to giggle as I picked up my fork. I took a quick bite para lang ma-occupy ang bibig ko at pigilan ang tawa na gusto ng kumawala sa bibig ko.

Pero feeling ko, mas masarap parin siyang titigan kesa sa kinakain ko. Baka nga mas mabusog pa ako kapag sa kaniya ako tumingin ngayon. Pumuputok na ang braso niya sa sikip ng suot niyang business suit. Tapos talagang nagsuot pa ng fitted black pants ang animal.

"Okay, exhale muna. Umagang-umaga sinusubukan talaga ang pagiging madasalin ko. Thank you for the breakfast, Lord. It looks tasty and malaman. *Light cough. Hehe!"

Kinuha niya ang laptop niya. Akala ko makikipag-usap na siya sa mga ka-meeting niya kaso nagulat ako nang walang paalam niyang sinara ang laptop niya. Nanlaki ang mga mata ko, natigilan sa pagsubo sana ng sandwich.

"Ba't mo naman ginawa iyon, Young Master?"

Tinitigan niya ako ng isang minuto bago siya umiwas ng tingin, sumandal sa sofa at pumikit. "I want to."

Napangiwi ako. "That's rude," bulong ko habang kumakagat sa sandwich. Pinigilan ko nalang ang sariling matawa matapos kong ma-realize ang sinabi ko. Akala mo talaga hindi ako ganoon.

Kagaya ni Silas, pinapatay ko din minsan ang tawag o meeting kapag bored na ako at ayaw ko ng makipag-usap. Minsan na akong napagalitan noon ni daddy dahil disrespectful daw iyon sa ibang nasa meeting na hindi man lang ako nagpapaalam. Wala naman akong pakialam noon, basta hindi ako ang bababaan ng tawag.

Wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos non. Mabilis ko naring tinapos ang pagkain ko dahil bumalik sa isip ko si Phobi. Baka kung ano na ang nangyari sa babaeng 'yon dahil sa pag-aalala.

"Easy." Tumango lamang ako sa paalala nito pero patuloy parin sa pagkain. Medyo marami kasi ang pagkain na dala niya, gusto niya yatang tumaba ang katawan ni Cosette.

Nang matapos, kaagad akong uminom ng tubig at tsaka ako tumayo bitbit ang purse ko. Umangat naman ang tingin nito sa akin kaya ngumiti ako, iyong hindi labas ang ngipin. Mahirap na, baka may tinga pala. Mabuti na iyong sigurado.

"Thank you for letting me stay here, Young Master," malumanay kong sabi. Nang mapansin kong sa dress ko ito nakatingin, biglang naging conscious ako sa hitsura ko. "And for this dress din. Alis na ako. See you when I see you, Young Master."

Wala siyang sinabi, bagkus tumayo siya. Naglakad siya papunta sa kung saan at pagbalik ay bitbit na niya ang isang mahabang coat tsaka ito inabot sa akin. Napakurap pa ako bago ito kinuha sakaniya.

Sinuot ko ito at inamoy. Ang bango. Sigurado akong naisuot na niya ito dahil kumapit na ang amoy niya dito. Pero nagrereklamo ba ako? Malamang hindi!

Nauna siyang naglakad sa pinto para buksan ito. Napangiti ako, this time genuinely. May tinatago din palang gentleness ang animal na 'to. Hindi lang halata.

I nodded to acknowledge his gentleman side bago ako naglakad palabas. Pagod na akong magpasalamat kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik sa room na para talaga sa akin.

I just hope wala pang nakakaalam na wala ako sa room ko. Cross fingers.

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter