Back
Next
Chapter 25

Chapter Twenty-Three

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

"What?" tanong ko kay Phobi nang hindi ko na makayanan ang titig niya sa akin.

Kanina pa iyan simula nang matagpuan ko siya dito sa loob. Akala ko nga iiyak siya o kaya magda-drama sa harap ko, pero normal lamang ang reaksiyon niya. Walang pinagbago sa poker face niyang mukha.

Ang kakaiba lang talaga ay ang mga titig niya na para bang may alam siya na hindi ko alam. Kanina pa yata siya may gustong itanong pero nahihiya lang.

"Milady, did you spend your entire night with Young Master Demetrius?"

Kaagad akong napaubo nang marinig ang tanong niya sa akin. Nasamid ako sa laway ko. Wala man lang kasing warning na very controversial pala ang itatanong niya sa akin.

Kaya ba siya tulala dahil iyon ang tumatakbo sa isip niya? Kaya ba siya nakatitig sa akin kasi pinag-aaralan niya ang hitsura ko dahil baka binigay ko na ang virginity ko?

Heh! Kilala ko ang mga animal sa mundong ito, walang karapat-dapat bigyan ng perlas ng silanganan!

Kinalma ko muna ang sarili ko bago inayos ang buhok kong nakatali na ngayon into a messy bun. Lalabas ako ngayon dahil sabay kaming kakain ng late lunch ni Prensley. Late din kasi siyang nagising, mukhang naglasing siya ng bongga kagabi.

"Where did you even get that information?" tanong ko pabalik na mukhang hindi nagustuhan ng kasama ko, nakangiwi na kasi. Gusto na talaga niyang maki-chismis.

"I just heard about it, Lady Cosette. It has now become a hot topic among the staff inside the hotel. A lady from the room service department said she caught a glimpse of a woman with the Young Master earlier when she delivered his breakfast to his room. The build and posture of the woman, according to them, look exactly like you, milady!"

Pinigilan ako ang matawa nang makita ko ang ekspresyon sa mukha niya. Para bang gusto niyang maniwala na ako nga iyon dahil hindi ako dito natulog sa kuwartong ito kagabi, pero at the same time ay pinagdududahan din niya ang chismis.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na wala na akong pakialam sa kinababaliwan noon ni Cosette. Kaya siyempre, mahihirapan silang maniwala sa chismis na iyon, lalo pa't ang alam nila'y si Flauntleroy lamang ang hinahabol ni Cosette noon pa man.

"What do you think, Phobi? Do you believe that it was me?"

Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa, nagtagal ang tingin sa suot kong dress. Parang may nabubuo nang akusayon sa utak niya na pilit niya lamang winawaksi. Parang nakikipagtalo pa yata siya sa self nita internally.

"If it doesn't come from your mouth, milady, then I won't believe anything at all," tumatango nitong sabi na nagpangiti sa akin. "I only believe what you say, Lady Cosette."

"Hmm, good. But yeah, it's really me. I am with the Young Master all night. We even shared one bed." Inosente akong ngumiti at kumindat kay Phobi matapos ko iyong sabihin at lumabas na sa silid, iniwan siyang nakatulala na naman.

(⁠‘⁠◉⁠⌓⁠◉⁠’⁠) - Phobi

(⁠◠⁠‿⁠◕⁠) - Me

Suot ko parin ang damit na bigay sa akin ni Silas. Komportable naman ako sa suot ko dahil nakapatong parin sa akin ang coat niya. Wala naman sigurong makakaalam na pagmamay-ari ito ng animal?

May mga kapatid na lalaki si Cosette, kaya bakit sila mag-iisip ng ibang lalaki? Napailing nalang ako.

Binalewala ko ang mga kakaibang tinginan ng mga staffs ng hotel sa akin. Mukhang naging topic pa yata ako ng gc nila. May napansin pa akong kumukuha ng litrato ko. Sarap sigawan ng, "I will sue you. Do you not know my father?!" Hahahahaha!

Pumasok ako sa isang restaurant na may mabangong pangalan. Iyong tipong pagbukas mo palang sa pinto, malalanghap mo na kaagad ang simoy ng bagong laba—parang pumasok ka lang sa closet mo na puno ng downy-soft na damit.

Walang amoy usok o mantika, bawat sulok at presko at malinis. Mula sa labas ay nakikita na kaagad ang tagline nilang:"For food so good, it's fresh to the last bite."

FabCon Diner, everyone!

Pfft! Mabango talaga ang pangalan, walang makakatalo. Puwede na akong maging endorser ng restaurant na 'to. Ang galing kong gumawa ng introduction.

Hinanap ng mga mata ko si Prensley, nang makita ko siyang nakaupo sa pang-apat na table ay kaagad na akong lumapit. Parang kakatapos ko lang naman kumain ng breakfast pero nagugutom na naman ako. May mga bulati yata sa tiyan ang babaeng 'to.

"Good morning, Dad," bati ko nang makalapit. Nakipag-beso pa ako sakaniya nang bumati siya pabalik.

"Maupo ka and take your order," nakangiting sabi nito sa akin na kaagad ko namang sinunod. Nakasuot ako ng heels ngayon, nakakangalay tumayo ng matagal. Gutom narin ako.

Binuksan ko ang menu at hindi na nagulat na may "scented specials" sila dito, tulad ng Lavender-Infused Lemonade at Fresh Linen Pancakes. Gusto nilang siguraduhin na hindi lang busog ang tiyan ng mga kumakain, kundi "refresh" ang buong pagkatao mo.

Kung hindi babango ang hininga at budhi ko pagkatapos kumain, ibig sabihin scam itong mga pagkain nila. Mababango ang mga pangalan pero hindi nakakabango ng budhi? It's not giving.

Nang matapos kami sa pag-order, kaagad pumasok sa isip ko ang nangyari sa bithday banquet kagabi. Iyong tungkol sa fiancee thing. Engagement. Ito na ang tamang oras para itanong kay Prensley ang tungkol doon.

Tumikhim ako, getting his attention. "Dad, may I ask you something?" tanong ko.

Tinitigan ako nito ng ilang minuto bago napahinga nang malalim. Pinatong niya ang dalawang siko sa mesa, leaning closer, ready to listen. Pero mukhang hindi ko na kailangan pang magtanong, kasi sinagot na niya ako kaagad.

"If this is about the engagement between you and the Second Young Master Donnovan, I'll tell you—it's not about power or wealth. It's not about expanding resources either. In the first place, it should have been Young Master Demetrius who was engaged to you. But considering my traitorous friend, I arranged for you to be engaged to his son instead. Since your engagement has already been canceled, it's time to find you another one," mahaba nitong paliwanag.

Kumibot ang labi ko. Pinigilan ko ang mapangiwi nang marinig ang sinabi niya. Pala-desisyon talaga sa love life ng anak niya itong si Prensley. Natatakot yata siya na hindi siya mabibigyan ng apo. Pfft.

Iba din talaga itong si Prensley. Hindi man lang ba niya naisip na baka ayaw na muna ng anak niyang ma-arrange marriage matapos ang failed engagement nito with the man she likes? Ito talaga ang isa sa ayaw kong ugali nitong tatay ni Cosette, eh.

Siya ang nagde-desisyon para sa anak niya. Sige, ipalagay na natin na iniisip niya lamang ang kapakanan ng anak niya. Pero naisip niya rin ba kung ano ang mararamdaman nito once malaman nitong engage siya without her knowing?

Kasi ako nanggigigil ako. Gusto ko nga sanang sermunan, kaso 'wag nalang. Hayaan ko nalang. Baka beneficial din sa future ko itong engagement namin ni Silas. Let's just see.

"I still don't get it. So what's the engagement between me and Young Master Donnovan for?" naguguluhan ko kunong tanong.

Come to think of it, walang nangyaring ganito sa nobela. I mean, mayroon naman pero masyado pang maaga.

Kaya nga noong sabihin sa akin ni Hezekiah ang tungkol dito kagabi, nagulat din talaga ako. Sa mga susunod pa na chapters magkakaroon ng engagement si Cosette at Silas. Sa chapter kung saan may relasyon na si Silas at si Sabrina.

Nagbago ba ang ibang pangyayari sa nobela dahil ako na ngayon ang nasa katawan ni Cosette? Possible. Since may iba din akong binago sa mga pangyayari.

Tumango si Prensley sa waitress na nag-serve sa amin ng pagkain bilang pasasalamat. Nagpasalamat naman ako dito vocally na halatang ikinagulat nito.

Pinigilan ko ang sariling mapaikot ng mata. Sobrang sama na ba ng image ko sa publiko na hindi na sila makapaniwalang nagpapasalamat ako?

"Let's just say it's a personal matter, hija."

Personal matter, huh. Napailing nalang ako. Ayaw ko na munang isipin. Sobrang aga pa para makaramdam ng stress. Mangungulubot ang mukha ko ng maaga dahil sa mga karakter ng nobela na ito.

Besides, alam ko naman talaga ang totoong rason kung bakit may nangyaring engagement. Ang akin lang, nagulat lang ako dahil mas napaaga kesa sa totoong nangyari sa nobela

But it doesn't matter.

Nagsimula na kaming kumain, talking about random things. More likely, he is talking about his growing business. Napapangiti nalang ako. Matanda narin itong si Prensley, it's a good thing he still enjoys what he loves doing.

Bukod kasi sa mafia, lumalago narin lalo ang mga negosyo nito. Kaya naman sinabihan ako nitong huwag akong malulungkot kapag bigla na lamang siyang mawawala ng ilang linggo, kasi ibig sabihin lamang doon ay inaasikaso niya ang kaniyang negosyo.

Ngumiti lang naman ako. Wala naman akong pakialam kung kailan sila aalis at babalik. Mas better nga kung matatagalan para free akong makakilos para sa mga plano ko.

"Daddy!"

Otomatiko na napangiwi ang labi ko nang marinig ang matinis na boses na iyon. Papalapit sa puwesto namin si Magdalena na nakasuot ng yellow dress. Hindi bagay sakaniya. Dapat itim since mas mukha siyang seed ng sunflower kesa sa mismong bulaklak.

"Hija," bati ni Prensley tsaka sila nag-beso. "Have you eaten already?"

"No. You didn't invite me, how unfair," pagdadrama nito, may pagnguso pang nalalaman. Uminom ako ng tubig, pinipigilan ang sariling isuka ang mga nalunok kong pagkain.

"I just thought you already ate with your mother," sabi ni Prensley. Paano niya kaya natatagalan ang ugali ng mga anak niya nang walang nababaril ni isa sakanila? "Order your food and join us."

Kagaya nga ng paanyaya ni Prensley, umorder siya ng pagkain niya which is pasta at juice. Basi sa paunti-unti nitong pagkain, halatang kumain na ito for lunch at gusto lamang makisiksik sa amin dahil ayaw niyang nasosolo ko si Prensley. Oh sige, isaksak niya sa bunganga niyang malaki!

Masama ang tingin ni Magdalena sa akin habang kumakain kami. Nilingon ko siya para taasan ng kilay, inirapan lang ako ng walang 'ya. Ako pa talaga ang tinatarayan niya. Sino kaya sa aming dalawa ang nakikikain lamang dito? Sa totoo lang ay sinisira nito ang gana ko sa pagkain.

Sino ba naman ang gaganahan kumain kung may kaharap kang nakasimangot? Bakit nga ba 'to nandito? Akala ko talaga hindi na 'to magpapakita matapos niyang gawin ang bagay na 'yon kagabi.

Mahiya naman siya sa pagmumukha niya!

"Sister." Sumama kaagad ang timpla ng mukha ko nang marinig ang salita na lumabas sa nakakainis nitong bibig. "Did you enjoy the birthday party last night? You surely did, right?" Ngumiti pa talaga ito.

Tinitigan ko ang bowl of soup na nasa gilid lamang ng plato ko. Umuusok pa ito, ibig sabihin kakahain lamang at mainit pa. Kung ibubuhos ko iyan sakaniya ngayon, matatahimik na kaya siya?

"Of course, I did. Thanks to that someone who told the lady that I am a good singer, I got my own space now without paying anything at all," malumanay kong sabi, may maliit na ngiti sa labi.

"Don't do that again, Magdalena. Ask permission first before making a decision," singit ni Prensley na mukhang kagabi pa nalaman kung sino ang pasimuno ng biglaang performance ko sa birthday banquet.

"Dad, stop scolding me already. Kagabi mo pa ang pinapagalitan. I already said I won't do it again." Ang oa. Malamang hindi na talaga siya makakaulit dahil babaliktarin ko na ang sitwasyon nilang dalawa ni Cosette.

Huminga ako ng malalim at nagkunyaring nag-aalala. "How about you, sis? Is your stomach okay now? You had an upset stomach and kept farting last night, right? I bet you were really embarrassed, sister. I'm sorry I wasn't able to help in that situation. I could have done something."

Napansin kong nanlaki ang kaniyang mga mata nang i-open ko ang topic tungkol sa kahihiyan niya kagabi. Iyong LBM niyang dahilan kung bakit siya umiyak ng sobra.

Namumula ang mukha niya, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin, at sa tingin ko ay sinasaksak na niya ako ng paulit-ulit ngayon sa isip niya.

Siya ang nauna, siyempre ako dapat ang tatapos. Ako ang bida, eh. Hahahahaha!

"Come on, hija. That kind of situation isn't something we can predict. Don't feel sorry, okay?" Prensley said, trying to comfort me.

I secretly smirked when I saw Magdalena clench her fist before hiding it under the table. Sana naman naisiksik ko na sa kokote niyang favorite daughter ni Prensley si Cosette at kahit anong gawin niya, ito ang kakampihan ng lalaki.

Dati naaawa pa ako sa sitwasyon niya. But when I found out how much of a scheming bitch she is, the tiny bit of pity I had for her vanished. Heh! I can't save her anymore, so I might as well teach her a lesson to never mess with me again.

Kinuha ko ang table napkin para punasan ang aking bibig, bago tumayo. Tumingin ako kay Prensley na tumigil sa pagkain para tingnan ako nang nagtatanong.

Ngumiti ako sakaniya. "I'll leave first, Dad," paalam ko bago tinapunan ng mabilis na tingin si Magdalena na mukhang natutuwang aalis na ako't maiiwan silang dalawa ni Prensley.

"Bakit, hija? You haven't finish your food yet. Kaunti pa nga lang ang kinain mo," sabi ni Prensley, may pag-aalala sa tono ng boses kahit pa seryoso ang ekspresyon sa mukha.

"I'm sorry, Dad, but I lost my appetite. Goodbye."

Nakita ko peripheral vision ko ang pagnganga ni Magdalena dahil sa sinabi ko. 'Di siguro makapaniwala na bland kong ipapamukha sakaniya na nawalan ako ng gana just by her mere existence. Kahit huminga nga lang siya diya'n sa tabi ay maiinis talaga ako.

I flipped my hair and walked out of the hotel's very own restaurant. I continued to walk outside. Balak ko sanang mamili ng mga bagong damit ngayon. But on second thought, tsaka nalang pala kapag kasama ko si Ian. Nakakapagod magbitbit ng maraming shopping bags.

Habang naglalakad ay malalim ang iniisip ko. Kung napaaga ang engagement namin ni Silas, posible din kayang napaaga ang lovestory nilang dalawa ni Sabrina? Hindi malabong mangyari iyon dahil malaki parin ang posibilidad na nagkita sila sa banquet kagabi.

If so, ibig sabihin lamang nito ay nalalapit narin ang tinatawag kong "Cosette's Last Stage," ang kamatayan ni Cosette. Napahawak ako sa baba ko. Nakilala ko narin sa banquet kagabi ang villainess, which is hindi naman dapat mangyari dahil makikilala ko ito sa University.

Kinilabutan ako nang maisip ko ang kamatayan ni Cosette sa nobela. Ang babaeng ito talaga, nasa puwet yata ang utak. Matalino nga pero minsan ewan ko ba, may mga desisyon talaga siyang nakakapang-init ng ulo. Tss!

My steps were halted when I bumped into someone. Something small. Bumaba kaagad ang tingin ko dito sa pag-aakalang nakabangga ako ng caution sign, kaso nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makakita ng batang babae na nakaupo na ngayon sa sahig.

"OMG, little girl! Are you okay? Big sis is sorry," mabilis kong sabi tsaka ito tinulungan na makatayo ulit.

Nagtutubig ang mga mata nito at nakanguso na. She was about to cry when I hugged her and patted her back to ease her nervousness. Natakot siguro ito sa pagkakabangga naming dalawa.

"Hey, tell me where it hurts, honey," bulong ko dito nang mailayo ko na ito sa akin para tingnan ang kalagayan niya.

Her small hand wiped the small tear at the side of her eyes. I held her hand and wiped it myself using my handkerchief. It is my fault that she stumbled and almost cried, so I felt like she is my responsibility now.

Tinitigan ko ang bata. Namangha ako sa ganda nito. She is a beautiful girl with a cute rounded face. Medyo singkit din ang mga mata nito at pouty ang labi. Her eyes were in jade colored, which is shining because of tears. Namumula narin ang cheeks nito ngayon.

This little girl will make a lot of guys cry in her teens, for sure.

Ngumiti ako nang mapansin kong nakatitig din ito sa akin, pinag-aaralan ako. Tinatanong na siguro niyan sa sarili niya kung gaano siya kabait para makakita ng anghel sa harap niya. Ahem!

Wala siyang sinabi. Bagkus, hinawakan nito ang kaniyang tiyan. Nangunot naman ang noo ko. Tumama ba ang tiyan niya sa katawan ko? O baka naman...

"Is your tummy hurting?" I ask her using my gentle voice. Nagagamit ko lang yata itong boses na 'to sa tuwing may kausap akong bata. Iba talaga ang nagagawa ng cuteness nila sa demonyo kong pagkatao.

Though, nasabihan na ako noon nina mommy na hindi daw ako puwedeng pagkatiwalaan lalo na kapag bata na ang pinag-uusapan. Maiksi nga kasi ang pasensya ko. Ngayon nga lang yata ito humaba nang mapunta ako dito sa nobela.

Bilib nga rin ako sa sarili ko. Akalain niyong nagiging garter na ang pasensya ko. Sabagay, kung paiiralin ko ang totoo kong attitude, baka matagal na akong nakikipag-giyera ngayon sa mga karakter ng nobelang ito.

Umabot ng ilang minuto ang pagtitig nito sa akin bago ito marahang tumango, paiyak na naman. Nakanguso ang labi nito na parang pato, pero in a cute way. Ngumiti ako dito, trying to gain her trust.

Kinarga ko ito at nagulat dahil sobrang gaan ng bata kahit pa sakto lang naman ang katawan nito. Kumakain pa ba ang batang 'to?

I took her to the side, kung saan maraming tao ang dumadaan sa harap at may mga bleachers na puwedeng upuan. Malapit lang din kami sa mga machines. I told her to wait for me. She nodded obediently so I headed to one of the machines.

Kumuha ako ng plastic cup at mainit na tubig na hinaluan ko ng kaunting tubig na malamig para hindi masyadong mainit para sa bata. Kinapa ko ang suot kong coat at nilabas ang isang sachet.

Cosette made this medicine for various purposes. This medicine is not only for diarrhea, but can also be used for hangovers and can also kill a person if taken much for its supposed dosage.

Balak ko sana itong ibigay kay Prensley pagkatapos kumain, kaso dumating ang dakilang epal kaya nakalimutan ko na tuloy. Mukha namang walang dinadamdam na hangover si Prensley kaya ayos lang na ibigay ko ito sa iba.

Binuhos ko ang laman ng sachet sa cup. Kumuha ako ng plastic spoon at ginamit ito para tunawin ang nilagay kong condiments sa tubig. Then bumalik ako sa puwesto kung saan ko iniwan ang bata kanina.

I smiled and gave her the cup. At first she was hesitant, but when she stared at me for an hour, she finally accepted the cup and drank the liquid slowly.

Mabilis talagang mauto ang mga bata. Nakita lang ang kagandahan ko, nagtiwala kaagad sa akin. Hahahahaha!

Nang maubos nito ang laman sa baso ay tinapon ko na ito. Hinawakan ko ang kaniyang kamay to make her feel na hindi ako aalis sa tabi niya.

Mahina niyang hinila ang kamay niyang hawak ko para kunin ang atensyon ko, while trying her best not to close her eyes. She yawned, looking sleepy.

I gave her an assuring smile. "It's okay. Just sleep, honey. I will stay here beside you."

Kumurap-kurap muna ito. Pero nang hindi na siguro makayanan ang antok, hinayaan na niya ang sariling pumikit. Sinalo ko ito nang muntik na itong matumba.

This is the side effect of the medicine. Mabilis lang talagang umepekto sa kaniya dahil bata.

Napangiti ako. This little girl will feel okay when she wakes up.

Third Person

Sa loob ng isang magara't engrandeng silid ay matatagpuan ang seryosong lalaki na may hawak na baston. Nakaupo ang lalaki sa isang single size sofa, nakaluhod sa kaniyang harapan ang mga tauhan na inutusan niyang bantayan ang kaniyang kapatid.

"What happened?" seryosong tanong nito, playing with the baston on his hand.

Nanginig ang mga nakaluhod na tauhan. Alam nilang nakakatakot ito sa normal na pagkakataon, lalo na ngayon na nawawala ang kapatid nito na sakanilang ipinagkatiwala ang kaligtasan.

"T--The Young Miss w--went missing, Young Master! Please forgive us!"

"B--Bigla na lamang po siyang nawala. Ang alam po namin nagpunta lamang po siya ng restroom," report ng isa sa mga nakaluhod na lalaki.

Alam niyang kapag mali ang kaniyang masabi ay manganganib ang kanilang buhay, kaya nga tahimik lamang ang kaniyang mga kasamahan. Pero alam din niya na kapag walang sumagot sa amo nilang demonyo, lahat sila ay mananagot parin.

"I did not ask where she was last seen," malamig na sabi ng Young Master. "I asked what happened."

Ramdam na ramdam nila ang bigat ng atmospera sa loob ng silid. Nakakatakot narin ang aura na bumabalot ngayon sa Young Master na ang tanging nagawa na lamang nila ay ang magdasal kahit pa alam nilang mga demonyo sila.

"P--Please spare our lives--"

Nanlaki ang mata ng lahat nang masaksihan nila ang sumunod na nangyari. Mabilis ang pangyayari at isang kurap lamang nila'y nabawasan na sila ng isa. Ngayon ay nakahilata na ang kanilang isang kasamahang nagsalita, may butas na ang gitnang dibdib.

Tumarak lang naman sa dibdib nito ang baston na pinaglalaruan lamang kanina ng Young Master.

Napalunok ang lahat nang makita ang nakakatakot na ngisi sa labi ng Young Master. All of them knew how cruel the Young Masters are, but seeing it face to face is really scary and crazy.

Balewala ang kademonyohan nila sa demonyong nasa harapan nila. He just killed someone without blinking his eyes, and even smirking at it.

"You can't do your jobs right and you dare ask me to spare your worthless lives?" Napayuko ang ulo ng lahat nang marinig ang malamig na boses nito.

"We're sorry, Young Master," another guard tried, his voice cracking. "W--We were following her closely. We  thought she was safe, but when we looked in her direction once again, she was gone. We suspect she was taken--"

"Suspect?" The Young Master's voice was icy. "You are here to protect her, not to make assumptions."

Hindi pa man nakakapagsalita muli ang lalaki, isang mabilis na paggalaw ng baston ang tumapos sa kaniyang buhay, tinamaan siya sa dibdib at agad na bumagsak sa sahig.

"You disappoint me. If you can't protect my sister, then you are useless to me." Binaba ng Young Master ang baston na pinaglalaruan ng kamay niya para kunin ang baso na naglalaman ng alak sa side table. "What do you think you need to do?"

"F--Find the Y--Young Miss--"

"Then what are you still doing here?"

Nang marinig ang tanong na iyan, nagkukumahog ang lahat sa pagtayo't nagpaunahan sa paglabas ng silid. The Young Master sighed when he was left alone in his huge yet quiet bedroom.

He brushed his hair backwards and drank the wine on his glass, clearly frustrated. God knows his mom will kill him if she ever finds out that her little girl went missing. The Young Master was also busy, and he knew that his sister was smart.

He closed his eyes and think. After a few drinks, he stood up and dressed up. He will find her sister himself.

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Previous
Last

Share This Chapter