Back
Chapter 3

Chapter One

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter

FTMBD

Kagat ang kuko na pabalik-balik akong naglalakad paikot sa malawak na kuwarto kung saan ko natagpuan ang sarili ko. Nakahilata pa ako sa sahig kanina na para bang nahulog ako sa kama at nauna ang mukha dahil masakit din ang aking noo.

Hanggang ngayo'y iniinda ko parin ang sakit ng balakang at mukha ko. Pero wala doon ang aking atensyon.

Hindi ako mapakali dahil alam ko at sigurado akong namatay ako!

Sino ba namang normal na tao ang mabubuhay kapag binomba ng mga walang hiya, 'di ba? Kahit nga yata semento'y magkakalasog-lasog kapag binomba, anong laban ko na magandang tao lang?!

Aish! Iniisip ko palang na planado ang lahat ng mga superiors ko ay nanginginig na ang buo kong kalamnan.

Ngayong buhay ako't humihinga, sisiguraduhin ko talaga na babalikan ko ang mga 'yon! Lintik lang ang walang ganti!

Natigil ako sa pag-iisip kung paano ko papatayin ang mga hayop na nagtanim ng bomba sa aking sasakyan nang makarinig ako ng katok mula sa malaking pinto hindi kalayuan sa puwesto ko.

Nakatalikod ako sa parteng iyon kaya kailangan ko pang umikot para harapin ang babaeng pumasok na may nanlalaking mga mata.

Anong problema ng babaeng 'to at nakatulala na ngayon sa mukha ko? Nagmumukha na siyang kuwago dahil sa nanlalaki niyang mga mata.

Tsaka sino ba siya? Siya ba ang nagligtas sa akin mula sa bomba?

Nagligtas mula sa bomba? KALOKOHAN! Kahit pa yata si superman o batman ang magligtas sa akin, wala paring mangyayari dahil ubos na ang oras nang mapansin ko ang bomba. Baka sabay pa kaming sumabog kapag nagkataong iniligtas nga nila ako.

Sa oras na nakita ko ang bomba sa ilalim ng passenger's seat, pumasok kaagad sa isip ko ang lahat ng training na ginawa ko sa mga nagdaan na taon.

Dumaan nga ako sa nakakamatay na training, pero anong magagawa ng ilang taon na training kung bomba na ang kalaban? Isang kuha lang sa ring nito ay sabog na buong pagkatao mo. Yikes!

Kahit siguro nakasuot ako ng armor sa araw ng pag-bomba ay paniguradong pareho lang ang kahihinatnan ko- lasog lasog ang katawan.

So bakit nga buhay pa ako? Nasaan ako? Sino ang babae na 'to?

T--teka! Umiiyak ba siya?

"Uhm," hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Sa hitsura niya kasi ay para siyang nanay na nakita ang anak niyang gumising mula sa matagal na pagkakatulog. Para siyang iyong tipong magsasabi na "may himala!".

Tsaka hindi naman ako marunong mang-comfort. Sa tuwing nakikita kong umiiyak ang mga kakilala ko, either wala akong pakialam o kaya ay mumurahin ko lang ng mumurahin.

Eh bakit ba? Pinalaki ako na pagmumura ang love language namin ng tatay ko, eh. Though mahal talaga namin ang isa't isa.

'Bobita! Kaya nga love language kasi mahal niyo ang isa't isa? Edi sana hate language ang term! Aish! Ay ewan, basta 'yon na 'yon!'

"Miss, are you okay?" tanong ko dito.

Gusto ko nga sanang hawakan para lang icheck kung humihinga pa ba siya. Bigla kasing hindi na nagalaw. What if pala inatake na 'yan sa puso, edi naging kasalanan ko pa kung bakit hindi kaagad naagapan?

'Kung hindi ka ba naman tanga, Alora! Kita mo na ngang umiiyak ang tao tapos tatanungin mo pa kung ayos lang ba siya? Mukhang ang sarili mo ang kailangan mong tanungin, gaga!'

"Are you hurt somewhere, miss?" tanong ko ulit baka sakaling makakuha na ako ng sagot. Pero nanatili lang talaga siyang nakatitig sa akin habang ang mga mata ay patuloy sa pagluha.

Napatulala nalang ako dito dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Para siyang iyong mga estatuwa na nafe-feature sa KMJS na lumuluha. Nakapako lang kasi siya sa kinatatayuan niya ngayon habang lumuluha ang mga mata. 'Di ko tuloy alam ang gagawin ko.

Ang weird ng babaeng 'to.

Feeling ko tuloy sibuyas ako ngayon na hinihiwa niya tapos napapaluha nalang siya na may kasama pang sipon habang nakatitig sa akin.

Hindi talaga siya gumagalaw!

Naglalaro ba kami ng stop dance na walang music?

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Tsaka ko lamang napansin ang suot nito. She's wearing a dress na kagaya ng mga nakita kong nakasuot ng cosplay maid uniform sa cosplaying event na pinuntahan ko once. Mula ulo hanggang paa ay parehas talaga.

Ano kayang tawag nila sa costume na 'yan? In fairness, bagay naman sa kaniya. 'Yong sa event kasi-- nevermind.

Maganda naman kasi ang babaeng ito. Puwede ng maging model. Kasing ganda niya sina sina Liza Calsado. Tama ba? Liza Calsado-- ay buang, mali! Liza Soberano pala 'yon! Aish! Ano ba namang utak 'to, parang hindi nag-grade 2!

"Y--Young Miss! You're awake!" Sa wakas ay nagsalita narin siya!

Pero ano daw? Tama ba ang narinig kong tinawag nito sa akin?

Tinuro ko ang sarili ko. To make sure, itatanong ko nalang. "What did you call me again?" kunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

Otomatiko na napasimangot ang mukha ko nang mapansin kong paiyak na naman siya. Akala mo talaga inaapi ko siya, ang gentle nga ng pananalita ko, eh! Ahem!

Sa totoo lang ay mahaba naman talaga ang pasensya ko. Pero kapag nasa trabaho lang ako gano'n at hindi off-work.

Kasama sa training namin kung paano pahabain ang aming pasensya. Naku, kung mabilis kang mainis tapos isa kang firefighter, mas lalo lamang lalala ang sunog.

Mainit na nga ang apoy tapos mainit pa ang ulo ng firefighter? Edi, goodbye sa mga tao at property na kailangan iligtas kung nagkataon.

Mahaba-haba kasing proseso ang pag-apula ng apoy. Hindi naman kasi porket trained kami sa pagpatay ng apoy ay kaya na talaga naming apulahin ang apoy sa loob ng ilang segundo, lalo na kapag malaki talaga ito.

Hindi naman kami pinanganak na may kapangyarihan, normal na skills and rigorous training lang talaga ang puhunan namin.

Isa pa, may ibang tao na kahit nasusunog na ang property, like for example ang mga bahay nila, hindi parin umaalis kahit pa anong sikap naming pagkausap dito. Sasabihin pa ng ilan na magkamatayan na pero hindi nila iiwan ang kanilang mga gamit.

Hindi naman namin puwedeng sabihin sakanila na "Sige ma'am/sir, mamatay nalang kayo." Sa abot ng makakaya namin, kung may kaya pang iligtas ay ililigtas namin.

Isa pa sa halimbawa kung gaano kahalaga ang training sa pagpapahaba ng pasensya'y kapag sa mga loob ng nasusunog na bahay ay may naiiwan na mga bata.

And some kids- sa sobrang katalinuhan- hindi kaagad sumasama sa amin kasi strangers nga daw. Maganda naman ang ganoong mindset sa mga bata, but that's what I hate the most. Mas natatagalan kasi ako sa trabaho kapag may ganoong sitwasyon.

Kapag nasa trabaho kasi ako, trabaho lang talaga ang nasa utak ko. I don't care about other things basta maapula ko lang ang apoy. Tsaka walang saysay ang training ko sa pagpapahaba ng pasensya kasi pinanganak talaga akong maiksi ang pasensya.

Ang akala yata nila de-garter ang pasensya ko na kaya pa nilang hilahin.

Kaya wala akong panahon para makipagtalo sa mga bata o kung sino man because I don't care about them. Kaya dahil mahaba ang pasensya ko- note the sarcasm- pinapatulog ko sila by pressing their acupuncture, sa likod ng kanilang leeg.

I really don't care if they live or not. It's just that, it's part of our job as a firefighter. To decrease the casualties, to kill and stop the spreading fire, and to rescue who needs to be rescued.

We are not just firefighters. WE ARE A FIREFIGHTER.

"Y--Young Miss. I called you Young Miss, milady!" nanginginig nitong sagot habang nakayuko.

Mas lalo akong nairita nang makita ang galaw nitong nanginginig at ang pananalita nito na halatang may halong takot. Pansin ko din na mahigpit siyang nakahawak sa gilid ng kaniyang maid dress uniform na white and black ang kulay.

Young Miss? Milady? Never in my entire life na may tumawag sa 'kin ng ganiyan, because I don't like it. Pangalan ko lang talaga ang ginagamit nila sa tuwing tinatawag ako.

Hindi naman kasi kami mayaman, sadyang malaki lang talaga ang bahay kaya kailangan namin ng katulong sa paglilinis.

Tsaka dalawa lamang ang kasambahay namin sa bahay at isang hardinero. Kilala ko ang mga nagtatrabaho sa bahay dahil dumadaan muna sila sa akin bago sila makapasok.

Hindi din basta-basta nagpapapasok ng trabahante ang mga magulang ko kung hindi ko alam kasi ako ang personally nagra-run ng background checks sa mga 'to.

So how come this girl isn't familiar to me? Is she a foe?

My body acted on its own after thinking about it. Namalayan ko nalang na nahihirapan ng huminga ang babae dahil sakal sakal ko na siya. Nakatip-toe narin ito but she never dared to stop me from choking her.

Nang mapansin kong namumula na ang mukha nito ay tsaka ko lang ito binitawan. Inuubo na napaupo ito sa sahig habang nakayuko. Habang inaayos ang kaniyang paghinga'y dahan-dahan naman siyang lumuhod.

Naglakad ako palapit sa kama at naupo. Nagdekuwatro ako habang pinapanood na habulin ng babae ang kaniyang paghinga.

Kung kalaban man siya'y ang malas niya kasi ako pa talaga ang nakakita sa kaniya. It will be nice kung ang parents ko. Kahit papaano may awa pa naman ang mga 'yon.

I don't believe in anything named mercy.

Mine and my parents' life is always at risk because of our jobs. Palagi kaming hinahabol ng kamatayan. Kaya sa tuwing may pinaghihinalaan ako'y kaagad ko itong pinapatay. Ang iba ay chine-check ko muna ang background, pero ang iba'y diretso patay na.

I don't need to do background checks to some of them since they're so careless para ipahalata sa akin ang intensyon nila.

"I can't seem to remember, so I need you to tell me," seryoso kong sabi habang sinisiguro na bumabaon sa bungo niya ang malamig na titig na binibigay ko sa nakayuko niyang ulo ngayon. "Tell me my real name," utos ko dito.

She's still catching her breath but she managed to answer me without stuttering which I find very impressive of her.

Ang iba kasi na bigla kong sinasakal ay hindi na nakakapagsalita sa harap ko, as if kinuha ko ang dila nila. Kulang nalang hilahin ko ang dila nila tapos plansyahin para bumalik sa ayos ang pananalita nila.

Minsan pa nga'y pinatay pa nila ang sarili nila sa harap ko pagkatapos ng pagkakasakal ko sakanila.

Mapapakamot ulo ka nalang talaga dahil sa katangahan nila. Akalain mo 'yon, pinatay na nila ang sarili nila kahit ang plano ko ay takutin lang talaga sila? Mga hindi masayang kalaro, eh.

But this girl is different. Mukhang sanay na siyang bigla nalang sinasaktan kahit wala siyang kasalanan. Poor girl.

"You are Dulcinea Cosette Cromwell, milady."

Nabalik ako sa current na sitwasyon nang marinig ang sinabi nito. Ano daw? Did I hear her right or may sira ang pandinig ko? I am who?

That's fucking impossible! Pinagloloko ba ako ng babaeng 'to?

Is my parents pranking me? No. That's impossible since I truly know I died. Narinig at naramdaman ko talaga ang pagsabog. 'Yon bang naramdaman ko talaga na nag-vibrate pati ang kaluluwa ko sa lakas ng pagsabog.

Sigurado din naman ako na hindi iyon hallucinations lang. Minsan na akong nakaamoy ng rugby, pero that doesn't mean na magha-hallucinate na ako ng ganoon?! Hindi ako adik uy!

Kaya anong pinagsasabi nitong ako daw si Dulcinea-whoever-Cromwell?

'Akala yata ng babaeng 'yan uto-uto ka, Alora. Ipakita mo nga kung sino ka ngang talaga!'

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo?" seryoso kong sabi na pansin kong kinalunok nito bago ulit yumuko.

Kunot na kunot na ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

Mabilis itong umiling. "I will never joke about situations like this, milady!" sabi nito bago muling nag-angat ng tingin. Now, she has a worried expression written on her pretty face. "It must be because of the poison..." mahina niyang sabi.

Nakuha niya ang atensyon ko dahil doon. You see, mahirap talaga akong kausap sa totoo lang. Kahit gaano pa kaseryoso ang pinag-uusapan pero hindi naman interesante para sa 'kin ay never talaga akong makikinig. Kaya nga lutang ako palagi kapag tinatanong ako noon.

Ayaw ko kasi na sinasayang ang oras ko sa mga bagay na wala namang kinalaman sa akin. Bukod kapag sa trabaho na. Tsaka may sarili din kasi akong mga problema kaya para hindi na madagdagan ay hindi nalang ako nakikinig.

Sino ba naman kasing nasa matinong pag-iisip ang gustong madagdagan ang problema nila, 'di ba?

Kaya lang naman kasi ako nagbombero kasi akala ko talaga exciting. Hindi naman ako na-informed na kailangan pala ako pa ang magsimula ng sunog para lang may thrill sa buhay namin!

'Sa sobrang gusto mong magkaroon ng thrill ang buhay mo'y sinunog mo ang buong mansion ninyo, bruha ka! Siraulo!'

Napapailing at napapatawa na lamang ako habang inaalala 'yon. Puro nalang kasi paperworks ang pinapagawa sa amin. Kaya nga hindi ako pumayag na magtrabaho sa kompanya ni mommy kasi ayaw kong makipagtitigan sa mga papel. Gusto ko ng bakbakan!

Kaya ang ginawa ko ay sinunog ko ang isa naming property, ang buong mansion. Wala namang nasawi sa ginawa ko since sinigurado ko talaga na walang tao noong araw na ginawa ko ang kagaguhan ko. Sadyang naging abo lang talaga ang kalahating milyong halaga ng mga ari-arian namin.

Para hindi naman masyadong mabigat ang ibigay na parusa ni daddy sa akin, I framed up the man na kalaban niya sa politika.

Masama kasi ang budhi. Nainis ako kaya siya ang ginamit kong shield sa ginawa kong kalokohan.

Ang natanggap nitong life imprisonment without expecting a parol at torture ng ibang inmates na kasama niya sa loob ng selda- na kagagawan ko din- ay kulang pa sa karanasan at sa trauma na binigay niya sa mga batang biktima ng kamanyakan niya.

He died after a month of being in prison. Sobrang bait ko pa nga sa part na 'yon. Kasi kung demonyo ako, hindi siya aabot ng isang araw. Tsk.

'Pero hindi ba parang mas demonyo ka pa ngang gaga ka dahil torture ang inabot niya sa 'yo? Tss. He deserves that though. Magpasalamat nalang siyang hindi ako ang nagpahirap sakaniya dahil baka gawin ko siyang abo!'

"Poison?" tanong ko nalang. Baka kasi matulala na naman ako dito tapos makalimutan kong may importante nga pala kaming pinag-uusapan.

"Did you also forget about it, milady? You drank poison after knowing that the First Young Master Fauntleroy is choosing the Second Young Miss of Glenn to be his partner to the upcoming birthday banquet."

Napamaang ako sa narinig. Ako? Tried to poison myself just because of a man? Hah! That will never happen. Isa 'yang malaking joke para sa akin!

I had crushes but so far I didn't fall for someone pa naman na umabot sa puntong papatayin ko ang sarili ko just because may iba siyang babae. I will never stoop that low, 'no.

Binigyan ako ng kakaibang tingin ng babaeng maid. Basi sa tingin nito, para bang tinatansya niya kung ano ang magiging reaksiyon ko. Dapat bang magalit ako? Heh!

Pero bakit habang tumatagal ay nagiging pamilyar sa akin ang lahat? Unfamiliar yet familiar...

Naningkit ang mga mata ko. Pilit inaalala kung saan ko ba nga narinig o kaya nabasa ang mga pangalan na binanggit nitong babae. They sound really familiar but I can't just pinpoint where I--.

"Oh shi--!"

Nanlaki ang mga mata ko at agaran na napasinghap nang mapagtanto ko ang nangyayari. Tinakpan ko ang bibig kong nakanganga na ngayon dahil sa nakakagulat na discovery ko.

Oh no no no! This is just a bad joke, isn't it?! No, I won't accept this! T--this is not happening!

"YOUNG LADY!" gulat na sigaw ng babae nang mabilis akong tumayo para iuntog ang ulo ko sa malapit na study table.

Wala lang. Trip ko lang gawin iyong nabasa ko noon sa isang manga na ginagawa ng character kapag malalim ang iniisip niya at gustong bumalik sa reyalidad.

Aish! Ano bang pinagagawa ko sa sarili ko?

'Mukha ka na ngang tanga tapos dadagdagan mo pa, Alora! Ano, tanga nalang forever? Shuta ka!'

Nabalik ako sa sarili nang maramdaman na marahan ako nitong hinawakan sa magkabilang braso mula sa likuran ko.

Ang bilis naman yata niyang makalapit sa 'kin? Parang nagdo-dogeza lang naman siya kanina, ah.

Nilayo ako nito sa lamesa at pinaupo pabalik sa kama. My forehead must be red right now base on her worried face.

Pero wala sa masakit na noo o sa pag-aalala na nakikita ko sa kaniyang mukha ang atensyon ko ngayon kundi sa katotohanan na hindi ako nananaginip.

This is not a nightmare but a god-damned reality.

Oh, God. How sweet of you to give a present that you know I will never forget.

Naiiyak ako. Sa sobrang tuwa ko sa nangyayari ay parang gusto kong magwala. Nanginginig na nga ang kamay ko, eh. Parang gustong magbasag ng mga mamahaling vase na nakikita ko ngayon na nandito sa loob ng magarang kuwarto.

'Ito na yata ang parusa mo sa pagiging demonyo mo, gaga! May pa 'I will get back to you' ka pang nalalaman sa nagbomba sa 'yo pero tingnan mo kung nasaan ka ngayon? Kinakarma na!'

∞∞∞∞∞

📖📌 Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

Share This Chapter