chapter 9
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
"diba magaling kang sumayaw?" siniko siko ako ni Victoria at taas baba ang kaniyang kilay na nakatingin sakin.
"wag ka ngang maniko kanina ka pa ahh" lumayo ako sa kaniya ng unti ngunit lumapit nanaman siya sakin.
"sumali ka sa dance club nila" ngumiti ito sakin
"ako ang pipili at hindi ikaw Victoria" inikutan ko siya ng mata at pinagpatuloy na ang panonood sa mga eleganteng sumasayaw sa field.
Isang linggo na simula nang unang araw ng klase, kami ni Victoria ang laging magkasama, hindi siya maalis sa tabi ko kahit anong gawin ko....hindi pa din tumitigil ang mga estudyanteng may ayaw sakin at patuloy pa din sa paninira, ang tatlong prinsipe ay minsan ko nalang ding makita dahil busy sila na kinabuti naman ng aking buhay, ayoko silang makita kapag kasama namin sila ay halos bantay nila ang kilos ko lalo na yung si prinsipe Raefon walang ibang ginawa kundi maging number one basher ko.
Ngayon naman ay naglilibot kami sa buong building dahil ngayon ang araw kung saan ka pwedeng pumili ng magiging club mo ng isang taon, we can't decide kung anong club ang sasalihan namin ni Victoria, gusto sana niya ay cooking club kaso hindi naman daw ako sasali doon kaya hinindian niya at disididong sasali sa club kung saan sasali din ako, bahala siya.
Sunod naming pinuntahan ay ang music club, napatakip agad kaming dalawa ni Victoria ng tenga ng marinig namin ang nakakabasag tengang pag birit ng isang estudyanteng nasa mini stage, yanig buong mundo ko ahhh, sumandal ako sa dingding at pinapanood ang mga nakapili sa gilid at hinihintay na matawag sila upang mag perform sa stage at ipakita ang talento nila sa pagkanta.
Magaling akong kumanta ngunit tumigil din dahil wala naman nang use, hindi ko din naman magagamit, ano ang silbi ng kagalingan ko sa pagkanta kung ang taong dahilan ng aking pagkanta ay wala na?
Napayuko ako at kinurot ang likod ng palad.
"halika na" tawag ko kay Victoria na na eenjoy na sa mga kumakanta
Naglalakad kami ng pasilyo ng makita ko sa di kalayuan si Mary at kausap ang tatlong prinsipe, binilisan ko ang paghakbang ko papalapit sa kanila.
"gagawa ka ng sarili mong club? Paano kung walang sumali---" pinatigil agad ni prinsipe Albert si prinsipe Raefon
"maaari mong magawa ang kagustuhan mong magtayo ng sarili mong club ngunit dapat ay makahanap ka ng limang myembro, bukas mo iharap sakin ang limang nakuha mo kung wala patawad ngunit hindi kita mapagbibigyan sa kahilingan mo" ani ni prinsipe Albert
Dahan dahang tumango si Mary at nagulat ng makitang nakikinig ako.
"p....prinsisa Cazimiya" nagbigay galang ito sakin "prinsesa Victoria" samin.
"ano bang klaseng club ang ipapatayo mo?" tanong ko
Ayan nanaman, ramdam ko nanaman mga tinging binibigay sakin ng tatlong prinsipe.
Hindi nagsalita si Mary kaya bumuntong hininga ako at tsaka siya inakbayan, nagulat ito sa ginawa ko ngunit nginitian ko na lamang siya, akmang lalayo kami sa tatlong prinsipe ng tawagin nila ako.
"saan mo dadalhin ang pulang estdyante?" nakangiting tanong sakin ni prinsipe Edward
Sumagot naman si prinsipe Raefon "saan pa? aawayin nanaman niya yan, halika ka dito pulang estudyante" tinaas ni prinsipe Raefon ang dalawang daliri at iginalaw iyon sinesenyasan si Mary na lumapit sa kaniya
"may pangalan siya" tinuro ko ang pin na may nakaukit ng kaniyang pangalan
Albert faked a coughed "ipagpatawad sa aming tatlo"
Naparolyo nalang ang aking mata sa nakikita.
"prinsesa Cazimiya, aalis na po ako" ani ni Mary sakin gamit ang mahinang tono
"okay??"
Inalis ko na ang pagkakaakbay sa kaniya at hinayaan siyang makaalis sa harapan namin, I crossed my arms, lumapit samin ang tatlong prinsipe....nagkaroon nanaman ng bulungan sa paligid.
Hindi ko na ding idedeny na sobrang gwapo talaga nila to the point na halos lahat ng babaeng nag aaral dito sa royal school ay nagkakarandarapa sa kanilang tatlo, talo nila ang mga koreanong iniidolo ng mga kabataan ngayon o ng mga artistang kasali sa top 100 most handsome in the world, kung nasa mundo ko lang sila nabuhay ngayon ay baka pag agawan na sila ng mga modeling aganecy.
Bagay nila ang kahit anong suotin lalo na ang kanilang suot ngayong berdeng uniporme.
"anong club ang sinalihan niyo mga prinsipe?" tanong ni Victoria na nasa tabi ko
Ngumiti sa kaniya ang tatlong prinsipe.
"wala pa kaming napipiling club na sasalihan ngayong taon," sagot ni prinsipe Edward
"kayo ba?" tanong naman ni prinsipe Albert
"wala pa kaming napipiling sasalihang club kaya naglilibot kami ngayon" ani ni Victoria
Natawa si prinsipe Edward, base sa mga naririnig ko at sa mga fandom ng tatlong prinsipe ang pinaka tahimik at minsang cold ang ugali ay si prinsipe Albert siya ang parang ama ng grupo halata naman, habang si Prinsipe Edward ay may ugaling mapang asar at magulo ngunit bihira lamang niya iyong panapakita, si prinsipe Raefon naman ay babaero at malandi na talagang sobrang halatado siya ang pinaka pasaway at isip bata sa tatlo.
Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay bigla nalang may humawak sa mahaba kong buhok.
Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si prinsipe Raefon na hawak hawak ang dulo ng buhok ko.
"ano nanaman ba?" inis na tinapakan ko ang paa nito
Napa hugis O ang kaniyang bunganga at tatalon talong sumandal sa gilid.
"hindi mo ba alam na maraming babaeng gustong mahawakan ang buhok nila ng isang katulad ko?" inis na sigaw sakin ni prinsipe Raefon
"alam mo din bang hindi ako katulad ng mga babaeng sinasabi mo? Sino ka naman para hawakan tong pinaka iingat ingatan kong buhok?" I shouted back
"pwe!" tumayo si prinsipe raefon at susugurin na ako ng hawakan siya nila prinsipe Edward sa braso
"aba, aba lumalaban na" pinigilan naman ako ni Victoria sa akmang pag sugod ko din
"para kayong mga bata" mahinahong sabi samin ni Victoria at binitawan na ako "ang sabi sakin ng ina ang taong pinaka ayaw mo ay siya pa ang iyong makakatuluyan, kaya hindi na ako magtataka kung---"
Agad kong pinigilan pa si Victoria sa kung ano man ang sasabihin niya.
"hindi totoo yun!"
"ayaw mo ba?" nakangisi na ngayon si prinsipe Raefon at ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabilaan niyang bulsa
"oo ayaw ko" pinandilatan ko siya
"itigil niyo na ang bangayan" tumatawang sabi ni prinsipe Edward "aalis na kami, ipagpatuloy niyo na ang paghahanap niyo ng sasalihang club hanggang bukas nalang iyon"
"aalis na kami" pagpapaalam naman ni prinsipe Albert at hinila ang likod ng uniporme ni prinsipe Raefon
Inis na napasabunot ako sa buhok.
"magbabanyo lang ako hintayin mo nalang ako sa cafeteria" tumango si Victoria
"take your time" she said
-
Pumasok na ako sa loob ng banyo at naghilamos, tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at pinanood ang basang basa kong mukha, I forgot to bring a handkerchief.
Kamusta na kaya siya? Sigurado akong nagkukulong na iyon sa kwarto at sinesermonan ako kung bakit natuluan ng dugo ang librong pinapatago niya sakin, kung dumiretso na lamang ako ng lakad hindi ako mapupunta sa mundong ito, sana mag kasama pa din kaming dalawa.
Damn, kahit anong gawin kong pagpapakasaya sa mundong ito mas masaya pa din ako sa totoong mundo ko mas masaya akong kasama siya.
Ginawa ko nalang pamunas ng mukha ay ang likod ng suot kong palda at lumabas na ng banyo, ngunit napatigil ng makita ko ang dalawang babaeng hila hila ang buhok ni Mary at sa tingin ko papasok sila sa banyo, nang makalapit sila sa gawi ko ay ngumiti sila at pinakita sakin ang kanilang dala dala.
"prinsesa Cazimiya" ani ng isang babaeng naka curly hair at may subo subong lollipop "matagal ka na naming hinihintay, gusto mo bang sumali sa grupo namin? Katulad mo ay mahilig din kaming mang api at gawing alila ang mga mahihina"
Tumango ang kasama nitong naka pig tail.
Hindi makatingin ng diretso sakin si Mary, mukhang nahihiyang makita ko siya sa ganung sitwasyon at sigurado akong natatakot na din siya na baka sumali ako sa dalawa.
Hinakbang ko ang isa kong paa at nilapit ang aking mukha sa kanila tsaka tumawa ng tumawa.
"b...bakit ka tumatawa? Tinatawanan mo ba kami?" ani ng babaeng may subo subo ng lollipop
"naiintindihan niyo ba ang gusto niyong iparating sakin?" ngumiti ako ng nakakakilabot "ako? Sasali? Sa inyo? Hahahaha nahihibang na ba kayo? Bakit ako sasali sa mga estudyanteng kulay abo ang uniporme?"
Lahat ng mga estudyanteng kulay abo ay masiyado nang nakakainit ng ulo, halos lahat ng pulang estudyante ay ginagawa nilang laruan nila habang kaming mga estudyanteng kulay berde ng uniporme wala man lang ginagalaw na kahit sinong estudyante maliban nalang kung sumosobra na.
"ipapaalala ko lang sainyo na kaya kong gumalaw at mang api kahit mag isa ako, hindi ko kayo kailangan, bitawan niyo ang babaeng hawak niyo at ibigay sakin"
"bakit naman namin iyon gagawin?" nagmamatapang na sabi sakin ng naka pig tail
"kung guntingin ko kaya kang naka braid mong buhok at gawing jacket ko para sa tag lamig?" tanong ko sa kaniya
Binitawan na nila si Mary at kapwa nagtakbuhan.
Tumalikod si Mary sakin at aalis na ang pigilan ko ang braso niya .
"wala man lang pasalamat?" tanong ko
"s...salamat prinsesa Cazimiya ngunit dapat ay hinayaan niyo na lamang akoâ"
"nahihibang ka na din kagaya nila, kung hinayaan kita sigurado basag na yang pagmumukha mo at wala ka nang suot na uniporme, gusto mo bang lumabas ng banyong nakahubad?"
May mga papel itong hawak inagaw ko ang mga iyon at tinignan ang nakasulat.
"C club" basa ko at tinignan siya "ano bang meron sa club mo?"
Kinuha niya ang mga papel na hawak ko.
"magtatanim, pag aalaga ng mga hayop, pag gawa ng mga bahay na gawa sa kahoy" she said
"that's interesting" ani ko "may nakuha ka na bang mga miyembro?"
Malungkot na umiling ito.