chapter 8
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
Nang makapasok kami sa loob ng classroom namin ay agad natahimik ang lahat at tumingin saming lima, ayaw ko man itaas ang aking kilay ngunit hindi ko mapigilan dahil halatang halata sa mga mukha nila na hindi makapaniwalang kasama ako ng apat, kung saan talaga ako magpunta hindi mawawala ang mga taong ayaw sakin, kung pwede lang dukutin ko mga mata nila.
Pumunta ako sa bakanteng upuan na katabi lang ng bintana, si Victoria ay naupo sa unahan ko habang ang tatlong prinsipe ay hilerang naupo sa gilid namin, what the hell? Ang dami pang bakanteng upuan, napaisip naman kaagad ako ng makita ang tatlong napatingin kay Victoria at nagpaalam pa kung pwede ba silang tumabi sa amin, baka ginagawa lang nila akong tulay para mapalapit sila kay Victoria? Baka nga...bakit hindi ko kaagad naisip yun? Tsk, mukhang na s-slow ako sa mundong ito, napangisi ako at pinatong ang aking kanang pisngi sa palad ko.
Kitang kita ko dito ang mga estudyanteng palakad lakad pa din sa maberdeng damo.
Nilapitan ng mga babae si Cazimiya ganun din ang tatlo prinsipe, walang lumapit sakin na ikinawalang bahala ko na lamang, nakakapagod ding magsalita at mag ubos ng laway sa pakikipag usap sa mga taong ito, humikab ako.
"magandang prinsesa" sumilip ako ng marinig ang tinig ni Raefon
Ngiting ngiti ito sa isang babaeng may hawak na panyo.
"ngayon lang kita nakita, maaari bang malaman ang iyong magandang pangalan?" kumindat si Raefon sa kausap
"ako pala si Polly---"
Hindi ko na tinignan pa o pinakinggan ang mga susunod na mangyayari, ang mahalaga napatunayan ko na talaga sa sarili ko na malandi si Raefon.
"prinsesa Cazimiya"
"what?" singhal ko kay prinsipe Edward
"balita ko mas gumaling ka sa paghawak ng mga sandata, gusto mo bang mag ensayo kasama ako?" tanong nito
Ilang beses akong napapikit sa tanong nito, huh? nag eensayo ang dating cazimiya sa pag gamit ng mga sandata? Anong isasagot ko sa kaniya? Kain, tulog, gala lang ang ginawa ko simula nang makapunta ako sa mundong ito, I cleared my throat at mas naguluhan sa isasagot ng pati si prinsipe Albert ay hinihintay na din ang isasagot ko.
"uhmm...." Ngumiti ako ng pilit "patawad ngunit gusto kong mag ensayo mag isa"
Hoo!
Pinagpawisan kaagad ako, unang tanong palang yan, ano pa kaya ang mga susunod na itatanong nila sakin? Sana pala nag handa na ako ng mga isasagot ko, bakit hindi ko nanaman naisip yun?!
Tumango si prinsipe Edward.
"kamusta ang dati mong pinapasukang paaralan?" tanong naman sakin ni prinsipe albert
Hindi ko alam isasagot ko kaya kunyari ay sumakit ang aking ulo, nag alala naman ito at sinabing magpahinga muna ako kaya tumango ako at umayos ng upo, dumating na ang prof. namin may sinabi lang ito tungkol mga pag aaralan at kailangan sundin habang nasa loob ng royal academy, hindi din siya nagtagal, vacant day daw namin ngayon bukas pa ang totoong simula ng klase kaya naghiyawan ang mga kaklase ko at muli nanamang lumapit sa mga kaibigan at kaniya kaniyang pabida sa mga ginawa nitong summer.
Tinaas ko ang dalawang paa at pinatong sa likod ng upuan ni Victoria, hindi naman ito nagreklamo, tumingin sakin ang lahat at nagsimula nanamang nagbulungan, ano nanaman bang masamang ginawa ko?
Napangisi ang tatlong prinsipe, inukutan ko lang sila ng mga mata.
"ayusin mo ang upo mo prinsesa cazimiya kung ayaw mong masilipan" bulong sakin ni prinsipe albert
"pwede namang sabihin sa kaniya ng hindi dinidikit ang bibig sa kaniyang tenga" rinig kong sabi ni Raefon na nakataas din ang mga paa
"hahahaha" prinsipe Edward laughed.
Naalala kong hindi nila alam na lalaki ako, nagmamadaling binaba ko ang dalawa kong paa at inayos ang upo, nakalimutan kong babae pala ako...tumahimik na ako hanggang dumating ang oras ng uwian, mabagal ang paglalakad ko papalabas sa pintuan ng royal school, nauna na akong lumabas sa kanilang apat dahil pinalilibutan sila ng mga estudyante, gusto ko nang umuwi.
Pagkalabas ko ay wala pa ang karwaheng magsusundo sakin, nakatayo lamang ako sa gilid ng may babaeng nakasalamin ang may dala dalang sangkatutak na mga papel at halos matakpan na ang mukha niya sa sobrang dami, bumaba ako sa hagdan at nilapitan siya, she's a scholar since she's wearing a red uniform.
Sinilip niya ako at napaatras, agad kong hinawakan ang kaniyang braso upang hindi siya mapadiretso ng upo.
"p...prinsesa c...cazimiya" gusto nitong yumuko upang magbigay galang ngunit hindi magawa dahil sa mga papel na dala niya "a...ano po a..ang kailangan niyo?" nauutal nitong tanong
"ikaw ang may kailangan sakin" walang anumang kinuha ko ang kahalati ng mga papel na dala nito
"k...kaya k..ko na p...po" nginiwian ko siya
"saan mo ba to dadalhin?"
"a...ako na po"
"wrong answer"
"s...sundan n..niyo nalang po a...ako"
"huwag ka ngang nauutal ako nahihirapan sayo"
Sinundan ko siya, sa likod ng mga building may isang maliit na bahay at sa gilid ng maliit na bahay may nga tanim na mga gulay, pumasok kami sa loob at nilapag na namin ang mga papel na dala sa lamesang gawa sa matibay na kahoy, lahat ng gamit ay kahoy pati sa mga upuan at gamit sa kusina gawa sa kahoy...may malaking blackboard sa gitna ng sala at sa harapan ng blackboard may mga lamesa at anim na upuan.
"dito ka nakatira?" tanong ko at lumapit sa isang larawan "nasaan na mga magulang mo?"
Lumapit ito sakin.
"baka hinihintay na kayo ng magsusundo sa inyo prinsesa cazimiya, salamat po sa pagtulong"
Hindi ko siya pinansin at gumala pa sa loob ng kaniyang bahay.
"what's your name?" muli kong tanong
"mary" nahihiya nitong sabi sakin
"hmm, nice name." hinarap ko siya at umupo ako sa ibabaw ng lamesa "you know what I like your house"
"s...salamat"
"aalis na ako, nice to meet you Mary"
Lumabas na ako ng kaniyang bahay at bumalik na sa harapan ng royal school, nakita ako ng apat na kakalabas palang, here we go again.
"saan ka galing cazimiya? Kanina ka pa namin hinahanap" tanong sakin ni Victoria
"diyan lang"
"where?" tanong ni prinsipe albert
"maputik ang sapatos mo prinsesa cazimiya, pumunta ka ba sa putikan?" tanong naman ni prinsipe Edward
Nagulat ako ng nasa likod ko na pala si Raefon, hawak hawak nito ang baba at tila kinikilatis ako.
"raefon, what are you doing?" Edward asked
"bilang matagal ko nang kilala si prinsesa cazimiya at alam ko ang ugaling meron siya nakapagtataka lang ang mga kilos niya, tila may naiba..." tumigil ito sa gilid ko "maraming naiba"
"bakit ang hilig mong awayin si cazimiya?" tanong ni Victoria kay raefon
Raefon chuckled.
"nah" umalis na sa gilid ko si Raefon at inakbayan ang dalawang kaibigan "ang mahalaga maganda ka pa din"
Napakuyom ang aking kamao.