Back
/ 39
Chapter 22

chapter 20

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

Bumaba ako sa karwahe at inayos ang buhok bago pumasok sa loob ng school, napaatras ang ilang mga estudyanteng nadadaanan ko na ikinaikot ko nalang ng mata, ang tagal tagal ko nang nandito hindi pa din sila matigil sa kakalayo at bulungan tungkol sa akin, hindi ba nila napapansin na walang gulong nangyayari na kasama ako at lalong lalo na ay ako ang pasimuno? Of course im such a nice princess Cazimiya...good mood ako kaya wala akong ganang makipag away at bigyan pansin ang mga papansin

"Prinsesa Cazimiya!" Hingal na napatigil sa gilid ko si Rosie

"Layo ng tinakbo mo, anong kailangan mo sakin?" Tanong ko at inayos ang kaniyang nagusot na uniporme

Nahiya naman ito dahil marami ngang nakatingin samin

"Si prinsipe Raefon nakikipag away sa rooftop" bumuntong hininga ako at tumalikod na "p..prinsesa Cazimiya"

Magkaroon sana ng maraming pasa sa mukha yung lalaking yun, hindi ko siya pupuntahan bakit ko pupuntahan ang lalaking nagpapainit ng dugo ko? Hindi ko na pinansin si Rosie dahil feel ko naman na gusto niya akong papuntahin sa rooftop na hindi ko naman alam kung saan dahil wala namang nagsabi sakin na may rooftop pala dito, umupo na ako sa upuan ko at inilagay ang bag sa itaas ng lamesa tsaka tumingin sa paligid, wala pa si Victoria?

Dahil boring na ay nakinig nalang ako sa mga usapan dito sa loob ng classroom, sumandal ako sa kinauupuan at ngumuso

"Bigla nalang daw sinuntok ni Prinsipe Raefon yung isang abong estudyante" sabi ng prinsesang nasa likuran ko

"Maybe he offended Prince Raefon?"

"Prince Raefon is also known as a bad temper prince"

Parang gusto ko tuloy makisali sa usapan nila at sabihin lahat ng mga ayaw ko kay Raefon pati ang ugali nitong mas masahol pa sa aso! Kapag naiisip ko mukha niya gusto ko nalang na ibato siya sa ilog at hayaang anudin, sunod sunod na ang chismis tungkol sa nangyayari sa rooftop hindi pa daw tapos kaya tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom, makikinood lang ako wala nang iba, hindi ako pupunta sa rooftop dahil nag aalala ako, pupunta ako dahil makikinood, parang mawala pag ka bored ko dahil wala pa si Victoria

Nagtanong ako kung nasaan ang rooftop, takot nilang itinuro sakin kung saan natawa nalang ako sa mga reaksyon nila, isang minutong nilakad ko ang hallway patungong rooftop, may tatlong hagdan pang bumungad sakin, inakyat ko iyon at nakita ko na ang pinto na kulay berde...binuksan ko iyon at nag isahang linya ang aking labi ng bumungad ang hindi ko mabilang na mga estudyanteng nakakakalat dito, naghalo halo na ang mga kulay

"Ehem" i cleared my throat

Napatingin sakin ang ilan, gulat silang yumuko upang batiin ako at binigyan ako ng daan...nang makalapit napayuko ako upang tignan ang kulay abong estudyanteng nakahiga na sa sahig at dumudugo ang ilong habang si Raefon ay pinipigilan na ng dalawa niyang kaibigan, late na ata ako dahil lahat ng mga members ng officials ay pinagdadakot na ang abong estudyanteng nasa sahig at mga kasamahan nitong nasa gilid at may pasa ang mga mukha at sabog din ang labi, gumilid ako upang bigyan sila ng daan

Hawak hawak ang baba na nilapitan ko si Raefon

Nakita ko na may gasgas sa pisngi nito, pangit na mga mas lalo pang pumangit unfair talaga ng mundo

"Im sorry for the trouble" hinging paumahin ni Albert sa mga estudyanteng nandito sa rooftop

"Are you ok?" Napatingin agad ako sa likod ko ng marinig ang pamilyar na boses

"Kanina pa kita hinihintay Victoria, nandito ka din pala?" Nakikichismis din pala tong prinsesang to kaya hindi ko siya makita

Hindi ako nito pinansin at tinignan ang gasgas na natamo ni Raefon

"Aalis muna ako, pinapatawag ako ng principal" pagpapaalam samin ni Albert

Tumango ako at kumaway sa kaniya

Hinila ko ang uniporma ni Edward, nagtataka ngunit nakangiting tinignan niya ako tinanong ko kung bakit napaaway si Raefon sinabi pala ng Kulay abong Estudyante na may gusto sila sakin at dadating ang araw na magagalaw nila ako, saktong narinig ni Raefon ang mga ito at doon na nagsimula ang lahat, kumuyom ang kamao ko

"Mga bastos pala mga yun ah!" Ani ko "dapat hindi niyo pinigilan si Raefon para siguradong durog mga mukha nila, nangangati kamao ko parang gusto ko tuloy silang papuntahin ulit dito at pagwawasakin mukha nila ahhhh"

Napasabunot ako sa buhok, kinabahan ako bigla, dahil paano kung hindi narinig ni Raefon ang usapan ng mga lalaking iyon? Paano kung sa mga susunod na bukas ay may bigla nalang humila sakin, hindi ako natatakot ma rape natatakot ako na baka malaman nila ang totoo...na hindi ako babae, natatakot ako na baka saktan ako ni ama at hindi ko pa binabalak sa ngayon na harapin si ama at ipakita sa kalahatan na hindi ako babae

"Raefon..." lumapit ako sa kaniya at walang pagdadalawang isip na niyakap siya "salamat"

He's panting due to exhaustion

"Tsk" ginulo nito ang buhok ko at naramdaman ko ang paghalik nito sa bunbunan ko "avoid interacting with those kind of people"

Tumango ako

Sinamahan namin siya sa clinic, nilinis ang gasgas na natamo niya at binigyan siya ng gel para hindi pumeklat.

Kalahating oras kaming nandito sa loob ng canteen at tahimik na kumakain ng umupo si Albert sa gilid ko

"Ano daw ang gagawin sa kanila?" Tanong ni Victoria

"Wala pang pinag uusapan, pinauwi muna sila..." sagot ni Albert

"What?!" Galit na nahampas ni Raefon ang palad sa lamesa "paano kung gawan nila ng masama si Cazimiya?! Kailangan nilang maialis sa lugar na to at ilayo satin lalo na kay Cazimiya, kakausapin ko ang ama tungkol dito---"

"Kumalma ka Raefon" Edward

"Paano ako kakalma kung alam kong nasa peligro tong babaeng to?" Natutuwa na sana ako sa pinakikita ni Raefon pero napalitan ng inis ng marinig ko ang huli nitong sinabi

"Ipapaalam ko sa mahal na hari----" tumawa ako kaya naputol sasabihin ni Albert, umiling ako at pinalo braso nito

"Huwag na, may mga guards naman akong kasa kasama kaya hindi na kailangan at maraming ginagawa ang ama...kaya kung maaari lamang ay huwag niyo nang ipaalam pa" binigyan ko sila ng matamis na ngiti

"Ngunit kailangan---" i hushed Edward

"Kung ipapaalam niyo kay ama malaking posibilidad na hihigpitan niya ang mga bantay sa palasyo at baka hindi muna ako nito palabasin ng ilang araw o baka mas matagal pa" nagkatinginan silang lahat

Totoo ang sinabi ko, paano kung higpitan ni ama ang mga bantay sa palasyo paano ako makakatakas upang puntahan si Dio? At baka madagdagan si Rosie, hindi na din muna ako makakalabas ng palasyo.

Bumuntong hininga si Edward at may binulong kay Albert habang si Raefon naman ay mukhang alam na ang binubulong ng mga kaibigan sa isa't isa.

Third person Pov:

We already knew the true you Cazimiya

"Victoria, aalis ka na?" Humarap si Victoria kay Cazimiya na nag aayos na ng gamit

"Kakausapin pa ako ni ina kaya kailangan ko nang makauwi"

Tumango si Cazimiya at hinayaang lumabas si Victoria, naglalakad sa hallway si Victoria ng magkasalubong sila ng tatlong prinsipe

"Tigilan mo ang hindi pagpansin kay Cazimiya" walang emosyon na sabi ni Edward sa kaniya

Hindi tumingin si Victoria sa tatlo dahil ayaw nitong matignan o masilayan man lang ang nakakatakot na tinging ibinibigay sa kaniya ng mga ito.

"Remember Victoria ang pamilya mo ay may malaking utang, kapag hindi mo sinunod ang gusto namin ay isang pitik ng aming mga daliri magiging pulang estudyante ka at magiging katulong namin ang pamilya mo" Raefon said

"Stop liking Cazimiya, kapag kaibigan kaibigan lang" bulong sa kaniya ni Edward

nanginginig na tumango si Victoria sa kanilang tatlo

How can i stop liking Cazimiya? He caught my heart so bad that i can't even look at the other guys.

Share This Chapter