Back
/ 39
Chapter 23

chapter 21

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

"prinsesa Cazimiya ipinatatawaf kayo ng mahal na hari" natigil ako sa paglilibot sa garden ng lapitan ako ni Andrey

Tumango ako at pumasok na sa loob ng palasyo, nang madaanan ko ang kusina ay nakarinig ako ng galit na galit na tono kaya tumigil ako sa harapan ng kusina upang makita kung ano ang nangyayari, napakunot ang noo ko ng masilayan si Rosie na nakaluhod sa sahig habang nililinisan ang nagkalat na pagkain, pinagagalitan at dinuduro siya ng pinaka nakatataas sa lahat ng mga katulong dito sa palasyo, naglakad ako papasok sa loob ng kusina at hindi pinansin si Andrey na nakasunod pala sakin, gulat na napatingin sakin si Rosie tumayo ito at lahat sila ay binati ako

"anong nangyayari dito?" tanong ko

Lumayo ang ilang mga katulong at tumalikod, natatakot na sagutin ang katanungan ko kaya tinitigan ko ang nasa gilid ni Rosie ang mayordoma ng palasyo, I really hate this old woman imbes na respetuhin ko siya dahil siya ay matagal nang nagtatrabaho dito sa palasyo at matanda na siya ay mas lalo lang niya akong iniinis, she don't deserve my treatment nasisilayan ko minsan kung paano nito kutyain at pahiyain ang ibang mga katulong dahil lang sa maliit na pagkakamali.

Pinag cross ko ang aking mga braso at itinuro ang kalat na nasa sahig

"bakit nakakalat sa sahig ang kalat na iyan?" tanong ko sa kaniya

"prinsesa Cazimiya, ipagpaumanhin niyong hindi ako nakasagot agad" iniikot ko ang aking mga mata "hetong si Rosie ay wala nang nagagawang tama---"

"paano mo naman nasabi yan?" tinaas ko ang aking kilay

"inuutos kong ipadala sa kaniya ang maliit na sabaw at iba pang pagkain sa mga bantay sa labas---"

Muli ko siyang pinutol, tinuro ko ang nakakalat na pagkain sa sahig bago kinuha ang hawak hawak na telang pinampupunas ni Rosie kanina tsaka iyon ibigay sa mayordoma, nagtataka itong tinignan ako

"walang ginawang tama ang aking taga alaga? Mukhang ikaw ang walang ginagawang tama sa palasyong ito..."

"Prinsesa Cazimiya---"

"uutusan mo siyang magdala ng pagkain sa mga bantay! Hindi bat ang trabahong kailangan niya lang gawin ay ang bantayan at alagaan ako, ako ang mag uutos sa kaniya hindi ikaw at sino pa man, sino ka para duruin siya gamit ang iyong makasalanang mga daliri?! Sino ka para ipahiya siya?! Hindi na makatarungan pa ang iyong ginagawa, namumuhay ka na lamang na parang isang reyna...mas lalo mo pang ginagawang utusan ang mga utusan!" hinila ko ang braso ni Rosie at itinabi sakin "andrey"

"ano ang iyong ipag uutos Prinsesa Cazimiya" pumunta ito sa gilid ko at yumuko hinihintay ang aking sasabihin

"palitan ang mayordoma, ipadala ang babaeng ito sa malayo"

Napasinghap ang mga nasa loob ng kusina, napaluhod ang mayordoma at nilapitan ako sabay hawak sa laylayan ng bistidang suot ko nag iwas ako ng tingin at itinulak siya gamit ang aking takong papalayo sakin, sinira niya ang araw ko.

"patawad prinsesa Cazimiya hindi ko na muli uulitin pa ang ginawa ko, huwag niyo kong tanggalin sa aking pwesto"

Lumabas na ako sa loob ng kusina, yumuko si Rosie at naluluhang humingi ng pasasalamat.

"matagal na naming hinihiling na maialis sa pwesto ang mayordoma dahil sa masama niyang ugali ngunit nahihiya kaming lumapit sa mahal na hari mas lalo na sa iyo Prinsesa Cazimiya"

"kung may kailangan kayo at problema magsabi lang kayo sakin, handa akong tumulong...ako ang prinsesa sa palasyong ito tandaan niyo yan"

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni ama, may lumabas na isang katulong at sinabing maaari na akong pumasok nang makapasok ay nakita ko si ama na nakatayo sa harapan ng salamin...kumuha muna ako ng lakas bago siya nilapitan, ano nanaman kaya ang sasabihin nito sakin? sana naman ay huwag nakakasama ng araw dahil sirang sira na ang araw ko ngayon huwag n asana niyang dagdagan pa tsaka maya maya din ay tatakas nanaman ako upang bisitahin si Dio.

"ama, ipinatatawag niyo daw ako?"

"ayusin mo ang iyong mga kagamitan dahil kinabukasan ay lahat ng mga piling prinsipe't prinsesa, kasama ka na don ay magtitipon tipon sa iisang kakagawang palasyo sa kanluran, isang linggo ang pananatili niyo don" inayos niyo ang buhok tsaka ako nilingon

"ipagpapaliban ba ang klase ng mga napili?"

Tumango ito at humakbang papalapit sakin, hinawakan nito ang mahaba kong buhok tsaka ngumiti

"tandaan mo lahat ng ibinilin ko sayo Cazim" sabi ko na nga ba yan nanaman lalabas sa bibig niya

"opo ama"

"maganda nang nagkakaintindihan tayong dalawa" inilagay nito sa likod ng aking tenga ang ilang hiblay ng buhok na nakaharang sa mukha ko "may bago kang mga bistida, ipinalagay ko na sa iyong kwarto lahat ng bistidang hindi na kasya sayo ay itapon mo na" tumalikod na ito

"ama....pwedeng ibigay ko na lamang sa anak ng ating mga katulong?"

Napatigil ito sa paglalakad, he tilted his head.

Kinabahan ako ng tumawa ito na para bang nahihibang na

"what's with the sudden change? Hindi pa din ako makapaniwalang nag iba ka.....i don't feel the fierce personality on you anymore, para ka nang basong madaling mabasag Cazim"

"a...ama"

"maaari ka nang bumalik sa iyong kwarto at mag impake"

Tumango ako at lumabas na ng kwarto ni ama, habang naglalakad sa hallway ng palasyo ay nakayuko lamang ako

Share This Chapter