Back
/ 23
Chapter 22

FI 20

FAKE IT | A KENTIN AU

"Hoy Paulo! May balak ka bang sirain ang KENTIN? Nagpaubaya na nga kami 'di ba? Tapos malalaman namin pinupormahan mo pala si Justin?" Tiningnan ni Paulo ng walang karea-reaksyon sa mukha ang dalawa.

"Who's KENTIN by the way?" Tanong niya rito.

"Ken at Justin. KEN‐TIN! Duh! Akala ko ba matalino ka? Hindi pala." Puna ni Stell at tiningnan si Paulo mula ulo hanggang paa. Inirapan siya ni Paulo bilang tugon.

"Hindi ko pinupormahan si Justin. Where do you even get that fake news?"

"May nakakita raw sa'yo na naglagay ka raw ng bulaklak sa mesa ni Justin. Ano 'yon ngayon?" Tango lang ang ambag ni Josh sa usapan. Natatakot kasi siyang mangompronta kay Paulo.

Napasapo sa noo niya si Paulo nang marinig ang sinabi ni Stell. "Inutusan lang ako ni Ken. Are we okay now? Why do even I need to explain myself though?" Hindi na hinintay ni Paulo ang sagot ni Stell at umalis na.

"Oh ano? Napahiya ka? Dada ka kasi ng dada. Hindi mo muna kinumpirma."

"Nag-agree ka rin naman ah! Ngayon ilalaglag mo ako?"

"Ikaw naman ang nangompronta kay Paulo, hindi naman ako." Inirapan lang siya ni Stell.

—

"Jah, saan mo gustong magdate tayo?" Tanong ni Ken.

"Kahit saan. Okay lang naman sa akin."

"Eh! 'Yong gusto mong puntahan syempre. Hindi 'yong kahit saan lang. Magdemand ka naman sa akin paminsan-minsan."

"Wala naman akong gustong puntahan eh. Ikaw, baka meron kang gustong puntahan."

"Parang ako lang ang excited sa first official date natin ah. Tsk." Nakasimangot na si Ken. Napabuntong hininga naman si Justin.

"Hindi naman sa hindi ako excited. Wala lang talaga akong alam na puntahan. Alam mo naman na hindi ako magala na tao." Malumanay ang pagsabi niya para mawala ang tampo ni Ken sa kanya. "Hindi naman importante kung saan, basta magkasama lang tayo . . . tumatayo balahibo ko. 'Wag ka na kasing magtampo diyan!" Hinagis ni Justin ang unan niya kay Ken na sinalo naman agad ng huli.

"Wala ka talagang kasweet-sweet sa katawan ano? Tsk."

"Nagsisisi ka na? Edi humanap ka na lang ng bagong jowa mo! 'Yong sweet sa'yo!" Humiga na si Justin at tumalikod kay Ken.

"'Yan tayo eh. Ako 'tong nagtatampo tapos ngayon magtatampo ka rin?" Hindi na siya kinibo ni Justin. "Jah"

Kinabahan si Ken nang hindi siya sagutin nito kaya nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.

"Jah" Sinundot niya ang braso nito pero umurong lang ito papalayo sa kanya. "Jah. Sorry na. Okay lang na hindi ka sweet sa akin. Ako na lang magiging sweet sa'yo. 'Wag ka ng magalit. Uy, sorry na." Humiga na rin si Ken sa tabi ni Justin at niyakap ito.

Narinig niya ang mahinang hikbi ni Justin kaya napabangon agad siya at pinaharap ito sa kanya pero tinabunan agad nito ang mukha niya ng kanyang kamay.

"Jah, umiiyak ka ba?" Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Justin na nakatabon sa mukha nito.

"Hindi!" Pero tinakpan ulit ni Justin ng unan ang ulo niya para ikubli ang mukha niya.

"Kung hindi ka umiiyak, bakit mo tinatakpan ang mukha mo?"

"'Wag ka ngang magulo Ken. Doon ka na sa kama mo. Matutulog na ako." Pilit pa niyang tinutulak si Ken paalis ng kama niya.

"Kausapin mo muna ako." Pilit niyang tinatanggal ang nakatakip na unan sa mukha nito pero ayaw talagang tanggalin  ni Justin. "Kung hindi mo ako kakausapin . . . " Humiga si Ken at pinatong ang ulo niya sa dibdib ni Justin. "Edi dito ako matutulog. Bahala ka diyan."

"Kainis ka talaga! Ang bigat ng ulo mo." Pilit na inaalis ni Justin ang ulo ni Ken pero walang epekto ito sa huli.

"Ang lakas ng heartbeat mo. Inis na inis ka ba talaga sa akin? 'Wag ka ng magalit. Hinding hindi rin ako maghahanap ng iba kaya 'wag ka ng umiyak diyan."

"Hindi nga ako umiiyak! Kainis 'to!"

"Patingin nga?" Panghahamon niya pero nakatago pa rin ang mukha ni Justin. "Hoy! Baka hindi ka na makahinga niyan. Tanggalin mo na nga 'yang unan sa mukha mo. Hindi ko na nakikita 'yang gwapo mong mukha eh."

"Ayoko!"

"Hmm. Kung ayaw mo talaga, ibig sabihin hindi mo na ako mahal." Bumangon si Ken. "Sige. Matulog ka na."

Tumayo na siya para lumipat sa kama niya nang maramdaman niya ang paghawak ni Justin sa kamay niya. Pilit na pinipigilan ni Ken ang sarili niyang ngumiti kaya hindi na muna niya hinarap ang jowa.

Hindi kumibo si Justin at nakahawak lang sa kamay ni Ken.

"May sasabihin ka?"

"Sorry." Mahinang sagot ni Justin.

"'Yon lang?" May hinihintay si Ken na marinig mula kay Justin. Hindi pa niya ito narinig na sinabi ng jowa niya.

"I love you."

Hinarap agad ni Ken si Justin, umupo sa kama at hinalikan ito. Nabigla si Justin kaya hindi agad siya nakareact. Pagkatapos ay dahan-dahan niya ring pinikit ang mga mata niya at nakipagsagutan ng halik kay Ken.

"I love you too. Kailangan pa palang magtampo ako para lang marinig ang I love you mo." Sinamaan siya ng tingin ni Justin. "Joke lang. Ang sungit talaga ng boyfriend ko. Haaaayyy." Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Hindi ako makahinga!" Pinaghahampas ni Justin ang braso ni Ken.

"Haha sorry. Halika na. Matulog na tayo." Hinila ni Ken pahiga si Justin at mabilis na siniksik ng huli ang kanyang sarili sa kanyang jowa.

Napangiti si Ken sa ginawa nito kaya hinalikan niya ito sa noo. "I love you Jah. Good night."

[Time Skip: After 5 Years]

"Si Ken? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ng mama ni Justin.

Nag-invite kasi ito ng family dinner pero napansin niyang hindi kasama ng anak ang boyfriend niya.

"Busy siya ma. Pinag-overtime raw kasi sila ng boss niya."

"Ilang beses na ba?" Hindi makasagot si Justin.

Nauunawaan naman niya ang jowa niya dahil sa dami ng trabaho nito kaya lang hindi niya kontrol ang iniisip ng mga magulang niya.

"Naku Justin ha. Napapansin ko na 'yang si Ken. Wala ba 'yang bago?"

"Ma, ano ba naman 'yang iniisip mo? Busy lang 'yong tao kaya gano'n." Pagdedepensa ng papa ni Justin.

Sa loob ng limang taon nilang magboyfriend ni Justin at Ken ay mas naging protective ang mama nito sa kanya. Nauunawaan naman 'yon ni Justin dahil nag-iisang anak lang siya at ayaw ng mama nito na masaktan siya.

"Pa, masisisi mo ba ako? Ayokong masasaktan ang anak natin."

"Ma, Pa, okay kami ni Ken. 'Wag kayong mag-alala. Okay kami." Ang tanging sagot ni Justin. Tila kinukumbinsi rin ang sarili na okay nga talaga sila.

To be continued . . .

[vee: This is the final Chapter guys! 😭 Ang bilis ng panahon. Magbabagong taon na rin in a couple of hours. Epilogue will be uploaded in . . . abangan! Haha Short epilogue na lang po before we officially end this AU. 🥲 Thank you & see you! 💕]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter