Back
/ 23
Chapter 23

FI Epilogue

FAKE IT | A KENTIN AU

Pinaharurot ni Justin ang sasakyan niya papunta sa bahay nila Ken kahit na hindi pa tapos ang working hours niya. Kinakabahan siya nang hindi niya alam ang dahilan. Monthsary pa naman nila ngayon kaya mas lalo lang nadagdagan ang kaba niya.

Ilang araw na niyang hindi macontact si Ken tapos gano'n pa ang text ng mommy nito kaya hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

What if tama si mama? What if may iba na nga siya at makikipaghiwalay na pala siya sa akin? Ano'ng ang gagawin ko? Tutuloy pa ba ako?

Huminto muna si Justin at pinarada ang sasakyan sa gilid ng daan. Kailangan muna niyang pakalmahin ang sarili. Naiiyak na rin siya sa mga pumapasok sa utak niya na posibleng mangyari pagdating niya doon.

Jah, ilang beses na kayong nag-away pero nalagpasan niyo naman. Isa lang ito sa mga 'yon. Wala lang 'to.

Pero naisip ni Justin na hindi naman sila nag-away ni Ken kaya doon na lang bumuhos ang luha niya. Madalas na silang hindi magkasama dahil sa busy sila sa kanya-kanyang mga trabaho kaya natural lang na hindi sila masyadong nag-uusap pero napapansin na rin ni Justin ang pag-iba ng pakikitungo ni Ken sa kanya.

Halos isang oras din siyang nakahinto bago napagdesisyunang tumuloy na.

Pagkarating niya sa bahay nila Ken ay nadatnan niya ang mga magulang nito Na nasa sala.

"Si Ken po?" Tanong niya sa mga ito at tinuro ang kwarto ni Ken. "Puntahan ko lang po."

Kumatok siya ng dalawang beses pero hindi siya pinagbuksan nito.

"Ken, si Justin 'to." Sa pangatlong pagkakataon ay kumatok ulit siya at bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ken.

"WHAT THE HE—"

"Oops! Mamaya mo na ako murahin!" Pagpigil ni Ken. Pinapasok niya si Justin sa loob ng kwarto niya at hindi mapigilan nito ang ilibot ang paningin niya sa kwarto. "First of all, sorry dahil hindi kita masyadong kinakausap nitong mga nakaraang araw. Alam mo namang hindi ko kayang magtago sa'yo kaya 'yon lang talaga ang naisip kong paraan." Nagsimula ng tumulo ang luha ni Justin na mabilis namang pinunasan ni Ken.

"Actually, wala talaga akong sinabihan na ibang tao kahit sina mommy at daddy . . . well maliban na lang sa epal na si Paulo. Ayaw akong tantanan kaya nasabi ko rin sa kanya. Buti na lang at nakisama. Hindi ako nilaglag sa'yo."

"Kinabahan ako sa text ni Tita. Kainis ka!" Hinampas ni Justin ang braso ni Ken.

"Sorry na. So ayun, alam kong nabasa mo na 'yang nakasabit sa dingding . . . " Tumango si Justin habang umiiyak.

"Jah. It's been 5 years, but my feelings for you just grow stronger. Gusto kong parati kang kasama sa pagtulog at paggising. Ang cute mo lang kapag sinusungitan mo ako tapos 'yong paraan mo ng pagpapakita affection na para kang galit. Haha" Tiningnan siya ng masama ni Justin. "'Yang ganyan! Haha Ang cute mo lang talaga. Hayy. I just love you and your antics so much that I wanted to be with you for as long as we live." Kinuha ni Ken ang kamay ni Justin at tiningnan ito nang diretso sa mata.

"Jah, will you spend the rest of your life with me?"

"As if may choice ako so . . .

Yes!"

Pabirong sabi ni Justin.

"Nakakatouch." Humawak pa sa dibdib niya si Ken kaya nakakuha na naman siya ng hampas kay Justin. "Ito na yata ang pinaka sa pinaka sa pinaka the best proposal sa mundong ibabaw."

"Siraulo." Sabi ni Justin habang nagpupunas ng mga luha.

"I love you Jah." Niyakap nila ang isa't isa.

"I love you too Ken."

Their love story may start as just a fake boyfriend & girlfriend, but they discovered their feelings for each other in the process.

Everyone has their own version of their love story. Ken and Justin just have the most unconventional one.

Relationships can be faked, but not the feelings.

The End.

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Previous
Last

Share This Chapter