Back
/ 23
Chapter 3

FI 1

FAKE IT | A KENTIN AU

"Baliw ka ba?! Naririnig mo ba ang sarili mo? Ako magiging girlfriend mo? Hello?!? Babae ba ako?"

"'Di ba parati kang sinasabihan na mas maganda ka pa raw sa babae? I think kailangan mo lang ng wig at magbihis babae and problem solved!"

"Hoy! Ayoko nga! Hindi gan'yang tulong ang sinasabi ko ano? Ipapasubo mo pa ako niyan eh."

"Sige na Jah! Please! Wala na talaga akong time para humanap ng girlfriend eh. This weekend lang naman. Magpapanggap lang naman tayo tapos after that wala na."

"Ayoko! Bahala ka sa buhay mo."

"Ako na gagawa ng mga plates mo. Please Jah! Isang beses lang naman. Please." Lumuhod pa nga si Ken sa harapan ni Justin.

"Baliw! Tumayo ka nga diyan!"

"Sabihin mo munang oo. Please Jah." Mangiyak-ngiyak pa nga ito.

"Oo na! Isang beses lang ha! Naku! Naku ka Ken!" Nagliwanag agad ang mukha ni Ken. Tumayo siya at niyakap ang kaibigan.

"Thank you Jah! I love you!" Tumatalon pa siya habang nakayakap kay Justin.

"Baliw!" Hinampas ni Justin ang braso niya.

—

Bored na bored na nakasunod si Justin kay Ken habang nasa shopping mall sila. Naghahanap kasi sila ng mga wigs at mga damit pambabae na susuotin ni Justin.

"Jah itry mo nga 'to." Inabot ni Ken ang isang wig at inirapan siya nito.

"Ayoko nga! Nakakahiya. Ang daming tao." Nakabusangot na sabi ni Justin.

"Sige na! Dali! Paano natin malalamang bagay sa'yo 'di ba?"

"Bilhin mo na lang kung ano'ng magustuhan mo. Basta hindi ko 'yan isusukat dito." Pagmamatigas niya.

Ngumuso si Ken at wala nang nagawa kundi sundin ang kaibigan. Alam niyang sobrang laking pabor ang hinihingi niya rito kaya ang magagawa na lamang niya ay sundin ito.

Bumili siya ng tatlong wigs, isang short hair, mid length at long hair. Totoong buhok ang ginamit kaya mahal. Pinili niya 'yon para mas maging makatotohanan ang kanilang pagpapanggap.

Pagkatapos ay namili na rin sila ng mga damit. Dito ay wala ng nagawa si Justin kundi ang isukat ang mga damit. Palihim pa nga nila itong ginawa kasi baka kung ano'ng isipin ng mga tao. Nang makapili na sila ay nakahinga naman ng maluwag si Justin.

"Excited na akong isuot mo 'to. Mamimeet ko na rin sa wakas ang girlfriend ko." Biro ni Ken. Sinamaan siya ng tingin ni Justin. Nagmeryenda muna sila bago bumalik sa kanilang dorm.

"'Pag tayo nabuking, isusumpa talaga kita."

"Grabe ka naman sa akin. Hindi tayo mabubuking, ano ka ba? Trust me."

"Ang problema wala akong tiwala sa'yo." Ngumuso si Ken sa sinabi ng kaibigan.

—

"Try mo na 'to Jah." Inabot ni Ken ang wig na maikli. Nasa dorm na sila.

Kahit naiinis ay wala nang nagawa si Justin kung hindi ang isuot ang wig. Pagkasuot niya ay tiningnan niya ang sarili sa salamin.

"Pangit! Hindi bagay sa akin."

"Hindi ah. Bagay kaya sa'yo." Pangungumbinsi ni Ken sa kanya pero tinanggal niya agad.

"Akin na 'yong isa." Binagay agad ni Ken ang mid length na wig at sinuot ni Justin.

"Para ka na talagang babae Jah." Saad ni Ken habang tinitingnan ang reflection ni Justin sa salamin. "Okay na ba 'yan sa'yo?"

"Try ko nga 'yong isa pa." Tinulungan na siya ni Ken na isuot ang panghuling wig.

"Woah! Ang ganda mo Jah." Natulala si Ken sa nakita. Sa isip niya si talaga Justin ang pinakamagandang taong nakita niya pero syempre hindi niya 'yon sasabihin kay Justin. Lalaki ang ulo nito panigurado.

Maski si Justin ay hindi na halos makilala ang sarili. Hindi niya inaasahang tama nga pala talaga ang sinasabi ng mga tao sa kanya na mas maganda pa siya sa mga babae.

"O baka mainlove ka niyan sa akin ha." Biro niya kay Ken.

"Hmm. We'll see." Pinangunutan niya ng noo ang kaibigan. "Joke lang! Try mo naman 'tong damit."

"Ayoko na! Tama na ang wig ngayong araw. Pagod na ako." Humiga na si Justin sa kama niya at umupo naman sa tabi niya si Ken.

"Sige. Bukas naman. Pahinga ka na. Ililigpit ko lang 'to."

—

"Wow. May chocolates ka na naman. Gusto ba niyang secret admirer mo na magkadiabetes ka?" Umupo na si Justin habang tinitingnan ang mga chocolates na nakapatong sa mesa ni Ken.

"Sa'yo na. Hindi naman ako mahilig diyan." Inilipat ni Ken ang mga chocolates sa mesa ni Justin.

"Ayoko nga. Baka may lason pa 'yan." Binalik niya ulit ito sa mesa ni Ken.

"Who wants chocolates?" Anunsyo niya sa mga kaklase na malugod ding tinanggap ng mga ito.

"Thank you Ken!" Sabay-sabay nilang sabi.

"What if imeet mo na 'yang secret admirer mo para siya na ang ipakilala mo sa parents mo."

"Ayaw! All set na tayo eh. Excited na nga ako. First time kong maging excited na umuwi." Hindi na kumibo si Justin.

Hindi pa niya namimeet ang mga magulang ni Ken pero ang alam niya ay hindi maganda ang relasyon nila. Parati nitong pinipressure ang kanyang kaibigan sa lahat ng bagay katulad na lang sa pagpapakilala sa girlfriend nito.

Isa iyon sa tumulak sa kanya na umoo sa suhestiyon ng kaibigan kahit na labag sa kanyang kalooban.

—

"Mauna ka ng umuwi. May practice pa kami sa basketball."

"Okay."

"Uy! 'Wag kalimutan ha!" Kumindat si Ken sa kanya bago ito umalis kaya napairap na lamang siya.

Naglakad na siya papuntang school dormitory na walking distance lang din mula sa campus.

"Justin. Pauwi ka na?" Hinarang siya ni Stell, ang matagal nang nanliligaw sa kanya.

"Ano sa tingin mo?" Pagtataray niya rito.

Ang hindi niya maintindihan ay bakit siya nito nagustuhan at bakit hanggang ngayon hindi pa rin ito sumusuko kahit na ilang beses na niyang sinabing hindi siya interesado rito.

"Sungit naman. By the way, pwede ba kitang yayain this weekend? Gala naman tayo oh."

"May plans na ako this weekend." Halata namang nalungkot si Stell.

"What if sa next weekend?"

"Hindi ako pwede sa lahat ng weekend."

"Iniiwasan mo lang ako eh. Hatid na lang kita." Kelan ba 'to titigil?

"Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko." Pagmamatigas niya.

"I insist though."

"I insist too."

To be continued . . .

[vee: Just a heads up. More on narration po tayo sa story na 'to. Thank you everyone for joining me on my new story! 💕]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter