Back
/ 23
Chapter 4

FI 2

FAKE IT | A KENTIN AU

"Hoy! Magsalita ka naman! Mukha na ba akong tanga?" Kanina pa kasi nakatitig si Ken sa kanya at nakaramdam na siya ng ilang.

"Oh! Sorry. Ang ganda mo kasi." Napakamot si Ken sa batok niya. Naramdaman ni Justin ang pag-init ng mukha niya.

"Sheesh! Tara na nga. Baka malate pa tayo." Kinuha na niya ang handbag niya at nauna ng naglakad. "Wait. Ang hoodie ko pala." Sinuot muna niya ang oversized hoodie niya para ikubli ang suot niya pati buhok niya.

Natatawa si Ken na pinapanuod ang kaibigan na nahihirapang isuot ang hoodie niya kaya tinulungan niya ito.

"Ayan! Parang bata." Sabi niya rito nang maisuot na ni Justin ang hoodie.

Buti na lang at may sasakyan si Ken kaya naisalba si Justin sa kahihiyan kung sakaling nagcommute sila.

Pagkarating nila sa bahay ng mga magulang ni Ken ay doon na sila nakaramdam ng kaba.

"'Wag na kaya tayong tumuloy. Kinakabahan ako Ken."

"Ako'ng bahala. Promise." Bumuntong hininga muna si Justin bago lumabas ng kotse. Sumunod na rin si Ken.

"Should we . . . hold hands now?"

Apat na taon na silang makakaibigan pero ni isang beses ay hindi pa nila nahahawakan ang kamay ng isa't isa.

"I think?" Ken slowly reached out for Justin's cold hands and intertwined it to his. He never felt this unexplainable sensation in his body before after touching someone's hand.

"Let's go." Pumasok na sila sa bahay at sinalubong agad sila ng mommy at daddy ni Ken.

"Hello po Tita." Nagmano muna si Justin sa mama ni Ken. "Hello po Tito." At daddy rin niya.

"Ang gandang bata naman nito." Ken's mom chimed in adoration. Ken's dad nods in agreement. "What's your name?"

Patay! Ano pala ang pangalan ko?

"She's Jewel mom." Napalingon agad si Justin kay Ken at ngumiti lang ito sa kanya. Ken lightly squished his hands. He calmed down instantly.

"You have a beautiful name. It suits you. Let's go to the dining room. I know gutom na kayo." Ken's parents ushered them to the dining room.

Magkatabi ang dalawang makaibigan at kaharap nila ang mga magulang ni Ken.

"So how did you two meet? Kailan pa naging kayo? At bakit hindi mo sinasabi sa amin Ken? Kung hindi ka pa namin pinilit hindi mo pa siya ipapakilala sa amin."

"Hon, isa-isa lang. We have all the time."

"Okay. I'm sorry. So?"

Nagkatinginan silang dalawa. Napag-usapan kasi nilang si Ken na lang ang sasagot sa mga tanong.

"Schoolmate po kami. Nakasama ko siya sa isang event dati tapos ayun. Last year ko siya niligawan and . . . 2 months ago sinagot na niya ako."

"Bago lang pala talaga kayo. Kaya pala parang awkward pa kayo sa isa't isa." Napakagat labi si Justin sa sinabi ng mama ni Ken. Kamuntikan na pala silang mabisto kung gano'n. "So that's the reason why it's hard for you to go home because you already have a girlfriend."

"No mom. Busy lang talaga sa school." Depensa ni Ken.

"Let's eat?" Pagyaya ng daddy ni Ken para matapos na ang pang-uusisa ng kanyang asawa sa kanilang anak. Kumain na muna sila habang nagkukwentuhan.

"Hi. Am I late?" Napalingon silang lahat sa bisitang dumating.

"Paulo anak!" Lumapit agad si Paulo at niyakap ang mga magulang ni Ken.

Tiningnan ni Justin ang kaibigan at hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang lalaking dumating.

"Umupo ka na. Sabayan mo na kami." Umupo si Paulo sa bakanteng upuan sa tabi ni Justin.

"Who is she?" Tanong ni Paulo nang mapansing may kasama silang hindi pamilyar na mukha.

"She's Jewel. Ken's girlfriend." Sagot ng mommy ni Ken.

"Really? Never heard of that. Hi I'm Paulo. Ken's cousin. Have we . . . met before?" Hindi maalala ni Justin na nagkita na sila nitong Paulo.

"Hello I'm Jewel. I haven't seen you before, I think."

"Ah okay. Congrats bro." Bati niya kay Ken at ngumiti lamang ito ng peke sa kanya.

Nagpatuloy lang sila sa pagkain at naging sentro na nang usapan ang kararating lang na si Paulo at ang kanyang mga achievements.

"Mom, can we go to my room?" Katatapos lang nilang kumain at gustung gusto na ni Ken ang umalis sa hapagkainan.

"Oh? Yeah go ahead. Did you bring . . . protection?"

Gusto na lang maglaho ni Justin dahil sa narinig. Muntik na niyang makalimutang nakabihis pambabae pala siya kaya gano'n na lang ang sinabi ng mommy ni Ken.

"Mom!"

"Okay. Okay." Nauna ng umalis si Ken at sumunod naman agad si Justin sa kanya.

Pagkapasok nila sa kwarto ay nakahinga na rin sila pareho ng maluwag.

"Okay ka lang?" Tanong ni Justin kay Ken. Umupo muna sila sa kama.

"'Di ba ako dapat nagtatanong niyan sa'yo?"

"Mukhang ayaw mo doon sa pinsan mo ah. Kaya ba ayaw mong umuuwi kasi parati kayong kinukumpara ng parents mo sa kanya?"

"He has all the qualities that they like. I can't blame them though."

"Magaling ka rin naman ah. Ikaw nga Top 1 sa batch natin tapos Captain ka pa ng basketball team."

"I'm not affectionate like him. Kita mo naman 'di ba? Mas tinatawag pa nilang anak si Paulo kesa sa akin."

"Iba-iba naman kasi tayo ng pagpapakita ng pagmamahal kaya 'wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya. Tsaka baka namisunderstood mo lang ang parents mo."

"Magpahinga ka muna. Uuwi rin tayo mamaya." Humiga na muna si Justin habang nagcocomputer games si Ken. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

*knock knock*

"Mom."

"Where's Jewel?"

"Natutulog po." Sinilip ng mommy ni Ken si Jewel at nakita nga niya itong mahimbing na natutulog sa kama ni Ken.

"Dito ba kayo matutulog ngayong gabi?"

"Uuwi rin kami mom. Wala siyang dalang damit."

"May hinanda ako. Dito na kayo matulog. Bukas na kayo umuwi."

"Pero mom hindi ko pa nasasabi sa kanya."

"Ako na ang bahalang magsabi sa kanya." Umalis na ang mommy ni Ken at sinarado na niya ulit ang pintuan.

"Ken?" Nagising si Justin pagkasarado ng pintuan.

"Mukhang napagod ka yata ah."

"Draining pala ang meet the family." Natatawang sagot ni Justin. "What time na ba?"

"4 PM"

"Uwi na tayo? Gagabihin na tayo sa daan."

"Uhm . . . sabi ni mommy dito na raw tayo matulog. Okay lang ba sa'yo?"

"H-ha?"

To be continued . . .

[vee: Late ang update ko tonight kasi nagkapower outage kami. 🙂 Pero as promised, here's an update for you all. 'Wag po kayong mahiyang magcomment ha. Share your thoughts po. Thank you.]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter