FI 3
FAKE IT | A KENTIN AU
"Akala ko hindi magkasya sa'yo ang pajama na binili ko. Buti at tama lang sa'yo. Ang tangkad mo pala." Nahihiyang ngumiti si Justin sa mommy ni Ken. Tiningnan niya si Ken at couple pajamas pa silang dalawa na may cat prints.
Mukhang pinagplanuhan talaga ito ng mommy ni Ken. Huehue Akala ko ba isang araw lang ako rito? Bakit umabot pa sa sleep-over?
"Graduating na kayo 'di ba?" Tumango si Justin. "After ng graduation niyo, pwede na kayong magpakasal. Kami ang bahala." Nasamid si Justin sa iniinom niyang tea dahil sa narinig. Hinagod agad ni Ken ang likod niya.
"Mommy! Ano'ng kasal? Ang bata pa namin para diyan." Pag-angal ni Ken. Natatawa naman ang daddy ni Ken na nakikinig lang sa usapan.
"Kami nga ng daddy mo hindi pa kami nakagraduate, nagpakasal na agad kami."
"Mom, iba naman kasi ang panahon noon kesa ngayon."
"Pareho lang 'yon! Every weekend inaasahan kong dito kayo sa bahay ha. Okay lang naman sa'yo Jewel 'di ba?"
"Ah . . . HA HA . . . umuuwi rin po kasi ako sa amin 'pag weekend Tita."
"Ah gano'n ba? Salitan na lang. Sa susunod na linggo, dito ulit kayo." Pinandilatan ni Justin si Ken. Ano ba 'tong gulong pinasok mo sa akin Ken?!
"Mom, busy rin kami sa school. Graduating na kami 'di ba? Mahihirapan kami kung uuwi kami parati."
"Nagdadahilan ka lang eh. Okay naman kay Jewel. 'Di ba anak?" Naku! Naging anak pa nga ako!
"Ah s-sige po Tita."
"See? Okay kay Jewel." Malapad ang mga ngiti ng mommy ni Ken.
â
"Ken! Akala ko ba isang araw lang 'to?" Nasa kwarto na sila matapos nilang magpaalam na matutulog na sila.
"Tinanggihan mo sana si mommy. Umo-o ka rin. Ano pa'ng magagawa natin?"
"Hello?! Paano ko naman siya tatanggihan?"
"Kaya nga. Hindi ko rin alam. Matulog na tayo. Saka na natin isipin 'yon."
"Saan ako matutulog?"
"Sa kama. Saan pa ba?"
"Ikaw?"
"Sa kama rin. Kama ko 'yan 'di ba?"
"You mean tabi tayo? Baliw ka ba? Ayoko nga! Doon ka sa sofa."
"Hindi ako kasya doon 'no? Malaki naman ang kama ko. Kasya tayo diyan."
Hindi alam ni Justin pero naiilang siyang makatabi si Ken. Matagal na silang magkaibigan pero hindi pa naman sila nagkatabi sa iisang higaan.
"Tsaka baka pumasok si mommy rito tapos hindi tayo magkatabi. Baka kung ano pa ang isipin."
"Eh mas lalong may iisipin kasi nga magkatabi tayong matutulog. Baka nakakalimutan mong babae ako sa paningin niya."
"Hindi 'yan. Matutuwa pa nga 'yon eh." Ang weird ng parents niya! Huehue
Wala nang nagawa si Justin kun'di ang tumabi kay Ken.
"'Wag kang didikit sa akin ha." Babala niya rito.
"Oo na!"
â
"Gisingin ko na muna 'yong dalawa para makapag-agahan na." Paalam ng mommy ni Ken.
"Hon, let them sleep. Minsan na nga lang umuwi 'yang anak mo."
"Lalamig na 'yong pagkain oh."
"Gusto mo lang talagang usisain 'yong dalawa. Ikaw talaga." Ngumiti ng malapad ang mommy ni Ken.
Hindi ito nagpa-awat ang pinuntahan nga ang kwarto ng kanyang anak. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at nakitang magkayakap ang dalawa habang mahimbing na natutulog. Mamaya na lang. Hihihi.
"O saan na 'yong dalawa?" Bungad na tanong ng daddy ni Ken.
"Mahimbing pa ang tulog tapos magkayakap pa ang dalawa." Pabulong na sabi nito habang malapad ang ngiti.
"Pinepressure mo na agad na mag-asawa 'yang anak natin. Baka mamaya maghiwalay rin 'yan sila."
"Hon! 'Wag mo ngang sabihin 'yan! Baka majinx! Tsaka tumatanda na tayo. Gusto ko na ng apo."
"Gusto ko rin naman pero let them decide on their own."
"Okay."
â
Nagkagulatan silang dalawa nang mapagtantong magkayakap sila.
"'Di ba sabi kong 'wag kang didikit sa akin?! Bakit nakayakap ka na sa akin?" Niyakap ni Justin ang sarili niya at pilit na lumayo kay Ken.
"Ikaw kaya 'yong nakayakap sa akin!"
"So hindi pala yakap 'yong nakapulupot ang mga braso mo sa akin?!"
"Ikaw rin naman ah! Nakasubsob pa nga mukha mo sa dibdib ko."
Napagtanto nilang kasalanan naman nila pareho kaya tumahimik na lang sila.
Tumayo na si Justin at inayos ang muna ang damit niya. Inayos na rin niya ang wig niyang nagkabuhul-buhol na.
"CR munaâ"
"Magbabanyoâ" Sabay nilang sabi.
"Mauna ka na." Sabi ni Ken.
"Hindi. Mauna ka na. Bahay mo naman 'to." Sagot din ni Justin.
"Justin"
"Okay" Dali-daling pumasok si Justin sa banyo.
Sa hindi malamang dahilan ay nagiging aware na si Justin sa presensya ni Ken na dati naman ay hindi niya iniisip kaya gano'n na lamang ang naging reaksyon niya nang malamang magkayakap sila.
"Jah, uuwi ka sainyo this weekend?" Nasa food court sila ngayon kumakain.
"Oo. Bakit?" Sagot niya nang hindi tinitingnan si Ken.
"Pwedeng sumama? Hehe Ang boring kasi kapag wala ka."
"No! Ayoko! Maghiwalay muna tayo. Magkasama na tayo no'ng weekend tapos gusto mo na naman sumama sa akin this weekend? No. Gusto kong magpahinga." Ngumuso si Ken at hindi na ginalaw pa ang pagkain niya.
"Ano na naman Ken? Hindi ka ba nagsasawa na parati na lang tayong magkasama? 24/7 na tayong magkasama oh! Magkaklase pa tayo, tapos magkasama pa tayo sa iisang dorm. Humanap ka nga ng iba mong kaibigan."
"Ayoko nga! Ikaw lang ang gusto ko."
To be continued . . .
[vee: Early update because our internet is not interneting haha]
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ