Back
/ 35
Chapter 14

13

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Pa!" bulalas niya nang pagbuksan ang ama. "P—Pasok ho."

Nagising siya dahil sa sunod-sunod na katok.

"Hindi pa kayo gising?" tanong ni Danilo.

"K—Kakagising lang ho," sagot niya saka napasulyap sa name plate ng amang nakauniporme. "Hindi pa ako nakapagluto ng breakfast pero gusto mo ng coffee?"

Pumasok si Danilo at sinuri ang paligid. Napatingin siya sa gym equipments na nasa tabi ng sala. Ano pa nga ba ang aasahan niya kay France? Eh mukhang pagpapa macho lang ang ginagawa nito. Ganun naman ang mayayaman, puro gym.

"Bigyan mo 'ko ng black coffee."

"Ah, sige ho," sabi niya at agad na tumungo sa kusina. Buti at may nakahanda na sa coffee machine dahil madalas na nagkakape si France.

"Ito na ho," sabi niya nang bumalik sabay lapag ng kape sa center table. "Kumusta po si Mama?"

"Mabuti naman. Ikaw? Sinasaktan ka ba niya?" Humigop si Danilo ng kape.

"Hindi ho, mabait naman siya sa akin kaya 'wag kayong mag-alala," sabi niya saka naupo sa tabi ng ama at niyakap ang braso nito. "P—Pa, sorry."

"Hindi kita pinalaking pariwara, Danica!" sabi ni Danilo. "Ginagawa ko lang ito para sa kapakanan mo!"

"Alam ko po, pa," sabi niya saka isinandal ang ulo sa balikat ng ama. "Mali ko naman po talaga pero sana mapatawad mo ako at 'wag mo hong idamay sa galit mo si France kasi ako po talaga ang may kasalanan."

"Lalaki ako, Danica! Papunta ka pa lang, pabalik na ako!"

"Pa naman, baka ma-highblood ka po," sinubukan niyang maglambing sa ama. Mahal niya ang mga magulang pero minsan nagiging makasarili na talaga siya. Mula nang tumuntong siya ng kolehiyo, naging pabaya na siya sa pag-aaral at mas inatupag niya ang sariling kaligayahan.

"Nasaan na ang lalaki mo? Gisingin mo at kausapin ko!"

"Ahm... nasa family ho niya," pagsinungaling niya para pagtakpan si France dahil hindi naman niya alam kung saan ito pumunta kagabi o kung nakauwi na ba?

"Sa ganito kaaga?"

"P—Pa, doon ho siya natulog kagabi," sagot niya.

"Hindi ba kayo okay at iniiwanan ka niyang mag-isa rito, Danica? O baka naman inaabuso ka na niya?" tanong niya sabay suri sa katawan ng anak kung may pasa.

"Pa naman, hindi ah. Masyado kang exaggerated," ani Danica.

"Kapag saktan ka niya, wag kang magdalawang-isip na sabihin sa akin dahil malalagot talaga siya sa akin!"

Napatingin sila nang bumukas ang pinto ng kwarto ni France at lumabas ang binata.

"Morning," bati ni France saka lumapit kay Danilo at nag-bless. "Pa, napadalaw ka ho?"

"Sabi mo sa pamilya niya ito natulog?" tanong ni Danilo kay Danica.

"Ah—" napakagat sa ibabang labi si Danica. Hindi niya alam na umuwi pala ito kagabi.

"Ayaw ko na ho siyang gisingin kaya sa kabilang kwarto na ako natulog," sagot ni France saka lumapit kay Danica at naupo sa tabi nito saka hinalikan ito sa kanang pisngi. "Sorry kung hindi na kita ginising, fiancée."

Napatitig si Danica sa binatang ang fresh tingnan kahit kakagising lang pero agad na iniwas ang tingin nang makaramdam ng tuwa sa dibdib. Alam naman niyang peke lang ang pagiging sweet nito pero bakit parang kinikilig ang lintik niyang puso?

"Dito ka na mag-breakfast, Pa. Magluluto ako ng makakain natin," sabi ni France kahit na ang totoo, kinakabahan sa harap ng ama ni Danica.

"Wag na, late na ako sa trabaho. Napadaan lang ako para tingnan kung inaabuso mo ang anak ko," sabi ni Danilo saka tumayo.

Inakbayan ni France ang dalaga. "Don't worry, Pa. Ako ho ang bahala sa anak ninyo. Hindi ko ho pababayaan itong fiancée ko," sabi niya. Syempre iyon naman ang gustong marinig ng mga magulang kaya sasabihin na niya. Alangan naman magsinungalong siya, baka kung ano pa ang gagawin nito sa kanya. Kahit paano, kailangan pa rin niyang galangin ang nakakatanda sa kanya.

"Alis na 'ko," sabi ni Danilo kaya napatayo si Danica at hinatid ang ama sa pintuan.

"Ingat ka lagi sa trabaho, pa," sabi niya saka niyakap ang ama.

"Sige na," ani Danilo at umalis kaya isinara na ni Danica ang pinto pero nagulat siya nang pagharap ay nakatayo si France sa kanyang harapan. "H—Hindi ko alam na nakauwi ka na pala."

"Yeah," ani France na hindi na itinama ang sinabi ni Danica dahil ang kasama naman talaga niya kagabi ay kaibigang kakarating lang galing ng Madrid pero umuwi rin siya kaagad.

"M—Magluluto lang ako," paalam ni Danica nang hindi na kata ang presensya ng binata saka agad na tumungo sa kusina para magluto ng tocino at itlog matapos isinalang ang sinaing.

Hindi niya maiwasang isipin ang eksena nila ng ama kanina. Napangiti siya nang maalalang tinawag ni France na papa ang kanyang ama. Ang sarap lang pakinggan. Umiling siya sa naisip. Mali. Mali.

"Is it cook?" tanong ni France na tumayo sa likuran ni Danica habang binaliktad ang tocino.

"Y—Yes," sagot niya na takot kumilos dahil ramdam niyang halos magkadikit na ang likod niya at harap ng binata.

Pinatay ni France ang electric stove kaya napa-move forward ng isang hakbang ang dalaga.

"Can I taste it?" tanong ni France.

"Sure!" pagpayag niya saka dinampot ang tinidor at kumuha ng isang piraso at humarap sa binata. Mali ata dahil ngayong magkaharap na sila, mas lalo siyang kinakabahan. He opens his mouth kaya wala siyang choice kundi subuan ang binata.

Hindi niya maalis ang mga mata sa mukha ni France habang ngumunguya ito. Ang hot nito tingnan kapag gumagalaw ang adams apple kapag mapalunok.

"It tastes good," sabi ni France saka inagaw ang tinidor na hawak ng dalaga at tumusok ng isa pang hiwa. "Here, try it."

"Hindi—" Napilitan siyang isubo nang sinubuan siya ni France.

"Sarap, di ba?" tanong ni France na nag-i-enjoy sa reaksyon ni Danica.

Marahang tumango si Danica. Ano ba ang iniisip niya? Simpleng tocino lang 'to na madalas niyang kinakain sa breakfast pero bakit parang mas lalong sumarap? Jusko naman!

Hinawakan ni France ang magkabilang pisngi ng dalaga saka pinatingala ito sa kanya. "I want more," sabi ni France sabay halik sa mga labi ni Danica dahil alam niyang hindi ito tatanggi sa kanya.

Hinapit niya ito sa bewang para magkadikit lalo ang mga katawan nila. Ang tamis ng mga labi ni Danica lalo na't lasa pa ng tamis ng longganisa sa bibig nila kaya mas lalo pa niyang diniin ang mga labi nito na para bang may matamis na katas na sinisipsip dito. Pareho lang naman sila ng ginagawa ni Danica kaya mas lalo pang lumalim at pumusok ang mga halik.

Nang halos mawalan ng hangin, pansamantala niyang iniwan ang mga labi ni Danica at ibinaba ang mga halik sa leeg patungo sa balikat. Muli niyang itinaas ang mga halik hanggang sa magpantay ang mukha nila.

"Do you still have a period?" malambing na tanong niya.

Napalunok ng laway si Danica. She wants to lie! Kaunting patak na lang din naman ah.

"Y—Yes," sagot niya nang maalalang ayaw pala ni France ng sinungaling dahil malalaman din naman nito. "M—Maliligo muna ako," paalam niya sabay takbo patungo sa kwarto dahil hindi na niya alam kung paano harapin si France. Habang tumatagal, lalong lumalakas ang charisma nito.

------------------

"Good evening ho," bati ni Pablo nang pumasok sa private room dito sa hospital. One week nang na-ospital ang lola niya pero ngayon lang siya nakadalaw dahil busy lately pero updated naman siya sa status nito.

"Apo," nakangiting sabi ng lola niya.

"La, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sabay halik sa lolang naka-semi fowler's position sa kama.

"Heto, medyo malakas na," sagot nito. "Hija, pakitaas naman ng ulo ng bed ko," pakiusap nito kaya tinaasan ni Bia ang head part ng kama. "Ayan, tama na."

"Kumain na ba kayo, lola?" tanong ni Pablo.

"Oo. Mabuti at napadalaw ka. Akala ko titiisin mo na ako," nagtatampong sabi ni Lola Anita.

"Busy lang po sa school," sabi ni Pablo. Hindi siya close sa lola niyang ito dahil pakiramdam niya, may favoritism ito at mukhang ayaw nito sa mommy niya. Mula noong bata, hindi talaga niya ramdam na mahal siya nito. Nakikipag-usap lang ito sa kanya dahil apo siya nito. Ganun naman siguro, hindi maiwasang hindi ikaw ang favorite ng lolo't lola.

"Anong nangyari sa mukha mo? Napaaway ka na naman?"

"Naaksidente lang ho ako sa basketball, Lola," pagdadahilan niya. Nagpa-practice na siya bago pa makarating dito dahil alam niyang magtatanong ito.

"Nakong bata ka. Hindi mo talaga iniingatan 'yang gwapo mong mukha!" sabi ni Lola Anita.

"Labas lang ho muna ako," paalam ni Bia. Nagpa-partime siya sa pag-alaga sa lola ni Pablo kaya alam niyang mabuting tao si Pablo. Mapagbigay rin ito sa mga katulong kapag bumisita sa bahay kaya paborito ito ng mga katulong sa mansion. Kaya nga boto siya kay Pablo para kay Danica dahil alam niya kung paano ito makitungo sa katulad niyang hindi pinagpala sa kayamanan.

Naupo siya sa labas ng private room para magkaroon ng privacy ang maglola.

Matagal nang patay ang lolo ni Pablo. Na-admit si Lola Nancy dahil biglang natumba habang namimitas ng mga bulaklak sa garden.

"Bia," tawag ni Pablo nang lumabas. "Salamat sa pag-alaga nang maayos sa lola ko."

"Walang anuman, trabaho ko iyon," sagot ni Bia at ngumiti.

"Bia, may tanong ako."

"Tungkol ba kay Danica?" hula niya.

"Oo," sagot ni Pablo. "Alam kong close kayo kaya magsasabi siya sa 'yo. Totoo ba na may nangyari sa kanila ni Komi?" usisa ni Pablo.

"Hindi ko alam," pagsinungaling ni Bia. "Alam mo namang hindi na kami gaanong close kaya hindi na siya nagkukwento sa akin pero kung ako ang tatanungin, hindi totoo yung sa kanila ni Komi." Hindi naman siya sinungaling dahil wala naman talagang Komi at Danica pero syempre hindi niya iyon masabi kahit kanino dahil sikreto iyon ng kaibigan niya at ayaw niyang pangunahan. Isa pa, may laban ba si Pablo kay France? Mukhang malabo. Unless, mag-give up ang dalawa sa kasunduan nilang kasam in the future.

"Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko," pag-amin ni Pablo. "Alam mo kung gaano ko kamahal si Danica, saksi ka roon , Bia."

"Kaya nga," pagsang-ayon ni Bia. "Pero hindi ko hawak ang utak ng kaibigan ko, Pablo." Ang swerte ni Danica dahil marami ang may nagkakagusto rito. Kung sya ang papipiliin para kay Danica, si Pablo na iyon pero noon 'yun nang hindi pa dumating si France Gonzales sa buhay ng kaibigan. Si Danica pa rin kasi ang masusunod dahil ito ang nakikisama.

"Sige, ikaw na ang bahala sa lola ko," paalam ni Pablo saka dumiretso sa night club dahil naghihintay ang mga kaibigan nila.

"Oh, bruh!" bati ni Gian kasama si Jannah. "Nasaan na si France?"

"Wala pa ba rito?" tanong ni Pablo.

"Akala ko magkasama kayo," sabi ni Jannah.

"Hindi a. Dumaan pa ako kay lola," sagot ni Pablo at naupo sa tabi ni Jannah saka kumuha ng isang bote ng alak.

"Kumusta na si Lola Anita?"

"Ayun, gumagaling na," sagot niya at nagsimulang tumungga ng alak. Ito ang kailangan niya ngayon. Sa dami ba naman ng problema niya, hindi niya alam kung paano harapin ito. "Bakit ganyan ang suot mo?" puna niya dahil halos labas na ang dibdib ng kaibigan sa suot na bestidang hanggang tuhod.

"Anong masama sa suot ko?" tanong ni Jannah.

Hinubad ni Pablo ang jacket at pinasuot kay Jannah.

"Killjoy mo!" sabi ni Jannah.

"Kaya wala kang boyfriend kasi ganyan mga suot mo," sabi ni Pablo. "Hindi ka mapapansin ni France kapag ganyan ang suot mong mukhang kaladkarin."

"Ang kapal ng mukha mo!" inis na sabi ni Jannah pero muling nagbukas ng alak si Pablo at hindi na pinansin ang pinagsasabi ni Jannah.

"Oh, France!" masiglang bati ni Gian. "Akala namin hindi ka na darating."

"Ayaw ko na nga sana eh," tugon ni France at naupo kaharap sina Jannah, Pablo at Gian.

"Inom ka muna, dude!" sabi ni Gian sabay abot ng alak kay France.

"Thanks," sabi ni France.

Nagsimula na silang magkwentuhan habang umiinom. Mas pinili nilang manatili sa loob ng VIP at panoorin ang mga taong nagsasayaw sa labas kaysa makisali sa mga ito.

"Tawagan n'yo nga si Danica!" utos ni Pablo na tinamaan na ng alak. "Pakitanong kung bakit ayaw niya sa akin? Tang'na naman! Matapos kong alagaan, kay Komi lang pala ang bagsak niya?"

"Akala ko ba okay ka na kay Danica?" tanong ni Gian.

"Sa dami ng lalaki kay Komi pa talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Pablo saka muling uminom.

"Tama na," saway ni Jannah sabay agaw ng bote kay Pablo. "Lasing ka na eh."

"Hindi pa ako lasing!" sabi ni Pablo. "Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya pinili si Komi over me? Pwede namang si France o isang Villafuerte? Hindi yung—ugh! nevermind!"

"May fiancée na 'yan si France," sabi ni Gian.

"What? May fiancée ka na?" bulalas ni Jannah.

"Oh? Hindi mo pala alam," sabi ni Gian. "Kaya 'wag ka nang umasa sa kanya uy!"

"Bakit ba ako na naman nakita mo?" pikong tanong ni Jannah saka humarap kay France. "Seryoso, may fiancée ka na?"

"Yes," sagot ni France at napasulyap sa wrist watch. Mag-aalas dose na pala kaya kailangan na niyang umuwi.

"Dude, gaano ba kaganda 'yan para pakasalan mo, huh?" tanong ni Gian.

"Bata mo pa, marami pang babae riyan, France!" sabi ni Pablo. "Kung hindi lang din naman kasingganda ni Danica, 'wag ka nang mag-asawa!"

"Puro ka Danica!" saway ni Jannah. "Saan na ang fiancée mo?"

"Sa bahay," sagot ni France at napa-de kwatro habang ang mga kamay ay inunat niya sa upuan na parang nakadipa para ma-relax.

"What? Nagsasama na kayo?" taong ni Gian. "Dude, dito ba sa Pinas ang fiancée mo? Akala ko ba nasa Europe."

"She's a filipina," sagot ni France.

"Sino nga ulit ang fiancée mo?" tanong ni Pablo dahil hindi sure kung nasabi na ba ni France sa kanila.

"Danica," sagot ni France.

"Danica?" ulit ni Gian saka tumawa. "Kapangalan din ni Danica! Pareho pala kayong biktima ng babaeng nagngangalang Danica."

"Yeah," pagsang-ayon ni Orange na kinuha ang baso saka uminom.

"Danica ano?" tanong ni Jannah dahil wala naman na siyang kilalang ibang Danica. "Anong apelyido?"

"Villanueva," sagot ni France kaya napatigil si Pablo sa pag-inom ng alak. Pati si Gian ay napatigil sa pag-type sa cellphone dahil sa narinig.

Inilapag ni France ang baso saka tumayo. "Mauna na ako, baka hinihintay pa ako ng fiancée ko," paalam niya  bago pa maka-recover ang mga ito sa pagkabigla.

"D—Di you just say Danica Villanueva?" hindi makapaniwalang tanong ni Gian. "Iisang Danica lang ba ang pinag-uusapan natin?"

"Yes," pag-amin ni France saka lumabas.

"What a joke!" hindi makapaniwalang sabi ni Pablo nang matauhan. "Am I drunk? or he is just joking?"

Share This Chapter