Back
/ 35
Chapter 13

12

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Morning," bati ng dalaga nang maupo sa mesa para mag-breakfast.

"Morning," tipid na bati ni France na kumakain na.

Napatingin si Danica sa gym equipments na nasa tabi ng sala.

"Nandiyan na ba 'yan kagabi?"

"Ngayon lang dinala ng mga tauhan namin," sagot ng binata at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pinakiramdaman ni Danica ang binata pero busy ito sa kaka-cellphone habang kumakain. Obvious na ayaw siya nitong makausap kaya nagsimula na siyang kumain kahit na medyo naiilang.

"F—France?"  tawag niya nang maubos ng binata ang laman ng plato nito. Napatingin ito sa kanya na halatang hinihintay ang sasabihin niya. "G—Galit ka? I'm sorry kung—hindi ko talaga sinasadya, France. Hindi ko akalaing makaladkad kita sa ganitong sitwasyon. K—Kakausapin ko ang mga magulang natin lalo na si Papa na ako naman talaga ang may kasalanan."

"It's useless," disappointed na sabi ni France.

"Makikinig sila sa akin."

"Why we put all the blame on you, Danica? Matapang kang gumawa ng mga bagay-bagay pero hindi mo inisip ang consequences. Ganda lang ba ang mayroon sa 'yo?" seryosong tanong ni France. "Napaka-reckless mo but look at you—sunod-sunuran ka lang sa mga kaibigan. Hindi ka ba pwedeng mabuhay nang wala sila?"

"W—What do you mean na sunod-sunuran ako?"

Napapikit si France dahil sa totoo lang, hindi niya kayang tingnan ang katangahan ng mukha ni Danica. Syempre sanay siya sa ugali ng kapatid at ina na wala nang usap-usap, ngudngod na agad sa kalaban tapos bigyan siya ng fiancée na ganito?

"Bakit ba takot ka na mawalan ng kaibigan? Kung gusto mo ng tunay na kaibigan, tanggapin mo muna ang sarili mo. Manhid ka ba o nagbubulag-bulagan dahil takot ka sa katotohanan? Alam mo, hanggat wala kang balak na bitiwan ang matitinik na rosas, mas lalo kang magkakasugat. "

"Hindi naman ako sila bad influence sa akin eh," sabi ni Danica. Kung bumaba man ang grades niya, kasalanan niya iyon at kung may nangyari sa kanila ni France, choice niya pa rin iyon.

"Hindi porket maganda ka, eh, palagi nang may magtatanggol sa 'yo."

Tumayo si France saka dinala ang pinagkainan sa dishwasher saka bumalik sa kwarto para magpalit ng damit.

Nang lumabas ang binata, hindi ito nagpaalam sa kanya na aalis na kaya alam niyang galit nga ito sa kanya.

"Manhid ka ba o nagbubulag-bulagan dahil takot ka sa katotohanan? Alam mo, hanggat wala kang balak na bitiwan ang matitinik na rosas, mas lalo kang magkakasugat, "  umalingawngaw pa rin sa isip niya habang nagbibihis.

Ang mga kaibigan niya ang tinutukoy ni France.

"Pero sabi niya maganda ako," napangiting sabi niya habang inaayos ang bag. Napasulyap siya sa Birkins na bigay ni France.

Kinuha niya ang nga gamit sa Chanel at inilipat sa kabilang bag. Gagamitin niya ito dahil baka bawiin ni France.

Naupo siya saglit sa kama at nag-isip ng sa kanila ni Komi. Nakapagtataka lang na alam ng mga kaibigan na si France ang nasa kwarto pero bakit naniwala silang si Komi ang nakatabi niya? Kung mayroon mang magpapatunay na hindi si Komi ang kasama niya, sila iyon.

"----------FLASHBACK-------"

"Hey, gurl!" tawag ni Paula kay Danica habang umiinom sila. Medyo tipsy na nga si Danica kaya nag-pass siya sa bigay ni Jean. "Alam mo bang 'yung sa kabilang nagpa-party eh sina France 'yun?"

"Ay, true!" pagsang-ayon ni Jean.

"Eh ano naman?" tanong ni Danica na walang pakialam.

"Alam mo bang malaking isda si France kapag mabingwit?" tanong ni Jean at napangiti.

"Hingin na natin ang number niya," sabi ni Paula.

"Mahirap kaya niya lapitan," sabi ni Paula. "Hey, Danica. Tutal malakas naman ang karisma mo sa mga lalaki, ikaw na lang kaya ang humingi ng number niya."

"Bakit ako?" tanong niya.

"Because you can have it without flirting," sagot ni Liza saka uminom pa.

"What? Hindi ah. Ang yaman kaya niya kaya pass ako," tanggi niya.

"You can do it, sige na!" pangumbinsi ni Paula. "It's my birthday naman kaya baka pwedeng iyon na lang ang gift mo sa akin?" Late celebration na ito  dahil noong Monday pa ang birthday nito.

"Eh? Ayoko."

"Please. Just a present lang," pakiusap ni Paula na nangungusap ang mga mata. "Yun lang naman tapos hindi na ako hihingi ng favor ever!"

"Hindi nya iyon ibibigay."

"You can try naman eh. Sige na, please."

"Oh, ghad! Sa dami ng kasama niya, paano ko—"

"Oh, I know his room number," sabi ni Jean. "Balita ko matutulog siya rito kaya pwede namang tanungin mo siya privately para kapag ayaw niya eh, hindi ka mapahiya."

"Sige pero ngayon lang ha," pagpayag niya saka inagaw ang iinumin na sana ni Liza na alak.

"Hey, that's mine!" nakasimangot na sabi ni Liza.

"Sorry, need ko ng pampalakas ng loob," nakangiting sabi ni Danica.

"You can say no naman if you don't want," sabi ni Liza. "Hindi mo kailangang magpaka-cheapgirl para lang sa number."

"Hey, mind your own business, gurl!" saway ni Jean. "She's pretty kaya hindi siya magmumukhang cheap, noh! It's just a number."

"Yeah, eh bakit hindi ikaw ang mag-ask ng number niya,?" tanong ni Liza.

"Ako na," sabi ni Danica saka tumayo. "What's his room number again?"

----------END OF FLASHBACK--------

"Hala, new bag?" bulalas ni Jean nang pumasok siya kaya napatingin sila sa bag ni Danica.

"Oh my gosh! It's Hermés!" manghang sabi Liza. "And it's limited edition!"

"Is it original?" tanong ni Jean saka binuhat ang bag at sinuri. "Wala akong nakitang ganito sa Hermés the lastime I checked."

"Because it's not yet release in the market," sagot ni Liza.

"Paano ka naka-sure?" tanong ni Paula.

"My mom's friend is one of the richest family sa Europe so everytime na may i-release ang branded bags, pinapadalhan na siya ng sample agad bago pa i-release sa market. They are high level customers kaya sila na mismo ang nag-o-offer. I knew it kasi sinend ng mom ang pics ng bag ng mommy niya and it's the same nito. I think five lang ang ganitong design," mahabang paliwanag niya saka kinuha ang cellphone at tiningnan ang history ng convo nila ng ina. "Look oh. This is the bag. Same talaga."

"Saan mo 'to kinuha, Danica?" curious na tanong ni Paula. Mayaman sina Pablo pero parang sobra naman yata na magbigay ito ng ganito kamahal kung totoong original man. Mas lalo na si Komi eh, kuripot 'yun.

"Nakahanap ka ng AFAM, 'no?" tanong ni Jean.

"Hindi ah," tanggi ni Danica.

"What's AFAM?" curious na tanong ni Liza.

"A foreigner assigned to Manila," sagot ni Paula.

"Ah, 'yun pala ang meaning?" tanong ni Jean. "Now I know."

Ngumiti lang si Danica. Afam naman si France e.

"Ano na, gurl? Seryoso, may afam ka ba o kay Komi?" tanong ni Jean. Walang pera si Komi pero sa ugali nito, hindi malabong magkaroon nga ng panregalo kay Danica pero galing sa hindi nakaw.

"Bahala kayo kung ano ang isipin ninyo," sabi ni Danica. "Pero seryoso, hindi ko maintindihan kung bakit nang gabing iyon, si Komi ang nakasama ko," sabi niya kaya nagkatinginan ang tatlo.

"Yeah!" pagsang-ayon ni Liza. "I thought she was with—"

"Hindi rin namin alam," agad na sagot ni Paula. "Nalaman nga lang namin nang umagang 'yon nang makita namin na si Komi ang kasama mo."

"Baka maling room ang napuntahan ko," wika ni Danica. Wrong, hindi nila nakita si Komi dahil kung totoong nakita nila, bakit si France ang kasama niya? Unless, they're lying. Pero bakit parang sure na sure sila na si Komi iyon bago pa magpalabas ng photo? Ang problema, walang dine-deny o inaamin si Komi.

"Baka nga," pagsang-ayon ni Jean. "Uy, girls. Tara muna sa cafeteria, gusto ko ng coffee."

"Wanna come with?" tanong ni Liza.

"No, thanks. Kayo na lang," tanggi ni Danica kaya lumabas ang mga ito.

"Himala, hindi ka ata kasama ng friends mo," sabi ni Bia na naupo sa tabi niya.

"Wala ako sa mood," sagot niya.

"Pwedeng magtanong, Danica?"

"Ano?"

"T—Totoo ba ang issue sa inyo ni Komi?" alanganing tanong ni Bia.

"Bakit mo natanong?"

"Kasi hindi ako naniniwala na magagawa mo iyon," sagot ni Bia.

Nakaramdam ng lungkot si Danica sa narinig. Kung ito nga siguro ang lagi niyang kasama, sigurado siyang hindi nga niya magagawa iyon.

"Can I tell you a secret?" pabulong na tanong ni Danica.

"Ano 'yon?"

"Hindi si Komi ang nakasama ko noon," pag-amin niya kaya namilog ang mga mata ni Bia.

"Ibig sabihin, totoong may nakasama ka?"

Marahang tumango si Danica pero nagulat nang hinampas siya nang malakas ni Bia sa kanang braso.

"Gaga ka ba?" galit na sabi nito. "Anong nangyari sa 'yo? Danica naman!"

"Alam kong mali pero—"

"Walang pero-pero! Mali ka talaga! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, napapahamak ka lang!"

"Wag ka nang magalit."

"Sino ang walanghiyang lalaking 'yun, ha? Hindi naman si Pablo!"

"Hindi mo ipagkalat?"

"Tsismosa ba ako?"

"S—Si ano—si France," nakangiwing pag-amin niya kaya napataas ang kanang kilay ni Bia.

"Seryoso?"

"Oo."

"Okay," ani Bia saka napabuntonghininga. "Si France iyon o hindi, wala akong pakialam! Mali pa rin iyon! Hindi porket gwapo siya at mayaman, sige ka lang. Maganda ka kaya hindi pwedeng basta ka na lang susuko kasi si France Villafuerte Gonzales siya! Kailangan mo pa ring magparespeto sa kahit na sino!"

"I know," sagot ni Danica. "Pero wala naman siyang kasalanan eh."

"Anong wala eh—"

"Ako ang pumasok sa kanya!"

"What?" hindi makapaniwalang sabi niya pero nagulat nang hampasin na naman ni Bia.

"Gaga ka ba?"

"I know mali pero—I was drunk."

"Yan na nga sinasabi ko eh! Kapag may alak, may balak! Lasing ka o hindi, mali pa rin na samantalahin ka niya! Alangan naman ginahasa mo siya e sa laki ng taong 'yun! Hindi naman tatayo titi nun kung wala rin siyang gusto!"

"Bunganga mo," bulong ni Danica.

"Nagli-live in na kami," pag-amin niya na agad umiwas sa hampas ng kaibigan.

"Hala ka! Anong sabi ng papa mo? Buti hindi ka binaril!"

Ayun, nagkwento na siya kaya gumaan ang pakiramdam niya kahit na puro pagmumura ang narinig niya sa kaibigan.

"Pero seryoso, si France talaga? Sa kanya galing ang bags mo?"

"Oo nga."

"Hala ka, bakla! May gusto siya sa 'yo."

"Hoy, wala ah."

"Oh, shut up, Danica! Gusto ka talaga niya!"

"Hindi nga."

"Okay, kinikilig ako nang kaunti," sabi ni Bia at hinawakan sa balikat ang kaibigan. "Pero seryosong usapan, masaya ako kasi inamin mo sa akin 'yan."

Ngumiti si Danica. Nakakagaan ng loob dahil may napagsabihan siya ngayon.

Paunti-unti nang dumami ang tao sa classroom kaya iniba na nila ang topic.

------------------------

Pagpasok niya sa bahay, bumungad sa kanya ang topless na katawan ni France na gumagamit ng threadmill. Pawisan na ito habang nakasabit ang face towel sa kanang balikat.

"Hi," bati niya nang mapatingin ito sa kanya.

"Pwedeng paabot ng tubig?" pakiusap ng binata kaya kinuha niya ang mineral water na nasa lamesa at binigay sa binata.

"Thanks," pasalamat nito at tinigil ang ginagawa sabay pahid ng pawis sa katawan.

Napasulyap siya kay Danica na nakatingin sa kanya. "Pwedeng pakipunas ng likod ko, hindi ko abot." Inabot niya ang towel.

Kinuha ni Danica ang towel saka pinunasan ang basa ng pawis na likod nito.

"Okay na," sabi niya kahit na naiilang.

Humarap ang binata sa kanya kaya iniwas niya ang tingin. Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya.

"Sa dibdib ko pa," sabi ni France na nakayuko sa dalagang namumula ang magkabilang pisngi. Ayaw niyang mag-assume pero ganito ang mukha ng mga babaeng may crush sa kanya tapos nilalapitan niya noon.

Ramdam niya ang panginginig ng kamay ni Danica habang nagpupunas ito.

"Ay!" ani Danica nang mabitiwan ang towel kaya naglapat ang kamay niya sa matipunong dibdib nito. Rinig niya ang paglagabog ng kanyang puso.

"Tired?" tanong ni France sabay hawak sa kamay ng dalaga kaya napatingala ito sa kanya.

"M—May gagawin pa ako," sabi ni Danica sabay hila ng kamay pero hindi binitiwan ni France. Sa halip hinila siya nito palapit kaya napasubsob siya sa katawan ng binata. "F—France, magbibihis lang ako."

Hinawakan ni France ang baba niya kaya napatingala siya rito. Ramdam ni France na nahihirapan siyang huminga kaya yumuko ito at hinalikan siya sa mga labi.

Hindi alam ni Danica ang gagawin. Nanlalambot siya pero buti na lang dahil nakayakap si France sa kanya kaya hindi siya natumba. Napapikit siya nang tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Wala siyang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Wala rin siyang nararamdaman kundi ang mainit at malambot na mga labi ni France.

Tumigil si France at lumayo sa dalaga.

"Magbibihis lang ako," paalam ni France. "May pupuntahan ako kaya 'wag mo na akong hintayin mag-dinner."

"Okay," ani Danica saka mabilis na pumasok sa kwarto. Nang maisara niya ang pinto, napahawak siya sa dibdib para kumalma. Hindi man niya gusto pero sa tingin niya ay nahuhulog na ang loob niya kay France.

Share This Chapter