11
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Morning," bati ni Danica nang pumasok ito at naupo sa pwesto.
"Hi, morning," bati ni Paula. "Nakatulog ka ba nang maayos?"
"Hindi gaano," sagot niya.
"Wag mo nang isipin pa 'yun, lilipas din 'yan, ha," sabi ni Paula kaya ngumiti si Danica.
"Masanay ka na sa soc-med," sabi ni Jean.
"Danica," tawag ni Bia saka lumapit sa kanya. "May ibibigay ako sa 'yo."
"Ano 'yun?" tanong ni Danica na napatingin sa hawak nitong maliit na tupperware. "Eh? biko?" masayang tanong niya.
"Oo," sagot ni Bia at inilapag sa armchair ng kaibigan. "Dalhan daw kita kasi alam niyang favorite mo."
"Oh, thank you. Na-miss ko ang gawa ni Tita!" masayang sabi niya saka binuksan ang tupperware. "Gosh! I miss this! Guys, kain tayo!" yaya niya sa mga kaibigan.
"No, thanks. Busog pa ako," tanggi ni Jean.
"No offense ha but I don't usually eat sa hindi luto sa bahay or ng mga hindi ko kilalang tao kasi before nagka-amoeba na ako kasi pinakain ako ni yaya ng streetfoods, medyo maselan ang stomach ko," sabi ni Paula which is true naman. Nasabi na rin niya 'yan kay Danica.
"Okay lang," ani Bia pero sa isip, na-offend talaga siya. Parang sinasabi nito na hindi malinis ang mama niya sa pagluluto. As if sure siyang malinis ang kinakain sa restaurant. Ganun naman talaga ang mga mayayaman lalo na ngayong nasa private school sila. Sanay naman na siya, si Danica lang naman ang nakakatiis sa kanya noon.
"Can I taste it?" maarteng tanong ni Liza.
"Wag na, baka sumama pa ang tiyan mo, ako pa ang masisisi," nakasimangot na sabi ni Bia na masama pa rin ang loob.
"No. I won't blame you," ani Liza dahil na-curious sa pagkain. Sya pa naman ang taong gustong tikman lahat ng pinoy foods. "I ate streetfoods na at hindi naman sumakit ang stomach ko."
"Tikman mo, masarap," sabi ni Danica sabay subo kay Liza.
"Hmmm... it's delicious!" manghang sabi ni Liza. "Can I have some more?"
"Sure. Share tayo," sabi ni Danica kaya naupo sa tabi niya si Liza para maki-share ng kinakain.
Nang breaktime, hindi na sumama pa si Danica sa mga kaibigan bagkos nagpaiwan siya para makapag-review ng notes.
"Naiwan ka yatang mag-isa," sabi ni Bia.
"Busog na ako sa bigay mo. Thanks pala," pasalamat niya.
"Walang anuman," sagot ni Bia. "Kinukumusta ka pala ni Mama."
"Pakikumusta rin. Dalaw ako minsan sa bahay nyo kapag may time ha," sabi ni Danica dahil madalas siya noong mag-sleepover sa bahay nina Bia.
Gusto talaga niyang isama lagi si Bia pero ito na mismo ang tumatanggi kaya wala na siyang magawa. Kilala niya ito, hindi ito mapilit kapag ayaw pero sa puso niya, ito pa rin naman ang matalik niyang kaibigan kahit na madalas na lang silang nagsasama sa mga lakad.
"Sige, kung may time ka," pagpayag ni Bia. Anytime welcome ito sa bahay nila. Siya naman talaga ang naunang kaibigan bago sila. Yung feeling na naagawan siya pero wala siyang choice kundi tingnan itong masaya sa iba kasi alam niyang hindi ito nababagay sa pakikipagkaibigan niya. Pero masaya naman siya kasi nakikita niyang happy ito sa iba. Siguro ganun nga talaga na akala niya soul-sisters sila pero pagdating ng college, naging magkakilala na lang.
"Tara, labas tayo. Mamaya pa naman ang teacher," yaya ni Bia dahil wala ang prof nila sa next subject. "Sa library na lang kaya tayo mag-aral."
"Sure," pagpayag ni Danica. Syempre minsan lang magyaya si Bia kaya nahiya siyang tumanggi. Baka isipin nito na unfair siya.
"Uy, saan kayo pupunta?" tanong ni Jean nang makasalubong sila.
"Sa library," sagot ni Danica. "Tara na."
"No, thanks. Boring," sagot ni Jean.
"Ay, may ballpen ka, Danica?" tanong ni Lara nang mapadaan sila sa mga kaklase nila dahil may isusulat lang siya.
"Oo," sabi ni Danica saka binuksan ang bag.
"Uy, wow! Naka-chanel bag!" bulalas ni Lara kaya napatingin ang mga kaklase nila. Halatang bago pa ito dahil ni walang bahid ng gasgas at kumikinang pa sa bago. Isa pa, ngayon lang nilang nakitang may ganitong brand si Danica.
"Oo nga, noh. Wow! Naka-chanel ka," sabi ni Jean saka tiningnan ang bag ng kaibigan.
Napahigpit ang hawak ni Danica sa bag. Naiilang siya kasi hindi siya sanay na may pumupuri sa kanya lalo na pagdating sa gamit. Usually, may mga nagtatanong sa kanya ng skincare niya kasi ang kinis ng balat at mukha niya pero pagdating sa brands, hindi siya ang reliable sourse..
"BâBigay lang," ani Danica.
"Original ba 'yan o Class A lang?" usisa ni Lara.
"HâHindi ko rin alam," sagot ni Danica. Alangan namang ipangalandakan niyang totoo ang bag niya tapos fake naman pala. Pero hindi naman magbibigay ng fake si France eh.
"Ano naman kung class A lang ang bag niya?" sabat ni Paula. "Nasa nagdadala lang 'yun. Kahit na puro class A pa 'yang gamitin ni Danica, magaling siyang magdala."
"True," pagsang-ayon ni Jean. "Ang mahalaga may nagbibigay sa kanya fake or not."
"Oo nga pala, nandiyan naman si Komi," sabi ni Lara. Naikuyom ni Danica ang kamao. Oo, mahirap na siya at impossibleng magkaroon nga siya ng branded bags pero ang pangit naman na i-link siya kay Komi dahil lang may new bag siya.
"Ano naman kinalaman ni Komi rito?" sabat ni Bia na salubong ang kilay. "Hindi naman yata tama na tanungin ang isang tao kung original o fake ang bag niya dahil in a first place, hindi kayo ang gumagamit!"
"When it comes to face value, given na maganda si Danica pero pagdating sa class, nagmumukha siyang low class kapag itabi sa mga kaibigan," sabi ng isa nilang kaklase na hindi nakaligtas sa pandinig ni Danica.
"Kaibigan namin si Danica kahit na ano pa siya!" madiing sabi ni Paula saka ngumiti kay Danica na para bang nagsasabing okay lang ang lahat dahil tanggap naman siya ng mga ito.
"But it's true," ani Liza. Hindi naman kailangan ng proof kasi malalaman naman sa texture at mukha kung original or hindi eh. Magaling siyang kumilatis sa bags kasi puro original naman mga gamit niya at for sure ganun din sa mga kaibigan.
"And please, guys. It doesn't matter kung galing man ito sa lalaki or kung fake ito, she's still Danica that we know!" ani Paula.
"Friends kayo ni Danica and all your bags are original so you can differentiate kung fake or orig ang bag niya, right?" sabat ni France nang makitang na-humiliate na si Danica. Usapang babae pero hindi niya kayang manahimik na lang dahil involved ang fiancée niya. Rinig na rinig nila ang usapan ng mga ito kaya hindi na nya natiis pang makisawsaw. "There's a black card inside the bag to prove na original 'yan but don't waste your time explaining to close-minded people."
"France," ani Jean.
"Sorry pero napadaan lang," paumanhin ni France.
"Mahilig talaga kayong mam-bully. Lubayan nga ninyo si Danica!" sabat ni Pablo. "Hindi naman niya kayo inaano."
"Hindi naman nila inaaway si Danica, napag-usapan lang," mahinahong sabat ni Paula at napatingin kay Pablo. Kaya nga nagustuhan niya ito dahil napaka-caring at protective nito.
"Napag-usapan pero hindi mo itinama na original ang bag ni Danica," sabi ni France. "Ako na mismo ang nagsasabi, hindi fake ang bag ni Danica at wala na kayong pakialam kung paano siya nagkaroon!"
"At puro kayo Komi!" sabi ni Pablo. "Baka gusto ninyo si Komi, kayo na ang sumama!"
"True," segunda ni Paula. "Ano naman kung may nangyari kina Danica at Komi? Buhay nila 'yun!"
"Will you please shutup!" saway ni Pablo na kumukulo ang dugo kapag marinig ang pangalan ni Komi.
"Oh, here he is! Hoy, Komi!" tawag ni Jean nang makita si Komi. "Halika nga rito, saglit lang."
"Oh? Ano na naman?" naiiritang tanong ni Komi dahil ang daming tao.
"Para matapos na 'to ha! Aminin mo nga kung fake ba o totoo ang litrato ninyo ni Danica!" sabi ni Paula.
"Syempre fake!" agad na sabat ni Bia sabay hawak sa kamay ni Danica.
"Hindi ikaw ang kinakausap!" gigil na sabi ni Jean. "Ano na, Komi? Nang matapos na 'to!"
Lahat sila ay napatingin kay Komi na hinihintay ang sagod nito.
"Ayaw kong makialam sa topic na 'yan at wala akong maisasagot sa tanong ninyo," sagot ni Komi kaya nagtaka sina Paula. How come na hindi ito sasagot ngayon? Hindi ba't ito na ang chance nito para masabing totoo ang nangyari sa kanila ni Danica pero bakit parang nabahag ang buntot nito?
"PâPlease, tama na!" pakiusap ni Danica na pinipigilan ang mga luha. Tumalikod siya at dali-daling lumayo sa mga ito.
"Yeah, that's how women's empowerment works!" may panunuyang sabi ni France sabay smirk at iniwan sila.
"Kasalanan mo 'to eh!" paninisi ni Pablo kay Komi.
"Ako?" natatawang tanong ni Komi. "Bakit na naman kasalanan ko? Ah, kasi hindi ka makadiskarte sa matagal mo nang nililigawan? Kasalanan ko ba kung mahina ka kaya ka naagawan?"
"Gago ka pala eh!" galit na sabi ni Pablo sabay sugod kay Komi kaya napahiyaw ang mga estudyante nang masuntok nito sa mukha si Komi. Hindi naman nagpatalo ang si Komi at gumanti rin. Agad na sumugod ang mga kabarkada ni Komi para tumulong pero pumagitna si Komi.
"Kaya ko na 'to, mga brod!" pagpigil ni Komi na satisfy sa nakikitang duguang mukha ni Pablo kahit na siya ay duguan din. Napailing siya nang makita ang mga estudyanteng humarang para hindi siya makalapit kay Pablo. "Ah, lahat kayo dedepensa sa kanya, huh?"
"Matapang ka lang kasi may mga kaibigan kang katulad mong batugan!" sabi ni Pablo na pinigilan ni Gian.
"Hindi naman sila nakialam ah," panunuya ni Komi. "Ang sabihin mo, weak ka talaga!"
"Gago!"
"Mas gago ka!" asik ni Komi na nanlilisik ang mga mata saka tumalikod nang makitang tuloy-tuloy ang daloy ng dugo sa kilay ni Pablo. Isa pa, parating na ang guwardiya para pigilan sila.
"Kung ako, tinuluyan ko na ang hambog na 'yon," sabi ni Gian habang sinusundan ng tingin si Komi. "Uy, halika nga sa clinic! Pota, bruh! Para kang nanghihilamos sa dugo."
"Here, hâhandkerchief," alok ni Liza sabay bigay ng panyo kahit na nanginginig ang buong katawan sa takot.
"Pablo!" tawag ni Danica nang makasalubong sila papuntang clinic. "Anong nangyari?"
"Nagsuntukan sila ni Komi," sabi ni Gian kaya sumama si Danica sa clinic.
"Ugh!" ani Pablo dahil ang hapdi na ng sugat habang ginagamot ng nurse at doctor. Kailangan ng dalawang tahi dahil medyo malaki ang sugat.
"Tiisin mo lang," sabi ni Danica na nakatayo sa gilid ni Pablo.
"Dito ka lang," pakiusap ni Pablo at hinawakan ang kamay ng dalaga saka pinisil.
"PâPablo!" hinihingal na tawag ni Jannah nang pumasok. Hinampas niya sa balikat ang binata kaya napangiwi ito.
"Aw! Sadista mo!" daing ni Pablo na nabitiwan ang kamay ni Danica.
"Bakit nakipag-away ka na naman?"
"Bakit ba parang ako ang may kasalanan?" tanong ni Pablo.
"Sana hindi mo na pinatulan si Komi!"
"Ano? Hayaan siyang sisiga-siga rito?" pikong sabi ni Pablo. Kung hindi lang mali ang pumatay ng tao, baka matagal na niyang pinatay si Komi dahil sa ugali nito.
"Maiwan na kita," paalam ni Danica saka nginitian si Jannah. "Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan mo."
Bago pa man tumutol si Pablo, lumabas na siya. Lutang siya habang naglalakad patungo sa classroom. Sobrang daming problema na dumating sa kanya ngayon at hindi niya alam kung makakaya pa niya.
Nang hapon, nauna na siyang magpaalam sa mga kaibigan dahil sobrang sakit ng ulo nya.
"Mag-isa ka ata?"
Napalingon siya kay Komi na palapit sa kanya habang may hawak na sigarilyo. May bandage rin ang kilay nito pero mas matindi ang kay Pablo.
"Komi?" aniya saka tumigil at hinarap ang binata. Bahala na sa mga matang nanghuhusga sa kanila. "Bakit mo iyon ginawa?"
"Ang alin?"
Napabuntonghininga si Danica.
"Alam mong walang namagitan sa atin, Komi! AâAlam mo sa sarili mo naâ"
"Kung hindi ako, sino?" nakangising tanong ni Komi kaya iniwas ni Danica ang mga mata dahil hindi niya kayang makipagtitigan kay Komi.
"Isa ba sa mga kaibigan ko angâ"
"As of now, wala kang makuhang impormasyon sa akin, Danica."
Ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi naman pwedeng pilitin ito dahil baka mapikon at saktan pa siya kaya tumawid na siya saka sumakay pauwi ng bahay.
Pagdating, pabagsak na naupo siya sa sofa.
"Tired?" tanong ni France saka pumuwesto sa likuran ng dalaga at hinilot ang ulo niya.
"Kasalanan ko kung bakit nagbugbugan sila. France, masama na ba ako?" malungkot na tanong niya.
"Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkasakitan kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo," sabi ni France.
"Pero kung hindi dahil saâ"
"May alitan na sila noon pa kaya naipon na. Na-trigger lang dahil sa 'yo pero hindi ikaw ang ugat, okay?" sabi ni France saka mahinang hinila ang buhok ng dalaga para tumingala ito sa kanya. "Pag-isipan mong maigi ang mga nasa paligid mo, Danica. Hindi lahat ng kumikinang ay totoong ginto." Yumuko siya saka hinalikan ang dalaga sa mga labi.
Napapikit si Danica para lasapin ang mainit nitong mga labi. Ang bait ni France sa kanya kaya mas lalo siyang natakot. Natakot na aminin dito ang totoo.
Napamulat siya nang lumayo ang mukha ng binata.
"Magluluto lang ako," sabi ni France dahil baka ma-carried away na naman, eh may mentruation ang dalaga. Hirap kayang magpigil dahil masakit sa puson.
Sinundan ng tingin ni Danica ang binata. What if aminin niya kaya ang totoo rito? Ganun pa rin kaya ang turing nito sa kanya?
"FâFrance, may aaminin ako sa 'yo," sabi niya. Mas mabuti na 'to kaysa sa iba pa nito marinig. Tutal nagkandaletse-letse na rin ang buhay niya kaya isabay na niya lahat.
"What is it?" tanong ni France.
"WâWag kang magalit, please."
"As long na hindi ako iniiputan sa ulo, hindi ako magagalit."
"SâSinadya kong pumasok sa kwarto mo ng gabing iyon," pag-amin niya saka napakagat sa ibabang labi dahil sa kaba. "I wâwas likeâhindi ko talaga sinadya na may mangyari sa atin. It was just a deal."
Hindi sumagot si France pero nakatitig lang ito sa mukha niya kaya mas lalo siyang kinabahan.
"NâNapilitan lang ako dahil sa mga kaibigan ko peroâ"
"Hindi ko alam kung saan mo ginagamit ang utak mo," disappointed na sabi ni France saka tinalikuran ang dalaga.