10
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Bwesit na buhay 'to oh! What the hell!" gigil na sabi Pablo nang dumating si France sa tree park.
"Anyare diyan?" tanong ni France saka naupo sa ilalim ng punong mahogany sabay inom ng hawak na softdrinks in can.
"Naunahan na siya ni Komi kay Danica," sagot ni Gian saka tinapik si Pablo sa balikat. "Move on na, pre! Nakuha na eh. Kaya nga nagpapatigil na siyang magpaligaw sa 'yo, 'di ba?"
"Sabi ko na nga ba at may something sa kanila ni Komi eh! At alam ng barkada niya iyon!" ani Pablo. "Pero si Komi? Siya? Like what was wrong with her?" hindi makapaniwalang tanong ni Pablo. "Of all boys, siya pa? Anong nangyari kay Danica? Malabo ba ang mga mata niya para piliin 'yun kaysa sa akin? Hindi naman sa ano ha, pero 'di ba mas gwapo at mas matino naman ako kaysa kay Komi?"
"Sang-ayon ako sa 'yo, bruh!" ani Gian. "Pero wala na tayong magagawa, tinalo ka ng tambay sa labas."
"I cannot!" sabi ni Pablo na naikuyom ang kamao. "Kung si France ang pinili niya kaysa sa akin, matatanggap ko pa eh!"
"Pareho pa rin na hindi ka niya pinili," sabi ni Gian.
"Nandito lang pala kayo," sabi ni Jannah nang lapitan sila. "Bakit parang namatayan kayo?"
"Siya lang," sagot ni France sabay turo ng ulo kay Pablo.
"Fake news lang 'yon," sabi ni Jannah saka naupo sa tabi ni Pablo. "Alam mo 'yun? Syempre hindi naman natin alam ang tunay na istorya sa likod ng photo na 'yun. Malay mo, edited lang pala ang photo."
"Pinapatigil na niya ako sa panliligaw bago pa lumabas ang photo nila, sa tingin mo nagkataon lang yun? No! Sinabi niya na may iba na siya kaya wag na akong umasa pa!"
"Comfort mo nga 'yan, Jannah!" sabi ni Gian.
"Sabi naman kasi sa 'yo, hindi ka talaga gusto ni Danica dahil kung gusto ka niya, una pa lang sinagot ka na niya," sabi ni Jannah.
"Hindi ba ako gwapo?" wala sa sariling tanong ng binata.
"Para kang bata!" sabi ni Jannah saka piningot sa tainga ang binata. "Wag ka ngang ganyan! Ang isipin mo, siya ang nawalan at hindi ikaw!"
"Naglaan kasi ako ng oras sa kanya."
"Noon pa man sinasabi niya na wala kang pag-asa sa kanya," sabat ni Gian.
"Sabi niya hindi pa siya ready."
"Gano'n din 'yun! Jusko naman, Pablo!" pikong sabi ni Jannah.
"Naunahan ka tuloy ni Komi, ang hina mo eh!"
"CR lang ako," paalam ni France dahil kanina pa naiihi. Iniwan niya ang mga ito at naglakad patungo sa CR.
"Iyak ngayon si Pablo!" narinig niyang sabi ng mga pumasok dahil sa cubicle siya umihi.
"Naisahan ni Komi eh. Yun lang pala ang trip ni Danica, literal na badboy."
"Sinabi mo pa. Baka magaling talaga si Komi sa kama kaysa kay Pablo," natatawang sabi ng isang kasama nito.
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo, ha?" tanong ni Komi nang pumasok pero napatingin kay France na lumabas ng cubicle saka nilagpasan sila at dumiretso palabas. "Ki lalaki ninyo napakatsismoso ninyo!"
"Dude, hanga lang kami sa pagiging loverboy mo," sabi nito.
"Ano ba ang sikreto mo sa mga babae atâawts!" daing nito nang dumapo ang malakas na suntok ni Komi sa ilong nito kaya napaatras ito.
"Ano? Sige, sugod!" pasigaw na sabi ng kaibigan ni Komi kasama ang iba pa nilang barkada kaya napaatras ang mga ito. "Ano? Dito tayo magbakbakan? Sabihin n'yo lang!"
"Kayo naman, hindi na mabiro," kinakabahang sabi ng isa saka hinila ang kaibigang may duguang ilong para lumabas dahil kapag lumaban sila, mukhang hindi na sila makakalabas pa ng buhay.
"Ano na, brod? Abangan ba natin sa labas ang mga 'yun?" tanong ng kaibigan ni Komi.
"Wag na," sagot ni Komi saka umihi.
Pagkalabas niya ng CR, saktong nakita niya si Bia na palabas din ng CR.
"Hoy, pangit!" tawag niya rito.
"Gwapo ka ba?" tanong ni Bia na badtrip sa binata dahil sa ginawa nito sa kaibigan.
"Ba't ganyan ang mukha mo?"
"Pakialam mo?"
"Psh! Pangit ka na nga, maldita ka pa!"
"Gwapo ka?" pikong tanong ni Bia. "Kung may masama kang balak sa kaibigan ko, ako talaga ang makakalaban mo! Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Danica sa 'yo para patulan ka!"
"Ay, minamaliit mo ba ako?" sumalubong bigla ang dalawang kilay ni Pablo.
"Hindi naman peroâsa dami ng lalaki, bakit ikaw pa?"
"Kasi gwapo ako sa lahat!" taas noong sabi ni Komi at naglakad palayo kay Bia. Alam niyang maraming lalaki na ngayon ay naiinggit sa kanya pero 'di na bale, sanay naman siya na masama ang imahe niya kaya ano pa ba ang bago? Magulat siya kapag bumait ang tingin ng iba sa kanya.
"Brod!" tawag ni Anjo sa kanya. "Tara, tambay."
"Sa labas? Wag na, nakakatamad!" sagot ni Komi.
"Eh saan ka pupunta? Ayaw kong tumambay sa classroom."
"Tara na nga, smoke tayo!" yaya na lang niya saka inakbayan si Anjo.
"Brod, ikaw ang topic ng lahat ah," nakangising sabi ni Anjo.
"Lagi naman eh," sabi ni Komi na sa halip mainis, natutuwa pa nga.
"Grabe, bilib na talaga ako sa 'yo. Akalain mo 'yun, ikaw ang nakadali kay Danica. Kaya galit na galit si Pablo sa 'yo ngayon e."
"Hayaan mo na si Mister Good boy," sabi ni Komi saka napailing. Mas okay sa kanya kapag mamatay sa galit si Pablo. "Pakialam ko sa kanya!"
--------------------
"Kumusta ang araw mo?" tanong ni France nang dumating sa bahay.
"Okay lang. Nagluto na pala ako ng ulam natin," sagot ni Danica na ginataang tulingan ang niluto.
"Hmm? Mukhang masarap, amoy pa lang," sabi ni France.
"Bahala ka, no bashing kapag hindi masarap ha," sabi niya na nilinis ang mesa pero napatingin sa malaking paperbag na inilapag ni France. "Ano 'yan?"
"Open it," sagot ng binata.
"Bakit ako?" tanong niya.
"Kasi gusto kong ikaw magbukas. Buksan mo na."
"Okay," sabi niya saka binuksan ang isang malaking paperbag. May malaking Chanel box pa sa loob. "Oh, my ghad. Bag?" manghang tanong niya.
"Do you like it?" tanong ni France saka napasandal sa mesa na nakatingin sa dalagang hindi maitago ang pagkamangha sa bag.
"Ang ganda!" sabi ni Danica na pinipigilan ang sariling haplusin ang Chanel double flap bag. "For sure matutuwa ang bibigyan mo nito."
"Hmm... I guess so," sagot ni France.
"Can I open this one too?" tanong niya.
"Of course," sagot ni France na hinayaang ito na ang magbukas.
"Oh, my! Hermés?" bulalas ng dalaga nang makita ang box kaya lalo siyang na-excite.
"As what you see," ani France.
Dahan-dahang binuksan ni Danica ang box. Napatutop siya sa bibig nang tumambad sa kanya ang Hermés hac 50 Birkin bag.
"Gawa ba talaga 'to sa balat ng crocodile?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes," sagot ni France.
"Kanino mo 'to ibibigay?" tanong niya. For sure matutuwa ang babaeng pagbigyan nito. Kaya naiinggit siya sa mayayaman eh kasi lahat kaya nilang bilhin. Samantalang siya, hanggang local brands lang pero di na bale, matibay naman. Abot nga ng taon.
"Sino ba unang nagbukas niyan?" Gustong matawa ni France. Hindi ba sumagi sa isip ni Danica na para ito sa kanya? Ano yun? Show off lang? "May iba pa ba akong pagbigyan niyan?"
"Hindi ko alam pero for sure matutuwaâ"
"It's for you! Silly!" he smiley says.
"WâWhat?" namilog ang mga matang tanong ni Danica. "SâSa akin?"
"May iba pa ba?" tanong ni France. "Eh tayong dalawa lang ang nandito."
"Peroâuy! Ang mahal nito! Ayaw kong tanggapin," tanggi niya.
"Akala ko ba matutuwa ang pagbigyan ko niyan whoever she is?"
"Not me. Grabe, ang mahal niyan. Kapag masira ko, wala akong perang pambayad."
"Baliw!" nakangiting sabi ni France saka hinapit sa bewang si Danica. "Take it as a token bilang fiancée ko," aniya. "I bought it for you kaya magagalit ako kapag hindi mo gamitin. You can use this Chanel everyday kasi medyo malaki siya."
"Pero ang mahal niyan! Bakit ka pa bumili?"
"Mali ba na bigyan kita ng bag?"
"Hindi naman sa ganun pero sana 'yung Guess na lang ang binili mo, mas makatipid ka pa. Ilang bags na sana nabili mo niyan tapos Jag na lang."
"My money, my rule!" ani France sabay pingot sa ilong ni Danica. "Use it, mas mahal pa 'yan sa Gucci at LV."
Napakagat sa ibabang labi si Danica. Naiiyak siya dahil sa tuwa pero at the same time, nag-aalinlangan din kung deserve ba niya ito?
"Bakit ka ba naiiyak?" tanong ni France sabay punas ng mga daliri sa mga luha ng dalaga.
"HâHindi ko rin alam," naguguluhang sagot niya. "PâPero kasi sa tingin ko, parang hindi naman bagay sa akin 'yan kasi hindi naman ako gumagamit niyang bags na 'yan. It's not my style kasi hindi ko naman afford so parangâ"
Tinakpan ni France ang mga labi niya ng labi mga nito pero mabilis lang.
"As my woman, afford mo na 'yan and no one will dare to judge!" sabi ng binata saka hinaplos ang maamong mukha ni Danica.
Hindi mapigilang mapatingala ang dalaga para titigan ang mukha ni France. Sinsiridad ang nakikita niya sa mga mata nito. Gwapo na talaga ito pero mas lalo pa yatang gumwapo ito lalo na't hindi niya akalaing mabait naman pala ito sa kanya. Ang akala niya, mabu-bully lang siya nito at sisihin siya sa nangyari sa kanila pero wala siyang narinig na sumbat.
"TâThank you, France."
"You're welcome. Oh, siya. Itago mo na muna 'yang bag at kakain na tayo ha." Lumayo na si France para maghanda ng dinner nila.
"Hindi ka ba galit sa akin dahil na-engage ka nang maaga?" mahinang tanong niya.
"Pareho tayong may mali, Danica. No one forces us. No drugs involve. No rape. Pareho nating ginusto iyon," sagot ni France. Nangyari na ang nangyari kaya para ano pa na magsisihan sila? Hindi man niya ginusto ang kahinatnan, ginusto naman nila ang naging dahilan kaya bahala na. "Instead na magsisihan, magtulungan na lang tayo. Kung ano man ang mangyari sa future, okay lang as long na we tried. Friends pa rin tayo basta 'wag mo lang akong iputan sa ulo."
"HâHindi naman ako ganun at yung tungkol kay Komiâhindi naman totoo 'yun."
"I know," sagot ni France. "As long na wala kang sinasaktan tao, walang problema sa akin. What I hate the most are a liars!" seryosong sabi ni France. "At alam kong totoo kang tao."
"PâPero hindi na maganda ang imahe ko at kapag malaman nila na ikaw ang lalaking kasama ko, hindi ko rin alam."
"It's okay," sabi ni France. "You're just in a wrong place trying to fit it."
"WâWhat do you mean?" alanganing tanong niya.
"All you need is the right circle of friends," sabi ni France. Napaka-authentic na tao ni Danica kahit na iniisip ng iba na mahirap itong abutin dahil sa magandang mukha at mga kilos pero ang totoo, napaka-simple lang nito at dahil sa katangian niyang ito ay ang expensive nito tingnan. How much more pa kapag magsuot ito ng mamahaling damit at gamit?
Kinuha ni Danica ang bag saka dinala sa kwarto. Napaisip siya sa sinabi ni France. Gusto ba nitong lumayo siya sa mga kaibigan niya? Pero ang bait naman ng mga ito sa kanya. Kung anong mayroon sila, shine-share naman nila sa kanya. At higit sa lahat, tanggap siya ng mga ito kahit na malayo ang agwat nila sa pamumuhay.