9
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Ayaw ko na kasi talaga, Pablo," sabi ni Danica na nakipag-heart to heart talk sa manliligaw.
"Anong kulang sa akin?"
"Walang kulang sa 'yo. Actually, sapat naman talaga ang binigay mo pero ako 'yung hindi may pagkukulang, hindi ko kayang ibigay sa 'yo ang sarili ko."
"Why? May mahal ka na bang iba? Tell me para hindi ako magmukhang tanga."
"Oo," sagot ni Danica kaya natigilan si Pablo. "IâI'm sorry pero ayaw na kitang paasahin dahil wala na talaga tayong pag-asa."
"Tell me who?" seryosong sabi ni Pablo. "Pagkatapos nito, hindi na ako maghahabol."
"I câcan't," pabulong na sagot ni Danica.
"Danica naman, naghahanap ka ba ng excuse? Yung parents mo ba ang dahilan? Haharapin ko sila."
"NâNo," sagot ni Danica. "MâMay iba na talaga ako, Pablo. Sama naman mag-give up ka na."
"Kaibigan ko lang si Jannah," depensa ni Pablo. "Teka, siya ba ang dahilan? Inaway ka ba niya? Pinagsabihan?"
"No. Walang ganun, Pablo. I swear to God. Mabait si Jannah sa akin," tanggi niya.
"Then why?"
"Nasabi ko na, hindi na ako malinis, Pablo."
"WâWhat do you mean?" ani Pablo na nagtatanong ang mga mata. "MâMay boyfriend ka na?"
"Hindi na ako malinis kagaya ng iniisip mo, Pablo!" pag-amin ni Danica sabay yuko kaya natigilan si Pablo.
"Strategy mo ba 'to para lumayo ako?"
"No!" sagot ni Danica. "I swear. May nagmamay-ari na sa akin kaya malabo na talagang maging tayo."
"Sino siya?"
Napailing si Danica. As of now, hindi niya pwedeng aminin na si France dahil natatakot siyang masisira ang pagkakaibigan ng mga ito.
"Sana tigilan mo na ako, Pablo. Hindi talaga tayo pwede," pakiusap niya saka tinalikuran ang binata.
Naikuyom ni Pablo ang kamao habang tinitingnan ang dalagang palayo sa kanya.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Paula nang makasalubong niya. "Kumusta ang pag-uusap ninyo ni Danica?"
"Looks like brokenhearted," pang-aasar ni Liza. "Dis she reject you?"
"Obvious ba?" pikong tanong ni Pablo. "Sabihin nga ninyo sa akin, sino ba ang lalaki niya?"
"Ewan ko," sagot ni Jean. "Marami namang lalaki na umaaligid sa kanya. Isa pa, kapag nasa party kami, bigla na lang siyang nawawala so we don't have an idea!"
"Ibig sabihin, meron?" tanong ni Pablo. "What the heck!"
"We don't know," sagot ni Liza. "Maybe?"
"Maiwan ko na kayo, late na ako," paalam ni Pablo saka iniwan ang tatlo.
"Malapit mo na ring malaman kung sino," sabi ni Paula.
"Gurl, sino ba talaga ang gusto mo? Si France o si Pablo?" tanong ni Jean kay Paula.
"May fiancée na si France," sabi ni Paula.
"Eh? Hindi pa naman kasal," natatawang sabi ni Jean.
"You can steal him. Wala ka bang believe sa self mo?" tanong ni Liza.
"Bakit ba nagpapakabaliw sa Pablo kay Danica eh, ayaw na nga sa kanya!" inis na sabi ni Paula. Crush talaga niya si Pablo pero dahil kay Danica, naging anino lang siya sa paningin ng binata.
"Hindi ko rin alam dahil kung tutuusin, mas maganda at mas mayaman ka kay Danica," sabi ni Jean. "I'm so tired of talking to her. Yung kapag mag-shoppingâugh! hindi siya maka-relate. Para siyang tutang sunod lang nang sunod sa atin kaya nagmumukhang mayaman. Kahit nga yata basahan at basag naming plato na LV, tatanggapin niya eh."
"Hush, quiet!" saway ni Liza. "It's not her fault naman kung why she's always with us because we invited her naman."
"Kayo lang," sabi ni Jean.
Pagdating nila sa classroom, agad na napatingin sila kay Danica na umiiyak.
"Oh? Anyare sa kanya? Hurt siya?" tanong ni Jean pero siniko ni Paula.
"Danica?" tawag ni Paula at naupo sa tabi niya. "What happened?"
Pinahidan ni Danica ang mga luha saka tumingin sa malayo.
"Yan ang sabi ko sa 'yo eh!" ani Bia na tila pinapagalitan si Danica.
"May problema ba, Bia?"
"Talagang ako ang tatanungin ninyo, Paula?" matapang na tanong ni Bia. "Kayo ang palagi niyang kasama bakit pinabayaan ninyo siya?"
"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Paula.
"Oh, I know it na!" ani Liza saka ipinakita sa mga kaibigan ang post sa Facebook page. Ang dami nang likes and comments ang kaka-upload lang ng dummy account ng litrato nina Komi at Danica na nakahiga at magkatabi sa kama. "Hey, Danica. Is this really you?"
"NâNo!" tanggi ng dalaga na hindi makatingin sa mga kaibigan. "I meanâ"
"It's okay," sabi ni Paula. "Sabihin mo lang na hindi ikaw, tapos."
Alam ni Danica na hindi siya makakatanggi sa mga kaibigan dahil nakita siya ng mga ito na may kasamang lalaki. Hindi rin niya pwedeng aminin na si France ang lalaking yun so ang choice lang niya ay either aminin na si France or hayaang si Komi ang isipin ng mga tao pero kahit saan doon, nadungisan na ang pangalan niya.
Tumayo siya.
"Danica, saan ka pupunta?" tanong ni Bia.
"Pakisabi sa prof natin na masama ang pakiramdam ko," pakiusap niya saka dali-daling umalis. Habang naglalakad palabas ng gate, nakasalubong niya si Komi pero umiwas ito sa kanya. Pakiramdam niya, para siyang naglalakad na nakahubad sa mga mata ng mga estudyante.
Paglabas ng gate, naglakad siya patungo sa dulo para doon mag-abang ng taxi. Tatawid na sana siya nang may tumigil na sasakyan sa harapan niya.
"Hop in!" sabi ni France.
"Magta-taxiâ"
"Gusto mo bang bumaba pa ako para buhatin ka?"
Napilitan siyang lumapit at sumakay saka tumingin sa unahan pero nagulat siya nang inilapit ni France ang mukha sa kanya saka yumuko.
"MâMay makakita sa atin," aniya na biglang nawala ang pagkalutang dahil sa mabangong fiancé.
"Ano bang iniisip mo?" tanong ni France sabay kabit ng seatbelt ng dalaga. "Para safe ka kung sakaling maaksidente tayo."
Iniwas ni Danica ang mga mata dahil napahiya siya.
"Tingin mo ba hahalikan kita?"
"WâWala akong sinabi!"
"Pwede rin naman," sabi ni France saka yumuko at hinalikan ang dalaga sa noo. "Let's go home."
"Wala ka bang pasok?" tanong ni Danica habang umuusad na ang sasakyan.
"Masama ang pakiramdam ko," sagot ni France saka napasulyap sa dalagang napakagat sa ibabang labi para pigilan ang mga luha. "You can cry if you want, hindi kita pagtatawanan."
"AâAno ba ang kasalanan ko at ako ang topic ng lahat?" tanong niya saka tumingin sa labas. "GâGusto ko lang na umiwas sa gulo at kumilos nang malaya at malayo sa panghuhusga."
"Insecure people put others down to raise themselves up," he said in a soft voice. Inabot niya ang tissue kay Danica nang tumulo na ang mga luha nito.
"HâHindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng litrato namin ni Komi butâI'm not with him!" umiiyak na sabi ng dalaga.
"I know," ani France. "Gusto mo bang i-clear ang pangalan mo?"
"How? May maniniwala ba? Kahit lapagan mo sila ng katotohanan, wala pa ring maniniwala sa kanila eh!"
"It's up to you," sabi ni France.
"Si Komi o ikaw ang nakasama ko, same lang din naman na may naka-one night stand ako!"
"Hindi naman one night stand 'yun," sabi ni France.
"It was!"
"Pero may nangyari ulit sa atin so two nights na 'yun," ani France.
Natahimik si Danica. Hindi niya alam kung paano ma-solve ang problema.
Nang makarating sa bahay, agad na bumaba siya at naunang naglakad patungo sa elevator pero hinintay niyang mabautan siya ni France.
Pagdating sa unit, dumiretso si France sa kusina.
"Ano ang gusto mong kainin, magluluto ako."
"Kahit ano," sagot niya. "Kung ano ang kaya mong lutuin. Or ako na lang magluto mamaya."
"Ako na, may time ako. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo."
Hindi na nakipagtalo pa ang dalaga. Pumasok siya sa kwarto at nag-halfbath muna saka nahiga sa kama. Masama ang pakiramdam niya tapos heto, iniyak na lang niya ang lahat. Sa dami ng pwedeng mabalita sa kanya, iyon pa na scandal.
Siguro dahil sa pagod kaya nakatulog siya.
Pagkagising niya, ang gwapong mukha ni France na nakatayo ang nakita niya.
"Did I wake you up?"
"No," sagot niya saka naupo sa kama.
"Feel better?"
"Yeah. Thanks God at nakatulog ako," sagot niya. At least nakapagpahinga ang utak at katawan niya.
"Luto na ang sinigang, nagugutom ka na ba?"
"Hindi pa," sagot niya. "Ikaw ba?"
"Hindi pa naman, nag-coffee na ako," sagot ni France saka naupo sa gilid ng kama. "Ano ang plan mo?"
"Hindi ko rin alam. Bahala na. Siguro dedma? Less talk, less mistake. Bahala silang mag-isip," sagot niya.
"Are you happy with your life?" seryosong tanong ni France.
"WâWhat do you mean?" tanong niya saka inabot ang Gucci bag na bigay ni Paula.
"What happened to your bag?" tanong ni France nang makita ang pahabang gasgas sa bag nito.
"Ganito na talaga siya nang ibigay ni Paula pero maganda pa naman sa loob kaya keri lang," sagot niya. Nasira na rin kasi ang Guess niyang bag kaya ito na ang gamit niya dahil medyo malaki kaya marami siyang pwedeng ilagay.
"Bigay rin niya 'yang LV mo?" tanong ni France saka kinuha ang isa pang bag pero napansin niya ang design ng butterfly sa gilid ng bag na halatang idinikit lang.
"Hey!" ani Danica saka inagaw ang bag. "Bakit ba nakikialam ka ng gamit?"
"Ba't may pa butterfly?"
"Nasira."
"Nasira o sira nang ibigay sa 'yo?"
"So what? Binibigyan na nga ako, magrereklamo pa ba ako?" sagot niya na ginawan na lang ng design ang bag. Biglang tumahimik si France kaya napakunot ang noo niya. "May problema ba, France?"
"Nothing," sagot ng binata saka ngumiti at pinitik ang noo niya.
"Awts!" daing niya.
"Mahina naman 'yun."
"Masakit kaya!" sabi niya at tatayo na sana pero bigla siyang tinulak ni France pahiga sa kama. "Eh? KâKakain na ako," dahilan niya matapos itaas ni France ang mga kamay niya sabay hawak nang mahigpit para hindi makawala.
"Later," sabi ng binata saka hinalikan siya sa mga labi. Ni hindi makakilos ang dalaga kahit na binitiwan ni France ang mga kamay niya. Tumigil si France saka hinawakan siya sa magkabilang mukha. "Hey, are you in the mood?"
"I hâhave a period," nahihiyang sagot ng dalaga kaya napangiti si France saka tumayo.
"Oh, good news," ani France na natuwa sa narinig. "Ibig sabihin, hindi pa tayo maging magulang kaya makapag-focus pa muna tayo sa pag-aaral." Wala talaga sa isip niya na mag-asawa ng maaga. Kahit nga itong engament arrangement nila ay hindi niya inaasahan. Sino ba ang gustong mag-asawa nang maaga? Sa daming problemang kinakaharap ng mundo ngayon, alanganing mag-settle down nang maaga lalo na't pamahal nang pamahal ang medical expenses ngayon. Hindi naman sa ayaw niya pero hindi pa ito ang tamang panahon para magkapamilya.