Back
/ 35
Chapter 9

8

'Til it Lust (R-18)

Unedited....

"Nanliligaw ba si France kay Paula?" curious na tanong ni Bia kay Danica.

"Hindi. Kagabi nga lang kami nagkasama eh. Bakit?"

"Oh? Kasama ka ba kagabi?"

"Wala lang ako sa picture pero magkasama kami kagabi," sagot niya.

"Nag-nightout ka na naman," nakasimangot na sabi ni Bia.

"Wala kasing magawa eh. Sumama ka rin kasi minsan."

"Hindi ka naman ganyan noon," sabi ni Bia. "Bumababa na ang grades mo."

"Hmm? Iba naman kasi ang college life. Mahirap na kaysa noong nasa senior high pa lang tayo."

"Pero Danica, matalino ka pero napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Hindi naman sa pang-aano ha. Concern lang kasi ako sa 'yo kasi bestfriend kita pero sana seryosohin mo naman ang pag-aaral."

"Tingin mo ginagawa kong biro, Bia? Eh di sana absent ako ngayon kasi nag-party ako kagabi, di ba?'

"That's not what I mean," sabi ni Bia. "Sabi ko na nga ba masamain mo eh."

"Hindi ko naman minamasama ah."

"Bahala ka na tutal matanda ka naman. Out na ako basta ang layo mo na sa Danica na nakilala ko."

"Ako pa rin 'to, Bia. Si Danica Villanueva pa rin ako kaya walang nagbago sa akin."

"Okay lang," malungkot na sabi ni Bia saka sinikap na ngumiti. "Ako ang may mali. Maiwan na kita." Masama ang loob niya dahil habang tumatagal, ramdam niyang naaagaw na nina Paula ang bestfriend niya.

"Oh? Anong nangyari sa bff mo?" tanong ni Jean nang lapitan siya.

"Bakit?"

"Nakasimangot eh."

"Yaan mo siya."

"Sus. Paano mo naging bestfriend 'yun?" tanong ni Jean. Ang layo kasi ng dalawa kahit sa hitsura pa lang. Maliit si Bia at chubby tapos hindi naman sa pang-aano pero hindi ito kagandahanan at hindi rin matalino't mayaman.

"Mabait naman siya," sabi ni Danica. Iyon din ang madalas na tanong sa kanya pero kasi ang saya naman ni Bia kasama. Kalog kaya 'yun kaya no dull moments silang magkasama. Pansin lang niya na medyo umiba na ito at iba na rin ang circle of friends nila.

"Hmm? Talaga ba?"

"Oo."

"Kamusta na pala ang status ninyo ni Pablo?"

"Okay lang pero gusto ko nang tumigil siya sa panliligaw sa akin."

"Ha? Why?" sabat ni Paula na palapit sa kanila.

"Hindi pa ako handa at hindi ko siya gusto," sagot ni Danica.

"Hindi gusto? Gurl, pinaasa mo yung tao."

"Hindi ako paasa. Ilang beses ko namang nilinaw sa kanya na hanggang kaibigan lang kami. Siya naman itong nag-i-insist na bigyan ko siya ng chance na patunayang karapat-dapat siya," depensa ni Danica. As in never niyang sinabing maghintay si Pablo. Palagi niyang sinasabi na maghanap ito ng iba.

"Eh di wow!" sabi ni Jean. "Bakit ba? Kasi may nahanap ka nang iba? Kung sabagay, ikaw naman kasi ang may hawak ng buhay mo at marami ka naman palang—" Napatigil si Jean nang mapansing umiba ang mukha ni Danica. "Haist! Wag na nga nating pag-usapan si Pablo. Ikaw pa rin naman ang masusunod, gurl."

"Girls, lunch na tayo," yaya ni Paula dahil kanina pa siya nagugutom at inaantok dahil sa nightout kagabi.

"Ayaw ko sa cafeteria," sabi ni Jean. "Paulit-ulit lang ang ulam."

"Tara sa labas!" syaya ni Paula.

"Kumain na ba kayo?" Napalingon sila kina Pablo na palapit sa kanila.

"Hindi pa nga eh. Nagugutom na kami," sagot ni Jean at ngumiti. "Hi, France."

"Tamang-tama, kami rin. Sabay na tayo," yaya ni Pablo at napatingin kay Danica. "Kulang yata kayo? Saan yung Englisera ninyong friend?"

"May hangover," sagot ni Jean. "Absent din naman si Gian."

"May hangover din," sagot ni Pablo.

"Kayo na lang," sabi ni Danica dahil wala na siyang pera. Sa estado ng mga ito, alam niyang sa mamahaling restaurant ang bagsak niya. "Dito na lang ako, mag-aaral pa ako."

"Wala na tayong exam today, girl," ani Jean.

"Kahit na. Kayo na lang."

"Sumama ka na," sabi ni Paula dahil alam niyang hindi sasama sina Pablo kapag hindi kasama si Danica. "Sige na, minsan lang tayong magkakasama eh."

"Kayo na lang," tanggi niya. Kung may pera pa sya wala namang problema kaso wala talaga. Isa pa, hindi niya kayang kumilos nang malaya dahil kasama si France.

"Oh sige, libre na kita!" sabi ni Paula.

"Wag na," tanggi ni Danica.

"Arte mo, girl! Nagsasayang ka lang ng oras!" sabi ni Jean. "Pag ayaw niya, tayo na lang. Kanina pa ako nagugutom!" maghapon lang silang magyayaan dito kung hintayin nila si Danica.

"Haist! Let's go na!" sabi ni Paula saka hinawakan sa kanang kamay si Danica at hinila. "Wag ka nang pumalag! Di na tayo friends 'pag di ka kasama!"

Lumabas sila sa SJU. Saktong nasa labas sina Komi na nakatambay at naninigarilyo.

"Hey, Komi!" sabi ni Jean.

"Hi, Jean." bati ni Komi saka ngumiti.

"Hindi mo ba batiin kami ni Danica?" sabat ni Paula.

"Hi," tipid na bati ni Komi.

"Ayieee..." tila kinikilig na sabi ni Jean sabay tulak kay Danica palapit kay Komi pero umiwas si Komi.

"Gusto nyo ng sigarilyo?" sabay alok kina France at Pablo.

"No, thanks," sagot ni France.

"Tara na, green light na!" yaya ni Jean kaya tumawid sila.

"Anong mayroon kay Komi?" curious na tanong ni Pablo nang papasok na sila sa mamahaling restaurant.

"Bakit?" tanong ni Jean.

"Kasi parang tinutulak niyo si Danica sa kanya," sagot ni Pablo habang naghahanap ng mauupuan. "Doon tayo." sabay turo sa malapad na mesa na kasya silang lima.

"Wala lang. Crush niya si Danica," sagot ni Jean na naupo sa opposite side ni Danica.

"Dito na kayo maupo," sabi ni Danica na tatayo na sana pero pibigilan siya ni Pablo na naupo sa tabi niya.

"Alam naman siguro ninyo na nanliligaw ako kay Danica, right?" seryosong tanong ni Pablo.

"Nanliligaw! Ibig sabihin, pwede pang maagaw," sabi ni Paula na naupo sa tabi ni Jean. "Dito ka na, France."

Tahimik na naupo si France sa tabi ni Pablo kaya sina Jean at Paula ang katapat nila.

"Wala talaga kayong suporta!" ani Pablo na napatingin kay Danica na lumipat sa kabilang side katapat ni France. "Ba't ka ba lumipat? Ayaw mo ba akong katabi?"

"Gusto kong makatabi si Paula," sagot ni Danica pero parang gusto na lang bumalik sa pwesto dahil katapat niya ang fiancé.

"Hindi ka na niya kasi gusto," biro ni Jean.

"Masyado kayong ano!" sabi ni Pablo saka binuklat ang menu list.

Nang dumating ang waiter, nag-order na sila.

"Nanliligaw ba si Komi sa 'yo?" tanong ni Pablo nang hindi mapakali. May laman talaga ang panunukso nila eh.

"Hindi," tipid na sagot ng dalaga.

"Danica," ani Pablo sabay hawak sa kamay nitong nasa ibabaw ng mesa pero agad na nabitiwan nang tabigin ni France.

"Hindi ko maabot ang menu list," wika ni France.

"Naka-order ka na, 'di ba?" ani Pablo dahil inilagay na ni Danica ang kamay sa ilalim ng mesa pero poker face lang siyang tiningnan ni France.

"Gusto kong magdagdag ng dessert," sagot ni France.

Habang kumakain, nagkukwentuhan sila.

"Grabe yung rumors ngayon," sabi ni Jean na nakatingin sa Facebook page ng SJU dahil ang daming nagpo-post tungkol kina France at Paula.

"About what?" tanong ni Paula.

"Na may something daw sa inyo ni France," ani Jean. "Ang dami n'yo nang fans ah."

Kinuha ni Danica ang pineapple juice saka ininom dahil hindi niya nagustuhan ang usapan ng mga ito.

"Hayaan n'yo sila, 'di naman totoo," sabi ni Paula sabay sulyap kay France. "Ma-issue lang sila."

"Will you delete it?" tanong ni France na kay Paula nakatingin.

"Ha? Delete what?" inosenteng tanong ni Paula.

"Our photo on Insta," sagot ni France.

"C'mon, bruh! Photo lang 'yun," sabi ni Pablo.

"Yeah, photo lang 'yun pero ayaw kong maging source ng pag-aaway namin ng fiancée ko," sagot ni France kaya sinipa siya ni Danica para tumahimik pero dedma niya ang dalaga. "Ayaw kong mabansagang cheater so I hope you'll clarify this."

"S—Sorry," medyo napahiyang sabi ni Paula. "Hindi naman iyon ang intensyon ko."

"Okay lang," sagot ni France. "I know."

"Magbayad na tayo," sabi ni Jean para maiba ang usapan.

"Libre ko na si Danica ha," sabi ni Paula nang dumating abg waiter saka binigay ang resibo kaya nagkanya-kanya na silang bigay para maipon ang bayad. "Gurl, sagot kita."

"Ako na ang manlibre sa kanya," sabi ni Pablo na naglabas ng pera.

"Wag na," ani Paula. "Ako ang kaibigan niya."

"Ako ang manliligaw!" ani Pablo na kumukuha na rin ng pera para sa order ni Danica.

"Here," sabi ni France na nagdagdag ng tatlong libo na bigay nila sabay abot sa waiter. "Keep the change."

"Thank you, sir," masayang pasalamat ng waiter saka umalis na.

"Magkano ba 'yung kay Danica? Bayaran na kita," sabi ni Pablo.

"Nabayaran ko na, 'di ba?" sagot ni France.

"Uy, bago ang bag mo?" tanong ni Jean nang kumuha ng lipstick si Danica sa Gucci bag. "Parang may ganyan si Paula."

"No," sagot ng dalaga. "Bigay 'to ni Paula."

"Ah, kaya pala familiar," sabi ni Jean. "Akala ko binili mo kasi parang himala dahil puro Guess ang bag mo eh."

"Hindi ko naman afford itong Gucci kaya thankful sa bigay ni Paula," sagot ni Danica. Hindi naman siya maarte sa gamit.

"Hindi ko na kasi bet at ilang beses ko nang ginamit kaya binigay ko na sa kanya," sabi ni Paula. "Marami akong bago sa bahay kaya hindi ko na rin naman gagamitin 'yan."

"Ang dami mo nang bigay sa kanya ah," sabi ni Jean. "Uy, ganda ng Gucci mo. 'Yan ba 'yubg bagong bili ng dad mo?"

"Yeah. Ikaw rin naman ah. Binigyan mo rin naman siya ng LV mo."

"Well, noong senior high pa ako yun eh. Di ko na bet," sabi ni Jean.

"Thank you sa mga bigay ninyo," pasalamat ni Danica. Second hand man ito o hindi, ang mahalaga sa kanya ay galing sa puso ng mga kaibigan. Isa pa, original naman eh.

"Tara na," yaya ni France na hindi nagustuhan ang usapan. Sawa na siya dahil ganito na lang palagi ang topic ng mga babae, sapatos at bag.

Ayun, lumabas na sila at bumalik sa school campus.

"Ang arte ng fiancée ni France!" reklamo ni Paula nang makapasok sa classroom. "Parang group picture naman eh!"

"H—Hindi naman siguro magagalit yung fiancée niya," sabi ni Danica. "Baka nag-assume lang si France."

"True. Masyado namang sensitive yung girl kapag patulan niya ang issue," pagsang-ayon ni Jean. "Hindi pa sila kasal niyan ha. Baka spoiled brat."

"Gaano ba ka rich ang babaeng 'yun?"

"Gurl, parang 'di mo pa kilala ang mga Villafuerte. Malamang mayaman talaga i-partner don. Isa pa, kilala mo naman ang personality ni France, halatang mataas ang standard. Maghahanap ba 'yun ng mahirap?"

"Maraming Villafuerte ang nakapag-asawa ng mahirap ah," sabi ni Paula.

"Kung sabagay," ani Jean.

Natahimik si Danica at pinili niyang bumalik sa upuan. Ngayon pa lang ay natatakot na siyang malaman ng lahat na siya ang fiancée ni France. Parang gusto na niyang aminin sa mga kaibigan ang totoo pero nauunahan siya ng kaba.

Nang matapos ang klase, agad siyang nagpaalam na umuwi dahil gusto niyang matulog pagdating. Buti at hindi na nagyaya ang mga ito na gumala.

"France!" tawag niya nang makitang nakaupo sa tapat ng pinto ang binata.

"Tagal mong dumating!" reklamo ni France saka tumayo.

"Ginagawa mo rito sa labas?"

"Hinihintay ka."

"Ha? Bakit? Pwede namang sa loob mo na ako hintayin ah."

"Naiwan ko ang susi sa kwarto ko," sagot ng binata.

"Ay, ano ba 'yan?" ani Danica saka binuksan ang pinto at pumasok. "Sana sinabi mo pala kanina."

"Hindi ko pa alam kanina," sagot ng binata sabay sara ng pinto.

"Paano pala kapag late na ako umuwi?"

"Eh di hintayin kita hanggang sa makarating ka," sagot ni France.

"Paano kapag hindi ako makauwi ? For example sa bahay ako natulog?"

"Yun lang," ani France. "Malay ko ba sa whereabouts mo dahil hindi ko naman alam ang number mo."

"Hindi ko rin naman alam ang number mo," sabi ng dalaga.

"Good!" ani France saka kinuha ang cellphone sa bulsa at binigay kay Danica. "Save mo ang number mo para matawagan kita in case of emergency," sabi ni France.

"Okay," pagpayag ng dalaga saka inilagay ang number sa cellphone ni France. "Ikaw na mag-save."

"Okay," ani France ay nilagay ang 'fiancée" sa phonebook.

"Matulog muna ako," paalam ng dalaga pero napatingin sa cellphone na may nag-missed call.

"That's my number, save mo na lang," sabi ni France saka tumalikod at pumasok sa kwarto.

Kinuha muna niya ang wallet at susi sa bulsa ng pantalon saka inilapag sa mesa bago hinubad ang pantalon para makapagpalit ng pambahay.

Share This Chapter