15
'Til it Lust (R-18)
Unedited....
Nang pumasok siya sa bahay, nakita niya ang dalawang malalaking box na nasa sala.
"Aga mo namang umuwi," sabi ni France dahil alas singko pa lang kaya inaasahan niyang gabi na uuwi si Danica.
"Gusto kong magpahinga nang maaga. Ano 'to?"
"Damit," sagot ni France. "Para sa 'yo."
"Ha? Para sa akin?"
"Galing sa Rome, pinadala ng tita ko para sa 'yo."
"Nag-abala pa sila. Marami namang damit dito sa Pinas."
"May sariling company sila kaya don't worry," sabi ni France.
"Bigay o binili mo?"
"I bought it pero ang iba ay bigay," sagot ni France. May clothing company rin ang mga Arguela rito sa Maynila ang CA company pero kung sa presyo lang, mas kilala bilang luxury brand ang Trevi lalo na't international ito at hindi basta-basta ang price.
"Marami pa naman akong damit na hindi pa nasusuot."
"But these are from my family," sabi ni France. "Kaya mula ngayon, pumili ka lang ng isusuot mo araw-araw."
"Okay," pagpayag ni Danica. Tinulungan siya ni France na ipasok ang karton sa kwarto niya. "Ako na ang mag-a-unpack. Salamat."
"Labas lang ako," paalam ni France kaya isa-isang binuksan ni Danica ang mga damit. Naka-plastic pa ang mga ito. Napangiti siya dahil ang gaganda ng mga disenyo at tela. Napaka-generous naman ng mga Gonzales.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga damit, lumabas siya para ibaba ang karton.
"Ako na ang magtatapon."
"Wag na, ako na."
"May kukunin din ako sa kotse ko sa garage kaya ako na," sabi ni France saka inagaw ang karton sa dalaga pero aksidenteng nahawakan nito ang kamay ni Danica. "Oh? Anong nangyari?" tanong ni France nang bigla na lang nitong hatakin ang kamay na para bang nakuryente.
"HâHa?" hindi niya alam ang isasagot. "Ah, anoâkasi parang may nahawakan akong tumusok sa akin."
Napatingin si France sa karton pero packingtape lang naman ang nakadikit. Napasulyap siya kay Danica na pulang-pula ang mukha kaya napangiti siya.
"May papakuha ka sa baba?" tanong ni France.
"Wala."
"Pakiabot naman ng susi ko sa table."
Kinuha ni Danica ang susi.
"Pwede bang palagay sa bulsa ko? Hindi ko na mahawakan eh," pakiusap niya dahil dalawang kamay ang may karton.
Ipinasok ng dalaga ang susi sa bulsa ng binata pero pagtingala niya ay nakayuko ito sa kanya kaya nagkatinginan sila.
"TâTitingnan ko lang ang sinaing," nauutal na paalam ng dalaga.
"Kanina pa 'yun luto," nakangiting wika ni France. "Wait mo 'ko, sabay na tayong kumain."
Tumango si Danica at nang makalabas ang binata, inayos niya ang pagkain sa mesa para pagbalik nito ay kakain na lang sila.
Para silang naglalaro ng bahay-bahayan pero wala nga lang na anak. At least hindi sila nag-aaway ni France kagaya sa ibang pinagkasundo lang. Napaupo siya at napatalumbaba habang nag-iisip. Ikakasal pa ba kaya sila ni France? O bago pa man sila ikasal ay isa na sa kanila ang susuko? Kapag ba ikasal sila, magpapa-annul din ba sila kagaya ng ibang mamayan? Baka iyon nga ang mangyari dahil hindi naman siya mahal ni France. Ayaw nga nitong magkaanak sila eh. Bigla na naman siyang nalungkot sa isiping ayaw ni France ng anak. Pero kung sabagay, ang bata pa nila.
"Ayaw lang talaga niyang mapikot!" hiyaw ng isip niya. Syempre kapag may batang involve, mas lalong matatali si France sa relasyon nila.
"Ugh! Ang sama ng iniisip mo, Danica!" usal niya. Ang bata pa niya para isipin ang pamilya. Ni hindi pa nga sila kasal. Alangan naman hindi pa nga sila graduate, mabubuntis na siya? Kung sa Wattpad lang siya, wala na ngang aral ang kwento niya, magiging bad influence pa ba siya sa mga readers niya sa pagiging batang ina? Para na rin niyang pino-promote ang teenage pregnancy. Mali na nga 'yung premarital sex kaso yung author, malibog at gustong may chukchakan lagi. Napailing siya! Nasa reyalidad siya kaya hindi pwedeng ihantulad niya ang buhay sa Wattpad.
"Gaano kasama?"
Napalingon siya kay France na nakatayo sa likuran niya.
"Ha? Ahmm... May iniisip lang ako," sagot niya. "Maupo ka na, kain na tayo."
---------------
"Danica!" tawag ni Pablo nang pumasok siya sa paaralan. Wala silang pasok sa first subject kaya alas 9:45am na siya dumating para sa second subject.
"Hi," bati ni Danica at napatingin sa paligid.
"Wag mong intindihin ang mga nasa paligid natin," sabi ni Pablo. "Can we talk?"
"Sige," pagpayag ni Danica. "Pero saglit lang dahil male-late ako."
Naghanap sila ng mapupuwestuhan at sa ilalim ng punong mangga sila naupo para walang istorbo at makakarinig.
"May sasabihin ka?"
"Gaano ka totoo na ikaw ang fiancée ni France?" diretsahang tanong ni Pablo kaya napanganga si Danica dahil hindi niya ito inaasahan. Sila lang naman ni France ang nakakaalam pero impossible namang si France ang magsasabi. Eh ayaw naman nito malaman ng lahat. Naikuyom niya ang kamao nang maalalang napagsabihan din pala niya si Bia. Pero tatraidurin ba siya ni Bia? Nagkita sila ni Pablo sa hospital nang bumisita ito sa lola ng binata.
"HâHindiâ"
"Inamin sa akin ni France," ani Pablo kaya nagulat ang dalaga. "Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya pero gusto kong malaman mula sa 'yo mismo, Danica. Alam kong honest ka."
"PabloâI'm sorry."
"So, is it a yes?" nasasaktan man pero kailangan niyang tanggapin ang lahat.
"I don't mean to hurt you, Pablo."
"Simula pa lang sana naniwala na ako na hindi mo ako matatanggap," mahinang sabi niya. Hindi niya kayang magalit kay Danica kahit pa ano man ang magawa nito sa kanya.
"Kaibigan pa rin kita, Pablo."
"Yeah, kaibigan," ulit ni Pablo at sinikap na ngumiti para hindi na mag-alala ang dalaga. "Goodluck, Danica. Hangad ko naman ang kaligayahan mo eh. Basta kapag saktan ka ni France, nandito lang ako." Tumayo na siya. "Sige, dumiretso ka na sa klase mo. Balik na rin ako sa classroom," paalam niya saka naglakad. Ngayong nakumpirma niya ang lahat, masakit pa rin pala. Sa dami ng lalaki, bakit sa kapatid pa niya at kaibigan napunta ang babaeng iningatan niya?
"Oh? Bakit parang ang lungkot yata ni Pablo?" may panunuyang sabi ni Komi na nakasandal sa isang tabi na kanina pa pinapanood sina Pablo at Danica na nag-uusap.
"Masaya ka na?"
"Habang tinitingnan ko ang lungkot sa mga mata mo? Oo!" pag-amin ni Pablo saka napangisi. "Anong pakiramdam ng inagawan?"
"Walang akong inagaw sa 'yo, Komi!" mariing sabi ni Pablo saka hinatak at kwelyo ng damit ni Komi. "Napakakitid ng utak mo para idamay si Danica! Kung galit ka sa akin, sana sa akin na lang! Bakit si Danica pa? Wala siyang kasalanan!"
"Walang kasalanan pero ginusto niyang sa iba ibigay ang sarili kaysa sa 'yo!" sagot ni Komi na nanlilisik ang mga mata habang nakangisi. Malakas na tinulak niya si Pablo kaya nabitiwan siya nito.
"Hindi na nakapagtataka kung ganyan ang ugali mo dahil bastardo ka!" panunuya ni Pablo. "Oh, ano? Susuntukin mo 'ko? Sige! Saktan mo 'ko! Diyan ka naman magaling eh!" Paghamon niya nang ambagan siya ni Komi.
"Ano na naman ito?" galit na tanong ni Ted na kakalabas lang sa dean's office. "Pigilan mo ang sarili mong manakit, Komi!"
"Magandang araw, congressman," nakangiting bati ni Komi. "Pasensya na, napag-trip-an ko itong mabait mong anak."
"Stop it, Komi!" mahina pero may diing saway ni Ted.
"Komi, pinapatawag ka ng dean," sabi ng kaklase niya na palapit sa kanila.
"Bye, congressman! Ingat ka, mainit pa naman ang laban ngayong eleksyon!" sabi ni Komi saka pumunta sa Dean's office.
"Morning, Miss Celeste," bati niya sa dean saka naupo sa harapan nito.
"Di ba sinabi ko nang papuntahin mo ang mga magulang mo rito?"
Napa-smirk si Komi saka dumukot ng bubble gum sa bulsa.
"Narinig mo ba ako, Komi? Hindi pwedeng ganyan ka palagi. This time, anak na ni Congressman ang sinaktan mo kaya kailangan ko nang makausap ang parents mo!" pikong sabi ng dean.
"Nasa ospital ang lola ko."
"I'm sorry to hear that. Yung mga magulang mo?"
"Wala akong mga magulang!" sagot ni Komi saka nginuya ang bubble gum. "Alangan naman hatakin ko ang ama ni Pablo para maging ama ko?"
"Sumagot ka nang maayos, Komi!" galit na sabi ng dean. "Hindi kita kayang protektahan kapag hilingin ni Congressman na paalisin ka sa SJU dahil anak niya ang sinaktan mo!"
"Ah..." ani Komi. "Sige lang, Miss. Handa naman akong umalis," sabi ni Komi.
"Kailangan ko ng guardian mo para makausap!"
"Kung gusto mo pong makausap, ikaw na ho ang pumunta sa hospital para hindi na mapagod ang lola ko sa pagpunta rito! Or pwede mo namang sa akin na sabihin ang lahat," sabi ni Komi.
"Hindi iyon ang tamang pagsagot sa nakakataas sa 'yo, Komi! Matuto kang rumespeto!" saway ng dean. Ano man ang pinagdadaanan nito, dapat marunong pa rin itong gumalang sa kanila.
"Pasensya na ho," paumanhin ni Komi sa mababang boses. "Maghahanap na lang ho ako ng madadala para makausap mo."
May kumatok tapos bumugas ang pinto.
"Magandang araw ho," magalang na bati ni Gina na ina ni Bia. "Ako ang guardian ni Komi. Hindi makakapunta ang lola niya dahil nasa ospital," paumanhin ni Gina. Mabuti na lang dahil nasa malapit lang siya nang tawagan ni Congressman na puntahan muna ang dean para makausap tungkol kay Komi.
"Makakalabas ka na, Komi. Kausapin ko lang ang guardian mo," sabi ni Miss Celeste kaya tumayo si Komi.
"Salamat po, tita," sincere na pasalamat niya sa secretary ng Lola Anita niya at lumabas.
Gigil na sinipa niya ang nadaanang can ng coke.
"Tol? Anong pinag-uusapan ninyo ng dean?" tanong ni Sanjo nang makasalubong niya.
"Malamang tungkol sa pag-away nila ni Pablo. Gago ka talaga, brod! Alam mong malakas ang ama ni Pablo, ginalaw mo pa!" sabi ni Roy.
"Wala akong pakialam!" sabi ni Komi.
"Ano ba?" Familiar ang boses ng babae na narinig nya.
"Oh? Mukhang may mapapanood tayong live show ah!" natatawang sabi ni Roy.
"Tara, gusto kong manood!" sabi ni Sanjo kaya pinuntahan nila ito sa likod ng inaayos na classroom.
"Bakit? Tingin mo matutulungan ka ni Danica? Gurl, hindi ka naman maganda para makipagkaibigan sa kanya!" sabi ni Jean.
Napasandal si Komi sa wall saka pinanood ang eksena ng dalawang babae habang tinutulak si Bia.
"Ano ba ang problema ninyo, Jean?"
"Bakit ba kailangan mong makialam, ha? Nagpapaka-hero ka?" gigil na tanong ni Paula sabay tulak nang malakas kay Bia pero nagulat siya nang itulak din ni Bia kaya natumba si Paula. Doon na sabay na sumugod sina Jean at Paula.
Natumba si Bia kaya pinagtulungan na ng dalawa para hindi makabangon.
Pumalakpak si Komi kaya napalingon ang mga ito.
"Woah! Nice one!" sabi ni Sanjo kaya lumayo sina Paula at Jean kay Bia.
"Bakit? Makikialam kayo?" may paghamong tanong ni Jean.
"Tuloy n'yo!" sabi ni Komi saka napangisi nang makitang tumayo si Bia. "Ang cheap nyong dalawa, bumababa kayo sa level ng babaeng 'yan? Paano kapag may makakitang iba?"
"Umalis ka na sa harapan namin!" pagtataboy ni Jean.
"Alam kong kayo ang may pakana sa pagpamamahiya kay Danica!" matapang na sabi ni Bia at padabog na umalis.
"Bakit nandito kayo?" tanong ni Jean.
"Kasi nandito rin kayo," sagot ni Komi.
"Dude, tara na."
"Sunod lang ako," sabi ni Komi kaya iniwan na ng mga kasama.
"Bakit ba hindi mo inamin na ikaw ang nakasama ni Danica nang gabing 'yon?" tanong ni Jean.
"For what? Eh may litrato na nga."
"Kailangan pa rin ng confirmation mo para hindi na nila sabihing fake 'yon!" ani Paula kaya napangisi si Komi.
"I'm out," ani Komi sabay taas ng kamay.
"Akala ko ba gusto mong sirain sila ni Pablo?"
"Oh? Sira na nga, 'di ba?" tanong ni Komi saka tumalikod para iwan ang mga ito.
"Magkano ba ang kailangan mo, Komi?" tanong ni Paula kaya napatigil si Komi saka hinarap si Paula.
Naglakad siya palapit dito saka gigil na hinawakan sa kanang braso.
"Hindi ko kailangan ng pera mo, Paula! Baka makalimutan kong hindi ako nananakit ng babae!" pagbabanta niya saka patulak na binitiwan ang dalaga. "Out na ako sa issue ninyong mga babae at oras na kaladkarin pa ninyo ang pangalan ko, pasensyahan tayo! Binigay ko na ang litrato sa inyo kaya bahala ka na kung paano mapalapit sa gagong Pablo na 'yon!" sabi niya at iniwan ang mga itong may takot sa mga mata dahil baka nga saktan talaga sila ni Komi.
------------------
"Bakit ba lingon ka nang lingon?" tanong ni France habang nagmamaneho.
"Baka kasi may makita," nag-aalalang sagot ni Danica.
"Tch! Hayaan mo sila."
"Ibaba mo na lang ako sa terminal ng Batangas."
"Gagawin mo sa Batangas?"
"MâMay pupuntahan lang."
"Doon ka matutulog?"
"Uuwi rin ako agad."
"What? Gabihin ka na niyan."
"Okay lang."
"Samahan na kita."
"Wag na."
"I insist."
"Please, France. Okay lang ako."
"Hindi ka makakapunta kung hindi mo 'ko isasama."
"Fine!" pagpayag niya.
"Saan sa Batangas?"
"Sa resort ng pamilya mo," sagot niya.
"Why?" nagtatakang tanong ni France. "Sinong may party?"
"PâPwede bang wag mo na muna akong kausapin, please lang?"
"Okay," pagpayag ni France at nag-concentrate sa pagmaneho. Walang imik si Danica hanggang sa makarating na sila sa Batangas.
"We're here."
"Dito ka lang."
"Resort namin 'to kaya walang masama kung papasok ako. Isa pa, may room kami rito kung gusto mong mag-overnight."
"Please, France," nakikiusap na sabi niya kaya itinaas ni France ang mga kamay bilang pagsuko. "You win."
"Thank you," ani Danica at naglakad patungo sa reception's area.
"Yes, Ma'am?" tanong ng babae. "May reservation ho ba kayo?"
"Miss, may itatanong lang sana ako. Last week kasi birthday ng kaibigan ko so nagpa-book kami rito ng rooms. CâCan I ask po ng room number ng kaibigan ko? Nakalimutan ko kasi yung room number niya."
"Pasensya na, Ma'am pero hindi kami nagbibigay ng information ng clients namin kung hindi sila mismo ang nagtanong," paumanhin ng receptionist.
"MâMiss, importante lang talaga."
"Ma'am, hindi ho talaga pwede. Privacy ho ng customer namin 'yon."
"Missâ"
"Give her what she wants," sabi ni France na sinundan ang dalaga kaya napatingin ang mga ito sa kanya.
"SâSirâ"
"I'm with her," sabi ni France saka inakbayan si Danica.
"SâSige ho," napilitang pagpayag ng receptionist. "Kailan ho ba?"
"Last Friday," sagot niya at sinabi ang date.
"Kaninong room ho?"
"KâKay . . . "
"CR lang ako," paalam ni France nang mapansin ang pagkabalisa ni Danica.
"Komi Sadiwa ho," mahinang sagot ni Danica nang makaalis na si France.
"Wait lang ho, tingnan ko lang sa logbook," sabi nito habang tumitingin ang computer. "Ahm... nasa room seventeen ho siya naka-book that night."
"GâGanun ba?" aniya na nanghina. Ibig sabihin, sa maling room siya tinuro ng mga kaibigan. "EâEh yung room thirteen ho?" tanong nya.
"Ah, yung room ten to fifteen, nasa mga Villafuerte ho kasi 'yun kay hindi pwedeng ipa-book sa guests," sagot nito kaya napatango si Danica.
"Are you done?" tanong ni France nang bumalik.
"PâPwede bang dito na tayo matulog?" tanong ni Danica.
"Sure. Pagod na rin akong mag-drive," humarap siya sa receptionist. "Miss, kung may pupuntang pamilya, pakisabing occupied na ang room thirteen."
"Sure po, sir."
Inakay siya ni France patungo sa room 13.
Pagbukas ni France, alam ni Danica na hindi ito ang silid ng una nilang pagkikita.
Isinara ni France ang pinto saka niyakap ang nakatalikod na dalagang nakasilip sa bintanang nakaharap sa dagat.
"Okay ka lang?" tanong ng binata.
"GâGusto kong maglakad-lakad," sabi niya saka inalis ang kamay ni France.
"Tara, lakad tayo."
"Gusto kong mapag-isa!"
"Okay," pagpayag ni France.
Dali-daling lumabas si Danica para lumanghap ng sariwang hangin. Naupo sya sa dalampasigan at pinagmasdan ang mga turistang nagsi-swimming.
"Uy, may artista ata!" tili ng isang babae nang makita si France na naka-swimming trunks.
"Hala! Ang gwapo! Artista ba siya? Hindi ako familiar eh."
"Baka kasi sa hitsura niya, impossibleng hindi. Hala, papunta siya sa atin!"
"Tara, pa-picture tayo!"
Malapit na si France kay Danica nang salubungin siya ng tatlong teenager.
Napatingin si Danica sa binata. Sino ba ang hindi mahuhumaling dito eh ang tangkad tapos ang macho pa lalo na ngayong nakabalandra ang abs sa mga tao.
"Pa-picture ho!"
"Sorry pero hindi ako artista," sagot ni France.
"Kahit na saglit lang," pangungulit nung isa na inilabas na ang camera. Sa dami ng artista ngayon, malay ba nila kung lowkey lang ito pero ang gwapo talaga. Pwede ring mag-viral sa Facebook eh. Yung tipong pumunta ng Batangas nakahanap ng gwapo, ganern.
"Bawal," sabi ni France. "Baka magalit ang fiancée ko."
"May fiancée ka na?" disappointed na tanong nito.
"Yeah," ani France sabay turo kay Danica kaya iniwas ng dalaga ang tingin na kunwari ay hindi niya alam ang nangyayari sa binata. "Excuse me." paalam ni France at nilapitan si Danica. Naupo siya sa tabi nito.
"Sana hindi ka na lumapit sa akin, mawalan ka pa ng fans!"
"Kaya ayokong mag-artista," sabi ni France. "May problema ka ba? Mula nang dumating tayo, parang ang bigat ng iniisip mo."
"Hindi ko lang maintindihan," pag-amin niya.
"Ang alin?"
"Yung room number na na-book. Iba naman ang room ni Komi tapos iba naman ang sa 'yo. Tanungin ko na lang si Komi pagbalik natin bukas," sagot niya.
"Bakit ka pa lalayo eh nandito naman ako para tanungin mo."
Hinarap nya si France saka tinitigan sa mukha.
"Ask me, Danica. Bakit mo tinatanong ang room number last Friday."
"Room seventeen ang napasukan ko nang gabing iyon pero nagtataka ako kung bakit ikaw ang nandoon?" naguguluhang tanong niya.
Kumuha si France ng maliit na bato saka inihagis sa tubig.
"Hindi ko maintindihan, France. Kung si Komi ang naka-book sa room na 'yun, bakit hindi siya bumalik? Or nakita ba niya tayo? At bakit nandoon ka?"
Napangiti si France saka pinitik ang noo ng dalaga.
"Ouch! Ano ba?'
"Sa wakas nagiging matalino ka na ulit," sabi ni France saka nilanghap ang sariwang hangin. Kaya mahilig ang mga taga Europe magbakasyon sa ibang bansa kapag holiday dahil wala silang magandang dagat kagaya rito sa Pilipinas.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?"
"Nakipagpalit ako ng room kay Komi," sagot ni France na ikinagulat ni Danica.
"WâWhy?"
"Let's just say na gusto kong malaman kung sino ang babaeng matapang para pumasok sa kwarto ko para lang makuha ang number ko," sagot ni France. "Pero hindi ko naman akalain na ang agresibo mo kaya hindi na ako nakalabas."