16
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
Flashback....
"Are you sure na okay lang na gawin natin 'to?" tanong ni Paula.
"Alam mo ba talaga ang room number ni France?"
Napatigil si France sa paglalakad nang marinig ang usapan ng dalawang babae.
"Of course not! Kay Komi naman na room number ang ibibigay ko. I can't afford to offend France, no! Tingin mo, palalagpasin niya 'yon? Hirap kaya kalabanin ang mga Villafuerte at Gonzales," sagot ni Jean.
"Oh, poor girl. For sure magugulat 'yon pag hindi si France ang papasok sa kanya. Hey, tingin mo lalabas siya?"
"Bahala siya kung maghintay siya kay France. Afterall, lasing na siya," sagot ni Paula kaya napaatras si France. Babalik sana siya sa swimming pool para maligo pero nakita niya si Komi na naglalakad patungo sa kwarto nito kaya hinabol niya.
"Komi!"
"Oh?" ani Komi saka hinintay siyang maabutan ito. "May kailangan ang isang Gonzales sa akin?" tanong nito sabay hithit ng hawak na sigarilyo.
"Let's change the room," seryosong sabi ni France.
"What?" tanong ni France na tila nagtatanong ang mga mata sa kaharap pero muling humalakhak. "Hindi naman ako ganun kabobo. Alam mo kung ano ang nangyayari, right?"
"I overheard it," sagot ni France.
"Do you like her?"
"I don't even know her!" ani France saka tiningnan si Komi mula ulo hanggang paa. "Pero ayaw ko ng ginagamit ang pangalan ko sa walang katuturan!"
"Sure!" pagpayag ni Komi. "Pakialam ko sa babaeng 'yon!"
"Pero pumayag ka sa gusto nila!"
"Mamamatay ako sa bugbog pero hindi sa kulungan!" sabi ni Komi sabay iling. "Sa 'yo na siya kung gusto mo pero kilala mo ba siya?"
"Hindi ko kilala," pag-amin ni France.
"Okay," sabi ni Komi saka ngumisi. Why not? Kung hindi man siya, at least ang kaibigan ni Pablo ang gagawa para sa kanya.
"Here's my key!" sabi ni France sabay bigay ng susi kay Komi. "Room Thirteen."
"Okay."
Pagkatapos nilang magpalit ng susi ay naglakad na si France patungo sa kwarto ng babaeng mukhang biktima ng mga maling kaibigan. Gusto niyang makita ito dahil baka ma-scam siya at bigla na lang lalabas ang maling news tungkol sa kanya. Sanay na siya sa mga babaeng gawin ang lahat mapikot lang siya.
Pagbukas niya ng pinto, agad na tumayo ang babaeng namumula ang mukha saka ngumiti sa kanya.
Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. She's pretty pero hindi ito ang tipo ng babaeng unang kita pa lang niya ay gustuhin na niya. Ang daming magagandang Española at Latina na nakilala na niya kaya wala nang dating ang ganda nito pero may rason naman yatang ma-insecure ang mga kaibigan nito.
"Hi, France. Can I have your number?" tanong nito na muntik nang matumba nang lumapit sa kanya.
"Lumabas ka na!" sabi niya pero agad na sinaklolohan ito nang natapilok at napayakap sa kanya.
"Ang pogi mo," nakangiting sabi ni Danica saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Kailangan nyang makuha ang number ni France para tapos ang deal. Wala namang masama siguro kung gagamit siya ng charisma niya? "Number lang tapos lalabas na ako." Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ng binata.
Kahit siya nagulat din sa ginawa nang halikan si France. Hindi ito kumilos pero nang lalayo na sana siya ay hinapit siya nito sa bewang at diniinan ang halik.
-----------END OF FLASHBACK------
"So? Ginusto mo rin naman 'yung nangyari!" agad na sabi niya matapos ikwento sa kanya ng binata ang tunay na nangyari.
"You kissed me first." depensa niya. Hindi totoo yung noon pa man crush na niya ang dalaga o love at first sight, walang ganun. Sa ibang Villafuerte ganun pero hindi sa kanya.
"Pero gumanti ka kaya wala akong kasalanan!"
"I'm not blaming you," sabi ni France at nahiga. "Sabi ko nga, pareho tayong may responsibility sa nangyari."
"Mali talaga ng alak!" sabi ni Danica saka nahiga at nagtalukbong.
"Matutulog ka na?"
"Wala ako sa mood, France!" sabi ng dalaga. "Pagod ang katawan ko."
"Tch! Kung ano-ano ang iniisip mo. Hindi ka pa nga naghihilamos. Tingin mo makikipagtalik ako sa 'yo?"
"WâWala akong sinabi!" sabi ng dalaga saka agad na tumayo dahil feeling niya napahiya siya kasi yun nga ang iniisip niya. "Ikaw ang may sabi niyan!"
"Gustuhin ko man, wala akong dalang condom," sagot ni France nang mapansing napahiya ito.
"Mali ka nang iniisip mo!" sabi ni Danica at tumakbo papasok ng shower room kaya napangiti si France.
Hindi niya kayang sumugal sa withdrawal dahil baka makalimutan niyang hugutin. Nag-iingat lang siya. Para din naman sa kanila iyon ni Danica.
Kinaumagahan, maaga pa silang bumalik sa condo at nagpalit para pumasok sa paaralan.
"Sabay na tayo."
"Wag na, mag-commute na lang ako."
"Nahihiya ka bang makita nila?"
"Ikaw ba, hindi?"
"Ano naman ang masama kung magkasama tayo?"
"Ang masama eh, marami na naman ang aaway sa akin kasi nga ang daming may gusto sa 'yo," paliwanag ni Danica.
"So? Hindi ko naman sila gusto at marami rin naman ang aaway sa akin kapag malaman nila na magkasama tayo," sabi ni France. "Isa na roon si Pablo."
"Speaking of Pablo. Bakit mo ba inamin sa kanya?" tanong niya.
"Nagtanong sila, sinagot ko lang."
"Sila?"
"Sina Pablo, Gian at Jannah," sagot ng binata.
"Kailan?"
"Friday night."
"Sila ang kasama mo?" hindi niya alam. Ang alam lang niya ay lumabas si France pero hindi naman nito sinabi kung sino ang kasama at kung saan pupunta. Wala naman kasi siyang karapatan. Baka isipin nito tsismosa siya.
"Yeah," ani France.
"Bakit mo inamin?"
"Nagtanong nga sila kung sino ang fiancée ko alangan naman ide-deny ko."
"Paano nila nalaman na may fiancée ka?"
"Sinabi ko."
"What?" gulat na tanong niya.
"They're asking kung may girlfriend na ako so sinagot ko wala, fiancée lang."
Napakagat sa ibabang labi si Danica. Ibig sabihin, hindi siya kinakahiya ni France? Na okay lang dito na malaman ng iba na engaged na sila? Napasulyap siya sa binata. Bakit habang tumatagal, para siyang nabibigyan ng pag-asang may pag-asa at patutunguhan ang sitwasyon nila? May chance kaya na mahalin din siya nito?
"Iniisip mo?"
"Wala."
"Ah, akala ko kasi inlove ka na sa akin," biro ni France na abot hanggang tenga ang ngiti.
"HâHindi ah!" tanggi nya saka dali-daling lumabas. Tinawag pa siya ni France pero hindi na niya ito nilingon pa. Ganun na ba siya kahalata? "Nakakahiya!" bulong niya na gusto na lang niyang magpalamon sa lupa.
Pagdating sa paaralan, agad na sinabayan siya ni Bia.
"Morning," bati niya.
"Alam mo, feeling ko talaga may kinalaman ang mga kaibigan mo sa nangyari sa inyo ni France," sabi ni Bia. Magdamag silang nag-usap ni Danica nang mag-overnight siya sa bahay nito at naikwento nga nito ang nangyari nang gabing iyon.
"Feeling ko rin," sabi ni Danica saka ngumiti kay Bia. "Hayaan na natin 'yun."
"Hindi pa rin okay ang ginawa nila!"
"Wag ka mo na silang intindihin. Ang mahalaga ay ang peace of mind natin," sabi ni Danica.
"Hi, girls! Morning!" bati ni Jannah nang makasalubong nila.
"Morning," bati rin ni Danica.
"Hey, himala at bumati siya!" wika ni Bia.
"Kaya nga eh," pagsang-ayon ni Danica. Kung noong weekend pa nito nalaman ang tungkol sa kanila ni France, bakit hanggang ngayon wala pa ring balita sa Fb page nila at sa ibang estudyante? Partida spoiled brat pa si Jannah. Malamang galit ito sa kanya dahil super close ito kay Pablo at mukhang may gusto kay France.
Dumiretso sila sa classroom. Nagtatawanan sina Paula, Liza at Jean nang pumasok sila.
"Hey, Danica! Saan ka ba pumunta kahapon?" tanong ni Jean. "After ng klase bigla ka na lang nawala at hindi na nag-reply."
"Masama ang pakiramdam ko," pagsinungaling ni Danica. "Pagdating ng bahay, nakatulog agad ako tapos nakalimutan ko nang mag-reply."
"Okay lang," sabi ni Jean.
"Hey, Trevi ba ang damit mo?" tanong ni Liza.
"Ha? Oo, bigay lang," sagot niya.
"Bigay nino?" tanong ni Paula. May Trevi na rito sa Pinas pero nasa MOA lang at branded talaga lalo na't hindi ito local brand pero sikat sa Europa lalo na sa Italy. Unlike sa CA na affordable ang price dahil local brand pero ang ganda ng quality.
"Kakilala ko lang," sagot ni Danica.
"Really?" ani Liza saka lumapit at tiningnan pa. "Oh my gosh! Limited edition 'to. Ito yung pinapahanap ko kay Mommy dahil nakita sa video niya nang dumalo sa Milan fashion week pero ang sabi, limited lang daw kaya hindi na siya nakakuha."
"Well, sa panahon ngayon ang dami nang imitation," sabat ni Paula. "Chanel, LV, Hermes, name the brand at magkakaroon ka."
"But this one seems to be original," ani Liza dahil may sign pa ng designer nito. Hindi basta-bastang magawa ng makina ang ganitong stitches sa gilid kundi gawa ng kamay mismo ng designers, iyon ang naging dahilan kung bakit unique ang gawa ng Trevi sa products nila. Same sa ibang branded bags like Prada.
"Magagaling na rin naman ang Class A na hindi mo mahalata," sabi ni Jean.
"Basta ako naniniwala ako one million percent na totoo ang suot ni Danica!" taas noong sabat ni Bia.
"Anong alam mo sa fashion?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Paula. "Wala!"
"Oo nga," pagsang-ayon na sabat ni Danica. "Class A lang 'to kaya wag na tayong magtalo pa."
Naupo siya saka kunwari ay binuksan ang notebook para hindi na siya istorbohin pa ng mga ito.
Buti at dumating agad ang guro kaya wala na silang time makipagtsismisan.
Nang breaktime, niyaya siya ng mga ito na lumabas pero tumanggi siya.
"CR lang ako," paalam niya kay Bia.
"Sama ako," sabi ni Bia kaya sabay na silang lumabas ng classroom at tumungo sa CR. "Bakit ba dine-deny mo na original ang damit mo, ha?" tanong ni Bia nang pabalik na sila sa classroom.
"For what? Hindi naman mahalaga sa akin kung original o hindi. Basta bigay sa akin, na-appreciate ko iyon," sagot niya.
"Haist! Alam mo, inggit lang talaga sila dahil ang mamahalin na ng mga gamit mo," sabi ni Bia. "Hey, si Fiancé mo!" bulong niya sabay tulak kay Danica.
"Hey, Danica!" masiglang tawag ni Gian kasama si France nang makitang makakasalubong nila.
"Bia, nânaiihi pa ako!" sabi ni Danica na hindi alam ang gagawin nang makita si France. Gusto niyang magtago o tumakbo malayo rito. Basta hindi niya ito kayang makaharap dahil sa nangyari kaninang umaga.
"Tawag ka niâEh? Hoy, Danica!" tawag ni Bia nang patakbong bumalik si Danica sa CR.
"Eh? Anong nangyari kay Danica?" nagtatakang tanong ni Gian kay Bia.
"Naiihi pa raw," sagot ni Bia na napasulyap kay France na sinundan ng tingin si Danica.
"Ah, sige," ani Gian saka nilagpasan si Bia. "Hey, France. Bakit ganun ang mukha ni Danica? Hindi ba talaga niya ako narinig? Ang lakas naman ng pagtawag ko ah."
"Baka hindi ka lang talaga niya narinig," sagot ni France saka napangiti. "Tara na, saan ba si Pablo?"
"Haist. Hayaan mo muna siyang mapag-isa. Alam mo namang nagdadamdam pa 'yun eh. Ayaw ka niyang makausap," sagot ni Gian.
"Drama niya!"
"Intindihin mo na lang kasi. Syempre dinaig pa niya ang namatayan sa pagluluksa. Ikaw kasiâsi Danica pa. Dami namang babae riyan."
"Malay ko ba na siya pala ang nililigawan ni Pablo."
"Haist. Yaan mo na muna siya, makaka-move on din 'yon."
Lumapit sila sa mga kaklaseng nakatambay sa mga upuang gawa sa cemento sa ilalim ng punong- kahoy.
"Hey, France. Nagtatanong sina Lay kung may girfriend ka na ba?" tanong ni Carlos na kaklase nila kasama ang tatlong babae.
"Wala," sagot ni France.
"Ha? As in wala? Joke ba yan, France?"
"Wala talaga eh," sagot ni France. "Fiancée lang."
"Ha?/ Really?/ What?" sabay-sabay na tanong ng mga kaklase.
"May fiancée ka na?" tanong ni Carlos.
"Yes."
"Sino?" tanong ni Lay.
"Danica," sagot ni France.
"Danica?" ulit ni Carlos.
"Hindi n'yo kilala," sabat ni Gian saka inakbayan si France. "Wag nyo nang tanungin! Di talaga kayo mahilig da privacy."
"Parang nagtatanong lang eh," sabi ni Lay.
"Hindi nga ninyo kilala dahil nasa ibang lugar siya," sabat ni Gian dahil kapag malaman nila na si Danica Villanueva, mas magiging kawawa at masasaktan si Pablo. As of now, kailangan na muna nilang isikrito ang tungkol kina France at Danica.
Hinila ni Gian si France palayo sa mga ito para kausapin nang masinsinan.
"Tol, hindi naman sa nanghihimasok ako peroâ"
"Nanghihimasok ka na niyan!"
"Haist! Basta ganito kasi yun, France. Kung pwede 'wag na muna nating aminin sa kanila na kayo ni Danica. I-consider natin ang feelings ni Pablo at hindi na maging fully recovered na siya bago natin aminin sa kanila dahil hindi nakakatulong ang pag-amin mo. Mas lalo lang mapahamak si Danica. Afterall, kaibigan ang turing sa 'yo ni Pablo."
"Okay," pagpayag ni France. "Pero hindi ko maipangako kung hangggang kailan. Basta kapag tinanong ako, ayaw ko nang magsinungaling."
"Okay," ani Gian. "Basta kapag tanungin ka, keep quiet ka na lang ha. Kahit di mo na i-deny o aaminin."
"Okay," pagpayag ni France.