Back
/ 35
Chapter 18

17

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Kyaaaaaaah!" malakas na sigaw ni Bia matapos tumunog ang bell. It's 10 o'clock. Tradition na talaga ng SJU na may shouting time sa school every 10 am at 3pm para mailabas ng mga estudyante ang emotional stress.

Sobrang ingay ng paligid kaya naglagay ng earphone si Danica.

Matapos ang 5 minuto, biglang tumahimik ang paligid na para bang walang nangyari.

Sa ngayon, pati CTU ay gumagawa na rin nito. Wala namang masama since sister's school na sila dahil sa mga Lacson at Alcarde.

"Tara na sa classroom," yaya ni Bia kaya bumalik sila sa loob ng classroom.

"Gaganda naman ng dress mo palagi," sabi ni Liza. "Hey, may contact ka ba sa Trevi?"

"H—Ha?"

"Limited edition lang kasi ang mga suot mo at mostly ay nakukuha na agad ng mga Villafuerte," sabi ni Liza. "Kaya bago pa man i-release, out of stock na siya."

"Pinagsasabi mo, Liza," sabat ni Jean. "Hindi naman sa pang-aano ha. Pero class A lang 'yan."

"Oo nga. Pano naman siya makakuha niyan sa Europe. Magkaibigan tayo pero nasa reality lang tayo. Isa pa, inamin na nga ni Danica, di ba?" sabat ni Paula.

"I don't think na imitation siya," sabi ni Liza. "Who dares na i-imitate ang Trevi? Sometime tried it pero nasa jail na siya." May nagbenta ng imitation ng Trevi at agad na gumawa ng action ang CEO ng company at dinaan sa legal na proseso kaya mula noon, wala na talagang umulit pa dahil maliban sa magbabayad ka na, makukulong ka pa.

"Wag n'yo na ngang pansinin ang damit ko," sabi ni Danica at ngumiti. Inilapag niya ang bag sa arm chair.

"Oh my gosh! Pati bag mo, Trevi rin?" tanong ni Liza kaya napatingin sila sa bag niya.

"May supplier kasi ako," ani Danica. Ilang buwan na rin siyang nagbubulagbulagan sa mga kaibigan pero ngayon, kailangan na niyang buksan ang mga mata para makita ang tunay nilang kulay.

"Morning," bati ng prof na pumasok kaya nagsiupo na sila.

Matapos ang lecture, napag-usapan nila ang ipambato sa Miss SJU. Bawat section ay may representative at kung sino ang mananalo ay siyang ilalaban sa per level at ang manalo ay siyang magre-represent ng department nila laban sa ibang department.

"Ayoko!" tanggi ni Danica nang may nag-nominate sa kanya. "Promise, ayaw ko po talaga. Sorry, Ma'am pero wala talaga akong experience at kahit na pilitin ninyo ako, hindi ko po talaga kaya."

"Ay, gurl. Madali lang naman 'yon eh. Matutunan mo naman, turuam kita," sabat ni Paula na halatang naghihintay lang na i-suggest ang pangalan nito.

"I suggest na si Liza na lang," sabi ni Danica na ikinagulat ni Liza. "Nagmo-modelling siya noong highschool sa USA at nanalong Little Mis USA kaya ilalaban talaga niya tayo!" suhestiyon niya.

"Why me?" tanong ni Liza.

"Oo nga! Si Liza na lang, tall, maputi, sexy at may experience," pagsang-ayon ni Bia sabay bura ng pangalan ni Danica at ipinalit ang pangalan ni Liza.

"Oo nga," ani Danica. "Brainy siya amd I can testify na magaling siya sa Q and A. Easy lang sa kanya 'yun. Tanong nyo pa sina Jean at Paula."

"Ay, oo nga," pagsang-ayon ni Lara.

"So, si Liza na lang," sabi ng guro nila kaya napangiti si Danica. Napansin niya ang pagtinginan nina Jean at Paula.

"Ayan, si Liza na. Congrats!" bati ni Danica.

"Gosh! I hate you guys!" nakasimangot na sabi ni Liza.

"Kaya mo 'yan, gurl. Turuan ka namin," sabi ni Jean saka ngumiti. "Nandito si Paula, sanay na siya riyan."

"Tara na. Kain na tayo," yaya ni Paula. "At ikaw Danica, palagi ka na lang hindi sumasama. Nagtatampo na kami ha."

"Oo nga, bawal pass ngayon," sabi ni Jean.

"Ako pass muna kasi susunduin ako ni Dad," sabi ni Liza.

"Okay," pagpayag ni Paula. "Pero si Danica, bawal mag-pass."

Walang nagawa si Danica kundi sumama sa kanila sa labas ng school campus.

"Tingin n'yo, mananalo si Liza?" tanong ni Jean habang kumakain sila.

"Oo naman. Kaya niya 'yun," sagot ni Danica. "Matangkad siya."

"Hindi naman tangkad ang labanan. Hindi rin naman ganun katangkad si Pia compared sa mga latina pero nakuha pa rin niya ang corona," sabi ni Jean.

"She is confidently beautiful with a heart," sabi ni Danica. "Same rin kay Liza."

"Isa na iyon sa factors, Catriona matangkad din naman," sabat ni Paula. "But the problem is medyo chubby si Liza eh ayaw ng mga judges ang medyo malusog lalo na sa swimsuit."

"May time pa namang mag-diet," sabi ni Danica saka sumubo ng pagkain.

"Yeah, pero one week na lang na preparation," ani Paula. "Eh di ba, kain siya nang kain. Kahit na anong pagkain, tinitikman basta masarap."

"Ay, true," pagsang-ayon ni Jean.

"Kaya nga pinagsabihan ko 'yan na 'wag masyadong kumain dahil hindi rin healthy. Paano kung mamaya magka-amoeba siya sa mga streetfoods," tugon ni Paula. "Tsaka niyayaya ko yan na mag-gym eh, ayaw naman. Tinatamad daw siya."

"Tamad din akong mag gym," sabi ni Danica.

"Payat ka naman, gurl," sabi ni Jean. "Di mo na kailangang pumunta ng gym."

"Si Liza ang kailangan ng gym," sabi ni Paula. "Pinagsabihan ko nga 'yan na galaw-galaw rin kasi sa tuwing mag-videocall kami kumakain siya sa kama."

"Ay, ano yun? Sa kama pa talaga kumakain? Tamad lang tumayo?" sabi ni Jean.

Hindi na dumagdag pa si Danica. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain hanggang sa matapos sila.

"Girl, may bibilhin lang ako," sabi ni Paula nang lumabas sila sa restaurant.

"Samahan ka na namin," sabi ni Jean.

"Sige."

"Pwede bang kayo na lang? Masama ang pakiramdam ko eh," pagdahilan ni Danica.

"Okay," ani Jean.

Naghiwalay sila.

Pabalik na si Danica sa campus nang mapadaan sa Ice cream house ng mga Santillan. May branch na ang sikat na Ice Cream house na ang main branch ay sa Westbridge.

Dahil matagal na rin siyang hindi nakatikim ng ice cream, pumasok siya at nag-order ng pistachio saka naupo sa isang tabi.

Buti at iilan lang ang tao.

"Hi, nag-iisa ka yata?" tanong ni Pablo na naupo sa tabi ng dalaga.

"May binili ang mga friends ko," sagot niya at ngumiti. "Ikaw? Mag-isa ka yata?"

"Hindi na kami nag-uusap ni France kung siya ang hinahanap mo," sagot ni Pablo. Sa ngayon, iniiwasan niya ito dahil masama pa rin ang loob niya. "Sinaksaktan ka ba niya?"

"Hindi naman. Mabait si France at minsan siya ang nagluluto," sagot ni Danica saka kumain ng ice cream.

"Nagluluto? Ibig sabihin—nagsasama na kayo?"

"Ha? Ah—"

"Wag mo nang sagutin, Danica," sabi ni Pablo at ngumiti kahit na ang totoo ay medyo nasaktan pa rin siya. "Hindi ko akalaing nagsasama na nga talaga kayo."

"Pablo, pasensya ka na."

"Wag kang humingi ng patawad, Danica. Choice mo 'yan kaya wala na ako riyan. Magkaibigan pa naman tayo eh."

"Thanks."

"Pero paano yung nangyari sa inyo ni Komi? Hindi 'yon totoo?"

"No," sagot ni Danica.

"Damn! At hindi man lang niya nilinaw iyon? Barumbado talaga!" gigil na sabi ni Pablo.

"Hayaan mo na. By the way, di ba alam ni Jannah? Buti at hindi niya ipinagkalat."

"Hindi ganoon ka tsismosa si Jannah," sabi ni Pablo. "I knew her, maldita lang yun pero hindi 'yon tsismosa."

"Mabuti naman. Kilalang-kilala mo na talaga ang kaibigan mo, ano?"

"Hey, guys!" masiglang bati ni Gian nang pumasok kasama si France. "Uy, nagde-date kayo?"

"Ingay!" reklamo ni Pablo.

Naupo si France sa tabi ni Danica.

"Anong flavor 'yan?" tanong ni France.

"Pistach—" natigilan siya nang hawakan ni France ang kamay niyang may hawak ng ice cream saka inilapit ito sa mukha nito para matikman ang ice cream. Sanay naman siyang mahawakan ni France pero iba pa rin ang dulot nito sa katawan niya.

"Hmm? Masarap nga," ani France.

"Woah!" ani Gian. "Sana all sweet. Uy, Danica. Alam mo ba na si France ang representative namin sa pageant?"

"Talaga?" tanong ni Danica saka napaharap kay France. Hindi naman maipagkaila na may laban ito lalo na sa katawan.

"Wag nyo na ngang i-remind," sabi ni France dahil pinilit nina Gian na siya ang mag-represent.

"Bagay ka naman talagang sumali sa pageant," sabi ni Danica.

"Talaga?" tanong ni France saka hinarap ang dalaga at hinawakan sa baba. "Susuportahan ba ako ng fiancée ko?"

Tinabig ni Danica ang kamay ni France saka agad na iniwas ang tingin at tumayo.

"Balik na ako sa SJU," paalam niya saka dali-daling iniwan ang mga ito.

"Mukhang next level na kayo ah," puna ni Gian.

"Wag na nating pag-usapan," sabi ni France dahil kahit paano ay isinasaalang-alang niya ang damdamin ni Pablo.

"Pero tingin ko gusto ka niya."

"Talaga?" tanong ni France. Alam naman niya pero iba pa rin kasi ang nakikita ng iba. Ayaw niyang mag-assume.

"Oo, halata naman sa kilos niya eh. Iba siya kapag si Pablo ang kasama at iba yung kilos niya kapag nandyan siya," ani Gian.

"Okay," ani France saka napangiti.

"Nandito pa ako oh!" sabat ni Pablo. "Hindi ba pwedeng patalikurin muna ninyo ako?"

"Haist. Ilang araw mo na kaming iniiwasan, di ka pa ba naka-moveon?" tanong ni Gian. "Babae lang 'yan, 'tol. Makakahanap ka rin ng para sa 'yo. Yung tunay na kaibigan, yun ang dapat na hindi pinapakawalan!"

"Plastic ka naman!" sabi ni Pablo saka hinarap si France. "Hoy! May gusto ka ba kay Danica?"

"Hindi ko alam," sagot ni France.

"Anong hindi mo alam? Magsabi ka nga ng totoo! Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya?"

"Yung totoo ba?" ulit ni France.

"Oo."

"I—wag na," pagpigil ni France sa sasabihin.

"Ano? Lalaki sa lalaki!" may paghamong sabi ni Pablo.

"Okay," pagsuko ni France. "I don't love her but I love fucking her!" pag-amin niya.

"What the—" Pablo

"Uy, tol!" agad na pinigilan ni Gian si Pablo dahil susuntukin na sana nito si France.

"Magpigil ka nga! Mamaya ma-report ka na naman dahil sa pakipag-away," saway ni Gian.

"Wala ka ba talagang galang kay Danica, France?"

"Sabi ko hindi ko na sasabihin pero pinilit mo 'ko. Ngayong inamin ko, nagagalit ka. What's wrong with you?" inis na sabi ni France saka tumayo para iwan sila.

"France—" harang ng babae.

"What?" pikong tanong niya.

"Inutusan lang ako ng mga kaklase ko pero baka pwedeng pahingi ng number mo?" nahihiyang tanong ng isang estudyante.

"May fiancée na ako," sagot ni France saka nilagpasan ang babae.

"Pano 'yan?" tanong ni Gian. "Mukhang hindi dine-deny ni France ang relasyon nila ni Danica."

"Bahala siya sa gusto niya!"

"Haist! Noon, sinasabi mo na kung bakit si Komi pa ang pinatulan ni Danica, eh pwedeng si France naman. Ngayong si France nga, magagalit ka? Isa pa, hindi niya alam na si Danica pala yung babae," pagtatanggol ni Gian kay France.

"Hindi ba pwedeng ang hirap lang tanggapin, Gian? Hindi mo alam yun kasi wala ka namang nililigawan!"

"Aray ko naman, Pablo! Kaya ayaw kong manligaw kasi sakit lang sa ulo ang babae," sabi ni Gian sabay iling.

Napatingin sila kay Komi na pumasok kasama ang mga kaibigan. As expected, sobrang ingay ng mga ito.

"Kailan pa ba kayo magkakabati ni Komi?"

"Hindi na siguro," sagot ni Pablo. "Siya naman ang lumalayo, anong magagawa ko?"

"Ang unfair din kasi ng ama ninyo," ani Gian.

"I know," sagot ni Pablo. "Pero hindi ko naman ma-control si Dad. Wala akong kasalanan pero dahil sa kanya, dinadamay ako ni Komi. Unfair din naman si Lola sa amin kaya patas lang."

"Intindihin mo na lang, Pablo. Alam mo namang iniwan din siya ng mommy niya."

"I did pero hindi iyon sapat para gumawa siya ng katarantaduhan. We have our choices in life kung anong daan ang tatahakin natin, Gian. At mas pinili niyang maging ganito kaysa ayusin ang buhay niya. Sinusubukan naman namin ni Mommy na mapalapit sa kanya pero siya ang kusang lumalayo."

"Ganyan nga siguro talaga dahil na rin sa dugong dumadaloy sa ugat niya."

"Maybe. Nanay nga niya, iniwan din siya eh," sabi ni Pablo. "Kaya hindi na kami nag-i-expect ni Mommy na maging okay kami. Dagdagan pa ni Dad na hindi siya kinikilala. Aaminin ko, nasasaktan din ako para sa kanya. I tried to comfort him pero—iyon ang desisyon niya. As long na hindi niya sinasaktan ang mommy ko, walang problema sa akin kung gusto niyang maging barumbado."

Share This Chapter