18
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Morning," bati ni Danica nang paglabas ay nag-i-exercise si France. Kagaya ng nakagawian, topless ito. "Ang aga mo naman atang humarap sa gym mo?"
"Kasalanan 'to ni Gian eh! Kung hindi ba naman niya iminungkahi na ako ang mag-represent, eh di sana hindi ko kailangang i-maintain ang katawan ko," paninisi ni France. "Nakahanda na ang breakfast, kumain ka na."
"Lahat ba ng Gonzales ay marunong magluto?" tanong niya saka naupo.
"Almost," sagot ng binata saka nilingon ang dalaga. "Pero sa mother side ko, iilan lang ang marunong magluto." Mostly ng mga Villafuerte ay may katulong pero sa Gonzales, sinanay siyang maging independent sa gawaing bahay.
"So hindi marunong magluto ang mga Villafuerte?" obvious naman siguro dahil ang yayaman ng mga ito.
"Marunong din naman lalo na ang mga laking probinsya lalo na ang mga Ilokanong Villafuerte."
"May Villafuerte na Ilokano?"
"Team krayola," sagot ni France. "Laking probinsya sila at yung mga taga Antique."
"I see..." aniya.
"Yaan mo kapag may family reunion, isama kita para makilala mo pa sila," sabi ni France.
"Wag na, hindi naman tayo kasal," sabi ni Danica at sumandok ng kanin.
"Pero ikakasal din naman tayo kaya mabuti nang paunti-unti kang masanay sa pamilya ko."
Napatigil sa pagkuha ng ulam ang dalaga.
"HâHindi naman natin alam ang future. Malay mo, hindi na matuloy ang kasal natin," sabi niya pero may kaunting sakit na naramdaman. Syempre kung siya ang papipiliin, gusto niyang makasal sila ng binata. Isinuko na niya ang lahat dito pati na rin ang puso niya.
"Bakit mo naman nasabi?" tanong ni France saka pinabilisan ang threadmill.
"Hindi kasi natin alam ang future. Malay mo, makahanap ka ng babaeng magpapatibok ng puso mo," sagot ng dalaga.
"Or baka ikaw," ani France saka napa-smirk.
"Hindi natin alam," ani Danica. Na-disappoint siya sa sagot ni France. Siguro dahil iba ang gusto niyang marinig? Nag-open siya ng ganung topic. Ibig sabihin, may gusto siyang marinig na kasagutan.
"Funny!" asik ni France saka pinabagalan ang threadmill hanggang sa tumigil ito. Kinuha niya ang towel at pinunasan ang pawisang katawan.
"Anong funny?" tanong ni Danica na sa pagkain ang mga mata dahil ayaw niyang mapasulyap kay France. Nagulat siya nang ipaharap ni France ang upuan niya saka yumuko ito sa kanya habang nakatukod ang magkabilang kamay sa arm chair kaya nakulong siya nito.
"Ikaw," seryoso ang mukhang sagot ng binata.
"Bakit naman?" tanong niya pero nagsimulang bumilis ang tibok ng puso nang yumuko ang binata habang nakatitig sa mga mata niya. Sobrang lapit na mukha nila kaya napapikit siya dahil hahahalikan siya ni France pero ilang segundo na ay walang mga labing dumampi sa mga labi niya kaya napamulat siya. Mata sa mata ang titigan nila pero kapagkuwa'y ngumiti si France saka hinaplos ang kaliwang pisngi niya.
"Are you expecting me to kiss you, Danica?" tanong ni France na hindi pa rin umaayos sa pagkatayo kaya naaamoy nya ang mabangong hininga nito sa tuwing magsasalita. Hindi makasagot ang dalaga kaya lumayo si France at tumalikod. "I won't kiss a girl na walang balak akong pakasalan," ani France saka pumasok sa kwarto.
Napahawak sa dibdib si Danica para bawiin ang hininga. Nang maka-recover ay ipinagpatuloy niya ang pagkain.
Patapos na siya nang lumabas si France, nakabihis na.
"Hindi ka ba kakain?" tanong niya.
"Busog na ako," sagot ng binata. "Hindi ka ba sasabay sa akin?"
"Hindi," sagot niya na nagtataka. Alam naman nitong ayaw niyang sumabay pero tinatanong pa rin siya nito araw-araw.
"Okay. Ingat ka sa byahe," ani France saka lumabas na kaya dali-dali niyang iniligpit ang pinagkainan at gumayak na rin dahil baka ma-late pa siya.
--------------
"Ang dami yatang tao ngayon sa pool," sabi ni Pablo.
"Sabay daw ang swimming class natin eh," sagot ni Gian. "Uy, bakit ganyan ang mukha mo, France? Nag-away ba kayo ni Danica?"
"Hindi ah," tanggi ng binata. "Inaantok lang ako at pagod," sagot niya. Late na siyang natulog tapos maaga pang nagising para mag-exercise. Hindi naman niya gustong manalo pero ayaw niyang pagtawanan siya kapag mag pageant na.
"Bakit? Pinuyat ka ba ni Danica?" biro ni Gian.
"Bilisan nga ninyo! Late na nga tayo eh!" salubong ang kilay na sabi ni Pablo.
"Hey!" ani Gian nang makasalubong si Liza. "Kayo ang makakasabay namin sa swimming?"
"Hey, guys!" masiglang bati ni Liza. "Yeah."
"Ayos!" ani Gian. "Saan na ang mga friends mo?"
"Over there," sagot ni Liza sabay turo kina Paula na papunta sa gilid ng pool. "Excuse me, naiihi na ako."
"Tara na, palit na tayo," yaya ni Pablo.
Napatingin si France kay Danica na palabas ng shower room. Napansin niyang sa dalaga nakatingin ang mga mata ng kaklase niyang lalaki. Two piece kasi ang suot nilang swimsuit pero disente naman tingnan dahil medyo mahabang palda shorts kaso nakalabas pa rin ang balat sa lower stomach.
"Danica!" masiglang bati ni Gian.
"Hi. Kayo pala ang makakasama namin," bati ni Danica. Kaya pala may harang sa gitna ang pool dahil ang sa kabila ay sina France. Nai-move kasi ang swimming class nila dahil wala ang guro kaya isinabay sila sa isang section.
"Oo nga eh," sabi ni Gian.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ni Pablo.
"Sige na, Danica. Magbibihis pa kami," paalam ni Gian saka sinundan si Pablo.
Lalagpasan na sana ni Danica si France pero nahawakan siya nito sa kanang kamay.
"FâFrance, maraming tao," saway niya na agad inalis ang kamay ng binata. "May kailangan ka?"
"Ano ba ang mali kung hawakan kita?"
"Ayaw ko ng issue."
"Hawakan lang sa braso, issue na agad?" tanong ni France saka hinarap ang dalaga. "Magtapis ka ng towel kapag wala ka sa tubig."
"Ha?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Hindi tama na pagpiyestahan ng mga lalaki ang katawan mo."
"Pinagsasabi mo? Same lang naman kami ng uniporme," sabi ni Danica.
"Two piece doesn't suit you well," salubong ang kilay na sabi ni France.
Naikuyom ni Danica ang kamao. Ibig sabihin, pangit sya tingnan sa paningin ng binata? Mataba ba siya tingnan? O payat? Nainsulto siya roon.
"What I mean is, hindi ako comfortable na ganyan ang suot mo lalo na't marami ang tao. Wag mo sanang isipin na hindi bagay sa 'yo," mahinang paliwanag ni France nang mapansing sumama ang tingin ng dalaga. "I'm sorry if I speak up my mind." Ngayon lang niya nakitang naka-swimsuit ang dalaga kaya naasiwa siyang tingnan in public.
"Hindi ko naman kasalanan kung ba't ganito ang uniporme namin. Kung pwede nga lang pumili ng designâ"
"You're too hot tingnan sa suot mo," ani France kaya natigilan si Danica. "Ayaw ko lang na maraming nakatingin sa 'yo kaya 'wag kang magtampo. It is my duty to protect you pero tama ka, wala nga tayong magagawa kung bakit ganito ang uniporme nila."
Bago pa man makaisip ng sasabihin, tinalikuran na siya ni France. Napayuko si Danica. Pinuri ba siya ni France? Ganoon ba siya sa paningin nito? Alam niyang mukhang isip-bata siya sa naisip pero parang gusto talaga niyang lumundag. Syempre pinuri siya ng crush niya.
"Danica!" tawag ni Jean kaya lumapit siya sa mga ito.
"Uy, anong sabi ni France sa 'yo, ha? Mukhang seryoso ang usapan ninyo ah," tanong ni France.
"Ah, tungkol lang kay Pablo," sagot ni Danica. "Humingi lang ako ng advice kung paano mawala ang tampo niya sa akin."
"Girl! Tingnan mo ang crush mo!" ani Jean nang lumabas sina Pablo at Gian na naka-swimming trunks lang.
"Psh! Bunganga mo!" saway ni Paula na hindi maialis ang tingin sa katawan ni Pablo pero agad na naagaw ang pansin niya nang sumunod si France.
"Kaya pala ang daming nagkaka-crush kay France eh, sobrang yummy ng katawan niya," bulong ni Jean.
"Hmp! lakas makasaway eh sobra pa nga siya!" inis na reklamo ng utak ni Danica habang nakatingin kay France na pati LGBTQ ay napapalingon dito.
"Uy, saliva n'yo, gurl!" natatawang sabi ni Liza.
Pumito ang instructor nila kaya lumapit na sila rito para makinig sa gagawin.
----------------------------
"Pwede bang wag mong ipaalam na si Danica ang fiancée mo? Pwede namang umamin ka pero wag mo nang sabihin ang pangalan!" pikong pakiusap ni Pablo. Nasa bar sila ngayon dahil bukas ay Saturday naman.
"Ano ba ang problema kung malaman nilang si Danica ang fiancée ko?"
"Hindi ka naman seryoso sa kanya, di ba?" pikong tanong ni Pablo.
"Who told you na hindi ako seryoso?"
Napatigil si Pablo sa pagtungga ng alak saka humarap kay France.
"Mahal mo na siya?"
"Hindi ko siya mahal pero hindi rin naman ako nakikipagbiruan sa kanya," sagot ni France.
"Dude, anong difference nun?" sabat ni Gian. "Mahal mo na siya."
"Magkaiba 'yon!" sabi ni France. "You can love someone but you can't take her seriously. Or pwedeng seryoso ka sa kanya pero hindi mo siya mahal."
"Nabubobo ako, promise!" sabi ni Gian. "Anong klaseng logic 'yan?"
"Ba't ba ako ang topic tapos kapag sumagot ako, magagalit kayo?" tanong ni France.
"Agree," sabi ni Jannah saka uminom ng ladies drinks.
"Kayo na lang kaya ni Jannah, Pablo? Tutal pareho naman kayong single at kilala na ninyo ang isa't isa," suhestiyon ni France.
"Lasing ka na nga yata," napailing na sabi ni Pablo.
"Hmm? Pwede," pagsang-ayon ni Gian. "Look, kilala na ninyo ang isa't isa at hindi ka na lugi kay Jannah, Pablo. NBSB 'yan tapos kilala na niya ang parents mo. Maganda rin at sexy si Jannah. Ang dami kayang may crush sa kanya."
"Ayoko nga!" tanggi ni Jannah. "Lugi ako sa kanya. Patay na patat pa 'yan kay Danica eh."
"Ako?" ani Pablo sabay turo sa sarili. "Babae lang 'yan!"
"Ah, kaya pala para kang namatayan," ani Jannah saka kinurot sa tagiliran si Pablo.
"Ouch, Jannah, masakit ah! Sadista ka talaga! Kung di ko lang alam na may crush ka sa akin, hindiâ"
"Wala akong crush sa 'yo!" tanggi ni Jannah.
"Eh bakit hindi ka papayag?" sabat ni Gian. "Be his girlfriend for one month."
"Oo nga. Di ba namomroblema ka kasi gusto ng parents mong magka-boyfriend ka na? Bakit hindi si Pablo ang ipakilala mo?"
"Tapos kapag mag-break kami, papagalitan siya ni Daddy? No way!"
"Concern ka sa akin?" pilyong tanong ni Pablo.
"Of course not!"
"C'mon, Jannah. Sinong ama ang gustong mag-boyfriend ang anak niya nang maaga?" tanong ni Gian. "Hindi mo ba naisip na palagi ka nilang pinipilit dahil si Pablo ang gusto nilang ipakilala mong boyfriend? Eh noon pa man boto na sila kay Pablo?"
"Ewan ko sa inyo!"
"Try n'yo lang," sabi ni France saka uminom. "Wala namang masama. Yung tipong naglalaro lang kayo."
"Ayoko!" mariing tanggi ni Jannah dahil alam niyang hindi naman papayag si Pablo.
"Game!" pagpayag ni Pablo kaya napanganga si Jannah.
"Bakit ka pumayag!"
"Wala namang masama kung i-try natin. Gusto ko rin namang ma-experience na may girlfriend," sagot ni Pablo saka hinarap ang katabing dalaga. "Why? Takot kang ma-fall?"
"HâHindi ah," tanggi ni Jannah saka iniwas ang tingin at kinuha ang inumin. "Sure! Game ako!" pagpayag niya saka uminom at pasimpleng napasulyap kay Pablo. Hindi lang nito alam, matagal na siyang nahulog dito kaso nahihiya lang siyang umamin.
"Ayun oh!" sabi ni Gian.
Dinukot ni Orange ang cellphone nang sumagi sa isip niya si Danica.
"Ano kayang ginagawa niya?" tanong niya sa isip. Naalala niyang may CCTV pala ang condo unit nila kaya pumunta siya sa app at tiningnan ang monitor. Saktong nakaupo sa sala si Danica habang may kausap.
"Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi naman 'yon nagpapaalam sa akin!" sabi ni Danica habang nakaupo sa sala at may kausap sa cellphone. "Pero wala naman kasi akong karapatan, right?"
"Nasa inuman tayo pero busy ka sa kaka-video riyan! Tagay ka nga!" ani Gian sabay bigay kay France ng alak.
"Mamaya!" ani France saka muling pinakinggan ang fiancée.
"Okay, fine! May times na gusto kong malaman 'yong mga lakad niya, kung sino ang kasama niya at kung uuwi pa ba siya pero ayaw kong isipin niya na nakikialam ako kasi wala naman akong karapatan kahit na gusto ko siya e. Takot kasi ako na baka lumayo siya sa akin."
"Haist! Tama nang kaka-cellphone, France!" saway ni Gian at inagaw ang cellphone nito. "Let's enjoy."
"Uuwi na ako!" paalam ni France saka kinuha ang cellphone sa kaibigan.
"Ha? Kakarating lang natin ah."
"I'm not feeling well," sagot niya at lumabas saka nagmaneho pauwi ng bahay.
"France!" gulat na wika ni Danica nang pumasok ang binata.
"May inaasahan ka bang iba?"
"Ang aga mo lang kasing umuwi," sabi ni Danica.
"Himala ba? Dapat ba late akong umuwi palagi?"
"Hindi naman."
"Sa pagkakaalam ko, gusto ng mga babae na maagang umuuwi ang kinakasama nila," sabi ni France saka naupo sa tabi ni Danica.
"Okay," ani Danica saka humarap sa TV. Hindi na siya maka-concentrate sa pinapanood dahil kay France.
Tumayo si Danica at hinarap ang binata.
"Mauna na akong matulog, good night," paalam niya. "Patayin mo na lang ang TV."
"Okay, good night," sagot ni France saka tumayo na rin at pinatay ang TV.
"Siya nga pala, galing ako sa bar kasama ko sina Pablo, Gian at Jannah."
"Ah," ani Danica na hindi alam ang sasabihin dahil hindi naman siya nagtatanong. Ni hindi rin naman sinasabi ni France kung saan ito pupunta kahit gustuhin man nyang malaman.
"Kaming apat lang," dagdag ni France. "Tapos umuwi na ako. Goodnight, fiancée," paalam nito saka pumasok sa kwarto.
Napakagat sa ibabang labi si Danica sabay takbo papasok sa kwarto na nakangiti.