Back
/ 35
Chapter 20

19

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Morning," bati ni France. "Gagawin mo?"

"Magpapalit lang ng kurtina."

"Hindi ka ba uuwi sa bahay n'yo?"

"Mamayang hapon na, gusto kong maglinis muna at maglaba."

"Hatid na kita mamaya."

Umakyat siya sa hagdan para tanggalin ang mga kurtina pero nakita niyang lumapit si France at hinawakan ang hagdan.

"Hey, wag mong galawin, baka mahulog ako!"

"I'm here," ani France. "S

Hindi ka masasaktan dahil sasaluhin kita kung sakaling mahulog ka."

Napatigil si Danica sa pagtanggal ng kurtina. Iba kasi yung meaning sa kanya nun pero alam naman niyang literal ang pagkakasabi ni France.

"Oh? Bilisan mo na," sabi ni France kaya ipinagpatuloy niya ang pagtanggal.

"Paabot nung bagong kurtina."

Nang matapos ikabit, nilabhan niya ang lumang kurtina saka naglinis ng bahay habang si France ay ipinagpatuloy ang pagbubuhat ng barbel.

"Siya nga pala, darating ang friend ko sa Monday kaya baka pupunta siya rito para bumisita."

"Galing sa Spain?"

"Oo," sagot ni France at ibinaba ang hawak na barbel saka naupo para magpahinga pero nang mainip ay tinulungan niya ang dalaga sa paglilinis ng sala nila.

"Maligo lang ako," paalam ni France. "Anong oras ka ba aalis?"

"Mamaya unti na lang para doon na ako mag-lunch sa bahay dahil kakabasa ko lang ng text niya, nagluto raw si Mama eh."

"Okay, ihatid na kita."

"Ahm... O—Okay lang daw ba sa 'yo na doon ka na mag-lunch?" nahihiyang tanong niya. Noong isang araw pa nitong ini-invite si France na mag-lunch pero tinatanggihan niya dahil nahihiya siyang magtanong. Baka isipin nito na siya ang may gusto. "Pero kung hindi ka pwed—"

"I'll go with you," sabi ni France kaya napatingin si Danica sa mukha ng asawa. "Walang problema sa akin. Dapat sanayin ko na ang sarili ko na makasama ang parents mo, right? Kasi sooner or later, magiging bahagi na ako ng pamilya ninyo."

"Oo," sagot ng dalaga na hindi napigilang ngumiti. Kinikilig kasi siya sa sinabi ni France na maging bahagi na ito ng pamilya nila soon. "Pero hindi naman natin alam kung maging part ka nga ng pamilya namin."

"Why? Nagdududa ka ba sa akin?"

"Hindi naman. Syempre hindi naman natin hawak ang kapalaran natin. Malay mo, makahanap ka ng babaeng magpapatibok ng puso mo."

"Bakit? Hindi ba tumitibok ang puso ko?"

"Eh? Wag ka ngang literal, France!" sabi niya. "Yung mapapaibig ka."

"Bakit ba palaging ako ang tinutulak mo? Hmm? Ikaw ba, Danica? Wala ka bang balak na maghanap ng iba?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni France.

"S—Syempre focus ako sa pag-aaral ko at gaya ng sabi ko—"

"Do you like me, Danica?" tanong ni France kaya natigilan ang dalaga at napahigpit ang hawak sa mop. Lumapit si France kaya napaatras siya. "Attracted ka ba sa akin? hmm?

"G—Gwapo ka, sino ba ang hindi ma-attract sa 'yo?" sagot ng dalaga na wala nang ligtas dahil napasandal na siya sa malamig na dingding.

"Lahat ba ng gwapo, gusto mo kagaya ng pagkagusto mo sa akin?"

"Wala naman sigurong masama, right?"

"So, gusto mo rin si Pablo kasi gwapo siya?"

"Magkaibigan lang ang turing ko kay Pablo."

"Kaibigan? Eh ako, Danica? Kaibigan din ba?" tanong niya. Kahit na alam na niya, iba pa rin kapag marinig niya mula sa dalaga mismo. "O mahal mo na ako?"

"France!" aniya na nanlaki ang mga mata. "H—Hindi a."

"Hindi mo 'ko mahal?"

"Hindi naman sa—"

"Yes or no, Danica. Mahal mo ba ako?"

"T—Teka, bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ba, France? Mahal mo ba ako?"

"Ako ang unang nagtanong." Hinawakan niya sa baba ang dalaga saka yumuko para magpantay ang kanilang mga mukha. "Just tell me honestly, Danica. Hindi ako magagalit." Nagulat siya nang malakas na hinampas siya ng dalaga sa balikat.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga! B—Bakit ba ganyan ka?" naiiyak na sabi ni Danica. "Oo na! Mahal na kita! Ano? Pagtawanan mo 'ko?"

"Hey, tama na," saway niya sabay hawak nang mahigpit sa magkabilang kamaynng dalaga at nang medyo kumalma ito ay mahigpit niyang niyakap. "It's okay, hindi ako magagalit sa 'yo."

"P—Palibhasa nakukuha mo ang gusto mo," lalo niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Sarap ng feeling. Feeling niya isa siyang reyna na inaamo ng asawa nito.

"Hindi naman," ani France saka napangiti. "Gusto ko lang malaman para sure na ako na akin ka."

Napatingala si Danica para makita ang mukha ni France na nakayuko sa kanya.

"M—Mahal mo rin ba ako, France?" Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkayakap sa kanya ng binata hanggang sa tuluyan na itong lumayo sa kanya. "O—Okay lang. Alam ko naman na marami ang mas higit sa akin."

"Wag ka sanang magalit, Danica. You are special," pag-amin ni France. "But I can't answer that question right now. I'm sorry, hindi ako sigurado at ayaw kong magbigay ng pag-asa sa 'yo. Ang alam ko lang, loyal ako sa 'yo." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng dalaga. "Promise, wala akong ibang gusto ngayon at wala akong balak na maghanap ng iba."

"N—Naintindihan kita, France," sinikap niyang ngumiti kahit na gusto niyang magsisi kung bakit umamin siya sa binata. Sabi nga nila, kung sino ang unang ma-fall ay siyang talo. Iniligpit niya ang mga gamit sa panlinis. "Maliligo na ako tapos uwi na ako sa bahay."

"Danica, 'wag kang magtampo—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tumakbo palayo sa kanya ang dalaga.

"Maliligo na ako," sigaw ng dalaga habang papasok ng kwarto.

Nang makabihis, lumabas siya ng kwarto.

"Tara na?" tanong ni France na naghihintay sa sala. Nakaputing bestida si Danica hanggang tuhod saka inilugay nito ang mahabang buhok kaya ang fresh nito tingnan.

Hindi sumagot ang dalaga kaya kinuha niya ang wine na pasalubong sa parents nito at sinundan ito hanggang sa makarating sila sa sasakyan nito.

"Ito na lang ang gamitin natin para walang makakita sa atin kasi tented," sabi ng binata. Tumango si Danica saka sumakay sa kotse.

Wala silang usap hanggang sa makarating sa bahay. Hindi na rin nakipagkulit pa si France dahil baka magalit ang dalaga.

"Pwede ka nang umuwi."

"Maglu-lunch tayo," sabi ni France.

"France, g—galit ka ba dahil gusto kita?"

"Bakit mo naman nasabi? At bakit naman ako magalit kung gusto mo ako?"

"Kasi hindi mo naman ako gusto eh."

"Nagse-sex na nga tayo."

"Gusto mo lang naman ako kapag sa ibabaw ng kama," mahinang sabi ng dalaga. At least maliwanag na ang lahat sa kanila.

Inalis ni France ang seatbelt niya saka inilapit ang mukha sa dalaga.

"Mali ka," ani France sabay hawak sa baba ng dalaga. "Inside the car din."

"What do you—uhmp!"

Mariing hinalikan siya ng binata habang tinatanggal nito ang seatbelt niya. Pinahiga niya ang upuan ni Danica para magka-space siya sa ibabaw nito.

"F—France, not here," pakiusap niya dahil baka may makakita sa kanila.

"I w—wanna try," bulong ni France sabay yuko sa leeg ng dalaga at masuyong hinalikan kaya napayakap si Danica rito.

"F—France.. " usal niya nang itinaas ni France ang isang kamay saka ibinaba ang underwear niya. Nakabestida lang siya kaya ang dali lang nito magawa ang gusto niya. "Stop."

"I'll stop kapag tapos na tayo," bulong ng binata saka kinuha ang condom sa wallet at inilagay. Hindi na niya binaba ang pantalon, zipper na lang ang binuksan niya para madaling maka-exit kung sakaling may kumatok man. Thanks God at nakabestida ang dalaga kaya hindi na siya nahirapan pa.

Mukhang wala na nga siyang takas lalo na nang in-insert ni France ang right middle finger sa pagkababae niya.

"You're so wet," bulong ni France kaya napapikit ang dalaga saka niyakap si France para hindi nito makita ang pagkapahiya niya.

"Don't worry, I'll make it quick," bulong ni France sabay hugot ng daliri at ipinalit ang alaga. Dahil ang liit ng space, payakap nilang ginawa ang gusto habang naghahalikan.

"Ooh..." ungol ng dalaga saka hinigpitan ang yakap kay France.

"I'll c—cum now," bulong ni France saka binilisan ang kilos hanggang sa halos durugin na niya ang katawan ng dalaga sa pagyakap.

"A—Alis na," sabi ng dalaga na nakaramdam na ulit ng kaba.

"Don't worry," sabi ni France sabay hugot at bumalik sa pwesto. Kumuha siya ng tissue at inabot kay Danica. "Wash it."

Kinuha niya ang condom saka binalot ng tissue at itinapon sa maliit na basurahan sa loob ng kotse niya.

"Labas na ako," sabi ng dalaga matapos itaas ang underwear at agad na bumaba.

"Oh, Danica!"

"P—Pa!" kumalabog ang dibdib niya nang makita ang amang naglilinis ng motorsiklo sa tapat ng bahay katabi lang ng sasakyan nila.

"Akala ko sa kapitbahay na sasakyan 'yan," sabi ni Danilo.

"Ahm. . . kay France po," sabi niya sabay kagat sa ibabang labi. Kahit hindi niya nakikita, alam niyang pulang-pula ang mukha niya.

"Pa," bati ni France saka ngumiti nang lumabas na parang bang nagsasabing, "I fucked your daughter bago lang." Pero syempre hindi niya iyon masabi.

Inakbayan niya si Danica. "Pasensya ka na, nagtatalo pa kasi kami ni Danica kung bababa ako o hindi kasi nahihiya raw siyang i-invite ako ng lunch."

"At bakit naman nahihiya siya?" sabat ni Janine nang lumabas ng bahay. "Kanina ko pa kayo hinihintay. Pasok kayo, nakahanda na ang lunch."

"Kaya nga po, Ma, eh," sabi ni France. "Tamang-tama po, nagutom na ako at may dala ho akong wine para sa atin."

"Dan, kain na tayo. Mamaya mo na tapusin 'yan."

Sinundan nila si Janine habang papasok ng bahay.

"Relax, wala silang alam," bulong ni France kaya pasimpleng kinurot siya ni Danica sa tagiliran.

Matapos mag-lunch, binuksan nila ang dalang wine ni France.

"Oh, ang mahal nito ah," sabi ni Danilo dahil minsan nang naghanda ang kasamahan niya at ito nga ang wine na binuksan nila. Ang sabi ay galing pa ito ng Madrid at sa katagalan ay pamahal nang pamahal ang wine lalo na't palaging out-of stock ang wine.

"Kung gusto mo, Pa, magpapadala ako kapag may umuwing galing sa Madrid," sabi ni Madrid.

"Talaga? Nako, magkano naman kaya ito? Mura lang siguro sa Madrid pero ang sabi ng kasamahan ko sa trabaho, six digits daw ang price sa Europe kaya mas lalong mahal na kapag dito sa Pinas bilhin."

"Libre ko na ho," sagot ni France sabay lagay ng wine sa wine glass ng mga magulang ni Danica.

"Hmm? Masarap ah," sabi ni Janine. Binasa niya ang pangalan ng wine. "Taste of Madrid? Ito yata ang sinasabi nilang pinakamasarap na wine sa Europe."

Napangiti si France.

"Actually, yes po. Maliban sa masarap ang ingredients, maganda rin ho ang kwento kung paano siya ginawa," sabi ni France.

"Talaga?"

"Yung lalaking may-ari ho kasi, gumawa ng wine para sa babaeng gusto niya tapos nag-compete sa France para sa wine making at ayun, nanalo ho siya at doon niya inamin na ang wine na 'yan ay ayun sa panlasa ng girlfriend niya which is asawa na niya ngayon kaya taste of madrid ang pangalan."

"Ganoon talaga ang nagagawa ng pag-ibig. For sure sobrang  yaman na ng mag-asawang 'yon," sabi ni Janine.

"Hindi naman ho gaano, sakto lang," sagot ni France at uminom ng wine.

"Di ba galing ka sa Madrid? Nakita mo na ba sila?" tanong ni Danilo. Sa koneksyon ba naman ng mga Villafuerte.

"Yes po," sagot ni France.

"Talaga? Matanda na ba sila?" tanong ni Danica.

"Hmm? Hindi naman pero ang alam ko may gwapo silang anak," sagot ni France.

"Syempre enhancement na 'yun. Sa yaman ba nila, salamat dok na 'yon," sabi ni Danica.

"Mukha ba akong retokado?" tanong ni France.

"Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko, yung anak—" napatigil si Danica sa pagsalita saka humarap kay France nang ma-realize.

"Kayo ang may-ari ng wine na 'to?" tanong ni Danilo kaya napanganga ang mag-ina niya.

"Hmm, family business ho pero itong Taste of Madrid ay si Dad ang naka-imbento," pag-amin ni France kaya napaupo si Danica. Hindi niya alam. Malay ba nya sa mga wine. Kahit nga ang Trevi, hindi rin niya alam. Nalula na lang siya nang i-search niya sa internet ang price.

"Nako, ang galing naman," sabi ni Janine. "Ang yaman mo pala talaga. Mahirap lang kami eh. Ordinaryong mamamayan lang kami."

"Hindi naman ho basehan ang yaman. Ang mahalaga ay nagkakaintindihan kami ng anak nyo ho," sagot ni France.

"Kahit mayaman kayo, wag na wag mong paiyakin ang anak ko. Inalagaan ko 'yan para pahalagahan at ingatan ng lalaking mapapangasawa niya."

"Pa!" saway ni Danica.

"Salamat sa pag-alaga sa fiancée ko, Pa," pasalamat ni France. "Pangako, hindi ko po kayo bibiguin. Aalagaan ko po siya higit pa sa pag-alaga ninyo."

Napasulyap si Danica kay France nang maramdaman ang kamay nitong pumatong sa kamay niya sa ilalim ng table. Napakagat siya sa ibabang labi. Gusto na niyang maniwala na baka seryoso nga si France pero ang hirap din mag-assume. Sa ngayon, gusto lang muna niyang pasayahin ang sarili at paniwalain na gusto rin siya ni France.

"Mabuti at nagkaliwanagan tayo, France. Lalaki sa lalaki!" seryosong sabi ni Danilo at inubos ang laman ng wine.

"Hindi ko ho kayo bibiguin, Pa," ani France.

Kinuha ni Danica ang wine saka uminom dahil pakiramdam niya, nanunuyo ang lalamunan niya at para na rin pagtakpan ang pagngiti niya habang nakasulyap sa binata. Ang sarap lang pakinggan na 'yong crush mo nangangako sa mga magulang mo kahit na hindi ka sigurado kung totoo o hindi.

Share This Chapter