21
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"France? France," pukaw niya sa binata.
"Hmm?" inaantok na sagot ni France.
"Lumabas ka na habang tulog pa sila."
"Inaantok pa ako."
"France naman. Please, baka maabutan ka nila," pakiusap niya.
Sinubukan ng binatang imulat ang mga mata para makita ang oras. Quarter to 5 am pa lang kaya muli siyang nagtalukbong ng kumot pero agad na hinila ni Danica.
"Hindi ako nagbibiro, France! Lumabas ka na!" pikong sabi niya kaya napabuntonghininga ang binata saka pinilit ang sariling bumangon.
"Hatid mo 'ko sa labas."
"Wag na."
"Paano pag mapagkamalan ako ng kapitbahay na magnanakaw kapag makita ako sa labas?"
"Hindi ah," sabi ng dalaga. "Dali na."
Tinulungan na niya si France na pulutin ang saplot para isuot nito.
Nang makabihis, binuksan ni France ang pinto saka lumabas kasunod ang dalaga.
"Dalian mo!" utos ng dalaga dahil nakapatay pa ang ilaw ng kwarto ng mga magulang.
Pagbukas ni France ng pinto, tila napako silang dalawa nang makita ang mga magulang ni Danica sa tapat ng pinto na mukhang papasok din.
"Morning po," magalang na bati ni France.
"Ma! Pa!" bulalas ni Danica saka napatingin sa bitbit ng ama.
"Bakit ang aga n'yo namang nagising?" tanong ni Janine. "Nagkape na ba kayo?"
"Saan kayo galing, ma?" tanong ni Danica.
"Namalengke. Alam mo naman na marami na ang tao mamaya kaya maaga pa kami para fresh pa ang isda at gulay," sagot ni Janine.
"Ba't kayo lalabas?" tanong ni Danilo.
"Tutulungan sana namin kayo dahil pagkasilip ko ho sa bintana, nakita ko kayong maraming dala," palusot ni France saka kinuha ang dala ni Janine.
"Nakong bata ka. Sana natulog pa kayo," sabi ni Janine saka pumasok.
"Maaga pa ho niya ako sinundo," agad na palusot ni Danica para hindi nila isipin na pinatulog niya si France.
"Wag na nating pag-usapan," sabi ni Janine sabay senyas sa anak pero hindi siya nito naintindihan.
"Ma," bulong ni Danica saka lumapit sa ina.
"Wag ka nang magsalita! Alam ng ama mo na dito natulog si France," bulong ni Janine na sinadyang magpahuli sila sa paglakad.
"Ho?"
"Gising pa kami nang dumating si France kagabi," sabi ni Janine kaya halos mahimatay sa hiya si Danica. Narinig nila ang sasakyan kagabi kaya sinilip nina kung sino ang dumating. Sawayin pa sana sila ni Danilo pero pinigilan na ni Janine dahil nagsasama naman na ang dalawa.
Tinulungan niya ang inang magluto ng almusal nila habang sina France at Danilo ay nagkakape sa balkon.
"Morning po!" masiglang bati ni Bia nang pumasok.
"Bia!" masiglang wika ni Danica at niyakap ang kaibigan. "Ang aga mo naman yata."
"Mas maaga si France," nakangiting sabi ni Bia saka siko sa kaibigan. "Ano na? Mukhang close na sila ng papa mo ah."
"Dito siya natulog."
"Ha? Saan?"
"Sa kwarto."
"Ayieee. Tabi sila," tukso ni Bia. "Oops. I know what you did last night."
"Hey! Tumahimik ka nga!" saway niya. "Ano pala 'yang dala mo?"
"Palabok. Nagluto si Mama eh, ang dami kaya pinabigay niya ang iba sa inyo dahil alam niyang paborito ni Tita Janine 'to."
"Nako, salamat, Bia," pasalamat ni Janine nang lapitan ang dalawa. "Dito ka na kumain, tamang-tama at nagluto ako ng adobong manok."
"Ay, sige po. Gusto ko 'yan, tita," sabi ni Bia.
Nang maluto na, tinawag na nila ang dalawang lalaki para sabay na kumain.
"May trabaho ka?" tanong ni Danica habang naghuhugas sila ng plato.
"Oo kasi sayang din naman."
"Ay, ako na ang maghugas. Umalis ka na dahil baka ma-late ka."
"Okay lang 'yon kahit na medyo late."
"Wag na, umalis ka na." Kinuha ni Danica ang sponge na hawak ng kaibigan. "Ako na ang bahala rito. Bisita kita eh."
"Hmm? Wag kang maghugas kapag nasa bahay ka ha! Hindi na kita papansinin." pagbabanta ni Bia.
"Oo na. Sige na, gora ka na."
"Bye," sabi ni Bia at nagpaalam sa mga magulang ni Danica.
Lumabas siya saka sumakay sa tricycle patungo sa hospital.
Pagpasok niya ng silid, nag-aayos ng bulaklak si Komi.
"Morning po, Lola Anita," bati niya.
"Morning," sagot nito at ngumiti sa kanya.
"Kumusta ho ang pakiramdam mo? Kumain ka na ba?"
"Oo, sinubuan ako ni Komi," sagot ni Anita at ngumiti kaya napasulyap si Bia kay Komi. Himala, ang aga nito ngayon.
"Oh, 'la. Heto na po ang bulaklak mo," sabi ni Komi sabay lapag sa bedside table ng flower na in-arrange niya na ang theme ay garden.
"Ang ganda," puri ni Anita.
"Ginagawa mo 'kong bakla eh," reklamo ni Komi. Bata pa lang siya, tinuturuan na siya ng lola niyang maging florist dahil may malawak itong hardin. Napatingin siya kay Bia na pinigilan ang matawa. "Natatawa ka, Bia?"
"Ha? Hindi a. May iba lang akong iniisip," palusot niya. Ang laki ng katawan ni Komi kaya sino ang mag-aakalang magaling ito sa flower arrangement?
"Tch! Hindi ka kasi marunong mag-ayos ng bulaklak. Kahit nga yata magtanim, wala kang alam eh."
"Grabe ka naman!" sabi ni Bia sabay irap sa binata.
"Aalis na ho ako, Lola," paalam ni Komi saka humarap kay Bia. "Ikaw na ang bahala sa lola ko.
"Hindi ko naman siya pababayaan," sabi ni Bia. Kahit na barumbado si Komi, alam niyang mapagmahal na apo ito. Sa lahat kasi ng apo ni Lola Anita, ito ang halos araw-araw na dumadalaw. Ito rin ang matiyagang nagsusubo para kumain ang matanda at ito rin ang matiyagang nagpapaupo sa wheelchair para iikot sa hospital kapag gustong lumabas ni Anita.
Unlike sa ibang apo na kapag pumunta, nakaupo lang sa tabi kahit na pupunta sa CR ang matanda. Pinapaubaya na lang sa katulong ang gawain pero kapag si Komi, hands-on talaga ang binata.
"Ako ang bahala," sabi ni Bia.
"Oh," ani Komi sabay abot sa kanya ng roses na may iba't ibang kulay.
"Gagawin ko riyan?"
"Kainin mo kung gusto mo!" salubong ang kilay na sagot ni Komi.
"Nagtatanong nang maayos eh."
"Nakita mo 'yang arrangement ko, right? 'Yan ang sobra sa ginawa ko kaya ginawa ko na lang na bouquet kasi alam kong nanghihinayang kang itapon pero hindi ka marunong mag-ayos."
"Akin na 'to?"
"Hindi. Para sa nanay mo!" sagot ni Komi. "Bigay mo sa nanay mo."
"To naman."
"Pasalamat ko 'yan sa pag-alaga mo sa lola ko," sabi ni Komi. "Alam kong mahirap ang trabaho mo kahit pa sabihin na bayad ang ginagawa mo. Ikaw ang nandiyan sa halip na pamilya niya. Wala akong perang maibigay sa 'yo kagaya ng iba niyang apo kundi 'yan na lang."
"Salamat," nakangiting pasalamat ni Bia. Firstime niyang makatanggap ng bulaklak at sa batugan pang lalaki.
"Alis na ho ako, lola," paalam ni Komi at hinalikan sa noo si Anita.
"Kailan ka babalik, Komi?"
"Bukas ho pero hindi ko alam ang oras."
"Wag kang mag-umpisa ng away ha," bilin ni Anita pero nagkibit-balikat lang si Komi saka lumabas na ng silid. Habang nasa hallway, nakasalubong niya ang ama.
"Komi!" tawag ni Ted kaya napatigil si Komi.
"Oh, congressman, bakit?"
"Pwede bang 'wag kang dumalaw rito palagi? Baka makita ka ng media. Alam mo namang malapit na ang eleksyon atâ"
"Ginagawa ko ang gusto mo pero this time, pasensya na pero wala akong pakialam sa pangalan mo! Gusto ko lang alagaan ang lola ko," sagot niya saka naikuyom ang kamao.
"Matigas talaga ang ulo mo!" Galit na sabi ni Ted.
"Pinatigas ng karanasan at panahon," sagot ni Komi saka nilagpasan ang ama saka lumabas sa hospital. Masama ang loob niya kaya mabilis ang patakbo niya ng motorsiklo pero nag-iingat din naman. Hindi niya maiwasang hindi maalala ang nakalipas.
Flashback...
"Oh my!" tili ng babaeng bisita nang nahulog ang mamahaling flower vase dahil ng bola ng batang bisita nang ihagis nito sa kalaro pero saktong nasa tabi si Komi ng flower vase.
"Anong nangyari?" tanong ni Ted na lumapit kasama ang ibang bisita. 8th birthday ngayon ni Pablo kaya ang daming batang mayamang um-attend.
"Nasagi ng bata ang flower vase mo eh," sagot ng babae kaya napatingala si Komi sa ama para humingi ng tulong.
"PâPasensya na po, hindi po ako ang nagbasag," hinging paumanhin niya na gusto sanang magpaliwanag kaso nahihiya siya sa mga nakatingin sa kanya.
"Kanino bang anak 'yan?" tanong ng lalaking bisita dahil ngayon lang niya nakita ang bata.
"DâDad," naiiyak na wika ni Komi dahil masakit ang daliri niyang nasugatan nang sinubukang pulutin ang basag na flower vase.
"Anak mo, mayor?" Mayor si Ted ngayon pero balak niyang magpatakbo bilang board member sa susunod na eleksyon.
"Ah, anak siya ng katulong namin," sagot ni Ted. "Kilala naman ninyo ang panganay ko, 'di ba? Si Pablo."
"Ah, oo nga. Mabait at magalang na bata 'yun, mana sa 'yo," nakangiting sabi ng babae. Inosenteng nakatingala pa rin si Komi sa ama na hinihintay ang gagawin nito dahil nasugatan ang kamay niya.
"Lumabas ka na, Komi. At wag ka na munang makipaglaro sa mga bata. Ipagamot mo muna ang sugat mo sa katulong," utos ni Ted kaya malungkot na lumabas si Komi.
"Minsan kulang din sa disiplina ang anak ng mga katulong eh," narinig ni Komi na sabi ng isang bisita habang palayo siya.
"Ang dami naman ng laruan mo," puri ng isang bata habang nakatingin sa mga regalong bigay kay Pablo ng mga bisita.
"Komi!" tawag ni Pablo kaya lumapit si Komi sa kanya. "Ito na lang sa 'yo oh. Itong eroplano. Gusto mo?"
"Akin na 'to?" tanong ni Komi sabay kuha ng bigay ni Pablo. "Ang ganda!" Ang lola lang nya at ina ni Bia ang nagbigay ng regalo sa kanya noong isang buwan na birthday niya. Kaunti lang ang handa nila dahil ang mga katulong lang naman ang pumunta at mga anak nila pero para sa kanya, masaya na iyon. Ji anino nga, hindi pumunta ang kanyang ama pero ang sabi ng Lola Anita niya ay busy lang daq ito. Magdamag siyang naghintay pero hindi taga ito dumating hanggang sa nakatulog na siya pero kay Pablo, pina-cancel pa nito ang lahat ng appointments para maki-celebrate sa birthday nito.
"Oo."
"Pablo!" galit na tawag ni Ted nang lapitan sila. "Bigay 'yan ng ninang mo sa 'yo! Gusto mo ba siyang magalit? Regalo niya 'yan sa 'yo!" Tanong ni Ted sabay agaw kay Komi ng laruan saka ibinalik kay Pablo.
"Ang dami ko naman pong laruan, Dad."
"Kahit na. Kapag bigay sa 'yo, 'wag mong ibigay sa iba," sabi ni Ted. "Kung gusto mong bigyan si Komi, marami ka namang luma sa kwarto."
Tumalikod si Komi saka tumakbo palabas ng bahay dahil gusto niyang makalayo sa mga ito. Nasasaktan siya sa pagkuha sa kanya ng bigay ni Pablo. Dumiretso siya sa hardin saka naupo sa isang sulok na kung saan, malayo sa mga tao. Naupo lang siya. Kinuha niya ang stick saka nagguhit sa lupa ng ulo na may sungay. Hindi siya iiyak kasi matapang siya. Sabi ng lola niya, hindi raw umiiyak ang mga lalaki.
"Apo," tawag ni Anita saka lumapit sa kanya. "Bakit nandito ka?"
"LâLola," usal niya habang nakatingala sa lola.
Nangingilid ang mga luhang tiningnan ni Anita ang apo. Tahimik ito pero alam niyang sa murang edad, ang dami nang tinitimpi sa buhay. Narinig niya ang sinabi ni Ted kanina kaya pinagsabihan niya ang anak pero as usual, hindi ito nakikinig sa kanya.
"HâHuwag mo nang pansinin ang sinabi ng daddy mo. Pagod lang siya." Kinuha niya ang kamay ni Koki at nilagyan ng bandaid ang maliit na sugat sa daliri nito.
"Si Mayor po," pagtatama ni Komi saka tumayo nang matapos na nito ang paglagay ng band-aid at pinagpag ang damit dahil sa lupa. Mula ngayon, hindi na niya ito tatawaging daddy. "Uwi na ho tayo, lola. AâAyaw ko na rito."
Ginulo ni Anita ang kulot na buhok ng apo at sinubukang ngumiti para sumigla si Komi. Ikakasal na sina Ted at Mara nang mabuntis ni Ted ang ina ni Komi. Gustong ipalaglag ni Ted ang dinadala nito pero hindi iyon ginawa ng huli kaya galit na galit si Ted lalo na't muntik na silang maghiwalay ni Mara nang malaman nito ang lahat pero natuloy pa rin ang kasal dahil buntis na rin si Mara kay Pablo.
"Gusto mo daan tayo sa Jollibee?"
"Opo! Gusto ko ng chickenjoy!" masiglang sagot ni Komi saka sumunod sa nag-iisang nagmamahal sa kanya. Talikuran man siya ng lahat, ang mahalaga sa kanya ay nandiyan ang lola niyang pipiliin siya palagi.
Palabas na siya ng gate nang nilingon niya ang mga batang naglalaro kasama si Pablo. Nakaramdam siya ng inggit dito kasi siya naman ang unang lumabas sa mundo pero maraming bagay na mayroon si Pablo na wala siya. Sa murang edad, wala pa sa isip nya na anak lang siya sa labas kaya hindi siya ang prayoridad.
"LâLola?" tawag niya nang lumabas na sila ng gate.
"Bakit, Komi?"
"Hindi ba ako love ni Daddy?" tanong niya na ikinatigil ni Ajita sa paglalakad.
"Wag mong isipin 'yan ha. Love ka nun."
"Kung love niya ako, bakit ikinakahiya niya ako?" halos pabulong na tanong ni Komi pero hindi na hinintay ang sagot ng lola at pumasok na sa loob ng kotse.
.............End of Flashback......