Back
/ 35
Chapter 24

23.

'Til it Lust (R-18)

Short update... Pahabol lang.

Unedited....

"Hi," bati ni France nang dumating. Sakto, gising pa si Danica kaya lumapit siya rito at hinalikan sa kanang pisngi saka tumabi. "Ba't gising ka pa?"

"Hindi pa ako inaantok."

"Gusto mo gawa tayo ng something?" biro ni France saka inakbayan ang dalaga pero agad namang umusog palayo si Danica. "Makalayo ka akala mo may sakit ako ah."

"Gusto kong mapag-isa."

"Okay ka lang?" tanong ni France pero napakunot ang noo nang humarap si Danica sa kanya na blangko ang mukha. "May sakit ba ang fiancée ko?" Sinipat niya ang noo nito pero hindi naman mainit. "Anong problema? Baka makatulong ako."

Hindi siya sumasagot dahil nagpipigil lang siya. Mambobola! Ngayon tatawagin siya nitong fiancée eh may iba rin palang fiancée? Ilan ba sila? O kada bansa may fiancée ito?

"Hey, Danica," malumanay na sabi ni France na ngayon nag-aalala na sa dalaga.

"Babae ba o lalaki ang kaibigan mo?" pilit na tanong niya pero mas na-disappoint siya nang makita ang pagkalito sa mukha ni France. "Dumaan dito si Princess."

"Talaga?" bulalas ni France. "Mga anong oras?"

"Noong kakaalis mo lang saka siya kumatok sa pinto."

"Anong sabi niya?" tanong ni France. Kaya pala hindi sila nagkita sa airport. Nangako siyang susunduin ito pero dahil sa kagustuhang ipagluto si Danica ay nakaligtaan niyang tingnan ang oras.

"Wala. Sinabi kong tawagan ka niya," sagot ni Danica.

"Oh, ghad! Pasaway talaga. Wala pa namang alam 'yon dito. Ang tagal kong naghintay sa airport pero wala siya kaya umuwi na lang ako," sabi ni France.

"Anong walang alam? Pinay naman siya!"

"Oo nga pero hindi niya kabisado ang Maynila dahil minsan lang siya umuuwi rito at kasama niya ang pamilya. Isa pa—oh ghad!" nag-aalalang sabi niya saka kinuha ang cellphone para tawagan si Princess pero hindi niya makontak. "Oh, shit! Akala ko sinundo na siya ng kasambahay nila."

"Eh di mag-taxi na lang siya," sabi ni Danica na nainis sa mukha ni France.

"Takot 'yon mag-taxi dahil minsan na siyang na-holdup dito," sagot ni France na sinubukang tawagan ang mga pinsan. "Oh, hello? Tito Orange, naka-chat ba si Princess sa inyo? Hindi? Sige po."

Natahimik si Danica habang pinagmamasdan si France na tinatawagan ang mga kamag-anak.

"S—Sorry," mahinang paumanhin ni Danica na biglang na-guilty.

"Why?" problemadong tanong ni France.

"Kasi hindi ko siya pinatuloy. Sabi kasi niya magho-hotel na lang siya," sagot ni Danica. Sino ba ang gustong patuluyin ang babaeng 'yon?

"Hindi ko siya makontak. Damn!" ani France saka napahilamos. Matapang pa naman ang kaibigan at baka pag-trip-an ng kung sino lalo na't may ganung experience na sa Pinas.

"Kasalanan ko."

"Hey, wala kang kasalanan," sabi ni France. "Don't blame yourself, okay? Matigas lang talaga ang ulo nun, palibhasa nasanay sa kakambal ko."

"Gusto mo hanapin natin?" kahit na nabwesit siya, tao pa rin naman siya para hindi makonsensya. At mukhang mahalaga nga talaga kay France si Princess.

"Wag na muna," sabi ni France. "Baka nasa kakilala lang niya."

Mayamaya pa'y may tumawag kay France kaya sinagot nito.

"France! Saan ka?" tanong ng ina.

"Nasa bahay ho."

"Nasa bahay? Nagkita na ba kayo ni Princess?"

"Hindi pa nga po eh."

"Anong hindi? Pumunta siya riyan pero hindi pinatuloy niyang babae mo!"

"Mom, bunganga mo!" saway ni France na nahiya kay Danica. "Bye na po!"

Bago pa man may masabi ang ina na hindi maganda, tinapos na niya ang usapan.

"Ganoon talaga si Mommy," ani France para hindi mag-alala si Danica.

"Naunawaan ko," sagot ni Danica na may bahid ng lungkot pero kailangan niyang itago kay France. Malakas si Princess sa pamilya ni France kaya paano niya ito tatapatan? Ngayon pa nga lang, mukhang mas mahalaga ito kay France.

"Oh, nag-chat na siya," sabi ni France. "Nasa malapit na hotel lang daw siya."

Nakahinga nang maluwag si Danica. Mayamaya pa'y si France mismo ang tumawag dito.

"Oh, Princes!" masiglang wika nito saka tumayo. Napatingala si Danica nang marinig ang pagtawa ni France. "Ulol! Saan ka ba na hotel? Ha? Ngayon na?" Napasulyap si France sa wall clock. "Okay, alam ko ang hotel na 'yan, malapit lang 'yan. Puntahan kita. Wag ka nang magtampo, hindi bagay sa 'yo. Sige na, bye."

"Make sure na dala mo ang susi mo dahil mahirap akong magising," sabi ni Danica nang humarap sa kanya si France. Hindi naman siya bingi.

"Okay, pero pwede bang doon na ako matulog sa hotel niya?" pakiusap ni France. "Pero kung ayaw mo, uuwi—"

"Walang problema sa akin, hindi mo na kailangang magpaalam. Kung gusto mo, dalhin mo na rin ang iba mong damit para doon ka na sa kanya matulog araw-araw!"

Ngumiti si France. "Salamat sa pag-intindi, Danica. Don't worry, isasama kita nextime kapag—"

"Matulog na ako, France! Good night!" paalam ni Danica saka agad na pumasok sa kwarto.

Narinig niya ang pagsara ng pinto nang lumabas si France kaya hindi na nya napigilan ang mga luha sa sobrang sama ng loob.

Kinabukasan, nagising siya nang maaga, sinubukan niyang kumain kahit kaunti lang dahil ang haba ng klase nila ngayong Martes. Hindi talaga umuwi si France.

"Hindi talaga kita papansinin!" bulong niya saka naligo. Paglabas ng kwarto, saktong pumasok si France na mukhang inaantok pa.

"Morning," bati ni France saka lumapit kay Danica. "Did you sleep well?"

Hindi sumagot si Danica. Dumiretso siya palabas ng bahay. Kapal ng mukha para humalik pa sa kanya na parang walang nangyari.

Pagdating sa school, nakasalubong niya si Komi na may dalang white roses.

"Si Bia?" tanong ni Komi.

"Kakarating ko lang, 'di ba?" inis na sagot niya. Pasensya si Komi, ito ang bumungad sa kanya e.

"Ang aga mo namang ma-badtrip," sabi ni Komi. "Kapag makita mo si Bia—"

"Ayan na si Bia!" sabi ni Danica. "Hoy, Bia!"

"Oh? Ano?" tanong ni Bia na napatingin sa dalang bulaklak ni Komi. "Nanliligaw ka kay Danica?"

"Baliw!" ani Komi sabay katok sa ulo ni Bia. "Pakibigay sa kanya mamaya, hindi ako makakadalaw. Iwan mo na lang sa locker mo."

"Ganda ng design ah," puri ni Danica.

"Wala bang red roses? Puro white ang bigay mo."

"Special na tao lang sa buhay ko ang binibigyan ko ng white roses at si Lola Anita iyon," sabi ni Komi. "Makaalis na nga! Mukhang ako pa ang makasalo ng pagka-badtrip nyo!" paalam ni Komi at umalis na.

"Hindi ka ba natatakot kay Komi?" tanong ni Danica. Nalaman niya ang tunay nitong pagkatao dahil kay France. Ang tsismoso kasi ni France na lahat ikinukwento sa kanya maliban sa fiancée nitong si Princess.

"Bakit naman ako matatakot? Hindi naman siya nang-aano."

"Hmm? Gwapo naman si Komi eh. Badboy lang talaga ang image niya dahil sa mga barkada pero kapag umayos siya ng pananamit, gwapo talaga siya."

"Crush mo?" tanong ni Bia. "Nag-iba ka na ng taste?"

"Tigilan mo 'ko, Bia!"

"Sus. Okay ka na kay France. Gwapo na, hot pa."

"Nevermind!" ani Danica na naalala na naman ang nangyari kagabi pero ayaw niyang magkwento sa kaibigan. As of now, gusto na muna niyang isarili. Magkikwento naman siya kapag okay na siya. "Pero maiba tayo. Mabait ba si Komi?"

"Bilang apo? Yes," sagot ni Bia. Kahit na ang hirap nitong pakisamahan, saksi siya kung gaano nito kamahal ang lola. At nakikinig talaga si Komi. "Pero yung daddy lang nila ni Pablo ang hindi okay. Basta!"

"Tara na sa classroom," yaya ni Danica nang makita ang sasakyan ni France na kaka-park lang.

Nang pumasok sa classroom, agad na dumiretso si Danica sa upuan.

"Oh? Ba't ganyan ang mukha ninyo?" tanong nya kina Jean at Paula nang iwan ni Bia para mag-CR muna.

"Nandito na pala ang fiancée ni France," sabi ni Paula kaya natigilan si Danica. Ayan, ni-remind na naman siya.

"P—Paano mo nalaman?" tanong niya.

"I saw her," sagot ni Jean. "Gosh! Ang ganda pala talaga niya kaya proud na proud si France na sabihing may fiancée na ito eh."

"Talaga ba?" curious na tanong ni Paula.

"Oo, barbie talaga sa ganda!" ani Jean saka napabuntonghininga. "Mahirap nang maagaw 'yon, mukhang princesa ata ng Europe."

"Ano ka ba! Maganda ka rin naman," sabi ni Paula.

"Kung sabagay, may point ka," sabi ni Jean. "Ay, may kuha ako ng picture nila kagabi sa hotel."

Napahigpit ang hawak ni Danica sa bag. Doon nga talaga pumunta si France kagabi.

"Sure ka na fiancée niya ang girl? Baka friends lang!" ani Paula.

"Sure ako, gurl. Naghahalikan pa nga sila at nagyayakapan."

"Ikaw baka mamaya iba yang kwento mo ha," sabi ni Paula.

"Duh! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata no! Mukhang tuko kung kumapit yung habae kay France! Takot maagawan eh!" Pinakita nito ang litrato kay Paula.

"Ano ba 'yan, lahat na lang ng gwapo, kung hindi bakla, taken naman," sabi ni Paula.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Jean. "Look, Danica. Ito yung fiancée ni France."

Dahil masokista siya, kinuha niya ang cellphone ni Jean. Nanlamig talaga siya sa nakita. Hindi naman pwedeng magsinungaling ang camera. Nakakandong ang babae kay France saka humahalik sa pisngi nito.

"Hey! Yung phone ko!" tili ni Jean nang mabitiwan ni Danica.

"Ay, sorry," paumanhin ni Danica at agad na pinulot ang iPhone 16 ni Jean.

"Gosh! Pag 'to masira, bayaran mo talaga," sabi ni Jean na tinry ang cellphone. Buti at hindi nabasag dahil sa casing.

Share This Chapter