24
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"France!" bulalas niya nang biglang sumulpot ang binata sa kanyang harapan nang paliko na siya patungo sa classroom.
"Ba't parang nakakita ka ng multo?"
"Dadaan ako!" sabi niya na nag-iba ang awra nang maalala ang kwento nina Paula kanina.
"Kiss muna," biro ni France na sinadyang harangan ang dalaga.
"Hindi ako nakikipagbiruan, France! At baka makita pa tayo ng iba."
"Hindi naman tayo multo para hindi nila tayo makita."
"Ah, talaga? Ayaw ko ng issue."
Napakunot ang noo ni France dahil parang may mali sa ikinikilos ni Danica. Naglalambing lang naman siya a.
"Danicaâ"
"Wag mo akong kausapin! Baka mamaya mapagkamalan pa nila ako na fiancée mo!" inis na sabi ni Danica.
"Mapagkamalan? Eh ikaw naman ang fiancée ko," natatawang sabi ni France.
"Basta tabi!" ani Danica. Kung silang dalawa, siya lang ang fiancée pero kapag sa iba, si Princess. Ito naman talaga ang original na fiancée kaya baka tama nga si Princess, pinikot lang niya si France.
Nang hindi tumabi si France, tinulak niya ito at nilagpasan saka dali-daling pumunta sa matao para hindi na siya habulin pa ng binata.
"Gurl!" tawag ni Bia. "Danica!"
"Oh?" aniya saka lumapit. "Bakit ganyan ang mukha mo?"
"Aminin mo nga sa akin, ano ba talaga ang real score ninyo ni France?" tanong ni Bia.
"Ha? Bakit mo natanong?"
"Totoo ba 'yong sinabi nina Paula at Jean na may date si France kagabi? Tell me wala lang iyon."
"Hindi ko rin alam," sagot ni Danica. "Bahala siya sa buhay niya! Hindi pa naman kami kasal kaya malaya siyang gawin ang gusto niya."
"What? Hindi pwede! Ano ka ba! Masyado kang maganda para lokohin lang niya, 'noh! Wag ka ngang magpatalo!"
"Wala naman akong magagawa kung may nauna sa akin," sabi niya.
"What do you mean? Hala! Wag kang magbiro ng ganyan!" saway ni Bia.
"Bakit naman ako magbibiro? Isa pa, nakita mo ang babaeng 'yon? Ang ganda niya kaya anong laban ko ro'n?"
"Ha? Ibig sabihinâ"
"Fiancée rin siya ni France," agad na pag-amin ni Danica.
"Teka! Teka.Hindi ko ma-gets. Paanong naging fiancée eh, ikaw nga ang papakasalan niya."
"Siya talaga ang original na fiancée. Inamin din sa akin ni Princess na siya ang fiancée. At higit sa lahat, mas close siya sa family ni France."
"Ano naman? Anong sabi ni France?"
"Wala."
"Anong wala?"
"Hindi ko siya natanong," sagot ni Danica.
"What? As in? Never mong natanong kung sino ba talaga si Princess at kung fiancée ba niya ito?"
"Sabi ni France, kaibigan niya lang si Princess pero hindi naman iyon ang sinabi Princess e."
"Haist! Ano ka ba, Danica! Dapat tinatanong mo para mapag-usapan ninyo kung ano ba talaga siya ni France. Baka mamaya, gino-good time ka lang ng babaeng 'yon, naniwala ka naman."
"Pinagsasabi mo?"
"Gurl! Hindi ka pa ba aware na marami ang babaeng gustong makalapit sa fiancé mo? Syempre susubukan muna nilanh i-eliminate ka bago sila maka-eksena."
"Pero imposible namang magsinungaling si Princess."
"Para matapos na ang pagtitiis mo, why don't you ask kay France mismo? Pag-usapan ninyo nang maigi, bawal ang miscommunication ha."
"Pero paano kapag totoo?"
"Eh di totoo. At least may confirmafion. Di ka pa nasanay sa mga binabasa natin sa Wattpad na kapag masaya na ang relasyon, may darating talagang ex na kontrabida. Ganun naman mga plot kadalasan e lalo na kapag trip ng author na pahabain ang story niya. Masanay ka na," mahabang paliwanag ni Bia.
"Heh! Wala tayo sa Wattpad, Bia! Nasa reality na tayo kaya ang weird naman ng mga ganitong ugali ng babae no." paalala ni Danica. "At kapag nasa Wattpad tayo, hindi nakakatuwa ang author! For sure nasa hindi tayo sikat na author na hindi man lang kayang paabutin ng million reads ang storya natin dahil sa kawalan ng kwenta ang istorya natin!"
"Grabe ka do'n sa hindi sikat!" ani Bia. "Masaya naman siya sa pagsusulat pero parang tama ka, wala nga talaga siyang kwenta!" pagsang-ayon ni Bia. "Pero kausapin mo si France kung ako sa 'yo para walang misunderstanding hanggang dulo. Ang toxic ng relasyon ninyo kapag gano'n."
"Kakausapin ko siya mamaya sa bahay."
"Gosh! wag marupok, Danica ha! Baka mauna ka pang bumukaka kaysa magsalita. Wag marupok! Malilintikan ka talaga sa 'kin!"
"Oo na," ani Danica. "Tara doon sa ilalim ng mangga, gusto kong maupo muna."
"Tara," yaya ni Danica. "May tsitsirya ako, kain tayo."
Tumambay muna sila dahil mau meeting daw ang prof nila.
"Sino ba ang mabait para sa 'yo?" tanong ni Danica. "Si Pablo o si Komi?'
"Overall si Pablo, syempre," sagot ni Bia. "Hindi ko naman maikumpara ang dalawa dahil magkaiba nga sila. Kahit sa mukha, mas kamukha ni Pablo ang ama nila tapos si Komi naman sa mommy niya ata nagmana lalo na sa medyo kulot na buhok."
"Kawawa rin naman si Komi sa ama. Buti noong una hindi tinanggi si Komi sa parents niya."
"Ilang beses nilang pina-DNA si Komi, same lang ang result," sagot ni Bia. Syempre secretary ang mom niya.
"Oh, sino 'yang palapit sa atin? Ang ganda!" puri ni Bia na nakatingin sa babaeng malayo pa pang, kumikinang na sa ganda na para bang may baong ringlight.
"Talaga ba, maganda?" tanong ni Danica na nakilala na agad si Princess.
"Oo."
"Fiancée ni France," tipid niyang sagot.
"What? Siya 'yan?" hindi makapaniwalang wika ni Bia na biglang nag-iba ang tingin sa babae, may sungay na ito.
"Danica!" tawag nina Paula kasama sina Jean at Liza na palapit sa kanila. "Akala namin kung saan ka na, kasama mo pala si Bia."
"Ano naman ang masama kung ako ang kasama niya?" sabat ni Bia.
"Ingay mo, Bia!" reklamo ni Jean. "Oh, sino na naman 'yang palapit sa atin?"
"I think I knew her," sabi ni Liza. "Pero hindi ko lang matandaan kung saan."
"Hi, guys!" bati ni Princess.
"Yes?" tanong ni Paula. "May kailangan ka?"
Tumigil si Princess saka tiningnan mula ulo hanggang paa si Paula na hindi nagustuhan ng huli.
"I'm looking for France!" taas noong sagot ni Princess.
"Kamag-anak ka ni France?" tanong ni Jean.
"Oh, wait. Ikaw ang fiancée ni France, right?" ani Paula na naalala ang kaharap.
"So, where's France, Danica?" inip na tanong ni Princess kaya napatingin sila kay Danica.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Jean.
"Hindi!" tanggi ni Danica.
"I saw her once sa condo ni France," sagot ni Princess kaya nagulat sila pati na rin si Danica. Walang preno kasi ang bunganga ng kaharap. Siguro para mapahiya.
"Ginagawa mo sa condo ni France?" tanong ni Paula.
"Miss, nagkakamali ka. Hindi iyon condo ng France na kakilala mo!" agad na sabi ni Danica. "Nasa maling condo ka kasi kaya hindi mo talaga mahanap ang hinahanap mo."
"Ah, true. May pinsan din kasi si Danica na France kaya baka doon ka kumatok," agad na sabat ni Bia kaya sa kanya napatingin si Princess.
"Mukha ba akong mali-mali na tao?" poker-face na tanong ni Princess. "Whatever! Nasaan na si France?"
"Ang alam nasa room 202 sila," agad na sagot ni Bia para mapalayas na ang kaharap.
"Okay, bye!" paalam nito at umalis na.
"Arte!" sabi ni Jean na sinundan ng tingin ang babae. "Sino ba yon?"
"Hindi ko rin matandaan," sagot ni Liza.
"Anong ginagawa mo sa condo ni France, Danica?" usisa ni Jean.
"Condo ng pinsan ko? Bumisita," sagot ni Danica. "Naghatid ng pansit kasi favorite niya ang luto ni Mama."
"Ah, ganda sana kaso tanga rin 'yon," ani Paula.
Hindi na sumama si Danica kina Paula na lumabas. Umiiwas na siya s kanila. Sa halip, sumama siya kay Bia sa library para mag-aral. Nang mag-next subject na, bumalik na sila sa classroom.
Pagkatapos ng klase, tumanggi ulit siya na sumama kina Danica.
"Killjoy mo na, gurl!" sabi ni Paula.
"As in may gagawin talaga ako sa bahay," pagdadahilan niya na totoo naman.
"Okay na. Bye," ani Jean kaya dali-daling nag-abang ng sasakyan si Danica para makauwi. Pagdating ng bahay, kumuha siya agad ng malaking maleta at nilagay ang mahahalagang gamit. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-iimpake nang kumatok si France.
"Hi," nakangiting bati ni France.
"May kailangan ka?"
"Ba't ganyan ang mukha mo, fiancée?" tanong ni France sabay hapit sa kanya sa bewang pero tinulak siya ni Danica. "Hey."
"Sino ba ang fiancée mo, France?" seryosong tanong niya.
"Ha? Syempre ikaw. May iba pa ba?"
"Oo nga. May iba pa ba?" baliktanong ng dalaga na ikinakunot ng noo ni France. "Ako nga lang ba ang fiancée mo?"
"Ano bangâmay iba pa ba, Danica?"
"Hindi ko alam, France!"
"Syempre ikaw lang. Hindi naman ako pwedeng magpakasal sa maraming babae."
"Talaga ba, France?"
"Hindi kita maintindihan, Danica."
"Si Princess? Kaano-ano mo siya?" diretsahang tanong ni Danica.
"Si Princess?" ulit ni France. "Kaibigan ko syempre. Siya nga pala, pwede bang dito na muna matulog si Princess ngayong gabi?" pakiusap ni France kaya natigilan si Danica. Talagang patutulugin nito si Princess sa bahay nila?
"Saan naman siya matutulog? Dalawa lang ang kwarto natin."
"Sa kwarto ko," sagot ni France kaya mas lalong umakyat ang init ng dugo ni Danica sa ulo. Nandidilim yata ang paningin niya kay France.
"Ganyan ba kayo sa Europe? Okay lang na magtabi sa pagtulog ang magkaibigan?"
"What I mean is, tayo ang magtabi sa pagtulog, syempre. Tapos siya sa kwarto ko," paliwanag ni France saka niyakap ang dalaga. "Miss na kitang makatabi eh."
"Hindi ba magagalit si Princess?"
"Ba't naman siya magagalit?"
"Fiancée mo siya!"
"Fiancée?" ulit ni France at natawa. "Si Princess? Fiancée ko?"
"May nakakatawa, France?"
"Oo," sagot ni France saka lumayo sa dalaga. "Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo, Danica?"
"Tingin mo nakipagbiruan ako?" tanong ni Danica. "Kung gusto mong dito matulog si Princess, walang problema! Go! Pero hindi ko kayang makisama sa inyong dalawa kaya ako na ang aalis!" sabi niya sabay bagsak ng pintuan.
"Hey, Danica!" tawag ni France na ilang beses kumatok. "Ano ba ang nangyayari?"
Biglang bumukas ang pinto saka may dala nang maleta ang dalaga pero agad niyang inagaw. "SâSaan ka pupunta?"
"Mula ngayon, wala nang kasal na magaganap, France! Hindi ako aso na bubuntot-buntot sa 'yo!"
"Hindi kita maintindihan, Danica."
"Akin na ang maleta ko!" malakas na sabi ni Danica pero inilayo ni France sa kanya.
"Usap muna tayo, please."
"Please lang, France! Kung gusto mo si Princess, walang problema sa akin! Magsama kayo!"
"Okay!" pagsuko ni France sabay taas ng kamay. "Noong bata pa kami, tinutukso kami at nagbibiruan ang parents namin na baka kami ang ikasal pero syempre nagbabago ang tao. Iba na ang taste ni Princess."
Napabuntonghininga si Danica. "Nag-iba na pero kung hindi, siya pa rin ang gusto mong pakasalan?"
"Hell, no! For what? Hindi ka ba nandidiri na makita akong kinakasal kay Princess? Nai-imagine mo ba ang pinagsasabi mo, Danica?" nandidiring tanong ni France. Malabo talaga. Bakit naman siya magkakagusto kay Princess? "Teka, sino ba ang nagsabi sa 'yo niyan?"
"Si Princess mo!" sagot ni Danica saka tinalikuran si France at dali-daling pumunta sa maindoor pero agad na naharangan ni France.
"DâDanicaâ"
"AâAyoko na, France!" umiiyak na sabi niya nang hindi na mapigilan. "PâPlease, hayaan mo muna akong umalis. Ayaw kitang makita," luhaang pakiusap niya.
"Wala kaming relasyon ni Princess," mahinang sabi ni France. "Trust me, Danica. Bigyan mo ako ng time na mag-usap tayong tatlo. Pinagt-trip-an ka lang niya, I swear."
"PâPlease," pakiusap ni Danica kaya napilitang umalis si France sa pagkakaharang sa pinto.
Inis na bumalik sa sala si France saka sinagot ang tawag ng kaibigan.
"Papunta na 'ko," sabi nito.
"Wag kang pumunta rito!" sabi ni France.
"What? Ano na namang drama 'to, France?"
"Seryoso ako!" sagot ng binata saka nag-de-kwatro.
"Takot ka bang makita ako ng fiancée mo?"
"Takot? Eh tinakot mo na nga siya! Ano na naman ba ang trip mo, ha?"
"Paano ko naman siya takutin eh, hindi ko pa nga nakikita 'yang mapapangasawa mo."
"Kung gusto mo ng laro, 'wag to!" pagod na sabi ni France.
"Anong laro?" natatawang tanong ng nasa kabilang linya. "Ano na naman ang kasalanan ko?"
"Utang na loob, wag ka nang magpakita pa sa akin dahil mapapatay talaga kita ngayon! Sa dami ng joke, bakit mo pa sinabi na fiancée kita?"
"What? Baliw ka ba?" ani Princess sa kabilang linya. "Bakit ko naman 'yon sasabihin eh, hindi pa nga kami nagkita? Ano ba ang hitsura ni Danica? Saan ba ang condo mo at ako na mismo ang pupunta riyan."
"Nakapunta ka na rito kahapon!"
"Pinagsasabi mo? Ni hindi ko nga alam ang address mo," sagot ni Princess kaya natigilan si France.
"Oh, fuck!" bulalas ni France. "Baba ko na 'to, bye!" Tinapos niya ang tawag kay Princess saka nag-dial ng number.
"Saan ka?" bungad niya.
"House," tipid na sagot ng kausap.
"Pack your things, ibo-book kita ng ticket!" utos ni France.
"I won't," sagot nito.
"I'm gonna call, Dad!" ani France.
"Do it! And I'm gonna call mom!" may paghamong sagot ng dalaga.
"I'm gonna kill you, Paris! I swear!" gigil na sabi ni France saka tinapos ang tawag.