25
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
---------------
"Ano? Ang kapal ng mukha niya para dalhin ang kabet niya sa bahay ninyo!" gigil na sabi ni Bia.
"Hush, marinig ka nila," saway ni Danica dahil hindi na niya napigilang ikwento kay Bia ang nangyari. Iyak siya nang iyak kagabi. Nang umuwi siya, hindi niya ipinaalam sa mga magulang ang dahilan. Ang sabi lang niya ay na-miss niya ang mga ito. Tinanong siya ng ina kung nag-away ba sila ni France pero hindi siya umamin. Tahimik lang ang ama niya pero hindi maipinta ang mukha nito. At ngayon, kailangan niya ng may makwentuhan.
"Ano naman? Gosh! Lumaban ka nga! Ganda-ganda mo eh!"
"Nakita mo naman 'yong babae niya."
"Mas maganda ka. Mayaman lang 'yon pero mas maganda ka."
"Basta, stressed ako!"
"Charan!" ani Bia sabay pakita sa kanya ng happy na chichirya.
"Palagi ka ba talagang may dala niyan?" natatawang tanong ni Danica.
"Hmm? Ready sa pulutan," natatawang sabi ni Bia. Favorite na nila 'to kaya hindi talaga siya nauubusan nito. Ito na kasi ang tatak nilang magkaibigan. Isa pa, ang sarap kaya ng happy.
"Kaya hindi ka nawawalan ng pimples dahil sa mani na 'to eh."
"Wow ha! Sana all hindi nagkaka-pimple sa mani," sabi ni Bia at binigay ang isa sa kaibigan. "Pero kadiri naman ng ganun. Ano naman ang paliwanag ni France?"
"Friends lang daw sila ni Princess."
"Ay, pangit ng buhay mo, gurl!" panunuya ni Bia. "Hindi ka nakaka-empower as a woman. Masyadong weak ang character mo. Ikaw yung bidang inaapi palagi kasi ang bait. Ahâno! Hindi ka lang mabait, tanga ka rin pala. Kailan ka pa ba tatapang, ha?"
"Cliché ng story ko pala kung ganoon," napabuntonghininga na sabi ni Danica saka binuksan ang happy at kumain.
"Reklamador ka, hindi ka naman nagfo-follow," ani Bia and rolled her eyes. "Kaya deserve mo ang walang sense na character."
"So? Right ko 'yon! Nandito ka naman sa story ko," nakasimangot na sabi ni Danica saka napabuntonghininga.
"Wala akong choice, kasama ako sa story mo eh. Syempre ikaw ang may jowa kaya ikaw muna ang bida. Hey, Danica. Kapag ba may story ka, ibig bang sabihin, magkaka-story rin ako?"
Natawa si Danica.
"Kapag may story ka, cliché lang din 'yung sa 'yo kasi same tayo ng author."
"Eh? Walang originality. Ayoko nga!" kontra ni Bia. "Ang weak kaya ng character mo, tanga pa pagdating sa mga friends. Gusto ko strong ako. In short, gusto ko kontrabida. Yung kahit na magpahirap ako sa mga bida, at least yung paghihirap ko sa dulo lang. Unlike sa 'yo na umpisa pa lang, inaapi na. Magiging masaya ka lang kapag nasa ending na. Yucks! Ayoko talagang maging protagonist sa istorya. Okay lang na second female lead ako." pandidiring sabi ni Bia. "Kung ako sa 'yo, nilampaso ko na ang Princess na 'yon!"
"Kakampihan siya ni France."
"Eh, ano naman? Takot ka kay France? Sus! Wag mo na siyang pansinin!"
Napatingin sa cellphone nang tumawag si Pablo.
"Sana si Pablo na lang sinagot mo. Loyal pa 'yon at mahal ka niya. Kahit na marami ang nagkakagusto, sa 'yo lang talaga ang loyalty niya."
"Hindi ko naman mapipilit ang puso," malungkot na wika ni Danica.
"Ay, tanga!" ani Bia. "Pekpek ang unang tumibok sa 'yo, Bia! Hindi puso!"
"Oo na! Kasalanan ko ba kung napamahal siya sa akin?"
"Hindi mo deserve ang ganyang lalaki!"
Napatingin si Danica sa cellphone nang tumunog. Akala niya si France pero si Pablo pala. Kung sabagay, bakit ba siya mag-i-expect eh, binlock na niya si France kagabi.
"Hello?" pagsagot ni Danica pero agad na pinatay ang tawag.
"Oh?"
"Si France," sagot niya pero bigla namang lumakas ang tibok ng puso niya sa boses pa lang nito.
"Isa kang babaeng walang halaga sa dignidad!" sabi ni Bia."Unahin mo 'yong sarili mo bago si France! Kaya ka nasasaktan eh!"
"Oo na," nakalabing sabi niya. Napabuntonghininga siya. Tama si Bia, tanga nga siya kasi kahit ganoon kasakit ang ginawa ni France, nasa kaibuturan pa rin ng puso niya na umaasa siyang maging okay sila. Isang sorry lang nito, suko na siya e.
"Tara na nga sa classroom. Ayun na ang prof natin," taya ni Bia kaya tumungo na sila sa classroom. Kaya lang naman sila tumambay dahil ayaw niyang makausap sina Jean at Paula. Medyo okay pa siya kay Liza e.
Nang hapon, wala silang pasok sa last subject kaya niyaya siya nina Paula na gumala sa mall. Dahil alam niyang malulungkot lang siya sa bahay, mas pinili niyang makipag-plastic-an sa mga ito. Okay na 'to kaysa sa isipin niya si France.
Gumala sila sa mall.
"Uy, bagong bukas!" sabi ni Paula nang makita ang bagong boutique. "Oh my gosh! May Trevi na rito!" nang mapansin ang pangalan.
"Ay, bet! Tara, pasok!" yaya ni Jean na naunang pumasok kaya sumunod sila. "Sayang at wala si Liza."
Ang dadaming magandang display lalo na ang bags at damit.
"Ay, ang pricey talaga ng Trevi," sabi ni Paula habang tinitingnan ang mga bag na naka-display.
Napatingin si Danica sa kulay itim at nag-iisang bag na naka-display sa gitna. Ang ganda nito lalo na't marami ang pwede niyang mailagay kapag gumala siya.
Lumapit siya rito para matingnan nang maigi ang detalye. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi humanga sa bag lalo na't mahilig din naman siya pero may limit siya dahil kakulangan sa pera.
"Uy, bawal i-touch," sabi ni Jean nang hawakan na sana ni Danica ang bag pero agad na nahawakan nito ang kamay niya.
"Oo nga, may pambayad ka, gurl?" pabirong sabi ni Paula pero sadyang nilakasan ang boses nito.
"Wala nga," sabi ni Danica pero nalula nang makita ang presyong malapit na sa isang milyon.
"May bibilhin ka, Paula?" tanong ni Jean.
"Yeah. This pink one na lang. Ang cute eh," sagot ni Paula dahil ito lang ang pinakamura. Hindi pa kasi niya afford ang ganito kamahal na bag. Kung parents niya, pwede pa pero wala pa naman siyang trabaho at asa lang sa bigay ng ama para sa pambaon niya. Kahit ang credit card ay may limit din hanggang 200 thousand lang.
"Ikaw, Danica?" tanong ni Jean na kumuha rin ng mini bag.
"Wag na. Dami ko nang mabiling Guess sa isang bag nito at gustuhin ko man, hindi ko talaga afford ang kahit na isa," sagot niya. Isang bag lang, nakakabili na siya ng bahay.
"Good afternoon, Madam," bati ng saleslady sa babaeng pumasok kaya napalingon sina Danica.
Agad na umakyat ang dugo ni Danica nang makita si Paris na pumasok pero tinaasan siya ng kilay nang magsalubong ang mga mata nila.
"Di ba fiancée ni France, 'yan?" bulong ni Paula kay Jean.
Lumapit si Paris sa kanila saka tiningnan ang nag-iisang bag na naka-display na tiningnan ni Danica kanina.
"Ano ho ang hanap ninyo, Madam?" tanong ng saleslady.
"Ano ang pinakamahal ninyong bag dito?" tanong ni Paris na tumitingin-tingin sa mga naka-display.
"So far, heto ho, Madam. Nag-iisa lang kasi siya sa store na 'to. Para sa 'yo ho ba?"
"Nope. I'll buy it for my sister-in-law kasi mukhang nagtatampo na si France sa akin," sagot ni Paris kaya napatingin si Danica sa kanya pero agad ding napasimangot. Sister-in-law? Ibig sabihin, close ito sa kakambal ni France? Ayon sa kwento ni France, maldita ang kakambal nito kaya kapag kakampi nito si Princess, mahihirapan siyang tanggapin ng buong pamilya ni France. Wala na, give-up na talaga siya.
"Swerte naman ng sister-in-law mo," nakangiting sabi ng saleslady.
"Swerte siya sa akin," taas noong sabi ni Paris. "Miss, pakibalot ho nito, please," utos niya.
"Sure ho, Madam," agad na kinuha ng saleslady ang bag at binalot.
Humarap si Paris sa kanila.
"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin? Gusto rin ninyo ang bag na 'yan?" tanong ni Paris.
"Sa 'yo na," sabi ni Paula.
"Okay," sabi ni Paris sabay bigay ng black card sa saleslady nang bumalik para magbayad.
Nang makalabas si Paris sa store, nanlumo si Danica.
"Grabe! Ang rich din talaga ng fiancée ni France. Di ko carry 'yong pa-gift niya sa kapatid ni France," ani Jean.
"Gusto ko rin ng ganyan," sabi ni Paula. "Yung unlimited shopping. Wala nang tingin-tingin sa price. Basta pag gusto, order na agad."
Naikuyom ni Danica ang kamao. Dadaanan na talaga niya ang lahat ng gamit niya sa condo. Lalayas na siya at hindi na niya papansinin si France kahit kailan.
---------------------
"Bakit parang namatayan ka?" tanong ni Pablo nang pumasok si France na nangingitim ang gilid ng mga mata.
"Pahiram ng phone."
"Ha? Saan ang cellphone mo?" tanong ni Pablo saka paypay kay Jannah na kakapasok lang din.
"Oh, bakit?" tanong ni Jannah.
"Here," sabi ni Pablo sabay abot ng thumbler na may lamang tsaa.
"Para kanino 'to?"
"Sa 'yo."
"Gagawin ko?"
"Inumin mo, malamang. Masakit ang puson mo, 'di ba?"
"Hmm? Thanks," pasalamat ni Jannah saka ininom ang tsaa dahil may period nga siya pero agad naman niyang nabuga.
"Oh? Ba't mo niluwa?" tanong ni Pablo.
"That was so hot!"
"Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom," sabi ni Pablo.
"Oo, pero salamat ha," pasalamat ni Jannah. Si Pablo lang ang nakakabisado ng mga gagawin kapag mayroon siya at ngayon, mas marami na itong time para pagtuonan siya ng pansin.
"Bukas 'yong zipper mo," sabi ni Pablo nang mapansing hindi nakasara nang maayos ang zipper ni Jannah.
"Pwede bang pakisara," pakiusap niya.
"Wala ka bang mga kamay?"
"Hawak ko ang thumbler oh!" sabi ni Jannah sabay lapag ng hawak sa armchair. "I'll touch myself na lang!"
"Anong touch myself ang pinagsasabi mo riyan?" napailing na tanong ni Pablo.
"I mean ako na ang magzi-zip ng pants ko!" nakasimangot na sabi ni Jannah.
"Labas lang muna ako," paalam ni Pablo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jannah.
"Smoke thenâfuck!" pagmumura ni Pablo nang magulat dahil biglang napahampas sa armchair si France.
"Problema ng babaeng 'yon?" biglang tanong ni France. "Ne hindi man lang akong hinayaang mag-explain!"
"Why? You miss her body?" biro ni Jannah.
"Tingin mo sa akin ganoon ka manyak, Jannah?"
"Why not? Deny ka pa," ani Jannah. "Aminin mo na kasi na mahal mo siya kaya hinahanap-hanap mo siya."
"She's my fiancée. Magkasama kami sa bahay at anong masama kung mag-alala ako sa kanya? Alangan namang wala kaming pansinan. Natural, may pakiramdam naman ako. Isa pa, kasalanan naman kasi ng kakambal ko."
"Hmm? Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ni Pablo.
"Hey, akin na nga muna ang cellphone mo."
"Oh!" binigay ni Pablo ang cellphone kaya agad na tinawagan ni France ang dalaga.
Habang nagri-ring, kinakabahan si Orange.
"Hello?" bungad ni Danica. Boses pa lang, parang gusto na niya itong yakapin at ikulong sa mga bisig niya magdamag.
"Danica magâ" napatigil siya nang biglang pinatay ni Danica ang sa kabilang linya. "Shit!"
"Binabaan ka? Wawa ka naman," pang-aasar ni Jannah.
"Thanks," pasalamat ni France saka nanahimik sa isang tabi.
"Kung gusto mo siyang makausap, nandiyan lang siya sa kabilang building oh."
"Ayaw ko ng eksena," sagot ni France. Sa kalagayan nila ngayon, malabo pa siyang kausapin ng dalaga kaya mas mabuting hintayin na lang muna niyang kumalma ito dahil hindi rin naman sila makapag-usap nang maayos sa ngayon.
Nakita niya si Danica kasama si Bia patungo sa canteen nang lunchtime.
"Wag ka nang mahiya, lapitan mo na," bulong ni Gian saka tinapik siya sa balikat.
"Iiwasan lang naman niya ako," sagot niya.
"Sus, naduwag ka lang eh."
"Tara na nga! Nagugutom na ako," yaya ni France dahil kanina pa siya nagugutom. Hindi kasi siya nakapag-breakfast kanina. Syempre hindi siya nakapagluto dahil wala na rin naman si Danica. "Saan na sina Pablo?"
"Wag na tayong sumama. Istorbo pa tayo sa lovebirds."
"Bitter ka lang," pang-aasar ni Gian.
Kumain sila pero sumunod si Paris sa restaurant.
"Hello, France. Mwuah!" masiglang bati ni Paris sabay halik sa kanang pisngi ng walang emosyong kakambal.
"You are?" ani Gian.
"Paris!" sagot ng dalaga sabay taas ng kanang kilay rito. "And you?"
"Gian," pagpakilala ng binata.
"Bakit ka pa nandito? Bumalik ka na sa Madrid!" pagtataboy ni France.
"Suplado!" nakalabing sabi ni Paris saka ipinulupot ang kamay sa braso ng binata. "Wag ka nang magtampo."
"Kung hindi mo maayos ang gulong ginawa mo, kalimutan mo nang magkakilala tayo!" madiing sabi ni France at kinuha ang menu list.
"Don't worry, I'll help you, promise. Bibilhan ko siya ng latest bag sa Trevi tapos iregalo mo sa kanya. Trust me, hindi na siya magagalit sa 'yo."
"I don't trust you!"
"Walang babaeng makakatanggi sa Trevi bag. I swear. Babae ako kaya alam ko," confident na sabi ng dalaga.
"Lumayo ka nga! Para kang linta!" salubong ang kilay na saway ni France sabay siko sa kakambal.
"Pangit!" inis na sabi ni Paris. "Alis muna ako, magla-lunch kami nina Lola Tasha at Lolo Ethan," sabi nito.
"Dito na sila sa Maynila?" tanong ni France.
"Oo kasi alam nilang nandito na ang pinakamaganda nilang apo!" masiglang sabi ni Paris. "I'm so excited!" syempre malaki na naman ang bigay ng grandparents niya. Mayaman kaya ang mga ito pero hindi lang halata lalo na't down to earth talaga ang dalawa. Kapag firstime mo silang makita maisip mo agad na mayaman pero magulat ka na lang kung gaano lalo na ngayong ang laki ng expansion ng business nila sa Africa. For short, mas mayaman ang grandparents niya sa father side kaysa sa mother side. Mayaman ang mga Villafuerte pero kung individual ang pagbasehan, mas mayaman ang mga magulang ni Elias kaysa sa mga magulang ni Madrid.
"Layas na!" pagtataboy ni France na nakahinga nang maluwag nang makaalis si Paris.
"Kulit ng kapatid mo," napailing na sabi ni Gian.
"Isip-bata!" sabi ni France.
Nang matapos silang kumain, bumalik na sila sa campus.
Maaga pa siyang umuwi para maglinis ng bahay. Pumasok siya sa kwarto ni Danica at isa-isang binalik ang mga damit nito sa cabinet. Iuuwi niya ito kapag humupa na ang galit.
Napatigil siya sa ginagawa nang may sunod-sunod na nag-doorbell kaya mabilis siyang tumakbo para pagbuksan ang pinto.
"Daniâ"
"Disappointed?" natatawang tanong ni Paris na may bitbit na bag. "Here. As promised, Trevi bag."
"Tingin mo madadala ko siya sa ganyan?"
"Oo naman!" ani Paris. Nakita niya si Danica na tinitingnan ang bag kaya sure syang magustuhan nito.
"Ang gusto ko magpaliwanag ka sa kanya!"
"For what? Kasalanan mo, hindi mo ako pinakilala sa kanya. Ni pictures natin, wala!" sabi ni Paris saka pumasok.
"Labas!" parang asong itinataboy siya ni France.
"Ayoko!"
"Nanggigigil ako sa 'yo, Paris!"
Hinawakan niya sa braso ang kakambal para palabasin pero kinagat siya nito kaya nabitiwan niya.
"Ayoko! I wanna stay here for awhile. Hindi mo na ako na-miss," nagtatampong sabi niya.
"Not now, Paris! Galit pa ako sa 'yo kaya please, get-out!"
"Maghuhubad ako!" pagbabanta ni Paris. "Oop, diyan ka lang! Wag kang lalapit!"
"Lumabas kaâ" nagngingitngit sa galit si France nang maghubad ng bestida si Paris. "Magsuot ka nga ng damit!" pikong sabi niya sabay pulot ng damit saka lumapit sa kakambal. "Isuot mo 'to!"
"Ayoko!"
"Isa!" pinipilit niyang isuot sa kakambal para mailabas na ito pero nanlalaban ito.
Sa ganitong eksena sila nang bumukas ang pinto kaya pareho silang napatigil na tila biglang na-freeze nang pumasok si Danica pero nagulat din ito sa naabutan.
Saglit na tiningnan ni Danica ang dalawa. Hawak ni France ang nahubad na nitong damit at mukhang namimilit itong makipagtalik kay Paris. Istorbo ba siya? Mukhang hindi nila inaasahan ang pagbalik niya kaya naikuyom niya ang kamao. Ganoon na ba sila kasabik sa isa't isa?
"DâDanica, let meâ" nabingi yata sila nang pabagsak na sumara ang pinto nang tumakbo si Danica palabas.
"Ganyan niya ako pinagsarhan," sumbong ni Paris.
"Urgh!" gigil na sabi ni France sabay tapon ng damit ni Paris para sundan si Danica pero napatigil nang marinig ang malakas na tili ni Paris.
"Kyaaaaaah!" sigaw ng dalaga nang matisod sa center table at paupong natumba. "MâMommy! Waaah!" iyak niya na hindi magalaw ang kanang paa dahil sa sakit.
Nakapamewang na tiningnan ni France ang kakambal. As in todo iyak talaga ito habang nakahawak sa paa pero mas nanaig pa rin ang awa. Syempre ayaw niyang makitang umiiyak ang kakambal lalo na ang mommy nila. It breaks his heart.
"Tatanga-tanga kasi!" aniya saka binuhat ang kakambal at pinaupo sa couch.
"FâFrance, it hurts," luhaang sabi ni Paris saka hinila ang kamay ng kakambal para humingi ng saklolo.
"Magbihis ka, dalhin kita sa hospital," sabi ni France sabay abot ng damit nito.
"AâAyoko!"
"Kaysa naman lumala 'yan. Baka nabalian ka ng buto," sabi ni France pero mas lalong umiyak si Paris habang sinusuot ang bestida.
"Karma," bulong ni France pero sinamaan siya ng tingin ng kakambal tapos umiyak ulit. "Haist! Tama na, para kang bata!" aniya sabay buhat sa kakambal saka lumabas.
"France, will you leave me?" tanong ni Paris nang pumasok sila sa elevator habang buhat pa rin siya ng kakambal.
"May fiancée na ako, Paris. Sooner or later, iiwan din natin ang isa't isa para bumuo ng sarili nating pamilya," paliwanag niya.
Isa rin ito sa mga rason kung bakit pinauwi si France dito dahil masyadong clingy si Paris at palaging tinatakot ang mga babaeng lumalapit kay France. May history na sila kaya takot ang mga magulang na baka maging katulad sila sa kanila at mas incest ang maganap.
"I know," pagsang-ayon ni Paris saka tiningala ang kakambal. Kahit ganito siya, gusto lang din niyang protektahan si France laban sa masasamang babae. Masyadong malambot si France sa kanila ni Madrid at ito ang kinakatakutan nila ng ina, na baka mahulog si France sa maling babae kagaya ng nangyari sa kanilang ama kasi sila ang tipo ng taong kapag sumeryoso, iyon na 'yon. He will give everything para sa taong mahal nito at ayaw nilang samantalahin iyon ng mga nakakaalam. Sabihin ng mga tao na ang toxic nila ng mommy niya pero wala naman silang alam sa pamilya nila eh. Hindi iyon maintindihan ng karamihan dahil gusto nila happy lang.