Back
/ 35
Chapter 27

26

'Til it Lust (R-18)

Alam nyo ba na ang story na ito ay wala lang. Hahahaha. Parang okay, ito na muna kasi nag-iisip ako ng story talaga kaya go lang sa pagiging cliché kaysa matingga ang utak ko tapos hindi ako makapagsulat. Yun lang.

Unedited...

"Oh, okay ka lang?" tanong ni Janine nang pumasok si Danica na namumula ang mga mata.

"I'm fine, Ma."

"Pumasok ka nga sa kwarto mo, baka makita ka ng papa mong ganyan ang hitsura," sabi ni Janine dahil hindi man sabihin ng anak, alam niyang may hindi pagkakaunawaan sila ni France.

"Sige po, Ma," sabi ni Danica na agad tumalima papasok ng bahay kaya nagluto na ng hapunan si Janine.

"Oh? Bakit nandito si Danica?" tanong ni Danilo nang pumasok dahil nakita niya ang bag at sapatos ng anak.

"Na-miss ka niya."

"Ano na naman ang ginawa ng Gonzales na 'yon sa anak ko?" galit na tanong ni Danilo.

"Haist, wag mo nang pagalitan, mga bata pa eh. Hayaan mo at magkakaayos din sila."

"Wag lang talagang magloko si France at mapapatay ko siya!"

"Hindi naman siguro. Kilala mo naman si Danica na kapag ano ang maisipang gawin, gagawin talaga kaya unawain mo na lang muna ang mga bata."

"Hindi ko maunawaan kapag lokohin niya ang anak ko, Janine!" sabi ni Danilo.

Nagbihis si Danilo pero paglabas niya sa balkon, sakto namang pumasok si France sa gate na may dalang malaking teddy bear.

"Magandang hapon po, Pa," magalang na bati ni France na hinatid muna ang kakambal sa hospital saka dumiretso na dito sa bahay nina Danica.

"May kailangan ka?"

"Yung anak n'yo ho," sagot niya.

"Niloloko mo ba ang anak ko, France?" galit na tanong ni Danilo.

"Hindi ho," tanggi niya. "Hindi talaga, Pa."

"May babae ka ba, France?"

"Wala—" natigilan siya nang makitang nagbunot ng baril si Danilo kaya napaatras siya at inilapag ang dalang teddy bear. "P—Pa."

"Danilo, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Janine na agad lumapit sa asawang itinutok ang baril kay France. "Ibaba mo nga 'yan."

"Hindi ka na talaga makakalabas ng buhay kapag—"

Hindi na niya pinatapos ang sinabi ng ama ni Danica at kumaripas na siya ng takbo na para bang hinahabol ni Kamatayan. Wala pang 30 seconds, nasa labas na siya ng bakuran nina Danica. Yung tumatakbo siya pero nag-aabang din siya kung kailan siya matutumba at mamaalam sa mundo.

"Oh? Bakit ganyan ang—"

"D—Drive! Dali na!" humahangos na utos ni France kay Gian nang pumasok sa sasakyan habang sinisipat ang sarili kung may tama ba siya ng baril sa katawan. Nataranta rin ang kaibigan ang mabilis pa sa alas kwatro ang pagmaneho ng kotse palayo. "Bilisan mo pa!" Panay lingon ni France sa likuran kung sinundan ba sila o wala na.

"Gago! Anong nangyari?" tanong ni Gian.

"H—Hospital..." utos ni France na nawawalan siya ng hangin sa kaba. "Punta tayo sa hospital."

"Okay," ani Gian na hindi na nagtanong pa dahil shocked pa si France. Pagdating sa hospital, agad silang pumasok sa silid ni Paris at pinatawag ang doctor.

Dali-dali naman siyang inalalayan ng doktor at nurses dahil sa family connection nila. Nag-ECG sila agad nang sabihing sumasakit ang dibdib niya at nagpa-palpitate.

"Normal naman ang ECG result mo at vital signs. Medyo mataas lang ang heart rate mo pero below one hundred pa naman dahil siguro sa pag-panic mo," paliwanag ng doctor.

"Ano ba ang nangyari?" nagtatakang tanong ni Paris na labis na nag-aalala sa kakambal. "Are you okay, F—France?"naiiyak na tanong niya. "M—May nararamdaman ka bang sakit? Baka mali lang 'yong doctor."

"Ano ba kasi ang nangyari sa loob ng bahay nina Danica?" curious na tanong ni Gian kaya nagsimula nang magkwento si France.

"Bakit ka ba tumakbo?" gigil na tanong ni Paris. "Akala ko ba handa kang harapin ang parents niya?"

"Dude, hindi ko alam ang sasabihin," ani Gian na naaawa pero natatawa rin at the same tine. Pero kung siya ang nasa kalagayan ni France, baka maihi pa nga siya sa pantalon. Sino ba ang hindi? Eh nakatutok na sa 'yo ang baril.

"Kapag mahal mo ang tao, lahat harapin mo," sabi ni Paris.

"Hindi ko siya mahal!" tanggi ni France. "Gusto ko lang linisin ang pangalan ko dahil sa kabaliwan mo!"

"Hindi mo mahal pero hinarap mo nga ang baril."

"Hindi ko hinarap! Kung alam kong may baril siya, tingin mo pupunta ako roon?"

"Tanga ka talaga!" bulyaw ni Paris. "Pulis 'yong tatay tapos hindi mo naisip na may baril siya? Ano sa tingin mo ang gamit niya, toothpick?"

"Haist! Basta!" ani France. "Gusto kong magkabati kami ni Danica pero hindi naman sa puntong isakripisyo ko ang buhay ko. Yung tapang ko, nilalagay ko lang sa lugar. Kaya ang daming nadadaling buhay dahil sa tatapang-tapangan. May baril siya, paano kung punutok 'yon? aba, ibang usapan na talaga 'yon! Hindi joke ang buhay! Oras na pinutukan ako ng baril, hindi na pwedeng i-rewind ang pangyayari!"

"Pwede 'yon kasuhan! Hindi nila alam ang damage na ginawa niya sa mental health mo," sabi ni Paris.

"Tresspassing naman si France," sabat ni Gian.

"Basta! Kakausapin ko si Danica." determinadong sabi ni France. "Hindi nyo lang talaga alam ang takot ko kasi wala kayo sa sitwasyon ko kanina!"

"Paano nga eh, may baril ang tatay niya!" sabi ni Gian. "Bukas na lang sa school."

"I c—can't sleep hanggat hindi ko maiayos ngayong gabi," sabi ni France saka tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Paris.

"Dito ka lang, Gian. Bantayan mo si Paris at 'wag mo siyang palabasin."

"Hoy, France!" tawag ni Paris.

------------------------

"Ano ba ang pinaggagawa mo, Danilo?" galit na tanong ni Janine.

"Wala. Parang tinutukan lang ng baril eh," sagot ni Danilo na pumasok ng bahay.

"P—Pa," ani Danica na lumabas ng kwarto.

"Wag ka nang bumalik sa Gonzales na 'yon, duwag naman!" sabi ni Danilo.

"Ano ho ba ang nangyari?" tanong niya dahil narinig ang ingay kaya siya lumabas.

"Pumunta rito si France pero tinakot ng papa mo," sabi ni Janine.

"Kasalanan ko ba kung kumaripas siya ng takbo?"

"Pumunta siya rito?"

"Gusto lang magpaliwanag sana pero tinutukan ng papa mo ng baril."

"Ano?" bulalas ni Danica. "Pa naman!" Bigla tuloy siyang nag-alala kay France. Grabe pa naman hitsura ng ama kapag magalit.

"Hindi ka na niya istorbohin kaya wag ka nang mag-alala dahil hindi na 'yon babalik ha. Takot lang nun."

"Hindi naman tama 'yong ginawa mo, Pa. Sino ba ang hindi matatakot?"

"Ikaw Danica, pino-protektahan lang kita. Para din naman sa iyo ang ginagawa ko at wag mo nang ipagtanggol ang lalaking 'yon. Kahit hindi mo sabihin, alam kong may babae 'yon. Sa hitsura pa lang, kilala ko na. Isa pa, lahing Villafuerte rin 'yon! Mga babaero!"

Nalungkot naman bigla si Danica. Hindi rin naman niya masisisi ang ama. Tama nga ito, wag na siyang umasa pa na habulin pa siya ni France. Wala namang pagmamahal na namamagitan sa kanila eh.

"Kain na tayo," yaya ni Janine. "Ihahanda ko lang ang mesa."

"Tulungan na kita, Ma."

Nang makapaghanda, sabay na silang tatlo kumain.

"Bumaba na ang grades mo, Danica. Palibhasa puro ka bulakbol!" sabi ni Danilo. "Mas mataas pa yata ang grades ni Bia kaysa sa 'yo."

"Don't worry, Pa. Mag-aaral na ho ako nang mabuti. Promise." Hindi na sya maglalakwatsa pa. Lately, masyado siyang nasilaw sa mga kaibigan na wala namang magandang naidulot sa kanya.

"Walang masamang magkaroon ng maraming kaibigan, Danica. Ang mahalaga kasi dapat marunong ka ring mag-balance ng lifestyle mo," sabi ni Janine.

"I know, Ma. Pasensya na talaga pero mag-focus na ho ako sa pag-aaral," sabi niya.

Nang matapos kumain, siya na ang naghugas ng plato habang ang mga magulang ay nanonood ng balita. Pumasok siya sa kwarto at nagsimulang mag-review ng lessons.

"Danica, may pizza kaming binili," sabi ng ina.

"Talaga? Sige. Kain ako," masigla niyang sabi at lumabas ng kwarto para makikain kasama ang mga magulang.

"Na-miss ko 'to," masaya niyang sabi. Yung silang tatlo lang na magbo-bonding habang nanonood ng Netflix.

May nag-doorbell.

"Ako na," sabi ni Janine para pagbuksan ang nasa labas.

"Pa, galit ka ba sa akin?" malambing na tanong niya saka sumandal sa balikat ng ama at niyakap ito. "Sorry na kung pasaway ako."

"Hindi kasi tama yung pinaggagawa mo, Danica. Lahat ng bagay may hangganan. Kapag sobra, mapahamak ka naman."

Napatingin sila nang bumukas ang pinto. Pumasok ang ina nila kasama ang bisita.

Napatayo si Danica at pinagmasdan si France na nakasuot ng bulletproof vest at helmet.

"D—Danica!" agad na sabi ni France pero nakatingin kay Danilo. Tinanggal niya ang helmet dahil sabi ni Janine, nasa kwarto raw ang baril ni Danilo. "Let me explain. Five minutes. Just give me your five minutes in life, please."

Tumayo si Danica. Hindi rin niya alam ang gagawin. Nandoon 'yung matatawa pero nag-aalala rin dahil baka biglang pumasok ang ama sa kwarto at kumuha ng baril kahit pa naka-bullet proof na si France.

"Kapatid ko siya!" diretsahang sabi ni France. "Yung si Princess, kakambal ko talaga 'yon, si Paris. She's not my fiancée for pete's sake! I swear! Wala akong idea sa pinaggagawa at pinagsasabi niya!"

Natigilan si Danica.

"Anong kakambal mo?"

Doon na lumapit si France saka kinuha ang magkabilang kamay ng dalaga.

"Danica, I swear to God wala akong niloloko. Yung nakita mong babae, kakambal ko 'yon, si Paris." Agad na kinuha niya ang cellphone at pinakita ang mga litrato. "Siya 'to, di ba? Ito 'yong nagpakilalang Princess sa 'yo, right?"

Hindi makasagot si Danica. Lutang pa ang utak niya.

"At yung naabutan mo sa bahay, kaya ko 'yung ipaliwanag sa 'yo," agad na sabi ni France. Bago pa siya pumunta, nakahanda na ang lahat ng paliwanag niya. "May CCTV ang bahay natin. Hindi ako kagaya ng iniisip mo na manloloko. Kapag sinabi kong wala akong iba, wala talaga." Pinakita nya ang video nila ni Paris sa bahay. Buti at malinaw ang pag-uusap nila. "See? Naniniwala ka na ba sa akin, ha?"

Hindi makapagsalita si Danica dahil sinisisi niya ang sarili sa katangahan at kung bakit hindi siya nakinig sa paliwanag ni France.

"Tara na, uwi na tayo," yaya ni France saka niyakap si Danica. "Sorry kung nag-worry ka."

"Ba't hindi ka kaagad nagpaliwanag?"

"You blocked me. Lumayas ka pa," sagot ni France. "Uwi na tayo, Danica. Wag ka nang magalit, please. Kinausap ko na si Paris. Ganun talaga siya. Masanay ka rin sa kanya soon at promise, hindi ko hahayaang i-bully ka niya. She's just trying to protect me kasi di ba, ang bilis lang ng pangyayari sa atin. Nagulat din sila na biglang may fiancée na ako."

"Eh yung Princess?" tanong niya nang maalalang gusto pa nitong patulugin sa bahay. "Gusto mo pa siyang matulog sa bahay."

"Kasi gusto lang kitang makatabi. Kasi ayaw mong lumipat sa kwarto," paliwanag ni France saka hahalikan sana si Danica pero tumikhim si Danilo kaya agad siyang tinulak ni Danica.

"Okay lang ho bang iuwi ko na sa bahay si Danica, Pa?" pakiusap ni France nang maramdamang kumalma na si Danica.

"Dito ako matutulog," sabi ni Danica saka agad na pumasok sa kwarto para itago ang kilig na naramdaman. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang malaman ang totoo.

"Pa, Ma," ani France. "Dito na rin ho ako matulog." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito. Dinampot niya ang teddy bear na dala kanina saka binigay kay Janine. "Para sa 'yo, Ma."

Pagkaabot kay Janine, agad na siyang pumunta sa kwarto ni Danica. Buti at hindi naka-lock ang pinto kaya nakapasok siya.

"Bakit nandito ka pa?" napatayo siya nang makita si France.

"Gusto kitang makatabi sa pagtulog," sagot ni France na hinubad na ang vest saka hinapit sa bewang ang dalaga.

"Hindi pa kita napapatawad!" nakalabing sabi niya.

"Hindi pa ba?" nakangiting tanong ni France. "I'll make it up to you." Tinulak niya pahiga si Danica saka agad na pumatong dito.

"Saan mo ba kinuha 'yang mga suot mo, ha?"

"Hiniram ko kina Lolo Alas," sagot ng binata.

"H—Hey, nasa labas lang sina Papa," paalala niya sabay pigil sa mukha ng binatang hahalikan na sana siya.

"It's up to you kapag magsusumigaw ka o manahimik na lang," pilyong sabi ni France na nawala na ang takot. Kinuha niya ang kamay ng dalaga at yumuko siya saka nagsimulang halikan ang dalaga sa mga labi pero agad siyang tumigil at tinitigan sa mukha ang dalaga. "Promise me, Danica na kapag may problema tayo, agad na nating pag-usapan para hindi tayo magkaroon ng misunderstanding, ha."

"Okay," pagpayag ng dalaga saka napangiti.

"I miss you," sabi ni France saka hinuli ang tingin ng dalaga. "Did you miss me?"

Parang na hipnotismong tumango si Danica.

"Say it, Danica."

"I m—miss you too," napilitang pag-amin niya kaya ang lapad ng mga ngiti ng binata. Heto na naman siya at nabola ni France. Ang rupok niya pero nakakataba lang din ng puso ang ginawa nito kaya ang bilis niyang bumigay. Kung sabagay, mahal pala niya ito kahit nga siguro baluktot ang explanation, tatanggapin pa rin niya. Minsan parang gusto na niyang maniwala na baka mahal na siya ni France dahil sa mga ipinapakita nito sa kanya pero hanggat wala itong sinasabi, ayaw niyang paasahin ang sarili kahit na deep inside, asang-asa na siya.

Share This Chapter