2
'Til it Lust (R-18)
Unedited..
"Ano na naman ang ginawa mo, France?" galit na salubong ni Madrid nang pumasok si France sa bahay. "Akala ko magiging okay ka na pero bakit ganito ang nangyari?"
"IâI'm sorry, mom," paumanhin ni France.
"I'm sorry?" ulit ni Madrid. "Umuwi ka lang dito sa Pinas para gumawa ng gulo? Hindi ganyan ang France na nakilala ko!" bulyaw ni Madrid. "Aminin nga ninyo sa akin! Is this a prank?"
"I wish it was just a prank," malungkot na sabi ni France.
"So, hindi!" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Madrid.
"Mukhang hindi nga," kibit-balikat na sagot ng anak.
"Akala ko ba iba ka kay Paris?" hindi makapaniwalang tanong ni Madrid. "Akala ko sa inyong kambal, si Paris lang ang sakit ng ulo ko kaya nga pumayag ako na umuwi ka rito sa Pilipinas pero France, wala ka pang tatlong buwan dito, may babae ka na? Are you fuckin' serious? Saan ba kami nagkulang, ha?"
"Momâang bilis ng pangyayari. Promise," paliwanag niya.
"Anong mabilis?"
"Basta."
"So? Ano na ang plano ninyong mag-ama?" tanong ni Madrid na kay Elias humarap.
"Sa ayaw at sa gusto niya, kailangan niyang panindigan ang nangyari sa kanila ng babae," sagot ni Elias. "Ang parents ng babae ang nakahuli sa kanila."
"Just because may nangyari sa kanila eh dapat ikasal na!" sabi ni Madrid. "Aba, kung ganun eh di sana marami na ang babaeng pinakasalan ng anak ko!"
"Mom," ani France na napangiwi dahil ang ingay ng ina. "SâShe's my first."
"What?" bulalas ni Madrid saka humarap sa anak. "What the heck, France? Seriously? Hindi ka talaga nakadali sa Europe? Sa dami ng babaeng umaaligid at handang mag-alay sa 'yo ng kaligayahan, wala pa talaga?"
"Ayokong mag-usapan," seryosong sabi ni France.
"Don't tell me, na love at first sight ka sa kanya? O baka naman matagal mo na siyang gusto like childhood sweetheart mo?"
"Pinagsasabi mo?" ani France.
"Aminin mo ang totoo, France! Matagal na ba kayong magkakilala nito? Sya ba ang dahilan kung bakit ka umuwi ng Pilipinas? Wag na nating patagalin pa ang istorya! Kung may something kayo, aminin mo na!" inis na sabi ni Madrid na kulang na lang ay balatan ng buhay ang anak.
"Of course not!" agad na sagot ni France. "Swear to God, mamatay man! Walang ganun, mom!" Ngayon lang talaga niya nakita ang babae at ang nangyari talaga sa kanila ay one night stand. No strings attach.
"So? One night stand ang nangyari?" seryosong tanong ni Madrid. "Umamin ka! Kung hindi, malilintikan ka sa akin!"
"Yes," pag-amin ni France. "I don't love her, mom. Ngayon ko lang talaga siya nakilala."
"You don't love her pero dumiretso kayo agad sa kama? Ano 'yun, France? Are you drugged?" aniya. "Nagdo-droga ka?"
"Hell, no, Mom!" agad na tanggi ni France. Nakainom siya pero alam niyang walang halong droga ang nainom.
"So, ano lang? Lasing?"
"MâMaybe..." ani France.
"Kailan ka pa nalasing? Kahit malasing ka, hindi pwedeng makalimutan o hindi mo maalala ang ginagawa mo!"
"MâMom, wag mo na po akong pahirapan, please," pakiusap ni France dahil kapag ang ina ang tumalak, gusto na lang niyang magtakip ng tainga.
"Wag pahirapan? Alam mo bang future mo ang sinisira mo, France? Hindi ka nadroga pero napikot ka! Pikot ang tawag diyan! Malay mo ba kung sinadya niyang gawin iyon para mahuli kayo ng mga magulang ninyo! Malay mo ba kung ilang lalaki na ang nakatikim sa babaeng 'yun!"
"She was my first," ani France pero napaatras nang parang lalamon ang mukha ng inang humarap sa kanya.
"Kinakampihan mo siya, France?"
"Just telling the truth. Wala rin naman kasi siyang kasalanan," depensa ng binata.
"Gusto mo siya?"
"No!" tanggi niya. Hindi naman talaga.
"Bakit may nangyari sa inyo? Tell me!"
"MâMom? You're not helping!" ani France nang mapikon. "Okay! Pwede ninyo akong isumpa at talikuran pero ayaw ko nang magpaliwanag!"
"Yan! Ganyan ka! Nagmana ka sa tatay mo na ayaw pag-usapan ang kasalanan!"
"Bakit naman ako ang may kasalanan?" sabat ni Elias.
"Bakit? Hindi ba? Ikaw ang kasama niya para mag-celebrate ng birthday niya pero hindi mo siya binantayan!"
"Matanda na siya, bakit ko pa siya babantayan?" ani Elias.
"Matanda? Eh anong ginawa niya? Tapos ipapakasal ninyo siya? For pete's sake, Elias! Twenty pa lang ang anak mo! Hindi pa legal para ikasal! Kakatapos lang ng pagiging teenager niya noong isang araw tapos haharap agad sa malaking responsibilidad? Paano kapag makabuntis siya? Ang iksi ng buhay para maging batang ama!"
"Wala na tayong magagawa, nangyari na eh," sabi ni Elias.
"Baka naman pera lang ang habol ng babae?"
"I have already made an offer to them," ani Elias.
"So?"
"They refused," sagot ni Elias. "Masyadong mataas ang pride ng ama ng babae."
"Natural! Sino ba ang aayaw na makapasok sa isang Villafuerte at Gonzales?" ani Madrid. "Tingin ko gold digger siya!"
"Hindi mo pa sila nakilala, Madrid!" ani Elias.
"I'm angry!" sabi ni Madrid. Alam niyang wala talagang control ang bunganga niya kapag magalit at kilala na siya ng pamilya.
"But you can't judge her dahil lang sa galit ka," sabi ni Elias.
"Anak ko ang dehado rito!"
"Dehado rin sila dahil babae ang sa kanila. Isipin mo na lang. What if kay Paris mangyari iyon? Magpapabayad ka ba?" tanong ni Elias kaya nanghinang naupo si Madrid. Dahil sa gigil, kinuha niya ang throwpillow saka malakas na hinagis sa anak.
"Kasalanan mo 'to, France eh! Bumalik ka na lang kaya sa Madrid?"
"Takasan niya? What if buntis ang babae?" tanong ni Elias kaya napahilot sa sintido si Madrid.
---------------------
Hila-hila ang dalawang malaking maleta, lumabas siya sa elevator pagkatuntong sa 4th floor ng condo unit. Hindi pa niya nadala ang lahat ng gamit pero sa ngayon, basic lang muna ang mga dinala niya.
Pagkapasok sa unit, napatigil siya nang makita ang binatang nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
"AâAfternoon," bati niya. Wala siyang choice kundi sundin ang ama dahil kung hindi ay hindi na siya susuportahan nito sa pag-aaral. Hindi naman sila sobrang yaman pero hindi rin mahirap. Nag-iisang anak lang siya kaya kahit paano ay ginagawa ng ama ang lahat para makapag-provide ng magandang kinabukasan sa kanilang mag-ina. Isang pulis ang kanyang ama at butihing guro naman ang ina kaya palaging role model ang kanilang pamilya.
"May mga gamit ka pa sa baba?" tanong ng binata.
"Wala na," sagot niya sabay iling. Iginala niya ang paningin sa buong unit. Kumpleto na ng gamit at ang linis tingnan.
"Kung may hindi ka nagustuhan sa kulay at interior design ng unit, pwede mong baguhin," sabi ni France.
"OâOkay naman na," sabi niya na napasulyap sa malalaking maleta na nasa sala.
"Tingnan mo ang kwarto, mamili ka kung saan ang gusto mo," sabi ni France. "Marunong ka bang magluto?"
"Konti," sagot niya. Noodles at itlog lang ang alam niyang lutuin.
"Like what? Noodles, itlog, tuyo at hotdog?"
"Ganun na nga?"
"How about tinola o adobo?"
"SâSi Mama ang nagluluto. At kapag hindi, bumibili na lang kami sa labas," sagot niya.
"Mamili ka na ng kwarto," sabi ni France kaya isa-isa niyang binuksan ang dalawang silid. Ang laki ng dalawang kwarto.
"Ito na lang ang sa akin," sabi niya na mas pinili ang medyo maliit na silid. Kaunti lang naman ang gamit niya kaya okay lang sa kanya ang maliit na silid. Isa pa, mas malaki pa nga ito kaysa sa master's bedroom ng bahay nila.
Dinala na niya ang maleta sa loob ng kwarto saka inayos sa cabinet.
Napabuntonghininga siya. "Bakit ba natatakot ako sa kanya?" tanong niya. Hindi siya ganito. Palaban siyang babae kaya hindi pwedeng magpa-under sya kay France porket mas mayaman ito sa kanya.
Nang matapos niyang ayusin ang mga gamit, kinuha niya ang folder na pinagpuyatan niyang gawin kagabi. Lumabas siya. Nasa sala pa rin ito habang nanonood ng live football.
"Yes!" sigaw ni France nang maka-score ang Spain vs Poland. "Kung may kailangan ka, mamaya mo na ako kausapin," sabi niya nang makita sa peripheral vision ang dalagang nakatayo. Bawal talaga siyang istorbohin kapag nanonood ng football game.
Bumalik sa kwarto ang dalaga saka nanood muna sa Netflix ng movie. Nang matapos ang pinapanood, lumabas ulit siya dala ang folder.
"May kailangan ka?" tanong ni France na tapos na ang pinapanood.
"Hindi ko alam kung ano ang set-up natin at kung paano tayo magsimula pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko talaga pinlano na aabot tayo sa ganitong sitwasyon. Pasensya ka na kung dinala kita sa ganitong sitwasyon pero alam mong may participation ka rin naman sa nangyari sa atin," panimula niya at lumapit sa binata. "Hayaan mo, kakalma rin si Papa. Sa ngayon, isipin na lang natin na boardmates tayo."
"Wag mong pakialaman ang buhay ko, goods na tayo kapag ganun," sabi ni France. Engaged na sila. Ang mga magulang na nila ang nagplano ng lahat pati itong unit. Bigay rin ito ng daddy Elias niya bilang unang regalo sa kanilang dalawa. Dahil hindi pa nga siya legal para ikasal, engaged na lang muna sila at para daw maka-develop ng rapport, magsama muna sila sa iisang bubong para mas makilala nila ang isa't isa.
"Ganoon din sa akin," sabi ng dalaga saka inilapag ang folder sa center table. "May ginawa na akong rules kagabi. Pakitingnan kung okay na sa 'yo 'yan."
Napataas ang kanang kilay ni France saka binuklat ang folder at binasa.
"KâKung sakaling hindi magbago ang isip ng mga matatanda at matuloy ang kasal natin, pwede naman tayong magpa-annul balang araw. Nakasaad diyan ang mga do's and don'ts. Kung may gusto kang baguhin o idagdag, sabihin mo lang," paliwanag niya saka napasulyap sa seryosong mukha ni France habang nagbabasa.
"Pwedeng makipagrelasyon sa iba at malayang gawin ang gusto ninyo pero 'wag lang ipaalam sa pamilya," pagbasa ni France.
"BâBaka kasi may girlfriend ka o kung wala man, baka makatagpo ka ng magugustuhan mo, okay lang sa akin. Wala talagang problema. Promise. Malaya ka pa rin."
"How about you?" tanong ni France.
"Ako? Busy ako sa pag-aaral ko at marami pa akong gustong gawin sa buhay kayaâ"
"May boyfriend ka?"
"Hindi naman saâhindi pa kami. MU lang," sagot niya.
"So you wrote it para sa 'yo?"
"No! Hindi ah. I mean, para din naman sa 'yo. Ayaw naman kitang itali."
"Okay," ani France saka pinunit ang papel kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga.
"Bakit mo pinunit?" pikong tanong niya.
"Madalas ka bang manood sa Youtube at magbasa ng mga walang kwentang drama at naisip mong gawin ang napaka-childish na bagay na 'to?"
"Excuse me?" aniya.
"Ayaw kong magkaroon ng rules ang buhay ko! Do whatever you want!" ani France. Nilamon na ng kadramahang pinapanood ang babaeng 'to. "Tingin mo nasa pelikula tayo para gumawa ka ng ganitong kasunduan?"
"Bakit? Ano ba ang masama? Isa pa, for legal purposes lang naman."
"Saan banda ang legal? Kung nabubuhay ka sa fantasies mo, 'wag mo 'kong isama!"
"Sana nga nasa fantasy lang ako para ibulong ko sa author na ibalik naman niya ang buhay ko sa umpisa noong wala pang nangyari sa atin!" sabi niya. Sino ba ang tanga na author na umpisa pa lang, ganito na agad ang kapalaran niya? Eh kaka 19 pa lang niya at panigurado, bad influence lang ang magiging kwento niya sa kabataan. Imagine, 19 pa lang hindi na virgin ang character niya? Whoever the author is, for sure maba-bash lang ito o 'di kaya ay ma-report ang account nito. Ano bang aral ang pwede niyang maibigay sa ganitong kwento? Bidang pariwara!
"Itinapon mo ang sarili mo sa akin tapos ngayon parang kasalanan ko pa?"
"Hindi naman kita sinisisi."
"C'mon, babae! Hindi ko ugaling manisi rito. Partly may kasalanan din ako kaya hindi ko isisi sa 'yo ang lahat. Be mature enough. Don't worry, hindi kita papahirapan o aawayin kagaya ng mga nababasa at napapanood mo. Ayaw ko rin ng lampang fianceé so 'wag kang magpa-bully kasi hindi ako ang superhero mo para ipagtanggol ka kagaya ng mga nasa fantasyland mo. Higit sa lahat, ayaw kong mag-away tayo nang wala namang dahilan. Hindi mo ako kalaban pero hindi mo rin ako kaibigan."
"Okay, maliwanag!" sabi niya na may halong inis saka bumalik sa kwarto.