32
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Kainis ka talaga, ang dami ko tuloy notifications sa Instagram ko," reklamo niya. Ilang araw na pero dinudumog pa rin ang account niya ng likes dahil sa mga tag post ni France.
"Deadma kahit na 'wag mo nang pansinin," payo ni France.
"Bakit ba kasi pinost mo?" Laking pasalamat lang niya dahil naka-off comment si France dahil kapag nagkataon, baka marami siyang natatanggap na hate comments. Actually, may mga nagme-message na rin sa kanya ng negative pero bina-block ni France sa tuwing kunin nito ang cellphone niya.
"Bakit? Account ko naman 'yon."
"Naka-tag pa ako."
"Mukha mo yun kaya nag-o-automatic na naka-tag sa 'yo," sabi ni France. Ngayon lang siya naging active sa Instagram. Huling post pa niya ay two years ago dahil hindi naman uso sa Europa ang paggamit ng social media.
"Mawawalan ka ng fans dahil sa akin."
"Kahit mawala silang lahat basta manatili ka lang sa akin," sabi ni France at iniliko ang sasakyan.
"Mahal mo ba talaga ako, France?"
"Nakapang-ilang tanong mo na 'yan ngayong araw?" nakangiting tanong ng binata dahil pagkagising pa lang, iyon na agad ang bungad ni Danica. "Wait, all in all mahigit one hundred na."
"Gusto ko lang makasigurado."
"Hmmm? Pinost na nga kita."
"Okay lang naman kung hindi mo-"
"Te amo!" agad na sabi ni France. "Mahal kita, I love you!"
Napakagat sa ibabang labi si Danica saka napatingin sa labas ng sasakyan. Sarap talaga pakinggan lalo na't ang tagal niya itong hinintay mula kay France. "Ano? Tatahimik ka na lang ba riyan, Danica? Narinig mo na ang gusto mong marinig."
"Narinig ko nga," ani ng dalaga saka napangiti. "I love you too, France."
"Alam ko," sagot ng binata na napangiti na rin. Hinawakan niya ang kanang kamay ni Danica saka pinisil habang ang isang kamay ay nasa manibela. "Subukan mo lang talaga magmahal ng iba, wala ka nang babalikan pa, Danica."
"Tingin mo sa akin, manloloko?" ani Danica saka hinila ang kamay.
"Hey! Ayaw mong pahawak?"
"Magmaneho ka nang maayos dahil iisa lang po ang buhay natin. Ilagay mo sa tamang lugar ang paglalandi mo."
"Tch! Ikaw 'tong lumalandi sa akin eh," depensa ng binata. "Tapos kapag landiin ka back, ako ang babaliktarin mo."
"Hoy, hindi kita nilalandi at hindi ko hiniling na landiin mo rin ako!"
"Kunwari ka pa," sabi ni France saka pinasok ang sasakyan sa SJU. "Sabay tayong mag-lunch ha."
"Titingnan ko."
"Gawin mo."
Nang mag-park, humalik agad si Danica sa kanang pisngi ni France at dali-daling lumabas saka naunang umalis kaya hindi na siya nasundan pa ni France.
Pagdating sa classroom, naupo si France sa tabi ni Gian.
"Bukas na ang libing ng lola mo ah," sabi ni Gian. "Dumadalaw rin ba si Komi sa kanya?"
"Hindi ko nakita pero sabi nila, sa gabi lang daw kapag wala nang tao," sagot ni Pablo.
"Kawawa naman si Komi," sabi ni Gian sabay iling. "Apo rin naman siya."
"I know," sagot ni Pablo. Ilang beses niyang sinubukang kausapin ang ama na 'wag pagbawalan si Komi pero mas lalong nagagalit ang ama lalo na't malapit na ang election at ayaw niyang madungisan ang pangalan. Isa pa, mas nakukuha niya ang simpatya ng mga tao dahil sa pagkamatay ng ina.
"Pero kung buhay lang si Lola Anita, for sure gusto niyang makasama si Komi. Ngayong wala na ang lola ninyo, paano na si Komi?" tanong ni Gian.
"Matanda na siya at may pag-iisip na rin," sabi ni Pablo at napatingin may France nang mahinang tumawa ito kaya napatingin din si Gian dito.
"Ang hirap talaga ma-inlove, nakakasira ng utak!" ani Gian na sinilip ang tinitingnan ni France. "Picture lang parang baliw ka na riyan?"
Tumigil si France sa ginagawang pagtingin sa mga litrato at video nila ni Danica at tiningnan si Gian.
"Pakialam mo?"
"Nakakairita ka!" sagot ni Gian. "Hindi ka pa niyan inlove ha!"
"Sinong may sabi sa 'yong hindi ako inlove?"
"Parang kailan lang todo deny ka pa na mahal mo si Danica tapos ngayon, kulang na lang kada tao na madadaanan mo ay pagsabihan mong fiancée mo na siya," sabi ni Pablo.
"Fiancée ko naman talaga," sabi ni France.
"Mahal mo na ba talaga si Danica?" panigurado ni Gian.
"Paulit-ulit kayo ni Danica ng tanong!" ani France. "Unbelievable ba na mahal ko siya?"
"Hindi naman pero yung pag-deny mo noon, sobra-sobra!" sagot ni Pablo. "Kaya you can't blame us kung magduda."
"Noon, pinipilit n'yo ako na mahal ko siya tapos ngayong sinabi kong mahal ko siya, ayaw n'yo naman maniwala. Kayo yata ang may sakit sa utak!"
Muli niyang tiningnan ang mga litrato ni Danica saka napangiti.
"Hey, ganito ba kapag mahal mo?" tanong ni France. "Miss mo siya palagi?"
"Pa-check ka na nga sa neuro! May tama na ata ang utak mo eh!" suhestiyon ni Pablo.
"Sa cardio kasi puso ata ang may problema sa kanya," pagtatama ni Gian.
"Inggit lang kayo kasi wala kayong fiancée," sabi ni France na deadma sa sinasabi ng mga kaibigan. "Haist! Ano ba ang magandang ibigay sa kanya?"
"Ano pa ba ang hindi mo nabigay sa kanya?" tanong ni Pablo. "Eh lahat naman natanggap niya. Bag, sapatos, pera, bahay at lupa. Lahat na yata nabigay mo."
"Hindi ko alam kung may wala pa akong naibigay sa kanya para maging masaya siya."
"Hindi materialistic si Danica, alam mo dapat 'yan," sabi ni Pablo.
"I know," ani France. "Pero gusto ko pa rin siyang bigyan, bakit ba?"
"Bigyan mo ng anak para wala nang kawala," sarcastic na suhestiyon ni Gian kaya napatingin si France sa kanya. "Joke lang," agad na bawi ni Gian.
"Alam mo, may point ka," sabi ni France.
"To naman paniwalain," sabi ni Gian. Ang bata pa ni Danica para mabuntis at for sure, ayaw rin ni Danica pero kapag ginusto ni France, wala itong choice.
"Tama naman. Kaya ko namang buhayin sila ng magiging anak namin," sabi ni France na napapaisip.
"Respect mo pa rin si Danica. Pinag-uusapan ang bagay na 'yan kasi katawan niya 'yon," seryosong payo ni Pablo.
"Haist! Wala ka talagang kwenta, Gian!" pikong sabi ni France. Tama si Pablo. Isa pa, gusto pa rin niyang makapagtapos si Danica para sa sarili nito. Kailangan pa rin ng babae ng bagay na ipinagmamalaki hindi lang bilang asawa ng isang Gonzales at Villafuerte. Iyon ang nakuha niyang aral sa mga tita niya na kahit mayroon sila, iba pa rin ang may diploma. Woman empowerment daw kaya kahit na nabuntis, tuloy pa rin ang edukasyon sa pamilya nila. Iyon ang isa sa ikinaganda ng pamilya nila.
"Grabe siya," sabi ni Gian.
----------
"Okay na ba ang suot ko?" tanong ni Danica. Black pants and white tshirt ang suot niya katerno ng suot ni France dahil makikilibing sila sa ngayon.
"Oo. Kahit na simple lang ang suot mo, maganda at sexy ka pa rin," sagot ni France.
"Binobola mo ba ako, France?"
"Nakuha ko na ang gusto ko sa 'yo, bakit pa kita bobolahin?" tanong ng binata sabay hapit sa bewang ni Danica. "Nagsasabi ako ng totoo."
"Hmm? Ewan ko sa 'yo," ani Danica na hindi pa rin sanay kapag maglambing si France, parang panaginip lang ang lahat lalo na kapag iparamdam nito na mahal na mahal siya ng binata.
"Trust me," sabi ni France. "Kapag sinabi kong maganda ka, maganda ka talaga."
"Oo na po at salamat," sabi niya sabay yakap sa bewang ng binata at tiningala ito.
"Why? May gusto ka bang gawin ulit natin bago tayo umalis?" pilyong tanong ni France.
"Eh? Tigilan mo 'ko, France! Male-late na tayo."
"Hindi naman tayo ang special na bisita sa libing," ani France.
"Kahit na..." ani Danica. "Tara na."
"Haist! Oo na pero uwi tayo mamaya ha," sabi ni France.
"Hindi pa nga tayo nakaalis, uwi na agad ang iniisip mo."
"Looking forward," sabi ni France.
Dumiretso sila sa simbahan.
"Bia, tahan na," pag-aalo ni Danica sa kaibigan nang umiyak na naman ito habang nagmimisa.
"H-Hindi lang kasi a-ako makapaniwala na wala na si L-Lola Anita," sagot ni Bia saka pinahidan ang mga luha. Siya kasi talaga ang nag-alaga sa matanda mula nang magkasakit ito.
Pinahilig ni Danica sa balikat niya ang ulo ni Bia at hinayaan itong umiyak para mailabas ang sakit na naramdaman. Minsan lang umiyak si Bia kaya alam niyang labis itong nasasaktan.
Napatingin si Danica sa labas ng simbahan. Nakita niya si Komi na nakatayo sa motorsiklo habang naninigarilyo. Nakaramdam siya ng awa para sa binata. Siya naman itong pinakamahal na apo pero ito pa ang hindi makalapit sa kabao ng yumaong lola. Samantalang sina Pablo, malayang nagagawa ang gusto.
Nang matapos ang misa, lumabas na sila sa simbahan para ihatid si Lola sa huling hantungan nito. Pagdating sa cementeryo, nagsi-iyakan ang mga kamag-anak. Nakasuporta pa rin si Danica kay Bia at si France naman ay kay Pablo.
"Bia, tara na," malumanay na yaya ni Danica nang paunti-unting umaalis na ang mga bisita para tumungo sa bahay nina Pablo para sa kaunting salo-salo.
Tumango si Bia saka sumunod sa kaibigan patungo sa kotse nila. Sa sasakyan na ni France sina Jannah, Gian at Bia sumakay.
"Si Komi ba 'yan?" tanong ni Gian nang madaanan si Komi na nakaparada sa labas ng cementeryo gamit ang motorsiklo.
Napatingin si Bia sa labas ng bintana. Kahit na nakatalikod, alam niyang si Komi ito.
"S-Sandali," pakiusap ni Bia. "Pwede bang tumigil muna tayo?"
Tumigil si France kaya lumabas si Bia at lumapit kay Komi.
"K-Komi," usal niya.
"May kailangan ka, Bia?" tanong ni Komi na naka-shades kaya hindi makita ni Bia ang reaksyon nito.
"P-Pinapabigay pala ng lola mo bago siya namatay. Sabi niya ibigay ko raw sa 'yo kapag-" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil naiiyak na naman siya.
Kinuha ni Komi kaya dali-daling tumalikod si Bia at muling sumakay sa sasakyan ni France.
Napatitig si Komi sa susi. Alam niyang mga papeles ang laman niyon at titulo ng bahay na tinitirhan nila. Nangako ang lola niya na sa kanya nito ipamana ang lupa't bahay na kinalakihan nya para siya ang magpatuloy sa pag-alaga ng malawang nitong hardin.
Nakailang stick ng sigarilyo na siya nang umalis na ang nagsarado sa nitso ng kanyang lola.
Binitbit niya ang basket ng white roses na siya mismo ang nag-desinyo saka lumapit sa nitso ng kanyang Lola Anita.
Yumuko siya saka inilapag ang dalang basket ng bulaklak.
"L-La, dinalhan kita ng paborito mong bulaklak," wika niya saka ngumiti. "Ang tahimik naman dito, hindi ka ba mabo-bored? Walang hardin ng bulaklak dito."
Naupo siya saka sumandal sa nitso ng lolang gawa sa marmol.
"S-Sa wakas, nasolo na rin kita. Tayong dalawa na naman ang naiwan."
Tumingala siya sa kalangitan. Maganda ang panahon, maaliwalas ang paligid at ang gandang pagmasdan ng mga ulap kaya napangiti siya.
"Kumusta ka na riyan sa itaas? Siguro ang lawak na ng hardin mo at mas marami ka nang bulaklak diyan."
Kinuha niya ang salamin saka natawa habang tumutulo ang mga luha.
"I-Iiwan mo rin pala ako, sana hindi ka na nangako noon," diaappointed na sabi niya saka pinahidan ang mga luha at ngumisi.
Tumayo siya at sumakay ng ducati patungo sa bahay nila ng lola. Ang tahimik na ng paligid. Pinaalis na niya ang mga katulong dahil wala na siyang ipasahod. Sinarado niya ang bahay at nagkulong siya sa kwarto habang niyakap ang katahimikan ng nag-iisa.
-------------------------
"Ang tagal naman ni Danica mag-reply!" reklamo ni France habang palabas na sila ng classroom dahil lunchtime na.
"Mamaya pa ang uwian nila. Hanggang twelve sila, ano," sabi ni Pablo dahil 12:30 pa lang naman.
"Pwede naman siyang mag-reply."
"Hindi naman siya kagaya mo na kahit may klase, sige pa rin ang chat," sabi ni Gian.
"Miss ko na siya," ani France.
"Nakakabaliw ka talaga tingnan kapag ma-inlove. Utang na loob, France! Bumalik ka na lang sa dati. Yung hindi mo pa inaamin na mahal mo si Danica," pakiusap ni Pablo.
"May masama ba kung mahal ko na siya?" tanong ni France na napangiti nang sumagi sa isip niya ang mukha ng fiancée.
"Yan yung sinasabing she fall in love first but you fell harder," napailing na sabi ni Gian. "Tol, sobrang corny mo na talaga, France! Bumalik ka na sa dati, please lang."
"Okay lang, worth it naman ang lahat," sabi ni France.
"Pag ikaw iniwan ni Danica, good luck na lang sa mental health mo," sabi ni Gian.
"Pareho lang silang baliw! Panay rin reklamo ni Bia!" sabi ni Pablo.
"Hindi naman ganoon si Danica. Mahal ako nun kaya hindi niya ako iiwan!" kampanteng sabi ni France.
"Hay nako! Mauna na nga ako sa labas! Sumunod ka na lang," sabi ni Pablo dahil nasa labas na si Jannah na naghihintay sa kanya dahil hindi ito pumasok kanina.
Lumabas siya ng school campus. Paliko na siya sa maliit na eskinita nang may humarang sa kanya na lalaking kasing edad at tangkad niya.
"May kailangan ka?" tanong ni Pablo.
"Ikaw ba ang anak ni Congressman?" tanong ng lalaki na estudyante rin ng SJU.
"Oo, bakit?" tanong niya kaya ngumisi ito.
"Walang kwenta ang tatay mo!" sabi nito. "Mukhang pera at higit sa lahat, kurakot!"
Napabuntonghininga si Pablo. Namukhaan niya ito. Isa ito sa mga sumama sa nag-rally upang patalsikin ang ama niya dahil mas pinaboran ang bagong construction site kaysa sa kanilang mga magsasaka.
"Pasensya na pero mas mabuting sa kanya ka na lang mag-fuck!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang suntukin siya nito kaya napaatras siya pero dahil nasaktan na siya, sumugod siya at nakipagsuntukan sa lalaki pero sa hindi niya inaasahan, bigla na lang itong naglabas ng kutsilyo kaya natigilan siya.
"Ano? Tingnan natin ang tapang ng ama mo kapag mawala ang anak niya!" galit na sabi nito saka sumugod pero napigilan ni Pablo ang kamay nito kaya tumilapon ang kutsilyo.
"Ginagawa ninyo?" tanong ni Komi nang mapadaan kasama ang mga kaibigan.
"Oh, si Pablo pala eh," nakangising sabi ng barkada ni Komi. "Tara na, Komi. Hayaan mo na sila."
"Tingin mo may tutulong sa 'yo kapag patayin kita, ha?" nakangising tanong ng lalaki nang sinakal si Pablo sa leeg matapos itong matumba.
"Komi, hayaan mo na sila!" sabi ng kaibigan ni Komi na natutuwa sa nakikita.
"Mauna na kayo," walang emosyong sabi ni Komi kaya nagtawanan ang mga ito saka iniwan na si Komi.
Lumapit si Komi nang makitang nakipagbuno si Pablo sa lalaki.
"Wag kang makialam dito, Komi!" saway ng lalaki sabay suntok kay Pablo pero nagulat siya nang malakas na sinipa siya ni Komi kaya natumba siya sa tabi ni Pablo.
Nandilim na rin ang paningin ni Pablo kaya hindi na niya alam ang ginagawa lalo na nang mahawakan niya ang natapong kutsilyo ng lalaki.
"Pablo, tama na!" sigaw ni Komi sabay hila sa kapatid palayo sa lalaking sinasaksak nito. "Ano ba, Pablo? Gago ka talaga!"
Natigilan si Pablo at nanigas ang buong katawan nang makita ang duguang katawan ng lalaki.
"S-Shit!" usal ni Pablo na nabitiwan ang hawak na punyal nang bumalik na ang ulirat.
"Kyaaaah!" malakas na tili ng babae sabay takbo nang makita ang eksena. "Tulong! Tulong! Pulis!"
"N-Napatay ko siya," wika ni Pablo na hindi alam ang gagawin. Narinig niya ang takbuhan ng mga tao palapit sa kanila.
"Umalis ka na," mahinang sabi ni Komi saka lumuhod at dinampot ang kutsilyo saka hinawakan ang sugat ng lalaki para pigilan ang pagdugo nito.
"K-Komi, hindi ko-"
"Wala kang pakialam kung anong ginawa ko sa kanya!" malakas na sigaw ni Komi kaya natigilan ang mga tao sa paglapit sa kanila. "Gusto mo siyang tulungan? Sige! Tulungan mo siya!" Sigaw ni Komi at tumayo sabay sipa sa kanang paa ni Pablo kaya napaluhod si Pablo at napatukod ang mga kamay niya sa duguang katawan ng lalaki.
"K-Komi," mahinang usal ni Pablo na hindi alam ang gagawin. Takot na takot siya sa kasalanang nagawa.
"Kung hindi ka sana lumaban, eh di sana hindi mo 'yan natikman!" nakangising sabi ni Komi habang nakatingin sa lalaki saka humarap sa mga taong may takot sa mga mata. Binitiwan ni Komi ang hawak na kutsiyo saka itinaas ang mga kamay nang dumating ang mga pulis na saktong napadaan at narinig ang pagsisigaw ng babae.
Agad na sinaklolohan nila ang duguang lalaki para dalhin sa pinakamalapit na hospital habang si Komi ay pinusasan ng mga pulis.
"K-Komi," tanging usal ni Pablo na nabalot ng takot ang buong pagkatao habang nakatingin kay Komi na kinaladkad ng mga pulis.