31
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Morning," bati ni France nang imulat ni Danica ang mga mata.
"FâFrance," usal niya sabay talukbong ng kumot pero hinatak ito ni France para makita ang mukha niya. "Eh? Ang pangit ko. Di pa ako nakahilamos."
"Maja-judge mo ang kagandahan ng isang tao kapag bago siyang gising," ani France. "Bangon na, handa na ang breakfast."
Napasulyap siya sa wallclock, pasado alas nuwebe na pala.
Inabot niya ang roba saka isinuot at tumayo. "Maliligo lang ako."
"Okay pero hindi ka uuwi sa inyo ngayon."
"Ha? Bakit?"
"May pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Somewhere."
"Saan nga, France?"
"Iloilo," sagot ng binata. "Birthday ng lola ko at lastday na ni Paris dito dahil balik na sila ni Princess sa Madrid."
"Ay, babalik na sila?"
"Ba't malungkot ka?" tanong ni France.
"Ha? Syempre mabait naman si Princess. Ikaw ba, hindi ka nalulungkot?"
"Mas masaya kapag bumalik na sila sa Madrid!" sagot ng binata.
"Kakambal mo naman si Paris, hindi mo ba siya mami-miss?"
"Nakakapagod sa isip kapag makita ko siya araw-araw," sagot ng binata. "Ligo ka na, alis na tayo."
"Naka-book ka na ng ticket?"
"Chopper tayo."
"Ha? May chopper kayo?"
"Dalawa lang," sagot ng binata kaya namilog ang mga mata ni Danica. "Haist. Maligo ka na tapos kain na tayo."
"Okay," aniya saka tumungo sa shower room dahil excited na makasakay sa chopper.
Nang makapaligo na siya, kumain na sila ng breakfast.
Kinuha ni Danica ang cellphone para tingnan kung may tumawag o nag-chat pero agad na inagaw ni France.
"No cellphone ka muna this weekend," sabi ni France.
"Ha? Titingnan ko lang kungâ"
"Can we live na wala kang hawak na cellphone? Yung tayong dalawa lang? No internet, no gadgets? Kahit two days lang?" pakiusap ni France saka inilagay sa bulsa ang cellphone ni Danica. "Sa akin muna 'to. Pagbalik natin, you can have it, okay?"
"Baka tatawag sina Papa at Mama."
"I have my phone, na-chat ko na sila na pinapaayos pa natin ang phone mo so kung may emergency, sa akin sila kokontak."
"Ang daya mo!" nakasimangot na sabi niya.
"Galit ka ba kapag hingin ko na sa akin muna ang oras at atensyon mo kahit two days lang?"
Napaisip si Danica. Parang iba yata ang ikinikilos ni France ngayon. Basta! Hindi niya maintindihan.
"Magkasama naman tayo sa bahay, France."
"Iba pa rin kapag may bonding tayo," depensa ni France. "To develop rapport."
Natawa si Danica. "Sige na nga! Pero ibalik mo 'yan sa akin pagbalik natin ha."
"Sure," nakangiting sagot ni France. "Kain na, bagong luto 'to lahat."
Nakakatuwa lang dahil marunong silang magluto lalo na si France na lumaking mayaman.
Pagkatapos nilang kumain, tumungo sila sa mansion ng mga Villafuerte at doon na sumakay sa helipad.
Firstime niyang tumuntong sa mansion ng mga Villafuerte kaya parang dream came true sa kanya na makapasok sa ganito ka mala-mansion na bahay. Sobrang laki at lawak tapos ang mga gamit, milyon pa ang halaga.
Medyo kinabahan siya habang nakasakay sa chopper pero hawak naman ni France ang kamay niya.
Paglapag sa Lambunao Iloilo, agad silang sinalubong ng mga kamag-anak. Nandito na rin si Paris kasama ang mga pinsan.
"Lola Tasha!" bati ni France at niyakap ang lola.
"Oh my gosh! I'm so old na talaga," naiiyak na sabi ni Tasha. "Grabe, bilis ng panahon. Imagine, may apo na kami ni Ethan! Parang kailan lang, ang topic pa namin ay presyong tanga pero heto ngayon, gosh! May binatang apo na kami!"
"La, si Danica po pala, girlfriend ko," pagpakilala ni Ethan.
"Hello po, magandang araw po," magalang na bati ni Danica saka nag-bless kay Tasha.
"Hello. Nako, gandang bata," puri ni Tasha. "Pasok kayo. Alam mo na ang room ninyo, France."
"Yes po, Lola. Ako na ho ang bahala," sagot ni France at inakay si Danica papasok ng mansion.
Halos nandito ang pamilya ni France sa father side. Nandito rin ang pinsan ng dad niyang sina Kaitlyn at ang Villafuerte na si Orange.
"Hi," bati ni Orange nang lumapit sa kanila.
"Tito Orange," bati ni France. "Si Danica ho pala, fiancée ko."
"Hi," nakangiting bati ni Kaitlyn at nakipagbeso-beso kay Danica. "Pinikot ka ba ni France?"
"Hindi ah," todo tanggi ni France. "Tita Kaitlyn naman."
"Secret marriage din tayo noon kaya pinikot mo lang din ako," biro ni Orange.
"Kapal!" ani Kaitlyn saka humarap sa dalawa. "Sige, lovebirds. Maiwan na muna namin kayo."
"Sige po, tita," ani France saka inakbayan ang kasintahan.
"Huwag mo kong iwan," natatakot na sabi ni Danica sabay hawak sa kamay ni France dahil sobrang yaman ng mga bisita. Alam niyang mayaman sina France pero yung ganito kayaman para silang mga reyna at hari kung tingna sa kilos, pananalita at pananamit. Nakakapanliit. Ngayon siya sinampal ng katotohanan kung gaano sila kaliit sa lipunan.
"Wala naman akong balak na iwan ka," wika ni France sabay hapit sa bewang ng dalaga. "Magsasama tayo hanggang habambuhay."
Iniwas ni Danica ang mga mata. Hirap kiligin sa maraming tao.
"Tara, lunch na tayo. Ang daming lechon," yaya ni France nang makaramdam ng gutom. Yung birthday party na para bang piesta lang at invited ang lahat ng tao sa buong barangay. Infairness naman, ang dami ngang tao sa labas na halatang hindi kasing level ng mga Gonzales at Villafuerte. Ang iba ay empleyado sa kompanya at tauhan sa farm nila.
"Picture tayo, guys!" sabi ni Paris nang lumapit sa dalawa. Kasama nito ang birthday celebrant.
"Come here," bulong ni France sabay hapit sa bewang ni Danica at ngumiti sa camera. Walang choice si Danica kundi makipag-picture.
"Tayong tatlo naman, pakita ko lang kay Mommy," sabi ni Paris nang iwan sila ng lola.
"Okay," pagpayag ni France saka inakbayan si Danica.
"Sige na, maiwan ko na kayo," paalam ni Paris.
"Send mo 'yong pic sa akin," sabi ni France.
"Ayaw ko nga!" tanggi ni Paris pero napangiti nang makitang sumalubong ang kilay ng kakambal. "Joke lang. Syempre ise-send ko na sa 'yo ngayon. Alam ko naman naânevermind."
Hindi naman na-OP si Danica dahil never siyang iniwan ni France. Pero pansin niya, puro asaran lang ang topic ng mga ito. Walang tanong-tanong sa mga yaman. May mga mahihirap na nakisalamuha sa labas pero never nilang tinaasan ng kilay. Mas inasikaso pa nga ang mga ito.
Nanatili sila sa Lambunao matapos ihatid si Paris sa Sta Barbara airport habang ang ibang pamilya ay umuwi na.
"Tara, langoy tayo," yaya ni Danica nang lumapit sa binatang nagbabalat ng orange sa gilid ng pool.
"Sige lang," ani France saka sinubuan ang dalagang nasa harapan. "Matamis?"
"Yeah," sagot ng dalaga. Bumaba si France sa pool saka hinapit sa bewang si Danica at hinagkan sa mga labi.
"Not bad," ani France.
"Hey, makita tayo ng mga katulong."
"Pakialam nila? Fiancée naman kita."
Napangiti si Danica. Natutuwa siya sa mga ikinikilos ni France ngayon lalo na't ipinakilala siya sa pamilya nito bilang fiancée. Feeling tuloy niya part na siya ng family.
"Tara!" yaya ni France sabay hila sa dalaga sa malalim na part ng swimming pool.
Nang mapagod ay umahon na sila at nagbihis.
"Dito na tayo matulog, tamad akong umuwi," sabi ni France. "Bukas na lang ng umaga tayo umuwi."
"Ikaw ang bahala basta hindi lang tayo ma-late kasi Monday," pagpayag ng dalaga.
Kinabukasan, maaga pa silang nagpahatid sa chopper. Mula sa mansion ng mga Villafuerte, dumiretso na sila sa SJU.
"Dito na lang ako," sabi ni Danica nang malapit na sa school.
"Ano ba ang ikinakahiya mo?"
"France, may fiancée ka tapos makikita nila na magkasama tayo," paliwanag niya.
"Oh? Ikaw naman ang fiancée ko," sabi ni France habang nagmamaneho pero walang balak na ibaba ang dalaga.
"Haist! Hindi mo ako naintindihan. Ayaw ko ng issue dahil kapag malaman nila na ako ang fiancée mo, kung ano na naman ang sasabihin nila. Pagod na ako. Imagine lastime yung picture namin ni Komi. Syempre magkapatid sila ni Pablo tapos ngayon naman ikaw na kaibigan ni Pablo. Gets mo 'ko?" paliwanag niya. Hirap kaya kapag malaman nila lalo na nina Jean at Paula. Nakakatamad idepensa ang sarili lalo na't target siya noon ng mga ito.
"Gets ko naman," sabi ni France saka pinakita ang ID sa security guard kaya pinapasok siya nito.
"Haist! Pero pinapasok mo pa rin ako rito," nakasimangot na sabi niya.
"Wala namang masama," sabi ni France. "Konti pa lang ang estudyante kaya okay lang."
"Kahit na. Isa o dalawa ang makakita, mabilis lang 'yon kumalat, ano!"
"Cellphone mo," sabi ni France nang makapag-park.
"Ay, oo nga pala. Thanks," pasalat niya at kinuha. Tinanggal muna niya ang seatbelt saka dali-daling lumabas at naglakad palayo. Nang sa tingin niya ay safe na siya sa issue kay France, dali-dali niyang binuksan ang cellphone. Hirap talaga kapag two days na walang cellphone pero worth it naman dahil nasulit nila ang oras na magkasama.
Pagbukas niya ng password, sunod-sunod na ang notifications na natanggap niya.
"Hoy, Danica!" patiling tawag ni Bia kaya napatigil siya sa pagbukas ng messages.
"Hello, Bia."
"Uy, masaya ah! Kumusta naman ang trip to Iloilo?" nakangiting tanong ni Bia.
"Ha? Paano mo nalaman na nagpa-Iloilo ako?" tanong niya dahil hindi naman siya nakapag-chat dito. Napansin din niya na parang iba ang tingin sa kanya ng mga estudyanteng nakakasalubong nila.
"Tingin mo sa akin, tanga?" ani Bia. "Lagi ko kayang hawak ang phone ko. Alam mo na, nakikitsismis. Ano na? Kumusta na ang family ni France? Binully ka ba nila? Mukhang close ka na talaga sa mga Gonzales ah. Sana all!"
"Ha?" hindi niya maintindihan si Bia pero naisip niya na baka ipinaalam ni France sa mama niya na pumunta sila ng Iloilo kaya doon nalaman ni Bia. "Okay naman sila, mababait naman."
"So, paano 'yan? Alam na ng lahat na ikaw ang fiancée ni France, ready ka na ba?" tanong ni Bia.
"Alam?" takang tanong niya. "PâPaano?"
"Kunwari ka pa!
Tumigil si Danica saka hinarap si Bia.
"Hindi kita maintindihan, Bia. Anong alam ng lahat?"
"Hindi ba pinost ni France sa Insta niya?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Bia.
"Pinost?" bulalas niya.
"Hindi mo alam?"
Nanginginig ang kamay na tiningnan niya ang cellphone. Sobrang dami ng notifications niya lalo na sa Instagram. Halos mawalan siya ng malay nang makita ang mga naka-tag sa kanya na post ni France. Yung sa Iloilo na party at kahit 'yung lumalangoy siya sa pool at habang nasa chopper sila. Napalunok siya ng laway sa mga caption ng post ni France na halos lahat ay may word na "my fiancée."
"Oh ghad!" sabi niya na hindi alam ang gagawin kaya napahawak na lang sa kamay ni Bia para kumuha ng suporta. "Bia! Anong gagawin ko?"
"Hala. Malay ko. Paanong hindi mo alam eh, magkasama kayo?"
"Kinuha niya ang cellphone ko," naiiyak na sabi niya. Kaya pala bawal daw muna siyang cellphone, may ginagawa palang kalokohan.
"Hmm? Ano kayang nasa isip niya kung bakit ka niya pinost, no? Ayieeee... Love na siya ni France," tukso ni Bia. "Sana all na lang pero can't wait sa reaction ng mga friends mo kuno."
"NâNagulat talaga ako, Bia. As in!"
"Hmm? Isa lang ang ibig sabihin niyan," sabi ni Bia.
"Ano?"
"Love ka na niya tapos malapit na ang ending ninyo."
"Tigilan mo nga ako!" saway niya. "Hindi naman niya sinabi na mahal niya ako."
"Hindi sinabi pero pinangalandakan na engaged na kayo," ani Bia. "Tanga lang ang maniniwalang hindi ka niya love."
"Eh, hindi nga niya sinabi. Ayaw kong mag-assume."
"Kasi kapag nga inamin niya, wala na. Finish na. Ending na, ganern!" giit ni Bia.
Napabuntonghininga si Danica habang papasok sila sa classroom. Samu't sari ang emosyong nararamdaman niya pero nandoon ang tuwa kasi si France mismo ang nag-post. Nandoon din ang pangamba dahil issue na naman.
"Danica!" tawag ni Jean kasama si Paula na palapit sa kanila. "Kailan pa kayo ni France?"
"Oh, heto na pala ang mannequin mong friends," sabat ni Bia kaya hinarap siya ni Jean.
"Talaga! Magaganda kasi kami!" proud na sabi ni Paula.
"Yeah, pretty nga pero just like mannequins, plastic kayo!" sabi ni Bia.
"Ugh! Umagang-umaga, namba-badtrip ka, Bia!" ani Jean.
"Hmp!" ani Bia saka pumunta sa upuan.
"Danica, ano yung sa inyo ni France?" tanong ni Paula.
"Ayaw ko munang pag-usapan, please lang," pakiusap ng dalaga at naupo. Hindi siya handa! Para siyang hinagisan ng bomba sa balita. Si France kasi, wala namang sinabi na i-upload pala nito ang pictures nila.
Habang nasa klase, lutang siya kaya hindi siya makapag-concentrate.
Lunchtime, pansin niyang umiwas sina Paula sa kanya kaya sumama siya kay Bia sa canteen.
"Feeling ko ako ang topic ng lahat," bulong niya kay Bia dahil parang sa kanya nakatingin ang mga tao habang nagkikwentuhan.
"Dedma basta ang mahalaga sa 'yo si France," sabi ni Bia at tinuro ang bakanteng mesa.
Naupo sila at nagsimulang kumain.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang palapit sina France sa table nila.
"Bia! Bilisan mong kumain!"
"Wag ka ngang OA," saway ni Bia. Naupo si France sa tabi niya saka hinawakan ang isang kamay na nasa ilalim ng table.
"FâFrance, marami ang tao," bulong niya.
"So?" tanong ng binata at pinagmasdan si Danica.
"Kumain ka na ba?"
"Kakatapos lang," sagot ni France.
"Wag mo nga akong tingnan!" saway niya.
"Ayoko nang kumain, maiwan ko na muna kayo," paalam ni Bia saka tumayo.
"Hey! Biaâ" tatayo sana siya para sundan ang kaibigan pero napigilan siya ni France. "Bakit mo pinost ang pictures natin?" mahinang tanong niya.
"Bakit? May problema ba kung i-post ko?"
"France, akala ko ba hindi muna natin ipaalam?"
"Ano ba ang masama kung i-post ko?" tanong ni France.
"Daya mo! Akala ko ba walang cellphone?"
"Di naman ako nagce-cellphone. Saglit lang naman ang mag-upload. Hey, galit ka?"
"Ewan ko sa 'yo!" sabi niya saka iniwas ang tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sabay na tayo umuwi mamaya ha," sabi ni France.
"Hindi kita maintindihan," ani Danica.
"Gusto ko ng freedom."
"Freedom pero ipinaalam mo na. Saan ang freedom doon?"
"Freedom of speech and freedom ofâ" hindi na niya alam ang idurugtong niya. "Basta! Ayokong isipin ang ibang tao. We are happy. Yun ang mahalaga."
Masaya nga ba sila? Hindi rin iyon masagot ng dalaga. Hindi naman kasi umaamin si France.
Nang matapos siyang kumain, hinatid siya ni France sa classroom nila.
"Kaya ko namang maglakad mag-isa," sabi niya.
"Hindi naman kita binubuhat ah," ani France.
"France," aniya saka tumigil. "Please, ayaw kong masanay sa ganito dahil baka darating ang araw na hanap-hanapin ko 'to."
"Yun nga ang purpose," ani France. "Na masanay ka na."
"Hindi kita maintindihan, France."
"I know," sabi ni France saka kinurot ang kanang pisngi niya saka ngumiti. "Alis na 'ko. Chat mo 'ko kapag uwian na."
Halatang iniiwasan na siya nina Paula at Jean. Wala namang choice si Liza kundi makisama sa mga ito.
"Mamaya na tayo umuwi, nood muna tayo ng Volleyball," sabi ni Bia.
"Ha? May volleyball ba ngayon? Women ba?,"
"Oo ah. Sige na."
Ayun, nanood muna ang dalawa. Ang daming estudyante pero nakahanap sila ng pwesto at mauupuan.
"Uy, sina France," bulong ni Bia nang makitang palapit sina France, Jannah, Gian at Pablo sa kanila.
"Hi," bati ni France saka tumayo sa likuran ni Danica at niyakap ito.
"France," saway niya peeo tila bingi ang binata.
"Manonood din muna kami," bulong ng binata na malapit sa tainga niya.
"Clingy mo!" ani Pablo.
"May Jannah ka naman diyan!" ani France. "Mind your own business."
"Grabe! Ganyan ka pala ka clingy," hindi makapaniwalang sabi ni Gian.
"I'm tired," sabi ni France kaya kailangan nyang yakapin si Danica dahil feeling niya ay nawawala ang pagod niya.
Masayang nagche-cheer sina Danica, Bia at Jannah habang nanonood.
"May tubig kayo?" tanong ni Gian dahil breaktime pa muna.
"Wala.Tara, bili tayo?" yaya ni Jannah.
"Uy, Danica! Danica!" tili ni Bia habang kinakalabit ang kaibigan. Lahat ng tao ay nag-ingay habang napalingon sa kanila.
"Ano angâ" nanlaki ang mga mata ni Danica nang makita sa big screen na naka-focus ang camera sa kanila ni France habang nakayakap ito sa bewang niya kaya agad siyang humarap kay France para tumalikod sa camera. "Oh, ghad! France!"
Ngumiti lang si France.
"France, any message sa fiancée mo?" tanong ng emcee kaya nagsimulang mag-ingay ang paligid.
Itinaas ni France ang kanang kamay with a sign symbol. Ang middle and ring finger ay nakababa habang ang index, thumb and little finger naman ay nakatayo.
Napatingala si Danica sa kamay ni France.
"Rock 'N roll," pabulong na sabi ni Danica sa handsign ni France pero gigil na pinisil ni France ang ilong niya.
"I love you," pagtama ni France kaya natigilan ang dalaga. Sobrang ingay ng paligid dahil nababasa ng mga ito ang bibig ni France kahit na hindi nila naririnig ang sinabi.
"Shuta! Ang cheesy mo!" ani Gian sabay tulak kay France kaya napayakap ito kay Danica.
"Kyaaaah! Sana all!" tili ni Bia na tinutulak din si Danica para mas lalong dumikit kay France.
"HâHindi ko na kaya!" bulong ni Danica na walang nagawa kundi isubsob ang mukha sa malapad na dibdib ng binata para pagtakpan ang pamumula ng pisngi at isa pa, sobrang kinikilig siya! Bakit ganito si France today? Parang natamaan ng milyong pana ni Kupido? Ibang-iba sa France na nakilala niya. Natigilan siya at dahan-dahang tumingala sa binata.
"Wait, did you confess?" tanong ni Pablo.
"Yes," sagot ni France habang nakatitig kay Danica.
"FâFrance," usal ni Danica pero napapikit ang mga mata nang halikan siya ni France sa mga labi.
"Di na kayang pigilan ng bibig ko," sabi ni France.
"Ang?" tanong ni Danica.
"Na sabihing mahal kita," sagot ni France na walang pakialam kung marinig sila ng mga nasa paligid.
Napakagat sa ibabang labi si Danica para pigilan ang mga luha. Kung panaginip lang ito, sana 'wag na syang magising. Ganito pala ang feeling kapag mahal ka ng mahal mo, para kang nasa cloud 9.