Back
/ 35
Chapter 31

30

'Til it Lust (R-18)

Unedited....

"Condolence," sabi ni France nang magkita sila ni Pablo.

"Thanks pero hindi pa rin ako makapaniwala kasi ang lakas pa niya nang huli kaming magkita though naka-oxygen na siya."

"Hiram lang din ang buhay," sabi ni France. "Kumusta si Komi?"

"Hindi pa kami nagkita mula kahapon," sagot ni Pablo.

"For sure nasasaktan siya," ani Gian. "Hindi naman sa ano pero siya kasi ang pinakamalapit sa lola ninyo at ngayong wala na si Lola Anita, for sure nahihirapan siya lalo na't wala naman siyang kakampi sa pamilya ninyo."

"Wala namang umaayaw sa kanya," sabi ni Pablo.

"Ang daddy ninyo, syempre!" sabi ni France. "Buti hindi ganyan si Daddy sa amin ni Paris."

"Hindi ko rin si Dad maintindihan. Afterall, kasalanan naman niya kung bakit nabuo si Komi."

"Bisita kami mamaya sa inyo," sabi ni France. "After ng klase."

"Isama mo si Danica?" tanong ni Gian.

"Oo, bakit?"

"Handa ka na bang i-open siya in public?" seryosong tanong ni Pablo.

"What do you mean?" takang tanong ni France.

"Kasi kung hindi ka handa, I advice na 'wag mo na lang siyang ipakilala sa ibang tao. Hindi mo naman siya mahal kaya mas okay na tahimik na muna kayo. Saka mo na siya ipakilala kapag sigurado ka nang mahal mo siya," suhestiyon ni France.

"Hindi kita maintindihan. Anong mali kapag malaman nila na fiancée ko siya?"

"Ang ibig sabihin ni Pablo, hindi ka naman sure sa kanya na mahal mo siya kaya 'wag mo na muna siyang kaladkarin in public kasi mabu-bully lang siya. Bakit mo siya ipakilala kung hindi mo naman siya mahal?" paliwanag ni Gian.

"Mahal ko siya o hindi, fiancée ko na siya."

"Fiancée mo siya pero iisipin lang ng mga tao na wala siyang halaga sa 'yo maliban sa title na fiancée mo."

"Anong walang halaga? May iba pa ba ako maliban sa kanya? Wala naman ah."

"Tigilan mo 'ko, France. Kung aminin mong mahal mo na siya, kami pa mismo ang tutulong sa 'yo na ipaalam sa lahat," sabi ni Gian kaya natahimik na lang si France.

"Ewan ko sa inyo!" sabi ni France na napatingin sa cellphone.Chinat niya si Danica pero hindi ito nag-reply kaya napasimangot siya.

"Talagang hindi ka inlove," ani Gian na sinilip ang chat ni France.

"Chismoso!" sabi ni France.

Nang dumating ang guro, nagsitahimik na sila.

Lunchtime, saka niya nabasa ang reply ni Danica na nasa labas daw ito kasama si Pierce na magla-lunch.

"Kainis!" bulong ni France.

"Bakit?" tanong ni Gian.

"Nasa labas si Pierce, kasama si Danica! Tara, kain tayo."

"Alis na muna ako, susunduin namin si Lola Anita."

"Saan ang burol?" tanong ni Gian.

"Sa bahay," sagot ni Pablo.

"Akala ko ba sa bahay niya?" tanong ni Gian.

"Ayaw pumayag ni Daddy kaya sa bahay na namin," sagot ni Pablo kahit na nag-request ang lola niya na kapag mamatay, sa bahay nito iburol pero sa huli, ang ama pa rin niya ang masusunod.

"Tara, samahan na kita," sabi ni Gian. "Ikaw, France?"

"Dadalaw na lang kami mamayang gabi ni Danica," sagot ni France. "Sige na, maiwan ko na muna kayo."

Dali-dali siyang tumungo sa restaurant.

"France! Tol!" tawag ni Princess na kumakaway sa kanya.

Wala sa mood na lumapit si France sa kanila saka naupo sa tabi ni Danica.

"Kumain ka na?" tanong ng dalaga.

"Kaninang madaling araw pa," sagot ni France kaya pasimpleng kinurot siya ni Danica.

"Mag-order ka na ng kakainin mo," sabi ni Danica.

"Magkano ka ba?" tanong ni France sabay akbay sa dalaga.

"Corny mo!" salubong ang kilay na sabi ni Pierce.

"Pwede bang 'wag kang makialam, Princess?" ani France.

"Nakakabwesit ka na, France ha! Pierce na 'yong pangalan ko!"

"Princes, Princess, Princess!" giit ni France na nakipagtitigan dito. Bata pa lang, alam na ni Princess ang mga gusto niya sa paglaki kaya naging ka-vibes sila ni France pero dahil babae pa rin siya, hindi maiwasang kaya rin niyang makipagsabayan kay Paris kaya naging malapit din siya rito.

"Ano ba ang problema mo, ha?" tanong ni Princess. "Suntukan oh!"

"Hindi ako pumapatol sa babae," sagot ni France saka yumuko at marahang kinagat ang makinis na balikat ni Danica.

"France," mahinang saway ni Danica dahil sobrang daming tao at hindi mapigilang may mapatingin sa kanila pero bago pa man, may mga nakatingin na sa kanya dahil kay Pierce. Ang gwapo kasi talaga nito tingnan at ang babyface pa.

Tinawag ni France ang waiter at nag-order.

"Danica, di ba nangako kang ibibigay mo ang number mo sa akin?" sabi ni Pierce.

"Ehem!" tikhim ni France. "Wala siyang ipinangako at para ano pa na hingin mo ang number niya? Kung may kailangan ka, ako ang ikontak mo!" sabat ni France.

"May mga bagay na kailangan babae sa babae ang pag-uusap," sabi ni Pierce. "Right, Danica?"

"Akala ko ba lalaki ka?" sabi ni France. "Ah, kung sabagay may matres ka rin pala tapos nagme-mens ka rin."

"Hoy, ang bastos mo na France ah!" pikong sabi ni Pierce.

"What? Totoo naman ah," depensa ni France. "Hindi ba?"

"As if! Kaya ko namang paligayahin si Danica."

"Sorry, mas lamang pa rin ako," taas noong sabi ni France.

"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?" hindi maka-relate na tanong ni Danica habang nagkatitigan ang dalawang kasama na para bang mamaya ay magtatapunan na ng apoy.

"Gusto ka kasi niya," sabi ni France.

"Oh? Eh ano naman?" ani Pierce.

"Fiancée ko siya!" ani France.

"Hindi naman kayo kasal!"

"Kasal o hindi, she's already mine!" sabi ni France. "Humanap ka ng iba!"

"Ayoko nga!" tanggi ni Pierce. "Danica, magpapa-opera ako para sa 'yo."

Napangiwi si Danica. "Nakaka-flatter naman na gusto mo ako, Pierce."

"Hmm? Kung una mo akong nakilala, may chance ba ako sa 'yo, Danica?" tanong ni Pierce.

"Anong tanong 'yan? Kumain ka na nga, kulang sa protina ang utak mo eh!" saway ni France.

"Ano, Danica? May pag-asa ba ako, ha? Pasagutin mo kasi si Danica. Sabat ka nang sabat eh."

"Hmm? Pogi ka naman," pag-amin ni Danica. As in gwapo talaga ito at mas makinis pa ang mukha sa kanya eh. Kulang nga lang ang height dahil sanay siya sa matatangkad gaya nina France at Pablo. "Pwede. Baka."

Napangiti si Pierce sa sagot ni Danica habang si France naman ay napasimangot.

"See? May chance ako kay Danica!" proud na sabi ni Pierce.

"May chance o wala, ang point is akin na siya!" may pag-angking sabi ni France. "Humanap ka ng sa 'yo!"

"Akin ka na lang, Danica!"

"Hampasin kita riyan eh!" pagbabanta ni France kaya napangiti si Danica.

"By the way, pwede bang matulog ako sa bahay ninyo?" tanong ni Pierce.

"No!" agad na sagot ni France. "Banned ka na sa building namin."

"Grabe ka!" ani Pierce.

"Akala ko ba gusto mo siyang matulog sa atin?" sabat ni Danica pero pinisil ni France ang balikat niya.

"Hindi na. Di ba ayaw mo naman siyang matulog sa atin?" baliktanong ni France. "Isa pa, magkatabi na tayo sa kama kapag matulog kaya okay na."

Gustong matawa ni Danica kasi ayaw talaga niyang matulog sa kanila si Princess noon dahil hindi pa niya ito nakilala nang personal.

"Arte!" inis na sabi ni Princess saka pinagpatuloy ang pagkain.

Nagsimula na ring kumain si France nang dumating ang pagkaing in-order niya.

Pagkatapos kumain, umalis na rin si Pierce dahil sa pagtataboy ni France.

"Hatid na kita sa classroom ninyo," sabi ni France.

"Wag na. Ayaw ko ng issue."

"Nakita na nila tayo kaya okay lang 'yan."

"France," aniya nang hawakan ni France ang kamay niya. "Bitiwan mo 'ko, baka kung ano pa ang isipin nila."

"Wala akong pakialam," sabi ni France pero napasimangot nang mahatak ni Danica ang kamay nito. "Fine! Sabay na lang tayo kahit walang holdinghands basta ihahatid kita!" pamimilit niya kaya walang nagawa si Danica.

"Dito na lang ako, France," sabi niya.

"Punta tayo kina Pablo mamaya, bisitahin natin ang lola niya."

"Okay," pagpayag ni Danica.

"Bye," paalam ni France na hahalikan sana sa pisngi ang dalaga pero agad itong lumayo at iniwan siya.

"Danica, bakit magkasama kayo ni France?" tanong ni Paula nang lumapit siya sa mga ito.

"Wala lang, nakasabayan ko lang siya sa pagpasok," sagot niya. "Bakit?"

"Nanliligaw ba sa 'yo si France?" tanong ni Jean.

"Bakit n'yo naman natanong?" tanong ng dalaga. "Di ba may fiancée na siya?"

Napaisip ang dalawa. Kung sabagay, ano naman kung si France ang nakatabi ni Danica eh may fiancée na si France? For sure naman hindi papayag ang pamilya ni France na si Danica ang papakasalan nito pero yung mga gamit ni Danica, mula sa Villafuerte.

"Danica, pakopya naman ng notes mo kahapon," pakiusap ni Bia nang lumapit sa kanila.

"Sure," pagpayag ng dalaga saka kinuha ang notebook sa bag pero napahawak sa likod.

"Sakit ng likod ko," daing niya dahil yata 'to sa pinaggawa sa kanya ni France kagabi. Kung ano-anong posisyon ang pinagawa sa kanya kaya sumakit ang likod niya pagkatapos.

"Bakit? Anyare sa 'yo?" tanong ni Jean.

"Kaka-backstub n'yo siguro," sabat ni Bia kaya kulang na lang ay lamunin siya ng buhay ng mga ito.

"Ito na ang notebook ko," sabi ni Danica na pigil na pigil sa pagtawa. Mami-miss talaga niya si Bia kapag uuwi na ito ng probinsya.

"Para kang gaga, Bia!" inis na sabi ni Jean saka iniwan sila.

"Baliw ka talaga," pabulong na sabi ni Danica.

"Wag ka kasing paapi! Change mo na 'yong pagiging weak character mo ha. Nakakabwesit na minsan!"

"Okay," nakangiting sabi ni Danica.

Nang hapon, palabas na siya nang sumabay sa kanya si France.

"Sabay ka na sa akin."

"Magje-jeep na lang ako."

"Iisang bahay lang tayo umuuwi, Danica."

"Ssssh, marinig ka nila."

"Kasalanan ba na sabay tayo?"

"Eh kasi-"

"Sasabay ka o pilitin pa kita?"

"Kainis ka!" nakasimangot na sabi ni Danica.

"Hmm? Reklamo ka riyan, mamaya-" hindi na niya tinuloy ang sasabihin saka napangiti na lang.

"Ano?"

"Gusto mo ba talagang sabihin ko?" pilyong sabi ni France. "Nagugutom ako."

"Nevermind!" ani Danica saka inirapan ang binata.

Pagdating sa parking lot, agad siyang sumakay sa sasakyan ni France.

"Para kang magnanakaw," napailing na sabi ni France nang maupo sa driver's seat saka nagmaneho patungo sa unit nila para makapagpalit at mag-dinner muna.

Alas siyete ng gabi, pumunta sila sa bahay nina Pablo para makipaglamay.

"Condolence," sabi ni France sabay bigay ng bulaklak na pinabili niya kaninang umaga sa katulong ng pamilya.

"Ikaw ba ang anak ni Elias?" tanong ni Mara.

"Yes po," sagot ni France. "By the way, fiancée ko po pala." pagpakilala niya kay Danica sa ibang bisita na halos ka edad lang din ng mga magulang nila.

"Good evening po," magalang at nahihiyang bati ng dalaga.

"Fiancée?" gulat na tanong ni Mara dahil sa pagkakaalam niya, niligawan din si Danica ng anak nila.

"Yes po," sagot ni France.

"Hmm, okay. Bagay kayo," sabi ni Ted dahil mas pabor siya kay Jannah kaysa sa kay Danica. Syempre business pa rin dapat ang unahin nila at isa pa, malapit na si Jannah sa kanila.

"Paano mo siya naging fiancé, hija?" tanong ni Mara. "If you don't mind." Kasi last month lang, naikwento pa ni Pablo na tuloy pa rin ang panliligaw nito kay Danica.

"Main reason kung bakit po natin pinapakasalan ang isang tao," si France na ang sumagot sabay ngiti. Inappropriate ang tanong kaya ganun din ang sinagot niya.

"Sige, maupo na kayo. May kape at snacks kung gusto ninyong kumain," sabi ni Ted at inakay na ang asawa palayo.

"Tara na, maupo tayo," yaya ni France saka naupo sa tabi ni Gian, Pablo at Jannah.

"Pablo, saan si Komi?" tanong ng babaeng palapit sa kanila.

"Excuse me, do I know you?" tanong ni Pablo.

"Oh, I'm Bianca," pagpakilala nito sabay lahad ng kamay. "Girlfriend ni Komi."

"Ah, girlfriend na pala si Komi," ani Gian.

"Hindi ko alam kung saan siya. Hanapin mo lang," sagot ni Pablo.

"Okay, thanks," pasalamat nito saka umalis na.

"Siya ba ang fiancée ni Komi?" tanong ni Jannah.

"No," sagot ni Pablo.

"Mukhang mas pogi si Komi sa 'yo ah, maraming babae eh," biro ni Gian.

"Hindi naman kasi ako mapaglaro," sagot ni Pablo. Isa pa, kailangan din niyang ingatan ang pangalan para sa ama.

"Pero mukhang ang strong ng personality ni Girl," puna ni Danica.

"Strong din naman si Komi," ani Jannah.

"Gela," tawag ni France sa babaeng dumaan sa kanila.

"France!" bulalas nito nang makilala. "Hi."

"Long time no see," ani France at tumayo saka nakipagkamay sa dalaga.

"Oo nga," nakangiting sabi ng dalaga na ang hinhin kumilos. Family friend ito mula sa Villafuerte na ngayon ay naninirahan sa Japan. Nag-iisang anak din kaya sunod sa layaw pero mapagkumbaba at hindi tumitingin sa estado ng buhay kung makipagkaibigan. "Friends mo?"

"Yeah. Sina Pablo, Gian at Jannah," pagpakilala niya saka humarap kay Danica. "Fiancée ko pala, si Danica."

"Oh, may fiancée ka rin pala," wika ni Gela. "Kilala ko na si Pablo, kapatid ni Komi."

"Marami namang kakilala si Komi," puna ni Gian.

"Siya ang fiancée ni Komi," sabi ni Pablo.

"Oh, really?" ani Jannah na hindi makapaniwala.

"Swerte naman ni Komi," hindi na napigilang sabihin ni Gian pero ngumiti lang si Gela.

"Maiwan ko na kayo," paalam ni Gela saka umalis na.

"Siya ba talaga ang fiancée ni Komi? Ganda naman!" puri ni Gian.

"Inggit ka?" tanong ni Jannah.

"Hindi naman. Masyado siyang maganda para kay Komi," honest na sagot ni Gian.

"Gwapo naman si Komi kung hindi badboy ang image niya," depensa ni Danica. Konting ayos lang kay Komi at tanggalin ang hikaw at bisyo plus mga barkada, marami talaga ang magkakagusto rito.

"Gusto mo?" tanong ni France saka naupo sa tabi ni Danica.

"Hindi ah," sagot ni Danica.

"Subukan mo lang," ani France.

"Masyado kang selo-" agad niyang naitikom ang bibig. Baka isipin ni France na nananaginip lang siya.

"Eh di seloso na kung seloso," ani France. "Basta wala kang pwedeng hangaan kundi ako lang."

"Possesive 'yan?" natatawang tanong ni Jannah.

"Kadiri!" ani Gian.

"Bawal ka ma-inlove, Gian ha!" pagbabanta ni France.

-------------

Todo sigaw at suporta si Danica kay France habang nagrarampa sa gitna. Ang dami ring kinikilig dito lalo na sa swimwear competition.

"Oh my ghad! France!" tili ng nasa likod nila.

"Akin ka na lang!" sigaw ng isa.

"Yummy!"

Nagtilian ang sa paligid nang lumabas si France.

"Sheyt! Daks talaga si France!" bulalas ng baklang nasa likuran nila.

"Halata naman," sabi ng kasama.

"Sarap magpaburda!" biro ng katabi nito.

Hindi kumibo si Danica. Ayan na naman siya na feeling blessed kasi nakikita, nahawakan at natikman niya ang pinapangarap ng iba. Ngayong lumabas si France, parang ayaw na niyang sumali pa ulit ito sa pageant.

"Woah! Kakambal ko 'yan!" tili ni Paris. Ito talaga ang rason kung bakit siya umuwi ng Pilipinas para suportahan ang kakambal.

"Etits lang naman ang lamang sa akin eh!" sabi ni Pierce kaya natawa si Danica. Ganda lang ng bardagulan ng dalawa. Ang tapang din ni Pierce dahil ayaw magpatalo.

Nag-enjoy sila ngayong gabi hanggang sa tinawag na ang announcement. Kagaya ng inaasahan, pasok sa top 3 si France pero naging first runner up lang ito.

Ayaw rin nitong manalo at kapag siya ang mananalo, hindi na siya mag-represent ng department nila dahil stressed na ito at hindi talaga mahilig sa pageant. Napilitan lang siya ngayon dahil sa mga kaibigan.

"Franceee!" tili ng iba nang mga manonood.

Nang makoronahan, agad na umakyat sina Pablo at Gian para i-congratulate si France.

"France, may gusto ka bang pasalamatan?" tanong ng emcee sabay bigay kay France ng mic.

"Ah, thank you sa kaibigan at kakambal ko na umuwi pa para suportahan ako, sa mga friends, classmates and family ko, thank you sa lahat," pasalamat ni France saka hinanap ng mga mata si Danica sa audience. "And of course, sa fiancée ko. Thank you, kita tayo sa bahay mamaya."

"Oh, mag fiancée ka na?" gulat na tanong ng emcee.

"Yeah," sagot ni France saka napangiti.

"Is she hear?"

"Yes," sagot ni France kaya biglang nag-ingay ang buong paligid.

"Pwede bang umakyat siya sa stage?" tanong ng emcee.

"Gago, tol! Ipapahamak mo si Danica," bulong ni Pablo.

"Nahihiya siya," sagot ni France nang makitang umiling si Danica.

"Pwede ba naming malaman ang name ng fiancée ng nag-iisang France Gonzales?" curious na tanong ng emcee kaya agad na hinatak nina Pablo at Gian si France palayo sa mic.

"Mag-isip ka nga, France! Oras na malaman nila, kailangang panindigan mo si Danica in public!" ani Gian.

"Siguraduhin mong wag siyang ma-bully at dapat mahal mo talaga siya kapag i-announce mo ha!" sabi ni Pablo.

Kukunin na sana ni France ang mic pero inilayo ni Pablo ang mic.

"Miss, hindi tama na pag-usapan 'yan ngayon," sabi ni Pablo sabay pigil kay France para mahawakan ang mic.

"Okay, guys! Let's ask sa winner natin," pag-iiba ng emcee dahil takot lang niya sa magbarkada.

"Ano ba ang problema n'yo?" pikong tanong ni France.

"Mahal mo ba si Danica?" seryosong tanong ni Pablo. "Kung hindi, the 'wag mong i-announce ang relasyon ninyo."

"Eh gusto ko pakialam ninyo?" pikong tanong niya.

"Basta bawal mo pang ipaalam sa lahat kapag hindi ka naman siguradong mahal mo siya!" pagbabawal ni Pablo.

Napabuntonghininga si France dahil wala nga siyang laban sa dalawa at hindi talaga siya papayagang ipaalam ang relasyon nila ni Danica.

Pagkatapos ay hinanap niya si Danica pero nakauwi na raw ito dahil masama ang pakiramdam ni Bia.

"Hatid mo 'ko," sabi ni Paris na nakapulupot ang kamay sa kakambal kata napagkamalang siya ng iba ba siya ang fiancée ni France.

"Gian!" tawag ni France. "Hatid mo nga si Paris."

"Okay," pagpayag ni Gian dahil madadanan niya ang hotel na tinutuluyan ni Paris.

"Tamad mo!" reklamo ni Paris.

Nagmamadaling umuwi si France para makita si Danica.

Dahan-dahan siyang pumasok nang makitang nasa kusina ito at iniinit sa kawali ang natirang ulam. Kinuha niya ang picture saka kinuhaan ng litrato ang dalaga habang naka-sideview sa kanya.

"Oh, France!" wika ni Danica nang lumingon. "Dito ka na pala. Nagutom ako eh. Congrats."

"Thank you," pasalamat ni France. "Gusto ko na ring kumain."

"Tara, mainit na 'to," sabi ni Danica saka pinatay ang stove saka nilagay sa mangkok ang ulam at inihain sa mesa. "Magbihis ka na."

"Mamaya na, gusto ko munang kumain," sabi ni France at naupo sa mesa.

"Okay, let's eat," yaya ng dalaga at  naupo.

"Danica, picture tayo," sabi ni France.

"Ha?" aniya. Wala pa silang litratong magkasama kaya nanibago siya. "Pangit ko."

"Ako rin," ani France. "Selfie tayo. Dali na, remembrance ngayong gabi kasi nanalo ako kahit na first place lang."

"Sige na nga," pagpayag ng dalaga at tumingin sa camera at ngumiti. "Patingin."

"Here."

Wala naman siyang reklamo at hinayaan na si France na i-save ang picture nila. Pagkatapos nilang kumain, si France na ang nagligpit.

"Mauna ka na sa shower," sabi ni France kaya tumalima na ang dalaga.

Pagpasok ni France, nasa shower room pa si Danica kaya kinuha ni France ang cellphone at tiningnan ang litrato nila. Napangiti siya dahil pareho silang sweet at medyo dumikit pa si Danica sa kanya.

Pumunta siya sa Instagram account niya saka in-upload ang dalawang litrato. Ang isa ay naka-sideview si Danica habang nasa harap ng kawali at ang isa ay dalawa na sila.

"Late dinner with my beloved fiancée," bulong niya habang nilalagay ang caption saka ini-tag si Danica. Pinalitan na muna niya ang account privacy at ginawang public saka in-upload.

Share This Chapter