Back
/ 35
Chapter 30

29

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Sana all happy," wika ni Bia kaya napatingin si Danica sa kanya.

"Hello, Bia. Morning!"

"Hmm? Masaya ang umaga ah. Full charge?"

"Hey!" ani Danica. "Oh, ba't may white roses ka?"

"Ah, ito ba? Pinapabigay ni Komi sa lola niya. Mamayang gabi pa raw siya makakapunta," sagot ni Bia.

"Hmm? Baka para talaga sa 'yo 'yan?"

"Di a. Palagi naman siyang may pinapabigay na white roses sa lola niya."

"Sus. Binigyan ka rin naman niya, 'di ba?"

"Sus. Sobra lang 'yon sa ginawa niya kaysa itapon, binigay niya sa akin bilang pasalamat."

"What if may gusto si Komi sa 'yo?"

"As if! Dumating na ang fiancée niya at maganda talaga."

"Ha? Talaga?"

"Oo, at sobrang bait pa."

"Sus, selos ka?"

"Tigilan mo 'ko, hindi kami bagay. Ayaw kong magkaroon ng devil na father-in-law! Tahimik na ako sa buhay ko."

"Bakit ba ayaw mo kay Komi?"

"Hindi naman kami close at pera lang ang pagtrabaho ko sa kanila. Nakakaipon na rin kami ni Nanay kaya baka next year, lilipat na kami ng probinsya."

"Hala! Iiwan mo na ako?"

"Oo pero bago 'yun, gusto kong ma-witness yung pag-amin ni France na mahal ka niya."

"Baliw!"

"Kasi kapag aamin siya, ibig sabihin, tapos na ang kwento mo. Trust me. They live happily ever after na 'yon."

"Do you really believe na nasa pelikula o pocketbook character ako?" natatawang sabi ni Danica.

Dinukot ni Bia ang happy sa bulsa.

"Nasa Wattpad ka, trust me. Yung ganitong character, nasa Wattpad ka talaga."

"Adik ka. Eh di sa Wattpad ka rin," natatawang sabi ni Danica. "Hala ka, ikaw na 'yong next," biro niya.

"Yuck! Tapos mababasa ng tao 'yong sex life ko. Ew! Okay na ako sa supporting role. Yung bff ng bida. Gusto ko ng tahimik na buhay kaya yung pag-alis ko, exit ko na 'yon sa story mo," natatawang sabi ni Bia. Minsan, isip-bata na rin talaga siya tapos naadik na rin sa kakabasa ng Wattpad kaya lahat na lang, ini-imagine niyang nasa Wattpad story. "Kaya ikaw, kahit hindi mo aminin, for sure marami nang nakakaalam ng pinaggagawa ninyo ni France kapag kayong dalawa lang."

"Hoy! Tigilan mo 'ko!" saway ni Danica na uminit ang magkabilang pisngi. Syempre secret lang nila ni France 'yon.

"Gusto mo ng happy?" tanong ni Bia.

"Thanks," pasalamat niya at kinuha ang isa. "Stop ka na ng happy kasi dumadami ang tigyawat mo."

"Oo na!" sabi ni Bia. "Sa susunod, pretty na ako kapag mawala ang tigyawat ko."

"Kahit may pimples ka, pretty ka pa rin. Tara na sa classroom."

"Oh, di ba 'yan ang bag ni binili ng fiancée ni France?" tanong ni Paula nang ilapag ni Danica ang bagong bag.

"Oo nga, ano?" sabi ni Jean.

"Ah, ito ba? Class A lang 'to," sabi ni Danica na wala namang pakialam kung ma label as Class A ang mga gamit.

"Imitation?" ulit ni Liza saka tiningnan ang bag. "No, it's not."

"Pero limited lang 'yan," nagtatakang sabi ni Paula. "At yung isa nabili na ng fiancée ni France kahapon."

"Oh, really?" ani Liza.

"Yes," sabi ni Jean.

"Patingin ulit ng fiancée ni France," sabi ni Liza. "May photo ka pa ba?"

"Wait," sabi ni Paula saka hinanap sa Gallery yung stolen shot niya sa hotel. "Here oh."

"Ugh!" ani Liza. "I remember na. She's not his fiancée."

"What? Not his fiancée?" nagtatakang tanong ni Paula.

"Yeah, she's his twin sister," sabi ni Liza nang maalala dahil minsan na siyang nanood ng Milan fashion week at naging special guests ang kambal.

"What? Seriously?" tanong ni Jean.

"Yeah," ani Liza saka kinuha ang Instagram at pinakita ang account ni Paris na ilan lang ang na-upload.

"Magkambal nga sila," ani Jean. "Pero bakit kailangan niyang mag-pretend?"

"She's clever," ani Liza. "My friends told me na ayaw niyang may lumalapit na babae sa kakambal niya."

"So, ibig sabihin wala talagang fiancée si France?" ani Paula.

"Maybe," ani Liza. "Who knows?"

"Pero paano ka nagkaroon ng bag na 'yan?" curious na tanong ni Jean kay Danica.

"Ah, ito ba? Imitation lang talaga 'to tapos may ganito na ako sa bahay kaya kahapon, tiningnan ko yung naka-display to look kung ano ang difference kasi pareho talaga."

"I see," sabi ni Paula saka naupo na.

Nang matapos ang klase, niyaya ni Paula si Jean na samahan siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Jean.

"Do you really believe na fake ang bag ni Danica?"

"What do you mean? Na original 'yon?"

"Possible," ani Paula.

"Eh? Paano naman siya nagkakaroon ng bag?"

"Mostly ng gamit niya, Trevi. Mula sa damit at bags."

"So?"

"It all started after ng sa resort," ani Paula kaya natigilan si Jean. "Kahapon, sabi ni Paris ibibigay nya sa sister-in-law niya ang bag and now, gamit na ni Danica."

Napatutop ng bibig si Jean.

"Hala, possible kayang si Danica ang—wait! How?"

"Hindi kaya si France talaga ang nakasama niya ng gabing iyon?" tanong ni Paula. "Kasi wala namang issue na sa kanila ni Komi."

"Oh ghad!" ani Jean. "Wait! Ask natin si Komi. Tawagan mo."

"Okay," ani Paula saka tinawagan si Komi. Nasa billiaran daw ito kaya pinuntahan nila.

"What brought you here?" tanong ni Komi na tumigil sa ginagawa para kausapin sila.

"Totoo ba ang litratong binigay mo sa amin o photoshopped?"

Sumindi si Komi ng sigarilyo saka hinithit ito.

"What do you think?" nakangising tanong ni Komi.

"We need an answer, Komi!" napapadyak na sabi ni Jean kaya nagbabaga ang mga matang hinarap siya ni Komi.

"Nasa teritoryo ko kayo kaya wag ninyong ipakita sa akin ang pagiging spoiled brat ninyo!" ani Komi sabay buga ng usok sa dalawa. "Sino kayo para control-in ako?"

"Gusto lang naming malaman ang totoo, Komi," mahinahong sabi ni Paula sabay tingin sa paligid. Ang ingay ng mga barkada ni Komi habang naglalaro at naninigarilyo.

"She's not the one na pwede pa ninyong i-offend," ani Komi.

"Si F—France ba ang nakatabi  niya nang gabing iyon at hindi ikaw?" usisa ni Jean.

"Komi!" masiglang sabi ng babaeng lumapit sa binata saka niyakap ito pero agad na tinulak ni Komi.

"Bakit nandito ka, Bianca?"

"Sino sila?" tanong ng dalagang tinawag niyang Bianca.

"Wala ka na roon!"

"Sino na namang cheap na babaeng 'to?" tanong ni Jean sabay tingin sa babaeng kaharap.

"Girlfriend ni Komi, bakit?" matapang na tanong ni Bianca.

"How cheap!" sabi ni Jean saka hinila na si Paula para lumayo dahil baka kung ano pa ang gawin ni Komi sa kanila.

"Hmp! Babae mo?" tanong ni Bianca sabay pulupot ng kamay sa braso ni Komi.

"Bakit nandito ka?"

"Masama bang puntahan ko ang boyfriend ko?"

"Bianca, itigil na natin 'to. Hindi kita type!" sabi ni Komi.

"Hindi mo 'ko type pero ikinama mo?"

"Ginusto mo naman!" sabi ni Komi. Lasing siya at pariwara talaga ang buhay niya kaya kung sino-sino na lang ang pinapatulan niya kapag lumapit sa kanya.

"Ginusto kasi mahal kita."

"Oh ghad! Hindi nga kita gusto at ikakasal na ako."

"Ikakasal?" ulit ni Bianca na sinadya pang pumunta rito sa SJU para lang makita ang binata. "Sinasabi mo lang 'yan para lumayo ako."

"Seryoso ako. Maganda siya, sext at mula sa mayamang pamilya kaya ang layo mo sa kanya. Kalimutan na lang natin ang nangyari sa atin. Wait, magkano ba ang gusto mo?"

"Ikaw ang gusto ko!"

"Pota naman!" pikong sabi ni Komi. Ito na nga ba ang sinasabi niya, na may maghabol na babae. "Look! Hindi ako mabait at wala akong balak na magkapamilya o magkaasa! Nagsasayang ka lang ng oras sa isang kagaya ko."

"Darating ang araw na magiging akin ka rin, Komi!"

"Mahal ko ang fiancée ko," pagsisinungaling ni Komi kaya natigilan si Bianca. "Umalis ka na!"

Tinalikuran ni Komi si Bianca saka lumapit sa barkada.

"Kinukulit ka pa rin ba ng babaeng 'yun?" tanong ng kaibigan.

"Psh! Baliw 'yon! Titigil din siya!" sabi ni Komi saka muling nagsindi ng sigarilyo.

Maghapon siyang tumambay sa billiaran dahil tinatamad siyang pumasok. Nang alas kwatro, umuwi siya sa bahay nila ng Lola Anita niya. Tumungo siya sa hardin na puno ng puting rosas. Bumalim sa tanaw niya ang eksena nila ng lola Anita niya habang nagtatanim ito ng mga rosas habang siya ay naglalaro.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang lola.

"La, punta ako mamaya. Ano ang gusto mong pasalubong?"

"Y—Yung mga rosas ko, a—alagaan mo," bilin ng lola Anita niya.

"Ah, okay. Magdadala ako ulit," sabi niya saka tinapos ang tawag at kumuha ng tatlong puting rosas.

"Sir Komi, aalis ka ba?" tanong ng katulong.

"Yes po. Kakain lang ako, Ate. Pakiinit na lang po ng ulam dahil hindi pa ako nakakain," pakiusap niya na agad namang tumalima ang katulong.

Nang matapos kumain, nagmaneho na siya patungo sa hospital.

Bitbit ang tatlong puting rosas, pumasok siya sa hospital pero napansin niya ang mga local reporters na nakikiusap sa security guards pero ayaw papasukin.

Napailing siya. Baka may celebrity na na-ospital kaya nandito sila.

"Oh," aniya dahil nasa labas ang bodyguards ng ama. "Nasa loob si Congressman?"

"Sir," magalang na sabi ng bodyguard saka yumuko sa kanya. "Condolence ho."

Napakunot ang noo niya. Bumukas ang pinto at iniluwa si Ted kasama si Marang namumugto ang mga mata.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Ted.

"Nandito ka nga, ako pa kaya?" sagot niya na biglang kinabahan. "A—Anong nangyari kay Lola?"

"Umalis ka na muna, Komi. Maraming reporters sa labas!" utos ng ama.

"Gusto kong makita ang lola ko!" giit niya.

"Hindi ka ba makikinig sa akin, Komi?"

"Lahat ng gusto mo ginagawa ko pero hindi pagdating sa lola ko!" madiing sagot ni Komi na papasok na sana pero hinarangan ng dalawang bodyguard. "Umalis kayo kung ayaw ninyong mapilitan akong lumaban sa inyo!"

"Umalis ka na, Komi!" pagtataboy ni Ted.

"T—Ted, papasukin mo na si Komi," malumanay na pakiusap ni Mara.

"Let him, Pa," sabi ni Pablo nang lumabas.

"Pati ba naman ikaw, Pablo?" tanong ni Ted. "Lalaban ka na sa akin?"

"Yes!" matapang na sagot ni Pablo. "Hindi lang tayo ang may karapatan kay Lola at for sure, iyon ang gusto ni Lola na mangyari, ang makita siya!"

"A—Anong nangyari sa kanya?" kinakabahang tanong ni Komi sabay tulak sa dalawang bodyguards at pumasok sa silid.

Natigilan siya nang makita ang kama. Natatakpan ng puting kumot ang lola niya habang si Bia ay tahimik na umiiyak sa gilid.

"B—Bakit mo tinatakpan ng kumot si Lola, Bia?" galit na sabi niya habang mabigat ang mga paang lumalapit kay Lola Anita. Nanlalamig ang buo niyang katawan pero wala siyang maisip. Nasa ibayong mundo ang ulirat niya. "Hindi siya makahinga!"

"K—Komi..." luhaang sabi ng dalaga.

"L—La," tawag ni Komi na nanginginig ang kamay habang binababa ang puting kumot para makita ang mukha ni Lola Anita. Napakagat siya sa nanginginig na kamao habang tumutulo ang mga luha. "G—Gising na, la," pukaw niya saka pinahidan ang mga luha tapos ngumiti. "Wag ka ngang matulog! H—Here oh." Hinawakan niya ang malamig na kamay ng lola niya saka pinisil at pinahawak ang tatlong puting rosas. "Y—Yung paborito mong bulaklak." Kinuha niya ang isa inilapit sa ilong ng matanda. "Di ba mabango?"

Walang tugon mula sa lola kaya kinuha niya ang oxygen mask saka ikinabit sa ilong ng lola niya. "H—Hindi mo na naman nilagay 'tong oxygen mo t—tapos magrereklamo ka na naman mamaya na  nahihirapang huminga! I—Ikaw talagang matanda ka! Nagiging ulyanin ka na."

Hinila niya ang upuan saka naupo at mahigpit na hinawakan ang kamay ng lola saka dinala sa mga labi at hinalikan saka niyakap. "H—Hey. Di ba gusto mo nang umuwi? P—Paano naman 'yung mga bulaklak mo? Tinatamad akong diligan kaya ikaw na magdilig nun 'pag lumabas ka ha."

Lumapit si Bia sa binata saka tinapik ito sa balikat.

"K—Komi, ikaw ang hinahanap niya kanina b—bago . . . bago siya—"

"Shutup!" sigaw ni Komi saka hinarap si Bia pero agad naman itong natauhan nang makita ang takot sa mga mata ng dalaga. Muli siyang humarap sa lola saka hinaplos ang mukha. "L—La, naalala mo pa ba noong bata pa ako? Di b—ba palagi mong sinasabing hindi mo ako iiwan?"

Napakagat sa ibabang labi si Bia habang nakikinig lang sa sinasabi ni Komi. Ang rupok ng mga luha niya ngayon. Siya nga na tigabantay lang, labis na nasasaktan, si Komi pa kaya?

"L—La, gising na, lola," pakiusap niya. "T—Tama na 'yong pagpahinga mo, imulat mo na y—yung mga mata mo."

Humagulgol si Komi sa pag-iyak nang ma-realize na kahit na anong gawin niya, hindi na gigising ang lola niya. Hagulgol na ilang taon na ang nakalipas pero ngayon na lang ulit niya nagawa. Ang totoo, sobrang hina niya ngayon. Para siyang nasa bakbakan at biglang nawalan ng lakas kaya nagpatalo na lang sa kalaban. Wala na ang lola niya! Iniwan na siya ng nag-iisang taong umiintindi at nagmamahal sa kanya!

"P—Pati ba naman ikaw, L—Lola, iiwan mo rin pala ako," pabulong na wika niya saka niyakap ang malamig na bangkay ng nag-iisang taong umiintindi sa kanya at tigapagtanggol niya.

Share This Chapter